Gabi na kami dumating ng Manila matapos ang bakasyon namin. Nasa byahe na kami pabalik ng Nueva Ecija nang lingonin ko sila sa likuran namin. Mga tulog na mukhang mga napagod talaga. Naipit pa kami sa traffic ngayon kaya naman mabagal ang pag usad ng sasakyan. Hindi ko naman nakitaan ng pagkainip si Trevor. Napatingin pa ako sa gawi n'ya ngumiti pa s'ya ng magsalubong ang mga paningin namin dalawa. Kinuha n'ya ang kamay ko at dinala sa labi upang halikan. Napangiti pa ako sa kanya habang napapailing masyadong malambing kaya pala ganoon din si Ysha. Ngumuso s'ya at nanghihingi ng halik sa akin tumingin muna sa mga kasamahan namin sa likuran. Baka makita nila kami at iba ang isipin nila lalo't hindi pa namin nasasabi ang tungkol sa relasyon namin. At nang masiguro ko na tulog sila bago ko

