"Mama Helenaaaaaa!" malakas na sigaw ni Ysha. "Baby girl, asan si Tita Jona?" tanong ko. "Kasama po ni Kuya Hale. There...Mama Helena." Turo n'ya pa sa sa dagat. Tumango tango naman ako. Saka ko tinanaw sila na naliligo. "Let's go baby girl. Let's swim. Papa will take care of dyan. Diba sir?" ani ko pa. Sinamaan pa ako ng tingin ni Trevor dahil sa pinagagawa ko sa kanya. Hinahawakan ko na ang kamay ni Ysha at masaya kaming naglakad papunta kina Jordan at Hale. Masaya kaming naligo pero hindi ko hinayaan na lumayo sina Ysha at Hale kahit pa marunong silang lumangoy. Nang magsawa ako nagpaalam muna ako na iinom lang muna. Naglakad ako papunta sa pwesto ni Sir Trevor. Wala si Nanay naglilibot libot sa bilihan ng mga souvenir. Umupo ako sa tabi n'ya inabot naman n'ya sa akin ang tuwal

