"Hoyyyy! Helenaaa! Sinungaling ka!" Sigaw ng babae sa akin. Kaya naman agad akong nag angat ng tingin dito.
"Ibabalik ko na itong, banig na binili ko sa'yo! Akala ko na kasya ang dalawampung katao d'yan? Samantalang sampu lang ang kasya!" Inis pa rin nyang turan.
"Hoyyyyy! Minerva! Paano ako naging sinungaling?Aber? Paano ba kayo matulog?"
Tanong ko pa.
"Paano nga ba Helena? Aba syempre nakahiga!" nanggagalaiti n'ya pang sagot.
"Ikaw ang may kasalanan! Kasya ang dalawapu kung nakatayo kayong matulog! Kaya umalis ka na!" Singhal ko pa. Napanganga pa si Minerva sa sinabi ko.
Sasagot pa sana s'ya ng bigla ko syang layasan.
Hindi marunong magtanong! Tssk!
Maaga akong nakaubos ng Banana que ngayon kaya maghahanap naman ako ng pwede ko pang ibenta. Kaloka tong si Minerva ako pa ngayon ang sinungaling! S'ya tong hindi marunong magtanong!
"Wow! Ang bilis mong nakaubos Helena! Ikaw na talaga ang pinakamagaling kong tindera," puri pa sa akin ni Manang Dita ang kinuhanan ko ng Banana que.
"Sige na Manang, bukas ulit. Una na ako sa inyo maghahanap pa ako ng trabaho."
Habang naglalakad ako para humanap ng ibang trabaho. Nakasalubong ko pa ang kaibigan kong mukhang tarugo.
"Baklang Helena! Saan ang awra mo?" Tanong n'ya sa akin.
"Maghahanap ng bagong pagkakakitaan Jordan, may alam ka ba?"
"Meron bakla! At malaki ang premyo! At pasok na pasok ka sa banga!"
"Punyeta ka! Baka naman maghahanap na naman ng mga masamang espiritu! Naku tigilan mo ako!" Singhal ko pa tatawa tawa naman s'ya sa akin.
"Baklang Helana! May pa kontest si Kap. Pwede kang mag join. Maganda ka naman, medyo bobo nga lang!" Buska n'ya pa sa akin na sinabayan pa ng halakhak.
"Nakakahiya naman sa'yo! Jordan Tigasero! Kaya pala puro palakol ko noon!" Banat ko pa sa kanya.
"Bakla! It's your time to shine! Sumali ka na! Ipapalista na kita! At ang prize twenty thousand!" Pang eengganyo n'ya pa sa akin.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa laki ng premyo. Bahala na. Malaking dagdag din 'yon sa ipon ko.
"Anong kontest ba 'yan? Baka puro kagaguhan 'yan Jordan! Yari ka talaga sa akin!" Banta ko pa sa kanya.
"Beauty kontest bakla! Akong bahala sa mga kailangan mo, rumampa Ka lang!" Nalukot naman ang mukha ko. Dahil sa sinabi ni Jordan. Marami na rin nangungumbinsi sa akin na sumali sa mga pageant na 'yan. Pero tinatanggihan ko. Wala akong time sa mga ganyan gastos lang din.
Mas dadami lang ang mga magnanasa sa alindog ko!
"Ayaw ko! Iba na lang na raket!" Tanggi ko pa.
"Hoy! Baklang Helana! Sayang huh!" Binatukan pa n'ya ako.
"Hindi ko kaya, letse ka!"
"Gaga ka talaga! Kaya mo 'yan!"
"Jordan anong magiging talent ko if ever! Punyemas ka!"
"Ay oo nga, boses fifi ka nga pala! Kung sayaw na lang kaya pero…para ka naman kawayan." panglalait pa sa akin ni Jordan. Kaya naman hindi na ako nakatiis pa, agad kong pinadapo ang kamay ko sa ulo n'ya.
"Walanghiya ka! Parang hindi mo ako kaibigan, kung lait laitin mo ako!" Ani ko pa.
"Bakla! Totoo lang ang sinasabi ko! Pero wag kang mag alala, ako na ang bahala sa talent mo," sabi pa n'ya.
Malakas na sigawan ng mga kalalakihan ng mag simula na kaming lumabas habang suot ang napili namin swimsuit. Napili kong isuot ang isang pula na one piece na pinatungan ko ng maong na short. Nakangisi pa ako dahil sa nakita kong disappointment sa mga lalaking laway na laway sa akin. Anong akala n'yo tumama kayo sa lotto! Hindi n'yo to matitikman!
Habang narampa muntik pa akong matalisod. Alam kong sinadya ni Melanie 'yon. Nakita ko pa ang ngisi n'ya. Habang naglalakad. Matagal ng may inggit sa akin ang hipon na 'yon. Humanda ka sa akin mamaya, bulong ko pa.
"Baklang Helana! Galingan mo. Araw-araw naman tayong nag practice para sa talent mo! Yakang yaka mo yan!" Cheer pa ni Jordan sa akin.
Naglakad na ako papunta ng entablo na suot ang gutay gutay na damit at puro uling ang buong katawan. Wala akong choice ito lang ang pwede kong maging talent. Nagtawanan pa ang mga nanonood.
Nag simula na akong umaarte na parang babaeng baliw.
"Basiliooo! Crispinnn! Mga pinsannnnn ko! Nasaan na kayoooo? Malakas ko pang sigaw.
Nagtaka naman ako kung bakit nagtawanan ang mga tao. Nakita ko pang napasabunot sa sariling buhok si Jordan sa may gilid. Nang matapos ang akting ko kaagad akong bumalik sa backstage.
"Lintek ka Helena! Anong pinsan? Anak mo sila! Maloloka ako sa'yo!" Turan pa ni Jordan.
"Hoy Jordan! Tigilan mo ako! Mali ang kwento na nabasa mo! Ang totoo talaga nyan hindi si Sisa ang Nanay nila! Magpinsan talaga sila!" Katwiran ko pa.
"Ewan ko sa'yo letse ka!" saka ako tinalikuran ni Jordan para ihanda ang susuotin ko na gown sa Q&A portion.
Mag Nanay ba sila? Tanong ko pa sa isip. Naku! Bahala sila wala akong pakialam! Kahit ano pa ang relasyon nila. Kahit pa mag Tiyahin sila!
Huling rampa na namin kaya naman nagpagalingan na kami. Habang umuusal ako ng panalangin na sana, wag Mathematics ang itanong sa akin. Nagulat pa ako ng yapakan ni Melanie ang dulo ng gown ko. Tinignan ko s'ya ng masama at nagpatay malisya lang s'ya.
Kanina ka pa huh! Lagot ka sa akin ngayon! Kaya naman hinila ko ang gown ko, na syang naging dahilan para ma out of balance s'ya. Dinig ko pa ang kantiyawan ng mga tao dahil sa pagkakaupo n'ya sa gitna ng entablado. Dinilaan ko pa s'ya saka ako nagmadaling maglakad palayo. Don't me!
"Good evening, candidate number 9. Ms Helena Magnaya," bati ng judge sa akin.
"Good evening too sir," nakangiti ko pang bati. Kahit pa nanlalamig ako sa nerbyos.
"Are you ready for the question?" Tanong n'ya.
"Yes sir," kimi kong sagot.
Tangina english pa yata ang tanong. Mura ko pa sa isip.
"Here's your question, candidate number 9. Sa palagay mo kung, may karapat dapat na manalo ngayong gabi, sino? At bakit?" Tanong n'ya, para naman akong nakaahon sa kumunoy ng magsalita s'ya ng tagalog.
"Thank you sir, for that wonderful question." pa english ko pang sagot.
"Kung may mananalo man ngayong gabi, walang iba kundi ako sir, bakit pa ako, sumali kung, mga kalaban ko lang ang pipiliin ko! And I thank you!"