"Papa ,wake up! Papa, late na po! Late na po ako sa school." Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang tawag ni Ysha nakatayo s'ya sa harapan ko, habang naka krus ang mgaabraso.
"What time na ba, Baby ko? " inaantok ko pang tanong sa kanya.
"5:am na po Papa," sagot pa nya sakin, gusto kong himatayin sa anak ko. Alas siete pa ang simula ng klase n'ya masyado yatang advance. At kinder pa lang siya.
"Baby ko, naman ang aga pa. Ikaw, ba ang magbubukas ng school nyo? Papa, will sleep again okay? Go back to your room. Mag-sleep ka ulit," ani ko pa.
"Pero Papa, baka ma late ako," maktol pa n'ya sa akin.
"Baby ko, ang lapit ng school mo si Papa, ang bahala sige na. Si Nanay Linda, nga tulog pa nauna ka pa sa kanya."
"Ysha Rein, go back to your room now," utos ko pang muli. Nagpapadyak naman syang lumabas ng kwarto ko.
Muli akong nahiga, habang napapailing. Hindi rin excited ang Anak ko. Mahirap maging single Dad. Tapos ganito ang anak mo. Tatanda ka ng maaga. Hindi ko alam kung paano ko papalakihin si Ysha, kung walang tulong ni Nanay Linda. Simula ng mamatay si Ysabel ako na ang naging Nanay at Tatay ng anak ko. Na grabe ang pagka-matured mag-isip. Lahat yata ng bagay may paliwanag ang anak ko.
Bumalik ako sa pagtulog ayaw ko nang alalahanin ang masakit na pangyayari sa buhay ko at sa anak ko.
Papaaaaaaa!" Malakas na na sigaw ng anak ko. Kaya naman napabalikwas ako ng bangon.
"What?" nakamulagat ko pang tanong.
"We're late na po." kKakamot- kamot pa ito ng ulo. Kaya naman tinignan ko ang orasan. Alas siete na ng umaga napahaba pala ang tulog ko.
"f**k!" mura ko pa para naman akong natauhan bigla nang tignan ako ng masama ni Ysha.
"Sorry, baby," b alanganin ko pang ngiti.
"Papa! Hurry up!"
Kaya naman halos takbohin ko papunta ng toilet. Naghilamos at toothbrush lang ako. Mabilis rin akong kumuha ng t-shirt.
"Baby ko… kumain ka na ba?"
"Yes po, Papa. I prepared cereal and milk."
"Nanay Linda, can't make breakfast today. Kasi po masakit daw ang legs n'ya, Papa."
Paliwanag pa n'ya sa akin. Sinabihan ko na si Nanay na kumuha ng mag- aalaga kay Ysha. Madalas na rin kasi syang atakihin ng rayuma.
"Let's go!" Hawak kamay pa kaming lumabas ng kwarto ko.
"Papa, you know what? I think teacher Jacel likes you," nakasimangot pa nyang sabi sa akin. Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan.
Natawa naman ako, masyadong selosa ang Anak ko.
"How did you know? Baby ko?" usisa ko pa sa kanya.
"Because Papa, she always asks you. And also Papa, she also asks your phone number. Sometimes I feel naiinis." sumbong pa n'ya
"Why, anak? She looks nice naman. I think she's pretty too," sagot ko pa na kinataas ng kilay ng anak ko. Simple pa akong natawa dahil sa reaction n'ya. Ayaw ni Ysha sa mga maarte na babae. Kaya lahat ng fling ko puro patago.At sigurado akong aawayin ako ng anak ko.
"I don't like her, Papa, please find someone prettier and sexier than Teacher Jacel," nakasimangot pa rin s'ya.
Kinurot ko s'ya sa pisngi marahan ko pang ginulo ang buhok n'ya.
"Don't worry, Baby ko. Hindi hahanap si Papa, ng iba. Enough ka na kaya wag mong isipin 'yon.
Go na, late ka na. I love you, Baby ko,"
"I love you, Papa." Humalik pa s'ya sa pisngi ko.
Tinanaw ko lang s'ya papasok ng gate, hanggang sa hindi ko na s'ya matanaw. Umalis na rin ako.
"Good morning, Architect Trevor," bati ni Sky.
"Good morning, Architect Sky," ganting bati ko pa sa kanya ng makarating ako ng site.
"How's my inaanak?" tanong n'ya.
Tumawa muna ako ng mahina bago ko sumenyas ng thumbs down.
Natawa pa ng malakas si Sky, alam n'ya rin na masyadong mapili ang anak ko. Pagdating sa magiging karelasyon ko.
"Kill! Architect Trevor!" Buska n'ya pa, nagkibit balikat pa ako.
Sa sobrang busy ko, hindi ko namalayan ang oras. s**t! Kanina pa naghihintay ang anak ko, ako kasi ang sumusundo sa kanya sa school.
Mabilis akong nagpaalam kay Sky para sunduin si Ysha.
Hindi nga ako nagkamali nasa labas na nga s'ya. Mabilis akong pumarada sa harap n'ya
Pero himala yata, hindi mainit ang ulo ng Anak ko, kahit pa late na ako.
"Baby ko…" Tawag ko pa sa kanya napalingon naman s'ya saka ngumiti sa akin.
"Papaaa!" Mabilis syang tumakbo papunta sa sasakyan.
"Careful!" Sigaw ko pa. Mukhang energetic ang anak ko.
"I'm sorry, Baby ko, late si Papa," hinalikan ko pa s'ya sa pisngi. Saka ko sinuotan ng seatbelt.
"It's okay, Papa. May kasama naman ako kanina. Kaya, hindi po ako nainip." nakangiti n'ya pang sabi. Kumunot naman ang noo ko at parang hindi ako makapaniwala.
Very aloof ang Anak ko sa ibang tao, hindi rin s'ya mahilig makipag usap lalo na pag hindi n'ya kilala.
"Who?" tanong ko pa. Habang nagmamaneho pauwi sa bahay. Kailangan ko pang bumalik sa site. After ko syang maihatid
"I don't know her, name po. Papa, you know what? She has curly long hair like mine. She's pretty and sexy also. I like her, more than Teacher Jacel," nakangiti n'ya pang kwento sa akin. Sino naman kaya 'yon? Tanong ko pa sa isip.
"Saan mo s'ya nakilala? Teacher din ba s'ya? Or Mom ng classmates mo?" Tanong ko pa.
"Nope Papa, She's a vendor of Banana que." nakita ko pang binuksan n'ya ang bag at may kinuha sya sa loob nito. Saka n'ya pinakita sa akin ang sinasabi nyang pagkain. Natakot naman ako, baka may nakalagay sa pagkain. Kagaya ng mga ginagawa ng nga masasamang loob ngayon.
"Baby ko, I told you before diba, wag kang tatangap ng kahit ano galing sa strangers. Saka, saan ka kumuha ng pera?"
tanong ko pa sa kanya habang abala ito sa pagkain ng banana que. Natakam naman ako, mukha kasing masarap. At matagal na rin ng huli akong makakain 'non.
"Papa, she told me, free na lang po kasi maganda raw ako." Bapahagikhik pa s'ya dahil sa sinabihan syang maganda. Umiling iling na lang ako. Naawa naman ako sa vendor, nabawasan pa ang kita n'ya sa pagtitinda.
Hanggang kinagabihin si Ms. Banana que pa rin ang kinukweto n'ya. Kaya naman natatawa na lang si Nanay Linda. Malakas yata ang ang gayuma ni Ms. Banana que. Kaya puro s'ya ang topic ni Ysha na curious rin ako about her. Makilala rin kita sambit ko pa.