"Sure ka ba, dito Jordan? Bakit parang may mali. Anong ginagawa natin dito? Bakit tayo nasa haunted house?" naguguluhan ko pang tanong.
"Baklang Helana, raket 'to!" sagot n'ya pa.
"Saka, teka nga...para saan ang mga bawang at palaspas? Bakla letse ka! Kaya pala dapat magaling akong magdasal!" nainis ko pang reklamo pagiging albularyo pala ang feg ko ngayon.
"Madali lang, ang trabaho natin. Kailangan lang natin, itaboy ang masamang espirito, may five kiyaw na tayo!" sagot n'ya pa sa akin.
"Letse ka! Pati ba naman 'to, pinatos mo!"
"Hoy! Baklang Helena, sayang 'to! Kaya tara na! Wag kang choosy! s**o at pechay lang lamang mo sa akin. Kung si Corazon, nga kaya mong itaboy mo. Ito pa kaya!"
"Si Corazon, alam ko na agad na mangkukulam 'yon! Pero ito hindi ko yata kakayanin! Jordan!"
"Kayang-kaya, mo 'to! Baklang Helena!"
Wala akong nagawa kundi sumama. Naglakad na kami papasok sa lumang bahay. Pagtungtong pa lang ng isa kong paa, parang sasabog na agad ang pantog ko sa kilabot.
"Wala daw, gustong umupa dito. Kaya nagpahanap ng magaling na espiritista si Mrs. Tiburcio," paliwanag pa ni Jordan sa akin.
"Atsaka bakit naman ako, ang naisip mo? Jordan, tangina naman! Baka mauna pa akong matodas nito, kesa kay Aling Ludy," tukoy ko pa, sa pinakamatandang babae na kapitbahay namin.
"Baklang Helana! Kailangan mo ng datung diba? Ito na ang sagot." sabi pa n'ya.
Pero naisip ko nga sayang nga rin 'to pandagdag sa ipon ko. Para makabayad kay Corazon at matubos ko na ang bahay namin.
Kaya mo 'to! Isipin mo five kiyaw pampalakas loob ko pa. Nang makapasok kami sa loob sobrang dilim ng buong kabahayan, Kaya naman nagtayuan agad ang balahibo ko, Sabay pa kaming napasigaw ni Jordan ng umihip ang hangin. At biglang nagsarado ang pinto.
"Shutangina! Jordan! Uurong yata ang mani ko!" nanginginig ko pang reklamo.
"Baklang Helena! Isipin mo ang bayad, galingan mo lang magdasal." Susog pa ni Jordan sa akin.
"Oo na, ito na!" Nag patuloy kami sa paglalakad sa loob ng bahay. At nag umpisang maghagis ng bawang. Nang biglang nag bagsakan ang mga gamit.
Napamura pa ako sa takot, ang hirap kumita ng pera!
"Shutanames! Magsilayas kayong mga masamang espirito, lumipat kayong lahat sa balur ni Corazon!" sigaw ko pa.
Nagpatuloy kami sa paghahagis ng bawang at pagpapalaspas.
Nang biglang magbukas sara, ang lahat ng bintana at pinto. Kaya naman, wala kaming inaksayang panahon mabilis Kaming tumakbo palabas ni Jordan.
Hingal na hingal pa kaming dalawa at pawisan dahil sa takot ng makalabas kami sa loob ng haunted house.
"A-akala ko m-mamamatay na ako! Bwisit ka Jordan!"
"Sorry na...baklang Helena," natatawa nyang sagot.
"Ibang raket ang ibigay mo sa akin! Hindi ganito! Letse ka!"
Tawang-tawa naman si Jordan habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Mrs. Tiburcio.
Nang makarating kami sa bahay n'ya, sinalubong agad kami ng Ginang.
"Ano? Naitaboy nyo ba?" agad nyang tanong.
"Ah...eh... hindi po." sagot ko.
Nawala naman bigla ang ngiti ng matanda dahil sa naging sagot ko. Kumunot pa ang noo n'ya at nagsalubong pa ang kilay.
"Jona, akala ko ba, magaling ang kaibigan mo?" nakakunot noo pa n'yang tanong kay Jordan.
"Mrs. Tiburcio, mas magaling ang mga masamang espirito sa bahay n'yo!" singit ko sa usapan nila.
"Wala akong ibabayad sa inyo, ang usapan dapat mapalayas hindi n'yo naman nagawa!' galit pa nyang sabi.
"Mrs Tiburcio, kahit man lang pambili ng ice water, beke nemen." wika ni Jordan.
"Wala! Wala!" aniya
"Mrs. Tiburcio, try mo ikaw ang magpalayas! Total bahay mo naman 'yon!" singal ko pa sa kanya dahil sa inis sa pag papaalis n'ya sa amin na kahit piso walang binigay!
"Umalis na, kayo!" taboy n'ya pa sa amin.
"Saka, kaya walang gustong umupa sa bahay mo kasi...kasing luma mo! Sana lumipat sila dyan, sa bago mong buhay!" bulalas ko pa.
Namilog naman ang mata nito dahil sa sinabi ko. Magsasalita pa sana s'ya pero mabilis namin syang tinalikuran ni Jordan.
"Baklang Helena, dito na ako," paalam pa ni Jordan, magkaiba kasi kami, ng daan pauwi ng bahay.
"Sige na!"
"Hoy! Baklang Helena, ingat ka huh! Uso ang holdapan ngayon!" paalala pa n'ya sa akin.
"Naku! Jordan, kahit pa sunugin nila ako ngayon,, hindi ako mangangamoy pera!" birong totoo ko pa.
Habang naglalakad ako, pauwi naramdaman ko pa na may nasunod sa akin. Hinayaan ko lang mauna s'ya. Nilagpasan pa ako ng isang lalaki, na naka jacket na itim at nakasuot pa ng salamin.
Maya Maya humarap s'ya sa akin.
"Holdap to!" deklara pa ng lalaki sa harapan ko. Tinignan ko lang s'ya na parang wala akong narinig nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Holdap nga, sabi to!" muli nyang deklara. Tinuro ko pa ang sarili ko, kung ako ba talaga ang gustong holdapin.
"Ako, talaga?" tanong ko pa.
Tumango naman ang lalaki saka nilahad ang kamay sa harapan ko.
"Ibigay mo na! Kung ayaw mong, masaktan!" malakas na sabi pa n'ya.
"Kung, ikaw ang saktan ko!" ani ko pa.
"Miss! Holdap nga 'to!" sigaw n'ya pa ulit.
"Punyeta ka! Hindi na nga ako, binayaran kanina! May gana ka pang holdapin ako!" singhal ko pa sa kanya sabay hablot ko sa suot nyang salamin. Nagkagulatan pa kaming dalawa ng makilala namin ang isat-isa.
Kaklase ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon simula elementarya hanggang highschool.
"Gregorio?" gulat na gulat ko pang tanong sa kanya.
"Helena?" ganting tanong n'ya.
"Walanghiya ka! Kung alam ko lang na magiging holdaper ka! Sana nong nag aaral pa tayo, ni lumpo na kita!" inangat ko pa ang kamay ko para batukan s'ya.
"Aray! Helena, kailangan ko kasi ng pera." paliwanag pa n'ya sa akin.
"May pasabi pasabi ka pa, noon when i grow up. I want to be a policeman, para makatulong sa lipunan! Lintek ka! Ikaw pala ang salot sa lipunan!" Babatukan ko pa sana s'ya ng bigla syang umilag.
"Hindi ko na uulitin, Helena. Wag mo lang akong, isuplong." pakiusap pa n'ya sa akin.
"Sige na! Lumayas ka na! Pag nalaman kong inulit mo 'yan… himas rehas ka!" Banta ko pa sa kanya.
"O-oo, Helena, di na ako uulit pa," sagot pa n'ya. Aalis na sana 'to ng tawagin ko s'ya.
"Baka, may pera ka d'yan?" Tanong ko pa.
"Bente lang, Helena. Pwede na ba 'to?" Sabay dukot sa bulsa.
"Sige! Akina na, pambili rin ng tubig 'yan. Baka naman galing nakaw 'yan?" Nagdududa ko pang tanong.
"Legal 'yan!" Sagot pa nito saka inabot ang bente peso sa akin.
"Hoy! Gregorio! Pag may alam ka na legal raket, sabihin mo ako. Nang may pakinabang ka!" Sigaw ko pa sa kanya. Tumango naman s'ya sa akin saka naglakad palayo.
Habang naglalakad ako pauwi bumili muna ako, ng tinapay sa may bakery, Ito na lang ang kakainin ko ngayon. Si Hale naman pinakain ko na sya kanina, bago ako umalis ng bahay. Nadaanan ko pa ang mga sunog baga kong kapitbahay, na nag iinoman.
Isa na rito ang patay na patay sa alindog ko na si matandang Guido.
"Helena, my loves," bati nito sa akin.
"Hoy, Guido! Tantanan mo ako! Mainit ang ulo ko!" Asik ko pa sa kanya.
"Helena, kailan mo ba tatanggapin, ang pag ibig ko sa'yo?" Tanong pa n'ya, gusto ko pang masuka dahil dito.
"Guido! Ang fresh ng pechay, tapos peste lang ang makikinabang! Bibili na lang ako ng Asin kay Sabeng. At buburuhin ko 'to!" Bulalas ko pa.
Nagtawanan naman ang iba kong kapitbahay.
"Guido, humanap ka na lang ng iba. Hindi mo kakayanin 'yan si Helena," narinig ko pang sabi ni Tatay Roger. Mababait naman ang kapitbahay ko maaasahan ko rin sila sa pagtingin sa bahay ko at kay Hale kapag umaalis ako.
Pumasok na ako sa loob ng bahay, tinignan ko muna si Hale sa kwarto. Nakita ko naman na abala ito, sa pagsagot ng mga assignment n'ya. Kaya hindi na n'ya ako napansin.
"Hale…" mahinang tawag ko. Kaagad naman syang nag angat ng tingin.
"Ate!" Nakangiti pa syang tumayo para yumakap sa akin.
"Tapos mo, na ba ang assignment mo?" Tanong ko pa sa kanya.
"Opo, Ate, natapos ko na po kanina, nagbabasa lang po, ako ngayon." sagot n'ya. "Good boy! Mag- aral ka pa lalo, para matupad mo ang pangarap mo," nakangiti naman siyang tumango sa akin.
Sa ngayon kaming dalawa lang ang meron, salat kami sa lahat ng bagay. Lalo pa ngayon baka mapalayas na kami, ng mangkukulam.
Mabilis kong inubos ang tinapay na binili ko. Saka ako nagtungo sa banyo upang maligo.
Maaga pa akong maglalako ng paninda bukas. Bago ako matulog binilang ko muna ang pera na naitabi ko. Kulang-kulang trenta mil din ito. Napakalaki pa ng kulang para sa utang ni Tatay. Napabuntong hininga na lang ako, grabi ang pagtitipid ang ginagawa ko. Lahat na rin ng trabaho pinasok ko na.
Sa katulad kong highschool graduate lang. Mahirap makahanap ng maayos na trabaho, na medyo malaki sana ang sahod.
Mani! Mani! Suki bili na, ng mani ko! Bagong hugas. Kaya naman, hndi maalat!" Alok ko pa sa mga mamimili sa palengke.
Pag tindera ka dapat lahat ng diskarte alam mo. Lahat na lang ng pwedeng angkatin para ibenta kinuha ko na.
"Helena! Magkano mani mo?" Tanong ni Daniel ang dakilang tirador ng mga bakla.
"Bente, isang takal. Ilan ba?"
"Helena, sure ka ba, na sariwa 'yang mani mo?" Tanong pa nito.
"Oo naman! Kahit tikman mo pa!" Utos ko pa sa kanya.
Kaagad naman nyang tinikman ang mani ko.
"Oh! Ano? Basa-basa pa diba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, masarap nga ang mani mo. Bigyan mo ako, dalawang takal."
"Hoy! Helana!" Sigaw ng katabi kong tindera.
"Bakit?" Tipid kong sagot.
"Bakit paubos na 'yang mani mo? Kakarating mo lang? Mas nauna pa kami sa'yo dito!" Singhal pa n'ya.
"Hoy! Mildred! Hindi ko kasalanan kong tuyo na ang mga mani n'yo! Try nyong hugasan araw-araw, baka sakaling mabenta!" Sigaw ko rin sa kanya saka ko s'ya inirapan.
Natigil naman ito dahil sa sinabi ko marahil napahiya.
At wala akong pakialam, aba! Ako yata si Helena Magnaya hindi natitinag kanino man.
"Excuse me," tinig ng isang lalaki 'yon kaagad naman akong nag angat ng tingin. Ay laglag ang matres ko! Ang gwapo!
"Yes. Sir?" Nakangiti ko pang tanong.
"Sa'yo ba ang mani na 'to?" Tanong n'ya.
"Yes, sir, mani ko 'yan. Bakit?"
Tumawa naman s'ya ng mahina.
"Bibili sana ako, magkano ba?"
"Mura lang ang mani ko sir, bente isang takal. Ilan ba?"
"Hmm. Sige, bigyan mo ako ng tatlong takal." Nakangiti pa nyang sagot. Pag ganito naman ang bibili ng mani ko. Kahit araw-araw pa.
"I'm, Sky," pakilala pa n'ya sabay lahad ng kamay. Nahiya pa akong tanggapin 'yon. Baka masugatan ng magaspang kong kamay.
"Helena," tipid kong sagot saka ko inabot ang kamay n'ya.
"Nice meeting you, Ms. Helena," nakangiti pang sabi n'ya.
First time yata na may nagpakilala sa akin na gwapo! Madalas lahat manyak!
Sana magkita pa ulit tayo, Sky. Nakangiti ko pang bulong sa hangin. May magpapatibok na yata ng obaryo ko!