Goodnight

1959 Words
Matapos kong maibaba ang tawag namin ni sir feeling ko namutla ako ng bongga. Hindi ko naman kasalanan kung pinagsaraduhan ko ng pinto ang babaeng espasol. Hindi ko naman alam ka trabaho n'ya pala yon. Dali-dali akong bumalik kay Ysha baka tapos ng kumain. Natawa pa ako sa itsura n'ya puro sauce ang buong mukha n'ya. Nakangiti pa s'ya sa akin na para bang walang nangyari. "Baby girl anong nangyari sa'yo?" natatawa ko pang tanong habang pinupusan ng tissue ang mukha n'ya. "Ang sarap po, kasi ng spaghetti mo Ate Helena." puri n'ya pa sa luto ko. Matapos kong linisan si Ysha nagtuloy kami sa room n'ya. Para i-check kung may assignment ba s'ya na dapat sagutan. Habang nagsasagot kami. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nasabi ko kay sir. Paano na ako mamaya pagdating n'ya? Naihilamos ko pa ang palad ko sa mukha ko dahil sa frustration. Second day ko pa lang mukhang jackpot na agad ako kay sir! Ano bang kamalasan ang dala ng makati kong dila! "Aaaaaaaah!" Nagulat pa si Ysha nang tumili ako. "Ate Helena, are you okay po?" tanong n'ya pa at umupo pa sa kandungan ko. Habang nakaharap sa mukha ko na tila ba sinusuri n'ya pa. "Baby girl, baka ito na huli nating pagkikita. Tandaan mo mahal kita." madrama ko pang saad. "Noooo! Don't leave me." tutol pa n'ya sa sinabi ko sabay yakap sa tiyan ko. "Joke lang baby girl, sige na tapusin na natin assignment mo. Bago pa ako ang tapusin ng Tatay mo." Lord kahit minsan hindi tayo nag -uusap please kahit ngayon lang! Umulan sana ng kabaitan at masalo lahat ni sir! Mahinang usal ko pa. Nang matapos naming magsagot ng assignment pinatulog ko muna si Ysha. Saka ako bumaba upang maglinis ng kusina ng mga pinaglutuan ko. Nasa garden si Nanay Linda abala sa halaman n'ya. Maya-maya lang kasi darating na si Hale. Nang makatapos ako naligo muna ako kahit sa pagligo hindi pa rin maalis sa isip ko baka nagalit si Sir Trevor. At palayasin na kami. Mabilis kong tinapos ang paliligo ko sakto naman may nag doorbell. "Ateee!" sigaw ni Hale at sinugod pa ako ng yakap. Yumuko naman ako para buhatin s'ya na-miss ko ang baby ko na ito. "Jordan, salamat lumayas ka na!" taboy ko pa sa kanya. "Letse ka! Kulang na lang sipain mo ako palabas ng bahay!" tinaasan n'ya pa ako ng kilay. "Labyu! Bukas ulit. Paalam ka na Hale sa Ninong Jordan mo." sabi ko pa. "Bye po, Ninong Jordan. Thank you po." Paalis na si Jordan ng may marinig kaming naiyak. Kaya naman sabay-sabay pa kaming napalingon sa pinanggalingan nito. Si Ysha umiyak habang bumababa ng hagdan patakbo pang lumapit sa akin. Inabot ko muna si Hale kay Jordan para salubungin si Ysha. Binuhat ko s'ya ngunit patuloy pa rin sa pag iyak ito. Yumakap pa ng mahigpit sa leeg ko. "Sshh. Bakit ka umiiyak?" masuyo ko pang tanong sa kanya. Habang hinahagod ko pa ang likod n'ya. "A-akala k-ko p-po i-iniwan mo na p-po ako." utal utal n'ya pang sagot dahil sa labis na pag -iyak. "Ysha, wag ka nang umiyak. Hindi ka namin iiwan ni Ate. Dito lang kami, kasi wala na kaming bahay." singit pa ni Hale sa usapan namin. Hindi naman nagseselos si Hale ipinaliwanag ko naman sa kanya ang trabaho ko dito. Bigla naman nag angat ng tingin si Ysha dahil sa sinabi ni Hale. Mukhang naniniwala naman s'ya. Kaya tumigil na rin sa pag-iyak at ngumiti na sa amin. "Hello ganda." bati ni Jordan kay Ysha. "Hello po. Ako si Ysha. Wag n'yo pong kukunin si Ate Helena at Kuya Hale please…" pakiusap n'ya pa. Sabay pa kaming natawa ni Jordan dahil sa sinabi n'ya. Nawala saglit sa isip ko ang tungkol kay Sir Trevor. Bahala na si batman. Ilang saglit lang umalis na rin si Jordan. hanggang sa makapasok kami sa kwarto namin balisa pa rin ako. Paano kung paalisin kami ni sir dito. Jusko ko! Hindi keri ng ganda ko sa ilalim ng tulay manirahan. Palakad-lakad ako sa kwarto namin habang nakamasid si Hale at Ysha sa akin. Na tila ba nagtataka sa kinikilos ko. "Ate anong pambansang ibon?" tanong pa ni Hale. "Maya." wala sa sarili kong sagot. "Ate Helena, maya po ba talaga? Yong nasa simbahan?" usisa pa ni Ysha. "Pipit na lang Hale." sagot ko habang kagat kagat ko pa ang kuko ko. "Ate ano ba talaga?" nakasimangot ng tanong ni Hale sa akin. "Hale, pag nasa himpapawid na sila, hindi mo na malalaman kung anong ibon pa 'yon! Kaya wag mo nang problemahin pa." sabi ko. Nagkatinganan pa si Hale at Ysha sa sinabi ko. Napakamot na lang ng ulo si Hale habang pailing iling si Ysha. Tingin ako ng tingin sa orasan mamaya kasi darating na si sir. Sana si Nanay ang magbukas ng gate. Napatalon pa ako sa gulat ng biglang may bumusina patay na talaga Sir Evo! Nakayuko pa ako habang binubuksan ang gate. Buong buhay ko yata ngayon lang ako natahimik! Nang maisara ko ang gate mabilis akong tumakbo sa loob bago pa makababa ng sasakyan si sir. Sa dining area ako dumeretso. "Helana!" "Ay palaka ka! Nay, bakit naman kayo nangugulat?" reklamo ko pa habang nakahawak sa dibdib ko. "Ano bang nangyayari sa'yong bata ka? Parang takot na takot ka? May ginawa ka ba?" sunod sunod na tanong ni Nanay. "Kasi Nanay Linda-" "Ysha, Papa is here." narinig ko pang tawag ni sir. Nakita ko naman lumabas ng room si Ysha at tumakbo sa Papa n'ya. Naglakad silang mag-ama papunta sa gawi namin. Nataranta naman ako ng biglang pumasok ng kusina si Nanay at naiwan akong mag-isa. Susunod sana ako kay Nanay ng bigla naman akong tawagin ni Ysha. "Ate Helana, karga mo ako. Pleaseee!" ungot pa ni Ysha sa akin. Kaya naman lumapit ako sa kanila para kunin s'ya. Nagkasalubong pa ang tingin namin ni sir, na kaagad ko rin naman binawi. Letse ka Helena! Tingin lang 'yan! Magugunaw na yata ang mundo! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nailang! "G-good evening sir," kimi kong bati saka ako ngumiti ng buod ng tamis. Baka makuha sa ngiti ko. Kunot noo naman akong tinignan ni sir, Hindi man lang ngumiti. "Good evening. Paki sabi kay Nanay magbibihis lang ako tapos kakain na tayo." Sasagot pa lang ako ng bigla n'ya akong talikuran. "Nay, ang sarap ng afritada mo!" bulalas ni sir at ganadong ganado kumain. "Si Helena, ang nagluto n'yan. Pasado na ba sa panlasa mo?" Bigla naman napatigil si sir sa pagsubo dahil sa sinabi ni Nanay. Uminom muna s'ya ng tubig bago sumagot kay Nanay. "Pwede na." tipid nyang sagot. Bigla naman natawa si Nanay at umiling pa. Pwede na raw! Eh mukha ngang sarap na sarap! Tssk! Bubulong ko pa. "Helena, come to my office later." sabi pa ni sir habang naghuhugas ako ng plato. Juskooo! Ito na papalayasin na kami! Nang nasa tapat na ako ng opisina ni sir, huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok ng tatlong beses. "Sir, papalayasin mo na ba ako?" bungad ko agad nang makapasok ako sa loob. "Hindi ko naman kasi alam na ikaw ang kausap ko! Wag mo na lang pansinin ang sinabi ko. Hindi ko sinasabi na maikli ang tarugo mo!" saad ko pa bigla akong natauhan ng ma-realized ko ang huli kong sinabi natutop ko pa ang bibig ko. Kitang kita ko pa ang madilim na expression ni Sir Trevor ng tingnan ko s'ya. "Bakit parang sure na sure ka na maikli ang alaga ko huh! Helena? Nakita mo na ito?" tanong n'ya habang magkasalubong ang kilay. "H-hindi naman sir, ano lang…a-ah joke lang 'yon sir! Please wag mo na akong palayasin!" "Bakit mo ginawa kay Becca 'yon? Maayos ka raw nyang, kinausap nang bigla mo syang sinaraduhan ng pinto. At kung anu- ano pa raw ang mga sinabi mo sa kanya. Ganyan ka ba tumanggap ng bisita huh?" Bigla naman tumaas ang dugo ko dahil sa sinabi ni sir. Dalawang salita nga lang ang sinabi ko. "Sir, hindi lang s'ya mukhang espasol ng Laguna! Sinungaling pa! Sabi n'ya kasi, asawa mo raw s'ya! Sabagay mukha syang multo! Ilusyonada tse!" inis ko pang turan. Hindi talaga makakarating ng langit 'yon! Minus 1000 na agad s'ya! Narinig ko pa ang mahinang tawa ni sir kaya hindi ko maiwasan hindi mapairap. "Calm down." natatawa pang awat ni sir. "Hindi mo na ako papalayasin sir?" tanong ko pa. Hindi naman sumagot si sir bagkus may kinuha s'ya sa may cabinet n'ya. "Magagamit mo yan." aniya sabay abot sa akin ng box. At sa nakikita ko isa itong cellphone. Kinuha ko 'yon sa kamay n'ya at pinagmasdan mukhang mamahalin. "Naku sir! Wala akong pambayad-" "Para sa trabaho mo 'yan. Wala akong tiwala sa cellphone mo Helena." Walanghiya! Nilait pa ang cellphone ko! Bakit Hindi na ba ito uso? "Sir, baka masira ko pa 'yan. Saka pwede pa naman ang cellphone ko. Nakakatawag pa naman-" "No! Pag out of town ang projects namin gusto kong makita si Ysha." Tumayo naman si Sir Evo at naglakad papunta sa harapan ko. Kinuha niya ang box sa kamay ko at binuksan ito. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na pagmasdan s'ya. Habang nakayuko sa pagbubukas. In fairness naman sa boss ko ang gwapo n'ya pala sa malapitan. Kahit may balbas s'ya malinis pa rin syang tingnan. Lalaking lalaki s'ya dahil na rin sa moreno s'ya at batak ang katawan. Matangos ang ilong, mahaba rin ang pilikmata na kagaya ng kay Ysha. At mapula ang kanyang labi. Napalunok pa ako ng kagatin n'ya ang pang ibabang labi. Hindi ko namalayan nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal. Kung hindi pa s'ya nagsalita hindi mapupukaw ang atensyon ko. "Y-yes sir? Ano 'yon?" "You know how to use this?" tanong n'ya. Aba naman! Kahit poor ako marunong akong gumamit ng makabagong teknolohiya! "Oo naman sir! May sss pa nga ako eh! Add kita. Anong username mo?" "Wala akong fb." sagot n'ya saka muling itinuon ang atensyon sa cellphone. "Sus! Kunwari ka pa sir! Ayaw mo lang ibigay, siguro may something ka doon!" nakangisi ko pang buska bigla naman nag angat ng tingin si sir at tinignan ako ng masama. Kaya naman tumahimik ako at nag iwas ng tingin. Nang matapos ang pag-uusap ni sir sinilip ko muna si Ysha sa kwarto n'ya. Wala s'ya sa bed n'ya kaya naman pumasok ako. Upang hanapin s'ya pumasok ako sa banyo pero wala s'ya. Kaagad akong bumaba baka nasa kwarto namin nina Nanay. Tama nga hinala ko nasa kama namin s'ya ni Hale. "Ysha, bakit narito ka? Tara na! Sasamahan na kita pabalik sa room mo." wika ko pa. Bigla naman syang nalungkot sa sinabi ko at mukhang ayaw pang umalis. "Hale, mag goodnight ka na kay Ysha." utos ko pa. "Goodnight Ysha. Bukas na lang tayo mag play." "Goodnight Kuya Hale bye." kumaway pa s'ya bago ko napilit lumabas. "Ate Helena, can I sleep in your room?" tanong n'ya habang naglalakad kami pabalik sa kwarto n'ya. "Hindi pwede baby girl, magagalit ang Papa mo. Dito ka lang sa room mo." sagot ko ng makapasok kami sa loob. "Goodnight baby girl." nang makahiga na s'ya hinalikan ko pa ang noo n'ya. "Goodnight Ate Helena." inaantok n'ya pang sagot. Sabay pa kaming napatingin sa pinto nang bumukas ito at iniluwa si Sir Trevor. Tumayo naman ako sa kinauupuan upang bigyan ng space si sir. Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa. Ang swerte ni Ysha dahil si Sir Trevor ang Tatay n'ya mabait at mapagmahal na ama. "Goodnight sir." ani ko nang makalabas kami ng kwarto ni Ysha. "Goodnight." malamig nyang sagot saka naglakad papunta sa room n'ya. Hinabol ko lang s'ya ng tingin. Gwapo sana si sir suplado lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD