"Magandang umaga sir!" masigla kong bati. Nang makita kong pababa na si architect.
"Good morning," malamig nyang sagot hindi man lang tumingin sa akin.
"Sir ang umaga mo, parang kape ko ang lamig!" banat ko pa saka ako ngumiti.
"Ate Helena, malamig po ba si Papa?" tanong pa ni Ysha. Tumawa namna ako ng malakas dahil dito.
"Hindi baby girl, ang hot nga ng Papa mo!" biro ko pa. Hindi naman nakaligtas sa akin ang masamang tingin ni Sir Trevor.
"Sir, anong kape mo? Matapang ba? Yung kaya kang ipaglaban?" biro ko pa.
"Helena…"
"Ito na nga sir, magtitimpla na." sabay alis para magtimpla ng kape.
"Sir, kape mo." nang makabalik ako.
"Thanks."
"Kuripot sumagot tsk." mahinang sabi ko pa.
"What?" kunot noo n'ya pang tanong.
"Wala sir. Sabi ko enjoy."
"Baby ko, eat well." sabi pa n'ya.
Kaya naman kaagad kong nilagyan ng pagkain sa plato si Ysha.
Syang labas naman si Nanay Linda mula sa kusina.
"Helena, nasaan si Hale?" tanong pa ni Nay Linda.
"Sinundo na ni Jordan, Nay," sagot ko habang nasa pagkain ni Ysha ako nakatingin.
Ganito ang set up namin. Si Jordan ang susundo Kay Hale sa umaga at s'ya rin ang maghahatid sa hapon.
"Ate Helena, ang sarap po ng luto mo." puri pa ni Ysha. Gusto ko pang matawa sunny side up egg lang naman ang niluto ko.
"Thank you baby girl." pinisil ko pa ang pisngi n'ya.
"Baby ko, let's go!" tawag ni sir.
Kaya naman dali- dali kaming lumabas ni Ysha.
Binuksan ko ang passenger seat para sumakay na kami ni Ysha sa loob. Nang tawagin ako ni sir.
"Helena, I'm not your driver. Dito ka sa unahan sumakay." aniya.
Inayos ko muna si Ysha bago ako sumakay sa katabi ni sir.
Hirap na hirap akong ikabit ang lintek na seatbelt! Nagulat pa ako ng bumaba ang mukha ni sir sa akin. Kaya naman napapikit ako. Ganito kasi ang mga napapanuod ko.
"Seatbelt." narinig ko pang sabi n'ya mabilis kong minulat ang mga mata ko. Kakahiya ka Helena!
May hinila lang pala sa gilid ng upuan.
"A-ah o-oo sir." utal ko pang sagot.
Wala kaming imikan sa byahe paminsan minsan sinusulyapan ko si Ysha sa likod.
Nang makarating kami sa school ni Ysha hindi agad ako makababa dahil sa seatbelt na suot ko. Kaya naman muling bumaba ang mukha ni Sir Evo sa akin. Upang tulungan akong alisin ito.
"Salamat sir." mabilis akong bumaba sa kotse para tulungan si Ysha.
Hawak kamay pa kaming naglakad ni Ysha habang nakasunod lang si sir sa likuran namin.
"Baby ko, behave okay? Ate Helena will take care of you." paalam pa ni sir. Ang sweet nilang mag-ama sa isip ko pa.
"Papa kiss," ani pa ni Ysha lumapit naman si sir.
"How about Ate Helena, Papa?" sabay pa kaming naubo ni sir sa sinabi ni Ysha.
"Baby girl, apir na lang kami ng Papa mo, okay?" sabi ko pa.
Itinaas ko pa ang kamay ko sa harapan no sir. Kaloka ang bagets na ito. Gusto pa yata pati kami maghalikan ni sir.
"Bye Papa! Bye Ate Helena." paalam ni Ysha at nag flying kiss pa.
Hindi ko na s'ya hinatid dahil bawal. Dito ko na lang s'ya hihintayin sa labas ng gate hanggang sa matapos ang klase n'ya.
Kaya naman naiwan kami sir habang nakatanaw kay Ysha.
"I have to go. Ikaw na bahala sa Anak ko." bilin n'ya pa.
"Okay sir, ingat." tipid kong sagot.
"Helena, give me your number" aniya.
"Bakit sir? Text mate tayo? Wag mo na akong daanin sa text text sir. Pwede mo naman sabihin sa akin ngayon!"
"Anong sinasabi mo Helena? Of course kailangan ko ng number mo Incase na may kailangan ako kay Ysha or ikaw ang may kailangan sabihin sa akin if ever "
Helena double kill! Nakakahiya na talaga ako! Gusto ko nang tumakbo palayo. Pero hindi dapat magpahalata! Bulong ko pa s isip.
"Sir, naman. Wag mo kasing binitin ang mga sinabi mo! Hay naku!" kunware pang galit ako upang mapagtakpan ang pagkapahiya.
"Ako pala talaga? Sige na give it to me." naiirita n'ya pang utos.
Kaya naman napilitan akong ilabas ang de lastiko kong cellphone. Mukhang nagulat pa si sir. Akalain n'ya ba naman na may nagamit pa ng 3310 na Nokia phone.
"Helena, are you serious?" manghang tanong pa n'ya.
"Sir, mas kailangan ko ng pera kesa sa magandang cellphone. Gastos lang 'yon! Pwede pa naman ito." lintanya ko pa.
"Sure ka ba nakakatanggap pa 'yan ng text?"
"Oo naman sir! Kahit tawag pa try mo akong tawagan." mungkahi ko pa.
"Oh diba? Sabi ko sa'yo sir!" natatawa pa ako sa reaction n'ya. Parang halos hindi makapaniwala.
Nang makaalis si sir naupo ako sa waiting area kasama ang iba pang mga Nanay. Hindi naman nakaligtas ang mapanuri nilang tingin kaya naman inirapan ko sila. Wala naman masama sa suot ko na short at simpleng blouse.
Bawing bawi naman ako sa mukha! Kaya keri lang.
Nagsimula nang mag labasan ang mga estudyante kaya naman nakaabang na ako kay Ysha. Malayo pa lang tanaw ko na agad s'ya. Malawak ang ngiti n'ya sa labi. Bigla akong nakaramdam ng awa para sa kanya. Halos pareho sila ni Hale, na hindi nakasama ng matagal ang mga Nanay nila. Tumakbo pa s'ya upang salubungin ako ng yakap. Napakalambing na bata mana siguro sa Nanay.
"Hi baby girl, kamusta ang study mo? Nag enjoy ka ba?" tanong ko.
"Yes po Ate Helena, nag colouring kami at nag play together with my classmates. Look ate Helena I got five stars" masaya nyang kwento sabay pakita Ng stars sa braso n'ya.
"Wow! Ang galing naman ng baby girl na 'yan" puri ko pa saka ko s'ya hinalikan sa magkabilang pisngi. Ganito rin kasi palagi ang ginagawa ko kay Hale.
"Tara na! Hindi tayo masusundo ng Papa mo. Kaya sasakay tayo ng tricycle. Okay lang ba?" alanganin ko pang tanong.
"Opo. Masaya pong sumakay 'don." nakangiti nyang sagot.
"Manong dito na lang po." sabi ko pa sa driver ng makarating kami sa bahay.
Hawak kamay pa kaming pumasok sa loob ng bahay.
"Nay narito na po kami."
"Ysha tara sa room mo. Bibihisan kita para makapag lunch ka na."
"Ate Helena, I like you. Kasi ang ganda mo mag ayos ng buhok ko. Unlike kay Papa, he makes me bruha." nakanguso n'ya pang reklamo. Kaya naman hindi ko mapigilan na hindi matawa. Tuwang-tuwa s'ya sa ayos ng buhok n'ya. Ganito rin kasi si Mama noon. Madalas nyang itirintas ang buhok ko. Kaya naman ginawa ko na rin sa buhok ko. Para terno kami ni Ysha. Para raw kaming mag Mommy.
"Anong gusto mong food?" tanong ko ng makababa na kami.
"I want spaghetti Ate Helena. Please." sagot pa n'ya.
" Okay. Umupo ka muna d'yan. Magluluto lang ako."
Papunta na ako sa kusina ng may mag doorbell Kaya naman pinuntahan ko muna 'yon. Upang tignan kung sino ang dumating. Hindi naman si Jordan 'yon. Mamaya pa ang labas ni Hale.
Nang buksan ko ito babae ang nabungaran ko. Maganda at sexy pero mas maganda at sexy ako ng di hamak. Mukhang maarte rin to! Kitang-kita ko pa paano n'ya ako tignan mula ulo hanggang paa.
"Yes? Sino ka?" tanong ko.
"Asawa ako ni Trevor." nakangisi n'ya pang sagot.
"Patay na ang asawa ni Sir Trevor! Bye! " sabay sarado ko ng pinto. Nakailang ulit pa syang ang doorbell. Pero hindi ko pinansin naglakad ako pabalik ng kusina.
"Helana, sino 'yon?" tanong pa ni Nanay Linda.
"Asawa raw ni sir. Diba Nay, patay na 'yon!" sagot ko pa. Tawa naman ng tawa si Nanay. Dahil sa ginawa ko sa bisita.
"Ate Helena, I know her. Workmates s'ya ni Papa. She told me she will become my Mama soon. But I don't like her po." nakasimangot pang sumbong ni Ysha.
"Don't worry baby girl. Ako ang bahala sa'yo.
"D'yan ka muna magluluto lang ako ng makakain ka na."
Akala ko mo huh! Uubra ka sa akin! Don't me! Muli kong sinulyapan ang pinto. Mukhang umalis na s'ya.
"Wow!" bulalas ni Ysha ng makita n'ya ang spaghetti na niluto ko. Nagtimpla rin ako ng juice n'ya. Tinawag ko si Nanay para kumain. Hindi n'ya raw gusto ang ganitong pagkain. Magtira raw ako para kay Hale. Bilin pa ni Nanay Linda. Kaya kami lang ni Ysha ang kumain. Nagulat pa ako ng may tumawag pero hindi naka save ang number sa cellphone ko. Hindi ko sana papansin baka mga manloloko lang. Nakailang ulit pa itong tumawag kaya naman sinagot ko na. Lumayo muna ako kay Ysha baka may masabi akong bad words.
Saka ko sinagot ang tawag ng kumag na ito.
Hoy! Kung wala kang magawa sa buhay mo! Magbigti ka sa puno ng kamatis o kaya mag-isip ka ng paraan paano mo, pahabain yang tarugo mo! Bweset ka! S-sir...?" patay ka na talaga Helena!