Chapter 1: What a bad day!

2501 Words
I'm currently here at pastry shop. Bibili kasi ako ng cake para isurpresa ang aking boyfriend na si Kris. Today is our monthsary. Naisipan ko siyang i-surprise, because on the past monthsaries namin ay palagi na lang siya ang may handang pakulo. Gusto ko ako naman. Hindi kasi ako showy interms of expressing my feelings for him. I don't know why, maybe because he was my first and bago lang sakin ang ganito kaya medyo hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay. Pagkatapos kong makuha ang cake na nabili ko which is kris' favorite blue berry cake ay umalis na ako sa shop. I checked my wristwatch and it's already 9 in the morning. May usapan kami ni kris na dinner date mamayang 10 p.m. but because I want to surprise him, maaga akong uuwi ngayon. I went to my Lamborghini and started the engine. Pinagmasdan ko ang aking mga pinamili. A bouquet of roses, different color of balloons and ofcourse the cake. Napangiti na lang ako. I'm so excited, because this would be my first time to do this kind of stuff. Before I met Kris, I used to call this "corny". Nasabihan pa nga ako ni Lailani, my bestfriend na KJ and bitter eh. But siyempre, it has changed when Kris and I became lovers. Hihi! 'Shuta ang landi ko dun na part', HAHA Pagkarating ko sa building ng condo unit na tinutuluyan namin, ay agad akong pumunta sa parking lot at pinark ang sasakyan ko. Kinuha ko ang mga pinamili ko at saka ako lumabas. As I went inside, all people's eyes on me. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Sanay na ako sa ganyang mga tingin ng tao everytime, saan man ako magpunta. This was because of my physique. I have a shoulder length Raven black hair that compliments with my fair complexion and dark green eyes. May lahi kasi akong irish that's explain why. By the way, di pa pala ako nagpapakilala. Well, my name is Jade Scott Russell 18 years old and gay. Yes I'm gay and I'm proud and loud! Tinungo ko ang elevator and pressed the 5th button. Kris and I have been living together for almost 4 years. Yes you heard it! I know I was still young of that time but trust me, I'm more than capable of being matured. I'm a prodigy, that's what they say. Accelerated ako because at the age of 14, I already finished my college and graduated as Suma c*m Laude with a course of BS in Accountancy in XXX University. Doon ko nakilala si kris together with my bestfriend Lailani. Mas matanda man sila sakin ng ilang taon, still hindi yun naging hadlang para maging magkaibigan kami. And after how many months na magkakilala kami, Kris courted me and we ended up being a couple. He's now 22 years old and graduated in BS in Business Administration major in management. He owns a resort that's why he is capable to feed me and provide whatever I need or want. Pagkarating ko ay agad kong tinungo ang condo unit namin. I feel something different. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. I breathed deeply and shrugged the uncomfy feeling. I swiped the access key card to our door. Pagkapasok ko ay bumungad sakin ang magarang interior ng aming condo. The motifs were white and maroon. Unang pasok mo pa lang ay bumungad na sayo ang sala and sa kaliwa naman ay makikita mo ang kitchen and dining area. We have also stairs dahil second floor ang condo namin. Sa taas ay makikita mo ang aming kwarto kung saan kami natutulog. Hey take note! Hindi ibig sabihin na magkasama kami ay may nangyayari na samin. I'm still a virgin and Kris respect my decision na saka ko lamang ibibigay ang vcard ko until marriage. 'Hmm! Nasaan na kaya ang lalaking Yun?', napangiti na lamang ako sa naisip. Baka nasa kwarto siya at natutulog. Nag one month leave kasi si Kris. Tutal he's the boss and so he can do anything he wants. I immediately went upstairs. When I reached the door, I felt something off. I couldn't fathom this feeling. Parang ang bigat ng pakiramdam ko and I feel like my heart's gonna explode because of the rapid beating. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ako dahil sa surprise chu chu or may iba pang reason. I slowly open the door. The moment I have opened it, a heartbreaking scene consumed my eyes. My eyes start to water. Nakikita ko lang naman si Kris at ang bestfriend ko na si Lailani na nakahubad, naghahalikan habang nagses#x! Because of shock, I didn't notice all I had bought a while ago fell on the floor, creating a loud thud. Nagulat naman sila dahil doon kaya't napalingon sila sa direksyon ko. Shock was written all over their face. "What a surprise? Is this your monthsary gift for me Kris?", I asked blankly, void of emotion. Kris stood up naked and frantically picked up his clothes and Lailani did the same. "Babe let me explain", Kris hopelessly said trying to take our distance between us but I stepped back, giving him the sign that I don't want him to get near of me. I don't know what took me the courage to remain standing while facing their disgusting faces without falling my tears. Hanga na ako sa sarili ko kasi dapat kanina ko pa sila binugbog. But still, I managed to control my self from the verge of berserk. "Babe please hear me out!", pagmamakaawa niya. Frustration and guilt can be seen on his face. But no matter how guilty you are, the shattered pieces have already broken. "What do you want me to hear Kris? Na naglalaro kayo ng habul-habolan habang nakahubad, then suddenly bigla kang natumba and so are Lailani at aksidenteng pumasok ang talong mo sa pechay niya ganun?", I coldly said with a hint of sarcasm. Napayuko si Kris sa sinabi ko. 'What do you want me to expect? Believe him?!', I'm not dumb nor stupid to buy his moronic yet lame excuses. "Best I'm sorry, I didn't mean to-" "Sorry for what? For ruining our frienship or for interfering Kris and I's relationship?", I cut her words off. I want to slap her, punch her to the maximum. I couldn't believe that I was stinged by her fangs. She's a snake that I least expected in my life. I breathed deeply, trying to calm every single nerves in my body. As much as I wanted to beat their asses, I don't. Laying or touching my hands to their skins make me disgusted as hell! "How long?", I faintly asked. It could barely hear. Suddenly, my strength and energy left over my body. I don't have the strength to move and utter more words right now. "How long have you been doing this sh#t?", Me trying to calm down. "B-best I-i'm-" "Just answer me!", I yelled at them. They look at each other. "It's been 5 months" Napasinghal na lang ako. Limang buwan na pala nila akong niloloko at ginagawang tanga. 'Bakit hindi ko napansin?' Kanina pa nagbabadya ang aking mga luha but thanked God at nakakaya ko pang pigilan. I still managed to hold my tears despite facing this situation. Natuon ang pansin ko sa cake na nasa sahig. I picked it up and uncovered it. "Happy monthsary Kris", walang emosyon kong bigkas at naglakad papunta sa kanya at walang alinlangan kong hinampas sa mukha niya ang cake na bibili ko. "Anong lasa?Masarap ba?", I asked. Shocked was written on his face. 'You deserved that jerk!'. "This would be my first and last gift for you. We're through kris. Good riddance!", I said before I turned my back from them and went to the door. I immediately stormed out of the hallway and finally for how many minutes of enduring, my tears fell into my cheeks. Tuloy-tuloy lang ang pagdaloy ng aking luha hanggang makarating ako sa elevator. Pagkapasok ko ay saka lumabas lahat ng emosyon ko. Napahagulgol ako. I screamed because of mixed pain and angry emotions. Buti na lang at mag-isa ako dito. 'So this what I got being a strong person huh?!'. I'm not capable of showing my vulnerability to anyone. That's why as you have seen a while ago. I didn't flash any emotion. Maybe it's because I don't want to be pitied. I don't like people see me weak. Because of this, I prefer to keep it by myself rather than expressing it willingly. 'Your such a loser Jade! A prodigy like you didn't even notice them having an affair. You became complacent that they wouldn't betray you. Eventhough you have been noticing something, you chose to ignore it! How foolish are you? Damn!' Agad kong pinahid ang mga luha ko pagkabukas ng elevator. Hindi ko pinansin ang mga tingin ng mga tao sa paligid. I know na obvious na galing ako sa pag-iyak but still taas-noo pa rin akong naglalakad. I immediately went to the parking lot and drove my car to nowhere. ################################ Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa kawalan. Sa gitna ng malakas na buhos na ulan,halos hindi ko na makita ang daan mula sa windshield ng aking sasakyan. 'Saan ba ako papunta?', ang tanong na ako mismo ay hindi ko masagot. Para akong wala sa sarili na binabaybay ang daanan. Tinutumbok ang kalsadang di ko alam ang patutunguhan. Basta't ang alam ko lang ay kailangan kong lumayo mula sa sakit na naidulot ng taksil kong kaibigan pati na rin ang gago kong boyfriend-Oops!EX na nga pala. It pained me when I found out their affair. Sa mismong condo pa namin ni Kris!Matagal na pala nila akong niloloko at ang haliparot! Talagang napaka AHAS!Magsama silang dalawa! Matapos man ang pagbugso ng malakas na ulan ay hindi pa rin matatapos ang sakit ng aking nararamdaman. Napakasakit na malamang ganito lamang ang gagawin sa akin ni Lailani. I treated her as my own sister but she stabbed me at the back. Patuloy ko pa rin binabagtas ang daan na hindi ko man lang alam kung saan papunta ito, dahil na rin siguro sa sakit ay hindi ko na namalayan kung saan na dinala ng pagdadrive ko ang aking sarili. 'Lutang ka talaga kahit kailan Jade!' Nang biglang huminto ang aking sasakyan. 'Damn! Wala na pa lang gas ito!' Nahampas ko ang manibela sa labis na frustration. 'Great! Heartbroken na nga ako tapos minamalas pa ngayon' Napatingin ako sa labas. Kanina pa tumigil ang ulan ngunit may pakunti-konti pang ambon. Pinagmasdan ko ang paligid. Napapalibutan ng mga nagtataasang puno ang magkabilaan na daan. 'Shuta! Parang pang Wrong turn ang set-up' Sa gitna ay makikita ang dalawang daan na sa hinuha ko ay papunta sa Biñan ang sa kaliwa. Napukaw ang aking mata sa isa pang daan. May poste ito ng ilaw at may nakasabit na karatula. Napakunot ang aking noo. I couldn't read it because it was meters away from where I am that's why nagdecide akong lumabas. Nanuot sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Tanging plain white shirt at denim pants lamang kasi ang aking suot. Nagsimula akong maglakad patungo sa poste. Nang makalapit ako ay nagsalubong ang aking kilay. "Road to Forever Land?", mahinang bigkas ko. 'Anong kalokohan ito? Forever land?Wow Lang huh!' Baka pakulo lang ito ng sinumang may saltik diyan kaya may ganito. Napapalatak ako ng makita ko ang nakasulat sa baba nito. 'Where you can find FOREVER'. 'Talagang naka-caps lock pa ah?' "FOREVER? Kalokohan!", sarkastiko kong saad sabay suntok sa karatula. Pagkalapat ng kamao ko sa karatula ay bigla na lamang umikot ang paningin ko. Nahihilo na ako dahil hindi mawala ang pag-ikot kaya't napapikit na lamang ako. Nang maramdaman Kong tumigil na ang pag-ikot ay dinilat ko na ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang mala paraisong ganda ng paligid. Napapaligiran ako ng mga iba't ibang kulay ng mga bulaklak at mga nagliliparang paru-paro na magkakaiba ang kulay ng pakpak. "Damn!This is a paradise!", I uttered in awe. Sa paglibot ng aking mga mata ay di ko maiwasang magtaka. 'Bakit kulay ginto ang dahon ng mga puno?' Although maganda siyang tignan ay hindi ko maiwasang magtaka. As far as I remember, the usual color of the tree's leaves are green and there are some cases na pink or red like Sakura tree. "What the heck?! Where the hell am I?!". Di ko maiwasang mag freak out. Amusement and bewilderment ang nararamdaman ko at the same time. Di ko Alam kung nasaan ako ngayon. "Is this a sort of alien a*******n?", Hindi ko mapigilang maibulas. 'Tangek! Paano mo nasabi eh wala namang space shift or something na nag abduct sayo?!', epal ng aking sarili. Tama nga naman. Pinagmasdan ko ang paligid. I was surrounded by gigantic trees with peculiar features. Sa hinuha ko, nasa gitna ako ng gubat. If I just know this place, I would love to roam around and enjoy the magnificent view but the situation is different. Hindi ko Alam kung saang lupalop ako napadpad kaya't medyo natatakot na ako. 'Kalma lang Jade!', pagpapanatag loob ko sa sarili. Napakamalas ko talaga ngayong araw. Hindi naman Friday the 13th pero sunud-sunod ang mga masasamang nangyari sa akin ngayon. Nag-umpisa na akong maglakad. I need to find a way where I can find the exit in this nostalgic yet mysterious forest. Napatingala ako. I see the blue skies. Maaliwalas na Hindi katulad kanina na medyo madilim dahil sa ulan. After how many minutes of walking, I still couldn't find the exit. My feet were soaring plus I'm getting tired already. May nakita akong flat na malaking bato that's why I decided to go there and took a sit. Maybe I should rest a little bit before I continue walking to wherever place I should go. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang may maramdaman akong kakaiba. My instinct tells me that there is someone who is watching me. It gives me a chill into my spine. I can feel it and I would never be wronged with this. "Grrrrr!" Napaigtad ako ng marinig ko ang tunog na yun. 'Oww holy mother of crap!' Nasa likod ko siya. Unti-unti akong lumingon. Paglingon ko ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Pakiramdam ko ay para akong tipak ng yelo sa tigas. Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. 'Shuta! Sino naman hindi matutuod Kung nasa harap mo lang naman ang isang malaking lobo?' Infront of me was a huge black wolf! He has a pair of crimson eyes that looks like a blood. Sa tanya ko ay nasa siyam na talampakan ang taas nito and s**t he's protruding his canines on me. Mas nanlaki pa ang mata ko ng makita ko ang mga buntot nito. 'Oww holy mother of the damn! He has nine tails?!!!!!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD