I am in between life and death situation right now. My body is wet due to perspiration. Nanginginig ako sa takot and I think, napako ang mga paa ko sa lupa dahil halos hindi ko na ito maigalaw.
May galit ata sa akin si Lord eh. Biruin mo wala man lang magandang nangyari sa araw kong ito.
I found out my boyfriend and bestfriend was having an affair. Nawalan ng gas sa gitna ng kalsada. Napadpad sa ganitong klaseng lugar and now, I'm here facing a gigantic nine-tailed black wolf who has plan to devour me whole.
'Oh my gosh! What a wonderful day, isn't it?' (insert sarcasm)
Nakatingin lang ako sa mga buntot nito na gumagalaw. Parang nagwawave pa ito sakin saying,
"Hi! We're going to get you to have a meal today!"
Shuta! Advanced na kung advanced mag-isip, pero ito talaga ang iniisip ko ngayon.
Nanlaki ang mata ko ng biglang humaba ang isang buntot nito at patungo ito sa direksyon ko.
'Shuta marimar!'
Napatalon ako upang maiwasan ito. Buti na lang mabilis ang reflexes ko. Perks of palagiang pag-ggym.
Agad akong tumakbo palayo sa halimaw na yun. Pinapatamaan niya pa rin ako ng mga buntot niya. Langya! Iwas ako ng iwas habang tumatakbo. I ran as fast as I could. I don't want to be a meal by this monstrous wolf.
Paglingon ko ay nakita kong wala na ito. Napabuga ako ng hangin. Kanina ko pa pinipigilan ang paghinga ko. Napasandal ako sa isang puno.
I need to get away from that monstrous animal na hindi ko alam kung anong tawag. By its look. I stand no chance against that creature.
'FOR PETE'S SAKE! I'm just a mere human! How could I fight back?!'
That's why I should run for my life. Napasigaw ako nang maramdaman ko ang malakas na pwersang humila sa punong pinagtataguan ko. Natumba ako sa lakas ng pwersa.
Napalingon ako at nakita kung paano nito itapon na parang papel ang punong kanina ay pinagtataguan ko gamit ang mga mahahaba at mabalahibo nitong buntot.
My eyes widened in horror. 'Umayghad!'. I saw how strong its tails are. Anytime pwede nitong durugin ang buto ko sa isang hampas lang huhu. Akala ko natakasan ko na ito pero ang tanga ko naman, siyempre yang ganyang halimaw ay matalas ang pang-amoy.
'Shuta nangangamoy na kasi talaga ako.'
Napatili ako ng makitang hinampas nito ang lupa gamit ang buntot nito dahilan upang may lumitaw na matutulis na lupa papunta sa direksyon ko. Agad akong tumayo upang umiwas.
Patuloy lang akong umiiwas sa mga hampas nito. Nagkasugat-sugat na rin ako dahil hindi ko naiiwasan Yung ibang mga nagtutulisang lupa. Napapagod na ako, but I'm still trying to survive eventhough there's a less chance of living. Wala rin naman ng sense na tumakbo ako because I know na masusundan niya pa rin ako.
I jumped, ducked and even backflipped to avoid its tails. I don't know how I did that, maybe because of adrenaline rush kaya ko nagagawa ito. Nakaramdam na ako ng pagod. Kahit nag-gygym ako ay hindi pa rin malakas ang aking stamina. 'Ahmm hello! 1 month pa lang ako sa gym!'
'I need to think! Hindi pwedeng iwas lang ako ng iwas!'
I scanned the whole area. May nakita akong matulis na kahoy mula sa mga nasirang puno kanina. An idea popped out in my mind.
I hastily ran to grab the sharp piece of wood while avoiding those tails. As I grabbed it, I immediately sprinted away from the monster.
Nang marealized nito ang ginawa ko, he withdrew his tails and chase after me. I continue to run until I reached the target spot. Nakasunod sa akin ang halimaw at malapit na ito akong maabot.
Without a warning, I stepped my left foot on the tree trunk and put a force on it to propel me up and did the backflipped. I landed successfully on his back and abruptly stabbed him on the back.
The monster howled in pain. Winaksi nito ang kanyang katawan, dahilan para mahulog ako. I instantly stood up and ran away. I wouldn't slip away the chance to get away from him. Walang lingon-lingon, gasping for an air.
But my mind became static when I felt a fur that enveloped my waist and yanked me opposite to where I supposed to go through. Tila nabingi ako sa nangyari. I thought my plan would work and I could finally escape from hell but it was all in vain.
Hindi ako makahinga sa higpit ng pagkakakapit nito. Halos pipiin nito ang katawan ko. I struggled but to no avail, its tails gripped tighter.
Halos mawalan ako ng ulirat ng ibuka nito ang kanyang bunganga. Nakikita ko ang mga nagtatalasang pangil ma handang pilasin ang lamang loob at buto ko sa oras na kagatin ako nito.
Biglang nag-flashback sa akin lahat ng mga ala-ala ko simula ng magkamalay ako. Parang isang roulette na paulit-ulit na umiikot sa aking utak ang mga magagandang memories ko with my parents.
Unaagos ang laway ng halimaw. Tila takam na takam itong tikman ako.
"No wolfie! Hindi ako masarap!", Pangungumbinsi ko rito.
'Kaya nga naghanap ng iba ang ex ko eh'
'Shuta may panahon ka pa talagang humugot Jade!', lihim kong pinagalitan ang sarili ko.
Unti-unting nilapit ng nilalang ang bunganga Niya sakin. This monster is already up to devour me. He opened his mouth widely showing the sharp teeth that would tear off my flesh.
'No! I need to live! Please Lord help me!
I'm helplessly pleading, waiting for a miracle. The only thing that I need is to escape the upcoming death. I struggle even though it is futile.
May namumuo sakin na hindi ko maintindihan. A hot sensation is spreading into my body. I couldn't comprehend what's happening to me. It feels like anytime I'm going to explode.
Biglang bumagal ang oras. Ang tanging nakikita ko lang ay ang matutulis nitong ngipin na unti-unting lumalapit sa akin. Mas nagpumiglas ako. Ang tanging nararamdaman ko ay ang kagustuhan kong mabuhay.
'This is not yet my time!'
Mas tumindi ang sensasyon na nararamdaman ko. Halos manginig ako dahil sa sakit at hapdi. Para akong sinisilaban ng nagbabagang apoy sa aking kaloob-looban. Hindi ko na kaya.
"Ahhhhhhhhhh!!!"
Kasabay ng pagsigaw ko ay ang paglabas ng Kung anong pwersa galing sa aking katawan. The green light illuminated the whole area. Tumalsik ang halimaw ilang metro mula sa akin at tumama sa kumpol ng mga puno.
Nagkaroon ng malaking crate sa lupang inaapakan ko at nagsitumbahan ang mga puno sa lakas ng pagkakatalsik ng halimaw.
Para akong lantang gulay na bumagsak sa lupa. Halos hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko sa sobrang panghihina.
Unti-unting nagdidilim ang paningin ko pero bago ako tuluyang kainin ng dilim, nakita ko sa peripheral vision ko ang isang bulto ng tao na naglalakad patungo sa direksyon ko. Hindi ko na nakita pa ang mukha nito dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
================================
Napabalikwas ako ng bangon. Habul-habol ko ang aking hininga at naliligo ako sa sarili kong pawis.
I immediately touch my body, looking for some scratches but I found nothing. I sighed in relief.
'Panaginip lang pala. Jusko akala ko totoo na!'
I roamed my eyes to the room. 'Where the hell am I?!'
Th room is quite spacious and decent. The motif is white that gives a clear and light ambiance.
Hindi ko maiwasang magtaka. Sino ang nagdala sa akin dito. Oh wait! As far as I remember, may naencounter akong isang dambuhalang lobo na may nakakatakot na pulang mata at siyam na buntot. The creature tried to eat me but suddenly... UGHHH!
I stopped reminiscing what had happened back then because my head aches. I couldn't remember what came next. The only thing that I could recall is the wolf thingy tried to devour the s**t out of me!
I got up and went towards the white door. Geez! Mukha akong nasa mental institution sa kulay ng kwarto. Everything's white. Mula sa ceiling hanggang sa walls and floor. Even the windows, curtains and the bed are also WHITE!
Napatingin ako sa suot ko. 'Geez! Sino nagpalit nito?!'.
Nagmukha akong pasyente. Mula sa damit hanggang sa pajamang suot ko. Pansin ko na wala akong pansapin sa paa kaya't I'm barefooted right now. Pinihit ko ang doorknob.
' s**t! Bakit hindi ko mabuksan?!'
I tried to open it but it turned out that the door was locked. Shuta paano ako makakalabas dito kung ganito?!
I pondering what to do when suddenly I felt the temperature slowly dropping. Although bearable pa siya pero habang tumatagal ay mas lalong lumalamig sa buong kwarto.
I tried to bump the door really hard but I ended up hurting my self.
'Damn it!'
Panic is slowly crept up my body. Nanginginig na ako dahil sa lamig. I searched for some exit. Sinubukan kong buksan ang bintana ngunit hindi ko mabuksan. I also attempted to break it using the chair that I saw but to my dismay, the chair has broken.
'Anong klaseng bintana ito? Perfect ito para sa zombie apocalypse huh. Infairness'
Nagpalinga-linga ako sa paligid, searching for something that could help to my situation right now. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang baba ng temperatura ng paligid. The temperature is slowly dropping as hell! But I won't settle to the fact that I'll die in this place.
Sa patuloy na paghahanap ko ay nahagip ko ang isang white na envelope. Dagli ko itong kinuha at binuksan. Napakunot ako nang mabasa ko ang nilalaman ng sulat.
"To find the key, answer first the riddle:
"As soft as marshmallow,
As white as a snow.
It feels like in the clouds,
A sweet slumber won't be renounced."
'What kind of riddle is this?!'
I don't know kung anong pakulo ng sinumang tao na nasa likod nito. Pero ito lang masasabi ko, 'SHUTANG ANIMAL TALAGA!'
Kung papatayin niya ako dapat rekta na, hindi yung paglalaruan pa ako. Mamamatay dahil sa hypothermia.
'Should I answer this nonsense riddle?!'
'Nakakainis naman kasi eh! Kagigising ko lang oh! Pwede bang time first muna?! Okay, kailangan kong huminga!'
Nanginginig na ako sa lamig at bumibigat na rin ang aking paghinga. Kapag hindi pa ako kumilos ay tiyak magiging instant frozen gay ako nito!
I need to get out from this place. Habang tumatakbo ang oras ay mas lalong umiiksi ang chance kong makalabas ng buhay. I read again the letter.
'Para mahanap ko ang susi, kailangan kong sagutin ito?!'
I pondered what was it mean. I couldn't barely decipher the words because it was deep and tricky. I analyzed the first line.
'As soft as marshmallow,
As white as snow.'
Napaisip ako. It could be a thing in this room na malambot. As I observed, the entire room was filled with white color. The clue there is the word "snow" and we all know na ang kulay ng niyebe ay puti.
'It feels like in the clouds,
A sweet slumber won't be renounced.'
I knew it! Agad akong nagtungo sa kama. I grabbed the pillows and tore it one by one. Sa unang unan at wala akong nakita, sa pangalawa ay wala. And here I am on the last pillow. Tagaktak ant malapot kong pawis at rinig na rinig ang marahas kong paghinga. Nagkalat na rin ang mga bulak mula sa mga pinunit kong mga unan.
Kinakabahan ako but it is now and never. I have no time to be skeptic. I immediately tore the last pillow. Nahigit ang aking hininga ng makita ko ant isang silver na susi. Agad ko itong kinuha at nagtungo sa pinto. I inserted the key on the keyhole and to my relief it opened.
Pagkalabas ko ay agad kong naramdaman ang pagbabago sa temperatura. Napaigtad ako nang biglang sumara ng malakas ang pintuan.
Bumungad sa akin ang mahabang hallway. Nagtaka man ngunit isinantabi ko ito at agad tinahak ang daan.
Pagliko ko ay nakita ko ang hagdan pababa. As I went down, a cold voice lingered in my ears.
"20 minutes? Impressive huh?!"
Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses. Bumungad sa akin ang isang lalaki na mas matangkad sa akin ng konti, nasa 5'5 lang kasi ang height ko. He has a fair skin like mine, a black hair with a strike of red highlight and an obsidian black eyes. He has an effeminate features that's why I'm confused if he or she talaga siya. Otherwise, masasabi kong attractive ito.
"H-huh?", I bewilderedly asked.
I'm a little bit confused about what he said. I don't know what to say dahil nasa process pa rin ako ng pag-absorb sa lahat. Matalino akong tao pero parang nabobo ako sa tinuran niya.
"I said, I'm impressed na nakalabas ka sa room na yun within 20 minutes. I didn't expect na makakalabas ka pa ng buhay", he retorted still void of emotion.
Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"What the heck?! Ikaw pala yung shutangina na nagkulong sa akin sa kwarto na Yun?!", Nanlalaki ang matang itinuro siya.
"Watch your mouth kid!" , he said stoicly but you could feel authority in his voice.
Ang lamig ng boses niya kaya hindi ko mapigilan na manginig sa takot. Pakiwari ko, anytime he could end my life in a single snap.
"S-sorry"
"Follow me", sabi niya bago niya ako talikuran at nag-umpisang maglakad.
Nakasunod lang ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mamangha sa design ng bahay. I couldn't even call it a house. It was huge and elegant, this should be called mansion. Mula sa chandelier and red carpet hanggang sa mga nagmamahaling muwebles na halatang mahal.
Nakarating kami sa sala. Even the living room was exquisite. There were three colored white sofa with golden linings on the edge. A 45 inches flat screen TV and a round glass table in the middle. Over all, it was beautiful and elegant.
"Have a seat."
Nag-aalangan man pero umupo rin ako sa solo sofa. Prente itong nakaupo sa isang mahabang sofa habang nakatitig ito sa akin. His demeanor shouts power that makes me feel uncomfy.
Naiintimidate ako sa tingin niya. Yung tipong parang alam niya lahat ng bagay tungkol sayo. Hindi ko kayang makipagtitigan kaya't iniwas ko ang aking paningin at awkward na tumikhim.
"A-ahm without due respect but I want to ask, where am I? What kind of place is this?"
I know it was kinda rude to ask those question without asking for his name but you couldn't blame me. I really am confused right now and I want an immediate answer.
Pinagcross nito ang kanyang mga paa at ipinatong ang kamay dito. Natetense ako sa mga titig nito. I couldn't stand to stare at him with those cold eyes.
"Before I answer your quarries, I would like to introduce myself. I'm Clandestine Raven Moore, but you can call me Raven.", pagpapakilala nito sa akin. Awkward akong tumango.
"And to answer you, you are in my house.", pagpapatuloy nito.
Naalala ko yung halimaw na naencounter ko. As far as I know, there no such creature like that. It was never be a normal species because of its peculiar tails.
"Ang naencounter mo ay isang nine-tailed demon wolf. It was an S-class monster type that lives in the death forest where I found you", pagpapaliwanag nito.
My eyebrows creased.
'Demon wolf? S-class monster? Death forest?'
"W-wait what are you talking about?", naguguluhan kong tanong.
"Wala ka na sa mortal realm, nandito ka sa realm na tinatawag na Forever Land. This world is not an ordinary world, because it contains magical energy that gives every Everian a magic and immortality." Mahabang paliwanag niya habang ako ay pilit inaabsorb lahat ng information sa utak ko.
'THIS IS TOTALLY ABSURD!'
'How could I believe this?! Magic doesn't exist!'
"Why am I here? I'm not an Everian and I don't think I have what you so called magic! I'm just a mere human for Pete's sake!", I furiously asked.
Napabuntong hininga ito.
"You're wrong. Sa tingin mo ba makakapasok ang sinumang mortal sa realm na ito? The answer is NO. No mortals can ever enter this place unless you possess magical energy or what we called crest."
Natigilan ako sa narinig.
'How come an ordinary human like me has entered this place?!'
"I know this was just a misunderstanding! Please help me find my way out here, I don't want to be stuck in this place! Tell me how can I get myself out from this place?". I desperately asked, losing my coolness.
"I don't think you can. There is no other way out here. I'm afraid I can't help you." He said nonchalantly.
"N-no no no! Gusto ko nang umuwi! Paano ang mga magulang ko?! Paano ang buhay ko dun?! Paano ako mabubuhay sa magulong mundong ito?! I can't!" Naguguluhang saad ko.
I immediately stood up and stormed out of the living room. Dali-dali akong lumabas, not minding his figure habang prenteng nakaupo.
As I found my way out, my jaw dropped in instant. Paglingon ko sa bahay na pinanggagalingan ko, ganun na lamang ang pagkagulat at mangha ko ng makitang barong-barong lamang ito. Malayong malayo sa magarang structure sa loob.
'Whoah! What kind of magic is this?!'
Nilibot ko ang aking mata sa paligid. Ang kubo ng lalaki ay nandirito sa tuktok mismo ng burol!
Mas namangha pa ako ng matanaw ko ang view. Nakikita ko ilang kilometro lang ang layo sa kinaroroonan ko ang isang malaking syudad.
The magnificent view of the city lured my eyes. All of the buildings were made of crystals. Malayo man sa kinaroroonan ko ngunit alam ko kung saang gawa yun. They were shining and splendid.
Nakikita ko rin ang asul na asul na kalangitan at kulay pink na ulap. Mas lalo pa akong namangha sa mga nagliliparang sasakyan. All I could see are flying cars, ships and also a TRAIN!
Para akong nasa movie kung saan pinapakita ang isang modernized city. The ambiance brought me into the futuristic scene of a place.
Nararamdaman ko rin ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Katamtaman lang ang lamig na ito at talaga namang ibang-iba ito sa temperatura sa mortal realm.
Napalingon ako sa likuran at nakita kong lumabas ang lalaking kausap ko kanina. Kalmado at wala kang mababasang expression dito habang naglalakad papunta sa akin.
Tumigil ito sa aking harapan at nilahad nito ang kanyang kamay na parang nagwewelcome ng guest.
"Welcome to Forever Land, where forever do exists!"