bc

Ang Apat Na Mukha Ng Pag-ibig

book_age18+
57
FOLLOW
1K
READ
fated
friends to lovers
goodgirl
independent
dare to love and hate
drama
twisted
bxg
realistic earth
lies
like
intro-logo
Blurb

APAT NA MUKHA NG PAG- IBIG

BLURB:

Apat Na Mukha Ng Pag-ibig...

Isang ayaw bumitiw, isang ayaw nang kumapit.

Isang mapagbigay, at isang hindi makuntento.

Sino sa kanila ang magwawagi sa laban ng pag-ibig?

Si Lovi ba?

Si Lincoln?

Si Vivoree? O, si Archangel?

chap-preview
Free preview
C-1: Relasyon
"I'm sorry babe, late na naman ako!" agad na sabi ni Lovi nang makaramdam ito sa tagpuan nila ng kanyang kasintahan na si Lincoln. Marahas na napabuntonghininga si Lincoln saka ito tumayo at sinalubong ng halik sa pisngi ang kanyang kasintahan. Hinila rin nito ang isang upuan para makaupo na si Lovi. "Sorry talaga ha? Tinapos ko kasi 'yong deal namin ni Mr. Nakamura sayang naman kung papalagpasin ko 'yon 'di ba?" wika ulit ni Lovi. "Ano pa nga bang magagawa ko? Hindi naman na ito bago sa atin eh! In fact, nasanay na ako Lovi for five years!" nanlulumong sagot ni Lincoln. Mabilis na ginagap ni Lovi ang kamay ng kanyang kasintahan. "Pasensiya ka na sa akin! Alam mo naman ang katayuan ko hindi ba? And para na rin ito sa ating future, ayaw mo ba? Gusto ko kasi kapag lumagay na tayo sa tahimik nakahanda na ang lahat." Saad ni Lovi. "I know! You're the daughter of a business tycoon. Nagpapatakbo sa ilang negosyo ng inyong pamilya katuwang ang kapatid mong sina Lirah at Lanara. Pero Lovi, may obligasyon ka sa akin na kung hindi ko ipaalala sa'yo hindi mo na rin maalala." May himig tampo ang boses ni Lincoln. Humugot nang malalim na hininga si Lovi at mataman niyang tinitigan si Lincoln. "Let's not argue about this matter please? I'm tired, at pinilit kong makarating dito as soon as possible." "Sino ang hindi pagod? Mabuti nga sa'yo you're the boss! Samantalang ako, I am the employee!" "Oh bakit tila kasalanan ko? Kahit boss ako Lincoln I'm doing my job! Hindi ako nagrereklamo kasi may pinaglalaanan ako! May inspirasyon ako sa buhay! Mga pangarap na gusto kong matupad and just for us lahat ng ginagawa ko!" Saad ni Lovi. Hindi naman nakahuma si Lincoln bagkus ay napailing-iling ito. "Ayaw mo n'on? Kasal na lang ang kulang natin kapag okay na ang lahat?" patuloy na sabi ni Lovi. "Okay! Forget it, palagi na lang sa tuwing anniversary natin lagi tayong nagbabangayan. Happy anniversary, babe!" maalumanay na ang boses ni Lincoln sabay halik sa hawak nitong kamay ni Lovi. Bumuntonhininga naman si Lovi at lumambot na rin ang mukha nito. "Happy anniversary babe! Sorry, nagtaray na naman ako sa'yo!" mahinang sagot ni Lovi at nginitian niya ang kanyang nobyo. Nginitian din ni Lincoln si Lovi sabay abot sa isang bouquet ng red roses dito. Masaya namang tinanggap iyon ng dalaga saka nagpasalamat. Maya-maya pa'y masaya na rin silang kumain sa kanilang order para sa kanilang anniversary celebration. Masaya naman ang kanilang relasyon lalo na noong una. Marami silang pangarap sa buhay kaya nagpupursige si Lovi kahit na si Lincoln. Subalit habang tumatagal parang nananawa na si Lincoln at pakiramdam nito ay tila may kulang na sa dating matamis nilang pagsasama bilang magkasintahan. Lalo na nang hindi ito pinagbigyan ni Lovi sa madalas nitong inuungot lalo na kapag silang dalawa na lamang sa may condo sa apartment ni Lincoln. Na madalas sa mag- asawa lamang iyon nangyayari. Conservative kasi si Lovi at pinanindigan nitong saka lang niya isusuko ang bandila ng bataan kapag kasal na silang dalawa ni Lincoln. Bagay na labis dinamdam ni Lincoln at ilang linggo silang hindi nag-iimikan. Manager si Lincoln sa isang hotel and resort na pagmamay-ari ng Daddy ni Lovi. At doon sila unang nagkakilala hanggang sa sila ay naging magkasintahan na. At tumagal sila ng limang taong magkasintahan. Noong una mga minor lang na issue ang kanilang pinagtatalunan hanggang sa lumaki na nang lumaki iyon. Na minsan nauuwi sa pagkakatampuhan at hindi pag- iimikan na umaabot ng ilang araw. Subalit sadyang mabait si Lovi dahil kahit hindi nito kasalanan ay ito pa rin ang unang gumagawa ng paraan upang magbati silang dalawa. Na labis kinaiinisan minsan ng mga kapatid ni Lovi. Masyado raw nitong ini- spoiled si Lincoln at tiyak mamimihasa raw ang binata. Kaya lang lagi namang ipinagtatanggol ito ni Lovi ang laging sagot ng dalaga ay mahal niya si Lincoln ng higit pa sa buhay nito. At gagawin niya ang lahat mapasaya lamang ang binata at hindi magtampo sa kanya ng matagalan. Habang ang magkasintahan naman na sina Archangel at Vivoree ay nagbabangayan din. Receptionist sa isang hotel and resort. Habang model naman ng isang kumpanya si Archangel. "Bakit naman dito sa park tayo namasyal? Andaming lamok baka mamaya magkaroon pa tayo ng dengue!" himutok ni Vivoree habang panay ang haplos nito sa kanyang hita. Napangisi naman si Archangel saka nito pinitik ang tungki ng ilong ni Vivoree. "Maarte ka na ngayon ha? Samantalang dito naman tayo lagi noon!" sabi ng binata. "Noon iyon, sana naman sa bagong pasyalan mo ako dalhin." "At kailan ka pa po namimili aber?" "Kasi, 'yong ibang kaibigan ko kahit papaano nakakarating sila sa mas magandang lugar. Tapos ako, wala man lang ako maibida kundi ito parkeng madilim." Katwiran ni Vivoree. Inakbayan naman ni Archangel si Vivoree saka hinalikan sa pisngi. "Hayaan mo, kapag ka nakasahod ako ipapasyal kita sa lugar na gusto mo. Hindi na muna ako maghuhulog ng bayad sa sasakyan na kinuha ko." Sabi ng binata. "Totoo?!" nagniningning pa ang mga mata ni Vivoree pagkarinig sa sinabi ng kanyang nobyo. Tila pa nabuhayan ito ng loob at kagyat na niyakap si Archangel saka hinalikan. "Thank you love!" masayang sambit ni Vivoree. "No problem love, basta ikaw!" masaya ring sagot ni Archangel pagkatapos ay nagsimula na silang kumain ng kanilang mga dala. Bonding moment nilang dalawa iyon dahil parehas nilang free day. Minsan kasi kapwa sila busy kaya wala silang oras minsan na magka- bonding. Sinamantala na nila ang araw na iyon dahil paniguradong busy na naman silang dalawa bukas hanggang hapon. Niyaya na nga ni Archangel ng kasal si Vivoree kaya lang ay ayaw pa ng dalaga. Marami pa itong gustong matupad at marating bago lumagay sa tahimik. Bagay na iginagalang naman ni Archangel kahit na medyo malaki naman ang kanyang kinikita bilang model ng isang sikat na kumpanya. Tatlong taon na rin silang magkasintahan at parehas na laki sa hirap. Kaya lang ang pinagkaiba nilang dalawa, nakatapos si Archangel ng kursong caregiver six months iyon sa Tesda. Si Vivoree naman ay hanggang unang taon lang ng kolehiyo mas ginusto nitong magtrabaho kaysa sa mag-aral. Kaya naman puspusan ang pag- iipon ng dalaga para mabili nito ang kanyang pinag-iiponang bahay at lupa. Habang si Archangel ay nag-iipon din kaya lang nagpapadala ito sa kanyang mga magulang. Na malimit nilang pagbangayan ni Vivoree. Isang taon na rin buhat ng magka-live in silang dalawa. Bukod sa mas makakamura sila kung iisang apartment lang ang kanilang tinutuluyang dalawa. At para mas tumibay pa ang kanilang relasyon kapwa takot na may mang- agaw pang iba sa kanila. Hindi rin maikakailang may nangyari na rin sa kanilang dalawa at maramdaman beses na. Kasal na nga lang ang kulang sa kanilang pagitan, puwera anak dahil ayaw pa talaga ni Vivoree kaya doble ingat sila kapag nagkakaulayawan silang dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook