Chapter 7

1525 Words
Chapter 7 TROY Isang tawag sa telepono ang nagpatigil sa akin sa pagsusulat. Private call 'yon kaya hindi 'yon pumasok sa telepono na nasa lamesa ni Alexa. Dalawa kasi ang telepono na nandito sa lamesa ko. One is for business purposes kung saan nakakabit din ang linya sa telepono ni Alexa and the other one is for my private purposes. Sinagot ko ang telepono habang nakatingin kay Alexa. Isang transparent wall lang ang pumapagitan sa amin. "Sir, are you not going to take your lunch?" si Ms. Volante ang nasa kabilang linya. "Oh, ahm... what time is it now?" I checked my wrist watch after Ms. Volante said that it was almost 12:00 of noontime. "Hindi po ba kayo sinasabihan ng bagong secretary niyo?" Tumingin ako sa gawi ni Alexa. She's so busy. Parang alam niya na kaagad ang kung ano ang mga gagawin niya. "Ok thank you for the reminder. Susunod na lang ako," sabi ko na lamang. "Sabi ko na nga ba. Hindi pa maaasahan ang babaeng 'yan sa schedule mo. Baka pati sa pagreserve sayo ng seat sa cafeteria hindi niya alam," may himig na patutsada ni Macy. Yeah, there's an exclusive cafeteria for those who have a high position here in company. Usually that is for those negotiators, co-chairmans or my partners in my company. To make it clear sila 'yong mga taong nakikita ako. Because as I've said. Only few in this company knew me as a president. Halos karamihan ay kilala lang ang pangalan ko pero hindi pa ako nakikita or nakikilala. I preferred to be a private person that only few knew me. "Walang transition na nangyari sa kanilang dalawa ng dati kong secretary. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi pa alam ni Alexa ang mga dapat niyang gawin as secretary. What to expect eh first day niya palang 'to and supposed to be, Rizza will going to trained her kaso nagkaroon ng emergency sa bahay nila 'di ba?" "Ahh... o-oo nga po sir," wika ni Macy sa tila nagtatakang tono ng boses. Agad ko naman na nakuha ang mga sinabi ko. I snapped back. Alam kong hindi ako ganito ka-understandable pagdating sa mga ganitong sitwasyon ng empleyado. Mapabaguhan man 'yan. Alam din 'yon ni Macy kaya paniguradong nagtaka din siya sa mga sinabi ko kanina. "Ahm, later after lunch, pumunta ka dito. Ikaw muna ang mag-train kay Alexa sa mga dapat niyang gawin. Introduce her the secretary's manual at i-explain mo sa kanya ang lahat even the don't and do's." "P-Po? Bakit po ako sir?" "Why? You became my temporary secretary noong nag-leave si Rizza nang dalawang linggo. Kaya alam kong alam mo na rin ang mga ginagawa ng isang secretary." "Y-Yes sir. Noted po." Mayamaya pa ay binaba ko na ang telepono. Sinulyapan ko si Alexa na noon ay dagliang tumayo na tila ba may naalalang gawin. Kaagad siyang lumabas sa transparent room niya saka mabilis na naglakad papunta sa akin. Halos matumba pa siya dahil sa takong ng kanyang sapatos. Mabuti na lamang at nakahawak siya sa pinto ng kanyang kwarto. Nagkunwari akong may sinusulat bago pa man mapatingin sa gawi ko si Alexa. But... damn with that shoes! Muntik na siyang matumba dahil 'don. After that, I checked myself why am I so affected? "Excuse me sir... Lunch time niyo na po pala. P-pasensya na po kung kakacheck ko lang ng schedule niyo. Hindi ko pa po kasi tapos 'yong ginagawa kong schedule sa Google sheet." Pinagkatitigan ko si Alexa. Nakita ko kung paano umahon ang kaba sa kanya. Nakita ko pa kung paano niya kinagat ang labi niya na ikinagalit ng isang parte ng katawan. Kahit gusto ko pang titigan ang mukha niya ay umiwas na lamang ako ng tingin. Control yourself Troy, baka nakakalimutan mo, muntik mo na siyang magahasa 8 years ago. Tumayo ako at inayos ang necktie ko. "It's ok. This is just your first day. Pero mayamaya ay pupunta dito si Macy and she will train you for 2 weeks kung ano ang mga dapat gawin ng isang Secretary. I think pagkatapos naman noon ay alam mo na ang mga gagawin mo." Nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Alexa. "Thank you sir!" nakangiting wika niya. "Sige na... you may take your lunch now." "P-Pero sir, yong pagreserve ko ng seat sayo sa caf- "Ako na ang bahala doon." pagputol ko sa sinasabi "Tomorrow I will expect na ikaw na ang gagawa noon," Ngumiti siya. "Opo sir! Makakaasa po kayo." Tumango ako. Ilang minuto nang nakaalis si Alexa sa harapan ko pero parang nandito parin siya. Napapikit ako sabay samyo ng hangin sa paligid. That scent... Siya talaga ang 'yon. ********* ALEXA Sumakay ako sa elevator para bumaba sa pantry na nasa 7th floor. Well every floor has a pantry except sa 20th floor kung saan naroon ang office ni Sir Alfonso. Iilan lang ang pumapasok sa floor na 'yon. Napakaexclusive kasi ng place na 'yon. Well, speaking of Sir Alfonso, hindi ko talaga nagustuhan ang first day ko na ito sa kanya. Ang dami kong palpak. First impression last pa naman kaya tuloy parang kapag nagkikita na kami hindi ko na maiwasan kabahan. Feeling ko kasi bawat kilos ko ay maaaring maging mali para sa kanya. My phone rang. I was about to get it in my bag nang mahulog ang mga papel na kailangan kong pag-aralan bago papirmahin kay Mr. Alfonso. Nagkalat iyon sa sahig ng elevator. "Takte!" I uttered Inisa-isa kong pulutin iyon. Gladly ako lang ang magisa sa elevator. But the elevator stopped in 10th floor at may sumakay. Hindi ko na tiningnan kung sino yun dahil nagmadali na akong kunin lahat ng papel. "Oh? anong nangyari?" tanong ng isang lalaki. Wala naman sana akong balak na tingnan siya pero nakuha niya ang atensyon ko nang tulungan niya ako sa pagpulot ng mga nagkalat na papel. Napatingin ako sa kanya when I reached the last paper na hawak na rin niya. A man with a well combed black hair. Matangos na ilong. Medyo tsinitong mga mata at maninipis na hubog ng mga labi. He also had this fair complexion of skin. Looking by him halatang hindi siya pure filipino. "T-Thank you." Umayos ako ng tayo at sinagot ang tawag. "Sissy! nasaan ka na?" si Ally ang sumagot. "Eto na. Malapit na." "Bilisan mo na at gutom na ako." pagrereklamo nito. "Oo na, gutom na nga rin ako." Nang bumukas ang pinto ay lumabas na ako. Isang ngiti at tango na lang ang binigay ko sa lalaki bago nagmadaling maglakad papunta sa cafe. In-endcall ko na ang tawag at nagmadali sa paglalakad. Medyo maraming tao na sa loob ng cafe kaya hindi ko agad nakita si Ally. Pero bahagya akong napakunot nang sa gilid ng mga mata ko ay parang may tumititig sa akin. Nang nilingon ko iyon ay mga busy tao na bumibili ng pagkain ang nakita ko. Wala naman na taong nakatingin sa akin dahil mas iintindihin ng mga tao dito ang pagkain dahil alam kung gutom na rin sila kagaya ko. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at hinanap si Ally. Nang mahanap ko siya ay kinawayan ko siya. "Dito ka na sis! Para makakain na tayo!" sabi niya sa malakas na boses. Lumapit ako at umupo. Bago kami nagsimula ay lumapit sa table namin ang nagsi-serve. Binigyan kami ng limang plato na may iba't ibang klase ng ulam. "Wow sis! Galante ang first day natin ah? Sumahod ka kaagad?" nakangiting sabi ni Ally habang nakatingin sa mga pagkain na binababa ng nagsiserve sa table namin. "Ha? Wala akong inorder ha, 'di ba ikaw pa nga ang babayaran ko kasi nagpauna na akong magpaorder sayo." kunot-noong sabi ko. "What? eh, kanino 'to?" Nagkatingin kaming dalawa bago kami napatingin sa lalaking nagsiserve sa amin. "Kuya, hindi namin 'to in-order." sabi ni Ally. "Don't worry ma'am bayad na po yan." "Ha? Teka... wala akong natatandaan na nagbayad ako niyan." nalilitong sabi ni Ally. "Binayaran na po ng lalaki. Para daw po sa inyo." "Para sa amin?!" sabay pa namin sabi ni Ally. "Sinong lalaki?" muli ay tanong ko. Tumingin-tingin si Kuya na nagsi-serve sa mataong cafeteria. "Naku umalis na ata." sabi niya. Napatingin ako sa paligid. Sino naman kaya 'yon? "Sige po, ok na po yan." sabi ni Kuya saka umalis na. Napatingin ako kay Ally na noon ay sinimulan nang sentensyahan ng bibig ang mga pagkain na nakahain. "Hmm... hindi ko akalain na sa ilang buwan ko palang dito ay magkakaroon akong secret admirer." sabi niya sa pagitan ng pagkain. "At mukhang i-spoil-in din ata ako sa pagkain." dugtong niya pa. Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Kinuha ko na rin ang kutsara't tinidor para magsimulang kumain. But I noticed a note beside my fork. It was folded. Tumingin muna ako kay Ally na noon ay busy na sa pagsentensya sa pagkain na nasa harapan niya. Mukhang hindi niya napansin ang note. Hindi ko na rin sana bibigyan ng pansin iyon pero sa huli ay kinuha ko parin saka binasa ko ang nakasulat. Enjoy your lunch, Alexa. Nahigit ko ang hininga ko kasunod ng pagtingin ko sa mga tao na nasa pantry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD