Chapter 8

2001 Words
Chapter 8 ALEXA Lumabas ako ng Alfonso Food Inc. Napainat ako. Alas otso y medya na at kakaunti na lang ang lumalabas sa company para umuwi. Ikatlong araw ko ngayon sa company na ito. And the hell that I had ever experience since the first day was still on. Or... sabihin na natin parang araw-araw lumalala kasi si Macy ang nagti-train sa akin. Dalawang oras niya akong tinitrain sa umaga at dalawang oras din sa hapon. Lahat ng schedule ng meetings ni Sir, mga appointments at even sa personal life niya ay kailangan ko din tutukan. Idagdag pa ang masungit na aura ni Sir Alfonso. Mabilis siyang mairita at minsan naman ay mayamaya ay magiging ok siya. Bipolar kumbaga. Hay! Ewan. Pero kahit ganito ang stress na naramdaman ko ay hindi ko pwedeng sumuko agad agad. I received a bad news yesterday. Inatake daw ng mild heart attack si Lolo Ekong. Pero mabuti na lang at nandoon si Leseth at naagapan agad si Lolo Ekong. Pinainom lang ito ng gamot nito and gladly ilang minuto lang ay ok na siya. Sinabihan ko nga 'yong kapatid ko na dalhin si Lolo Ekong sa hospital but he refused. Kaya naman daw nito at medyo sumikip lang daw ang dibdib niya dahil sa init ng panahon. Pero alam kong ayaw ni Lolo Ekong dahil alam niyang ako mahihirapan sa gastusin. Which is wala naman sanang problema sa akin kasi para sa kanila gagawin ko ang lahat. Utang namin ng mga kapatid namin ang buhay namin sa kanila. Kung wala ang mga Lolo at Lola ko ay hindi ko ata alam kung saan kami pupunta ng mga kapatid ko. Maybe we will ended up living our life on the street kung hindi dahil sa kanila. Naglalakad na ako papunta sa bus stop nang biglang umulan nang malakas. Napabuntong-hininga ako. "Bakit hindi na lang umulan kanina at ngayon pa talaga na uuwi ako?" inis na sambit ko sa sarili. Napatingin-tingin ako sa paligid. Naghahanap ako ng malapit na masisilungan. Kaso wala akong nakita. Unti-unti na ako nababasa. Hanggang sa tumigil ang mga mata ko sa isang lalaki lang sa hindi kalayuan ang nakita ko. Nakapayong siya na kulay itim at mabagal lang ang paglalakad niya. Parang wala siyang pakialam kung nababasa na ang itim na sapatos niya ng ng ulan. Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo para makisilong sa kanya. Hindi kasi ako sanay magdala ng payong at tsaka pinauna ko ng umuwi si Ally dahil masakit daw ang ulo niya. Malapit ko ng maabutan ang lalaki nang may tumawag sa pangalan ko sa likuran ko. "Ms. Alexa!" Isang lalaki ang lumapit sa akin na may dalang pulang payong. Agad niya akong pinayungan. Kunot-noong napatingin ako sa kanya. Teka... ito 'yong lalaking nakita ko sa elevator noong first day ko. "Kilala mo ako?" wala sa loob na tanong ko sa kanya. "I mean... ang pangalan ko?" "Oh I forgot. I am Stevan Villafuerte. But you can call me Tevan." sabi niya saka inilahad ang kamay. Napatingin ako sa kamay niya. Tinanggap ko naman iyon dahil baka magmukha akong suplada sa kanya lalo na't halatang matagal na siya sa company. Pero bakit alam niya ang pangalan ko? "Ahm, nalaman ko ang pangalan mo sa suot mong ID." Siguro nakuha niya ang ibig sabihin ng pagkunot ng noo ko. Agad kong kinapa ang ID ko, saka mabilis na tumango. "Ahh..." "Let's go? medyo malakas na ang ulan. Ahm, wait. Taga-saan ka pala?" Nagtatanong ba siya para ihatid ako sa amin? Umiling ako. Ambisyosa ko naman masyado. Sinabi ko 'yong address ko. Napakamot naman siya. "Ay ganoon ba, sayang magkaiba tayo ng taxi na sasakyan. Dibale, paparahan na lang kita ng taxi." Marahan lang akong tumango. Hindi naman siguro masama na makisabay sa taong kakilala ko palang. At saka katrabaho ko naman siya kaya wala naman siguro akong dapat na ipag-alala sa kanya. Nilampasan namin ang lalaking nakaitim na payong na noon ay nakatalikod sa amin. Habang naglalakad kami ni Tevan ay parang na-curious akong tingnan ang mukha ng nakatalikod na lalaki. Kaya naman nang matapatan namin ang lalaki ay nilingon ko siya. Ngunit hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil marahan niyang binaba ang payong para siguro ay takpan ang mukha niya. Ang tanging nakita ko na lang ay ang kanyang mga labi. Mga labi na bigla ay dinala ang isipan ko sa nakaraan. That was... 8 years ago. The lips of a stranger suddenly registered in my mind. A man with an umbrella too. A stranger that gave me a nightmare... a trauma. The stranger that almost... almost raped me! Napahinto ako nang biglang sumikip ang dibdib ko. Agad kong nasapo iyon. "Hey, a-are you ok?" tanong ni Tevan sa akin. Nilingon ko si Tevan. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya saka tumingin siya sa kamay ko na nakasapo sa dibdib ko. Agad akong tumayo ng maayos. Kumuha ako ng hangin. Tumango lang ako at bahagyang ngumiti. "Ahm... yeah, ok lang ako." Muli kong nilingon ang lalaki. Pero halos mapatalon ako nang mawala ang lalaki. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid but... s**t, He disappeared?! "Alexa bakit?" may himig na pag-aalalang tanong ni Tevan. "Di ba may lalaki tayong nilampasan? Nasaan na 'yon? "Lalaki?" tumingin si Tevan sa dereksyon kung saan ako nakatingin. "Wala naman akong nakita." Parang tambol na tumibok ng malakas ang puso ko. Bigla ay nakaramdam ako ng takot at kaba. "What?! 'Di mo nakita? Nadaanan palang natin siya. Nakaitim siyang damit a-at saka itim na payong," wika ko habang kinakabahan ang boses. Luminga-linga si Tevan sa umaambon pang paligid. "Sorry ha, wala talaga akong napansin eh." nagkakamot na sabi niya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. I just bit my lip and keep in my mind na baka guni-guni ko lang 'yon. Pero bakit ganoon? Bakit naramdaman ko na naman 'yong takot at galit na matagal ko ng binaon sa hukay? It was almost 8 years ago! Hindi ko na dapat maramdaman muli ang trauma na 'yon. Ok na ako ngayon. Hindi ko na dapat 'yon iniisip pa. At sa ginawa kong iyon sa kanya alam kong wala na siyang balak na balikan pa ako dahil alam niyang baka tuluyan ko na siya pag nakita ko pa siya! "Alam mo, pagod lang 'yan. Paparahan kita ng taxi para makauwi ka na at makapagpahinga ka," wika ni Tevan at saka ngumiti. Wala sa loob na tumango na lang ako. "S-sige... salamat." Nang makasakay ako sa taxi ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hindi na ako tumingin sa labas ng kotse na usually kong ginagawa kapag gusto kong namnamin ang gabi. Deretso lang akong nakatingin sa kalsada. I pulled out my earphone and plugged it to my phone. I decided to hear a music para malibang ang utak ko. Nang makababa ako ay naglakad na lang ako sa maliit na eskinita. Hindi na kasi kasya doon ang kotse. Confident naman akong maglakad sa eskinita na iyon kasi maliwanag naman siya. Iyon nga lang medyo may distansya ang bawat ilaw. Kaya may part ng kalye na hindi masyadong abot ng liwanag ng ilaw kaya medyo madilim. Wala naman akong nararamdaman na kaba sa pagdaan ko doon kasi sanay na rin ako. Ilang beses na rin akong umuuwi ng gabi doon sa dati kong work. Bahagyang bumagal ang paglakad ko nang marinig ko ang tawanan ng mga tambay na lalaki sa tindahan ni Aling Maria. Panigurado nagiinuman na naman sila doon. Napailing na lang ako at inayos earphone ko na nasa tenga ko. Hindi naman ako kinabahan sa kanila kaso pag dumadaan ako hindi ko alam kung bakit natatahimik sila. Parang tinutunaw nila ako ng tingin. Kaya naman ang ginagawa ko naglalakad lang ako ng mabilis. Ngunit bigla akong nagulat nang may humawak sa braso ko. Napalingon ako sa likuran ko. "Miss, nahulog mo," ani ng lalaki na nag-aamoy alak na. Inabot niya sa akin ang panyo. Agad ko naman itong kinuha. "S-Salamat." Tinalikuran ko siya para umalis ngunit halos mapatalon ako sa gulat ng may mabunggo ako na lalaki sa harapan ko. "Ba't parang nagmamadali ka miss? Pauwi ka na 'di ba? Hindi mo naman kailangan magmadali," nakangising wika ng lalaki saka humakbang palapit. I instantly moved forward. Nahawakan ko nang mahigpit ang tote bag ko. Awtomatikong tumibok na parang mga yabag ng kabayo sa bilis ang puso ko. "Samahan mo naman kaming uminom, Miss." aya ng lalaking nag-abot ng panyo ko na nasa likuran ko. "Ayoko! Lubayan niyo nga ako!" kunwari ay matapang na sabi ko saka binunggo ang lalaking humaharang sa akin para makadaan ako. Tumakbo agad ako pero lalo akong kinabahan nang nasa madilim na parte na pala ako ng kalsada. Sa saktong paglingon ko sa likuran ko ay nandoon ang dalawang lalaki na pasuray-suray na sumunod pa sa akin. Dumoble ang kaba at takot ko. Napasigaw na ako sa sobrang takot. T-Teka... huwag nilang sasabihin na hahabulin nila ako?! "Ahh! tulong!" Sa saktong pagsigaw ko ay natisod ko ang hump dahilan para mapasubsob ako sa kalsada. Nang tumingin ako sa dalawang lalaki ay nandoon na sa harapan ko at handa na akong sungaban! Napapikit na lang ako at umusal ng panalangin. "S-Sino ka?"galit na sabi ng lalaki. "Do you want to die?" Napatigil ako. Iminulat ko ang mga mata ko at gulat na napatingin lalaking humahabol sa akin. Hawak siya sa leeg ng lalaking nakajacket na itim at suot pa ang hood. "Hoy! bitawan mo siya!" sigaw ng lalaking nagabot sa akin ng panyo ko. Akmang susunggaban nito ang lalaking nakajacket ngunit parang papel na nilamukos na tinapon sa kanya ang lalaking hawak nito sa leeg. Pareho natumba ang dalawa. Pero di naman agad nagpatinag ang dalawa. Mabilis silang tumayo. Sinugod ng mga ito ang lalaki at pinagsusuntok. Ayokong makakita ng ganitong away in real life kasi feeling ko mahihimatay lang ako sa nerbiyos. Pero ngayong nakakakita na ako ng totoong away. Hindi ko halos maalis ang tingin ko sa kanila. Wala akong ibang ginagawa kundi ang mapanganga at matulala sa isang tabi. Unti-unti akong tumayo habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki. Grabe! hindi ko akalain makakakita ako na magaling makipaglaban sa totoong buhay. Kayang-kaya niyang ilagan ang mga kamao ng dalawang lalaki. Para siyang hangin kung kumilos. Ang bilis niya! This guy, he's really a good fighter! I guess hindi na ako dapat humanga sa mga main character sa k-drama. Cause I am shifting my admiration to this man. "Umuwi na lang kayo. Wala naman akong mapapala sainyo," malalim at seryosong boses ng lalaki habang naiiling na tinitingnan ang dalawang lalaki na halos hindi na makakilos ng maayos sa sakit sa katawan na sinapit nila. "Hoy! papalampasin ka namin ngayon. Pero sisiguraduhin namin na pagbabayaran mo to!" banta ng dalawang lalaki bago umalis. Walang sinabi ang lalaki. Kahit hindi ko nakikita nang deretso ang mukha niya kasi may hood ang jacket niya, pakiwari ko ay nakangisi lang siya habang hinahatid ng tingin ang dalawang lalaki na kumaripas a ng takbo. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Nakatalikod siya sa akin. Alam kong pinapakiramdaman niya rin ako. "S-Sino ka? Ba't mo ako niligtas?" tanong ko sa mahina at kinakabahan na boses. Gusto kong makita ang mukha niya. Baka kasi kilala ko siya. Ilang minuto bago siya nagsalita. "Kahit sinong matinong lalaki. Ililigtas ang sinumang nasa kapahamakan." He said those words without looking at me. Kumunot ng bahagya ang noo ko. Ba't parang pamilyar ang boses niya? Magsasalita na sana ako ngunit naglakad na siya paalis. "Teka!" sabi ko. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya parin niya ako nililingon. "S-Salamat... kung hindi dahil sa 'yo... b-baka kung ano na ang nangyari sa akin sa kamay ng mga lalaking iyon." Hindi nagsalita ang lalaki. Ilang sandali ay muli siyang naglakad. Hindi na ako nagsalita pa. Wala akong ibang ginawa kundi ihatid siya ng tingin hanggang sa lumiko siya sa highway. Kumuha ako ng hangin para ikalma ang sarili ko na noon ay nanginginig pa sa takot. I bit my lip. Sino kaya ang lalaking 'yon? ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD