My Husband is a Vampire
by shimmering purple
Chapter 5
Alexa
Alas sais y medya na ng gabi lumabas ako ng banyo nang balot ang katawan ng towel. Nakaugalian ko ng maligo ng gabi lalo na kapag matutulog. Pero kapag pagod ako galing trabaho ay nagha-half bath lang ako.
Usually naliligo ako mga alas 8 ng gabi pero dahil may lakad ako ngayon ay inagahan ko na. Alas siyete labas ni Ally galing sa trabaho kaya nagkasundo kaming magkita sa isang restaurant na kinakainan namin. Kasi remember nakapasa ako sa interview at may work na ako bukas, at pangako ko naman kay Ally na ililibre ko siya kaya gagawin ko 'yon ngayon.
Inalis ko ang bimpo na nakabalot sa basang buhok ko saka kinusot-kusot iyon sa buhok ko.
Napatingin ako sa study table ng maliit na sala nang magring ang cellphone. Kinuha ko muna ang lotion na nasa study table lang din. Maliit lang inuupahan ko. Pang isahan lang talaga ang lawak niyon. Komportable ako sa ganoon at hindi na ako naghanap ng malawak dahil binabudget ko talaga ang nasasahod ko.
Habang kinukusot-kusot ko ang buhok ko ng tuwalya ay sinagot ko ang tawag. Si Leseth, kapatid ko ang tumatawag.
"Ate!" masiglang sabi ng kapatid ko sa kabilang linya. "Kumusta? natanggap ka sa inaapplyan mo?"
"Syempre naman Les, ako pa ba hindi matatanggap?" nakangiting sabi ko sa kanya. She's just 22 years old at 4th yr college na.
"Naks! sabi ko sayo eh. Yakang-yaka mo ang interview na yan." natatawang sabi niya. Tumawa naman ako sa jargons niya.
"Kumusta kayo diyan? Kumusta ang pag-aaral mo? Baka naman pinapabayaan mo ang pag-aaral mo porket wala ako dyan ah?" I scolded with humor.
"Sus si Ate Alexa naman, hindi ko pinapabayaan pag-aaral ko 'no! Kung may tatanungin ka tungkol sa pagpapabaya sa pag-aaral si Jonas ang pagsabihan mo." sabi ni Leseth.
"Anong ako?! 'Wag ka ngang maniwala diyan kay Ate Leseth, Ate Alexa." sabad naman ni Jonas na narinig ang sinabi ni Leseth.
"Naku! Jonas, first year college ka pa lang, huwag mong sayangin 'yon. Wala kang mahahanap na matinong trabaho sa undergraduate sa college kapag pinabayaan mo pag-aaral mo at huminto ka." wika ko.
"Oh, narinig mo sinabi ni Ate? Ni loudspeaker ko na 'yan para sayo!" sabi ni Leseth kay Jonas.
"Hindi naman talaga ah. Gumagawa ka lang ng kwento! Palibahasa ikaw, nakita kitang kasama 'yong boyfriend mo sa Mall. Oh ano? magsisinungaling ka pa!" pang-aasar ni Jonas.
"Anong boyfriend?! Wala akong boyfriend 'no!"
Narinig kong tumatawa si Jonas at pinag-aasar ang Ate Leseth niya. Kahit hindi ko nakikita alam kong binubugbog na ni Leseth ang kapatid niya dahil sa pang-aasar nito.
Nakisabay naman akong tumawa sa tawanan ng mga kapatid ko. Hindi ko maikakaila na nakakamiss din kahit papaano ang ingay nila.
"Ang ingay niyo naman nasa kabilang linya pa ata ang ate niyo. Akin na nga at makumusta ko man lang." boses ni Lolo ang narinig ko.
"Hello Apo, kumusta ka diyan?" tanong ni Lolo Ekong.
"Ayos naman po Lolo, Kayo kumusta diyan?" sabi ko.
"Eto, maayos naman, malalaki na ang mga baboy natin. Mga dalawang buwan na lang pwede na natin iyon ipagbili." pagbabalita ni Lolo Ekong.
"Naku, mabuti naman kung ganoon Lolo," masayang sabi ko.
"Kaso, paubos na ang feeds pinapakain ko sa mga baboy natin." malungkot ang boses na sabi niya. "Hinahaluan ko din kasi ng mga tirang pagkain pero mas mabilis talagang lumaki ang mga baboy natin kapag may halong feeds ang kinakain nila."
Napangiti ako at umupo humarap ako sa salamin saka binuksan ang lotion at nagsimulang maglotion sa mga binti ko.
"Don't worry Lolo, sa sabado magpapadala ako ng pambili ng feeds at budget niyo na rin."
"May pera ka pa ba diyan? Baka naman wala ka ng pera apo."
"Lolo, meron pa po, lalo na't ngayong mayroon na akong trabaho hindi ko na kailangan problemahin ang gastusin ko dito."
"Mabuti naman kung ganoon. Salamat apo." sabi niya.
"Sus! Si Lolo naman, huwag kayong mahihiyang humingi sa akin kasi nagtrabaho ako para tulungan kayo at pag-aralin mga kapatid ko."
"Napakaswerte talaga namin ng Lola Celeste mo at nagkaroon kami ng apo na tulad mo."
"Syempre naman, Lolo. Kumusta pala si Lola Celeste? Nasaan po pala siya?"
"Ay nandiyan lang kina Noeme, may dinaanan lang."
"Ah ganoon po ba."
Ilang sandali ay nagpaalam na ako kina Lolo at sa mga kapatid ko dahil magbibihis para kumain sa labas kasama si Ally.
"Ingat ka diyan apo ah? Huwag kang magpapagabi ng uwi."
"Opo, Lolo, salamat. Kayo din po magiingat din kayo diyan."
In-endcall ko ang tawag saka nagfucos pag-lotion ng binti at legs ko. Sinunod ko ang braso ko pati na rin balikat. Marahan ang paglotion ko dahil gusto matuyo agad iyon sa aking balat.
Nang matapos ko ang paglolotion ay tumayo ako para ayusin ang tuwalya ko na nakatapis katawan ko.
Tumingin ako sa salamin ngunit bigla akong napatigil.
Lumingon ako sa bintana na siyang nasa likuran ko. Muli akong tumingin sa salamin kasunod ng pagkunot ng noo.
Ilang segundong nagsink-in ang nangyayari sa isip ko. Bago pa ako makahuma ay halos patakbo akong lumapit sa bintana at binuksan kurtina habang ang isang kamay nakatakip sa dibdib ko kahit nakatapis naman ako ng tuwalya.
Mula sa bintana ay sinilip ko ang labas ng bahay. Wala naman na tao.
Pero bakit parang may nakita ako s-sa salamin na sumisilip sa bintana?!
Mabilis na tumaas ang dugo sa ulo ko. Tumibok nang malakas ang puso ko. Kasunod ng pagsarado ko ng bintana at kurtina ay nagmadali akong pumasok ng kwarto at nagpasyang doon na lang mag-ayos ng sarili at magbihis.
Alam kong may mga tambay sa kanto papunta sa inuupahan ko pero hindi naman iyon papasok sa dito dahil mataas ang bakod at laging nakasarado ang gate ng bahay na ito.
Ilang minuto bago humupa ang kaba ko. Napailing ako. Siguro guni-guni ko lang iyon.
********
Troy
Napakapit ako sa pader habang halos idikit ko na likod ko doon. Hindi ko magawang huminga nang makita ko sa lupa ang anino ni Alexa na nakadungaw sa bintana.
Tae! Ano bang ginagawa ko? Bakit pa ako sumilip! 'Yan tuloy muntik na akong mahuli.
Napahinga lang ako nang marinig ang pagsarado ng bintana at kurtina ng inuupahan ni Alexa.
Isang malalim na buntong hiningaang pinakawalan ko.
Humakbang ako sa tapat ng bintana. At tulalang pinagmasdan iyon.
I don't know why, but I saw nothing but an image of Alexa. How she's touching her skin with lotion. How she's massaging it. Sobrang nakakatemp talaga! Lotion lang 'yon, siya ang gumagawa 'non pero naiimagine ko ang sarili ko na ako ang gumagawa 'non sa kanya.
That touch, I was imagining that it was me. Na ako ang humahaplos sa makinis niyang mga legs. Alam kong sobrang lambot ng legs niya. Minsan ko na iyon nahawakan. 8 years ago. Napatiim-bagang ako nang pumasok pa sa isip ko ang pagpikit niya habang marahan niyang minamassage ang batok niya.
Damn! Parang gusto kong halikan ang leeg niya. Not just that, I wanted to bite her dewy delicious neck and sucks all the blood that she have!
Napapikit ako kasabay ng paglabasan ng mga pangil ko. s**t! desire was too strong... So very strong! The desire is making my body colder.
I let out a hard breath para kalmahin ang sarili ko. Napailing ako para maalis sa isip ko ang katawan ni Alexa.
Nabigla ako at napatingin sa pintuan ng niluwa doon ang bihis na bihis na si Alexa.
Saan kaya siya pupunta?
Sinarado niya ang pinto at humakbang palapit sa gate. Binuksan niya iyon pero bago siya lumabas ay napatigil siya.
Napatigil din ako. Alam kong pinapakiramdaman niya ang lugar kung nasaan ang bintana kung saan ako nakatayo.
Kahit hindi siya lumilingon doon ay alam kong doon nakatutok ang isip niya.
Napatingin si Alexa sa gilid niya. Napakuyom naman ako ng kamao. Kapag lumingon siya sa bintana na nasa likuran niya paniguradong makikita niya ako.
Halos naitigil ko na ang paghinga ko at paulit-ulit na sinasabi sa isip na huwag siyang lilingon. Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa kanya. Para bantayan ang susunod niya kilos.
Inayos ni Alexa ang strap ng sling bag niya sa balikat niya. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng gate at deri-deritsong lumabas.
Doon ako nakahinga nang maluwag. Inayos ko ang hood ko saka naglakad papunta sa gate nila. Sinundan ko ng tingin si Alexa sa eskinita na papalabas ng compound na inuupahan niya.
Sinamyo ko ang mabangong amoy na tila nagiiwan sa bawat daan na dinadaan niya. Nagsilitawan ang ugat sa leeg ko. Siya talaga ang hinahanap ko.
Siya talaga ang may mabangong amoy na parang isang bulaklak sa hardin. Siya lang ang nagmamay-ari niyon. Wala ng iba.
Si Alexa lang.
"Gagawin ko ang lahat para makuha kita Alexa. I can't wait to hear you moaning and screaming for more.
*******