Chapter 4

1838 Words
Chapter 4 ALEXA Napatigil ako at natulala sa lalaking nakaupo sa swivel chair. I couldn't even let out a breath habang tila saglit na tumigil ang mundo ko habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko. Gosh, ito na ba ang president ng Alfonso Food Inc? Ang gwapo naman ata? I mean, shocks bata pa pala siya. Halos kasing-edad ko lang eh, or parang mas matanda pa ata ako? In-expect ko kasi na matanda na siya gaya ng dati kong boss na minanyak ako. Usually kasi iyon ang mga President ng kumpanya right? Tumikhim siya dahilan para mabigla ako at agad na napatayo ng maayos. Palihim kong hinila ang laylayan ng palda ko para lang pagalitan ang sarili ko sa obvious na reaction ko sa kanya. "G-Good Morning Sir," muling bati ko saka bahagyang yumuko. Hindi ko alam kung maayos ko bang nasabi iyon dahil naunahan na talaga kao ng kaba. "Good Morning, please have a seat." alok niya sa upuan na nasa tapat ng office table niya. "Thank you." sabi ko saka kiming ngumiti. Gosh! It was supposed to be a beautiful smile my God! I simply let out a hard breath para pakalmahin ang sarili ko saka humakbang para umupo sa L-shaped na upuan na nasa tapat niya. Hindi ko alam kung masyado lang akong napapa-paranoid pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap niya sa expose na legs ko. Wala sa loob na tinakpan ko ang legs ko ng envelope nang makaupo ako sa upuan. Imbis na bigyan ng malisya ang mga tingin niya ay lumipat na lamang ang paningin ko sa pangalan na naroon sa lamesa. Troy Alfonso President Nang tumingin ulit ako nang deritso sa mga mata niya ay parang wala akong emosyon na nakita sa kanya. Expected ko naman iyon kasi siya ang boss and sino naman ako para magkaroon ng emosyon ang mga mata niya? Bukod sa nararamdaman kong kaba iba din ang atmosphere na nararamdaman ko sa silid na iyon. Hindi ko alam pero sobrang tahimik. Parang kapag nagkamali lang ako ng kilos ay pwedeng sigawan ako ng lalaking ito at paalisin kaagad. Napakaseryoso niya kasi. Wala siguro sa bokabularyo niya ang ngumiti. Kinuha niya ang resume ko at in-scan iyon. I do nothing but to stare at him while scanning my resume. Iba din kasi ang dating niya kapag seryoso siya. Master type that's all I can differentiate this man. Nang umangat siya ng tingin at magtama ang paningin namin ay tila may paru-parong nagsipaglaruan sa loob ng tiyan ko. Hindi ko alam pero sa mga mata niyang na iyon ay parang may nararamdaman akong nostalgic scene na hindi ko malaman kung saan at kelan nangyari. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagkatitigan. Hindi ko maiwasan maningkit habang tinitigan ko siya. Pero bago pa man ako makahuma ay umiwas siya ng tingin saka nagsalita. "Miss Alexa, tell me about yourself." Humugot ako ng malalim na hininga. Iwinaksi ko sa isip ko ang familiar na mga mata niya saka nagfucos sa interview. ******** TROY Habang nagsasalita si Alexa ay hindi ko mapigilan pagmasdan ang mukha niya. I am capturing every move that she made. The way she move her lips, kung paano kumurap ang mga mata niya na pinaresan ng natural na haba ng mga pilikmata. Kung paano ko titigan ang maputi at nakakaakit niyang leeg. Ahh... sobrang tempting talaga ang leeg niya. I never knew that the 18 years old Alexa, would grow up as a beautiful woman after 8 years. Muling bumalik ang tingin ko sa mga labi niya. The sweetest lips I'd ever tasted. Those heart shape lips are the beautiful lips I've ever seen. Parang gusto ko ulit malasahan ang mga labi niya ngayon para alamin kung ganoon parin ang lasa niyon. Maybe it would be sweeter today. Well, As I looked into her eyes, her reaction, alam kong hindi niya ako nakikilala. Na ipinagpasalamat ko naman. "Do you have a boyfriend?" seryosong tanong ko habang nakatitig parin sa kanya. Nakita ko kung paano natigilan si Alexa sa tanong ko. Saka naman ni-recall ng isip ko ang tanong ko. Bahagya akong nagpanic at mabilis na nagsalita. "I-I just want to a-ask, since hindi ako nag-a-accept ng married na. Ayoko kasing may mga balakid sa pagtatrabaho. Kagaya ng bata if ever... may anak ka na." F*ck! tama ba ang pinagsasabi ko? Nawala ang kunot sa noo ni Alexa at napalitan ng pagtango kasabay ng pag-awang ng bibig niya. Seemed like she got what I said. "Ahh... wala po. Gusto ko muna makatulong sa mga kapatid ko." Base sa resume niya. Siya ang panganay sa magkakapatid, and I think she's also a breadwinner of her family. "Even a boyfriend?" Ano ba naman 'yan Troy! Umiling siya. "Wala po. Wala pa po yan sa isip ko." Great! Atleast you are all mine. Parang nagdiwang ang isip ko sa sinabi niya. "Ahm... ba't niyo po natanong?" prangkang tanong ni Alexa. "Well again, I don't want distructions. Anyway, you just said mga kapatid? Why? Wala ka na bang magulang na magtataguyod sa mga kapatid mo?" Yeah, that was the right time to open this topic. Bahagyang nawala ang ngiti sa labi niya. Saglit na katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa. "Ahm... it's ok if you don't want to answer this question," wika ko na lamang. Umiling siya. "Patay na po sila." "Oh, I'm sorry..." I paused for a while. "Would you mind if I ask you if... what happened?" Hindi nagsalita si Alexa. "Well, its ok if you can't, I understand." Hindi nagsalita si Alexa kaya naman tumayo ako para mawala ang alinlangan sa mga mata niya. Inayos ko ang kurbata ko. I started to act like a professional sa harapan niya. Ayokong may mahalata siya sa akin kaya naman sinimulan ko ng ipaliwanag sa kanya ang lahat ng mga rules and regulations ng company. Kung may impression siya sa akin ng pagiging seryoso at pagkaantipatiko mas ok na iyon kaysa may mahalata siya sa ginawa ko sa kanya 8 years ago. "Weekends will be your day-off if ever matanggap ka pero madalas akong magpa-overtime lalo na kapag may mga unexpected meetings ako. Kaya mo bang magovertime Ms. Montalban?" "Yes Sir, wala naman po kaso sakin ang overtime." maagap na sabi niya. "Are you sure? how about your transportation if ever natapos ang meeting ng dis-oras ng gabi?" "I can book for a taxi naman po." she answered. "At saka sanay naman po akong gabihin kasi ganito din po naging trabaho sa previous company na natrabahuhan ko." Tumango-tango ako. Tiningnan ko resume niya. "That is XBG Corp, right?" "Yes po." sagot ni Alexa. Muli akong umupo. I placed my hands on my chin at tiningnan si Alexa ng deritso. "So, what's your experience in your previous work?" seryosong tanong ko. Wala akong ibang narinig kay Alexa kundi kung paano siya magtrabaho sa company na iyon. "That's all?" tanong ko pa. "How did your boss treat you?" tanong ko pa. I don't want to hear any positive feedback about her boss na expected ko naman na sasabihin niya. Ang gusto kong marinig ay kung minamanyak ba siya ng matandang may-ari ng company na iyon. 'Yon kasi ang naririnig ko sa mga empleyado na naiinterview ko na galing sila sa company na iyon. "He's kind and very responsible boss. Maganda naman ang pakikitungo niya sa mga empleyado niya." she said. But I know she's lying. Argh! I will wreck his neck if nalaman kong minanyak niya si Alexa. Umiling ako sa mga bagay na gusto ko pa sanang alamin sa kanya. As I said Ayokong mahalata niya ako. Ayokong isipin niya na masyado akong concern sa buhay niya. Kahit iyon naman talaga ang nasa isip ko. Tumango-tango ako. "So I think that's all I can say and..." Tumayo ako ganoon din ang ginawa niya. "You can start tomorrow." Umupo agad ako at kinuha ang ballpen at nagkunwaring busy na. Hindi ko na siya tiningnan pa para maisip niya na tapos na agad ang interview. Napasinghap si Alexa. "T-Thank you po Sir!" "Go to 5th floor sa HR and sign the contract there. Tatawagan ko sila para assist ka nila." "Thank you Sir. I promise that I'll work hard." she said happily. Tumaas ako ng tingin at tiningnan siya ng deritso. "Of course you have to. Kasi kung hindi mo magawa trabaho mo. Marami pa naman aplikante diyan. Para maging assistant ko." seryosong sabi ko. Natigilan siya saka marahan na tumango. Halatang nasindak siya sa sinabi ko. In instant parang gusto kong bawiin ang sinabi ko pero I think mas ok na iyon. I wanted her to think that I am just a boss and I don't treat her special. Tama na siguro na ako lang ang dapat makaalam na kailangan ko siyang pahalagahan higit pa sa buhay ko. ******** ALEXA Pagkalabas ko ng company ay agad kong kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko si Ally pero hindi na siya sumasagot. Naalala ko na bumalik na nga pala siya sa trabaho niya. Nakangiti na tinext ko na lamang sa kanya na hired na ako. Isang tingin ang binigay ko building sa likuran ko. Nabi-vision ko na ang magiging trabaho ko sa company na ito. I also thank God kasi nakahanap agad ako ng trabaho. Mapapadalahan ko na ulit ang mga kapatid ko sa probinsya. "Nasaan si Aurelio? Nasabihan mo na ba siya about sa meeting na pupuntahan ko?" Napatingin ako sa entrada ng kumpanya. Nahigit ko ang hininga ko nang lumabas doon si Mr. Troy Alfonso. Kasama niya ang babaeng hinatid ako sa kanyang office. Nakasunod naman sa kanya ang dalawang gwardiya ng kumpanya. "Opo sir. Nandito na po 'yon sa labas." Luminga-linga siya. "Nasaan? Don't tell me hihintayin ko pa siya." "Ahm... wait tatawagan ko siya." "Bilisan mo! My God! Ako pa ang maghihintay dito sa labas? Saan siya pumunta?" iritableng wika ni Mr. Alfonso. "K-Kinuha lang po 'yong kotse sa basement sir," kinakabahang wika ng babae. "Hindi mo ba sinabihan na may meeting ako?!" "Opo sir. Kaya lang ngayon ko lang nasabihan mo." "Oh my god!" he groaned. Hinarap niya ang babae pero agad din siya napatigil. Dumaan ang tingin niya sa gawi ko. Awtomatikong napako ang paa ko sa sementadong lupa. Nagkatitigan kaming dalawa. Kahit malayo ang agwat namin sa isa't isa ay kitang kita ko ang tila yelong emosyon sa mga mata niya. Mukhang napansin ng babae na tinitingnan ako ni Mr. Alfonso kaya naman tumingin din siya sa dako ko. Doon niya pinutol ang pagtititigan namin saka tumingin sa kotse na papalapit. Bumaba doon ang singkwenta anyos na lalaki. "Ba't ang tagal mo Aurelio!" "S-sorry sir. May lumabas kasi na isang kotse sa parking lot kaya natagalan ako." He groaned."Next time. Don't let the other cars park at the CEO exit ok?" "O-Ok po." nakayukong sabi ng lalaki. Nagsimulang maglakad si Mr. Alfonso papasok sa kotse. Pero bago pa man siya makapasok ng tuluyan ay isang tingin pa ang binigay niya sa akin. Nang tuluyang makaalis ang kotse ay saka pa lamang bumalik sa normal ang paghinga ko. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD