Chapter 3

1886 Words
Chapter 3 Troy I took my step and looked up to the high building in front of me. The moon was in a half shape so hindi ko nararamdaman ang anumang sakit na nararamdaman ko tuwing full moon. I gazed the top of the building. Instantly I found myself at the top of that building looking at the ocean lights of buildings and houses below. I took a deep breath to smell the scent of Alexa. Bahagya akong napatiim bagang. Kasunod ang pagbago ng kulay ng mga mata ko. Sumasabay ang bango niya sa malamig na hangin ng gabi. Tama nga sila. Nandito nga si Alexa sa Willerston City. Inilagay kong muli ang hood ng jacket sa ulo ko. Bumaba ako sa mataas na gusali at saka naglakad sa kalsada. Dumaan ako sa maliit na eskinita. Ilang agwat mula sa akin ay nakarinig ako ng ingay. Sandaling bumagal ang paglalakad ko. Nakita ko kung paano ginugulpi ng dalawang tao ang isang lalaki. Pero bago pa mabugbog nang tuluyan ang lalaki ay nanlaban siya. Ilang sandali ay tumakbo siya. Nadaanan niya ako. Halatang takot at nanghihina na ang katawan niya. Nasagi niya pa ako sa balikat kaya napatingin siya sa akin. Sa una ay natakot siya pero kaagad din na napalitan iyon ng pag-asa. Lumapit siya sa akin na tila nagmamakaawa. "T-Tulungan mo ako. Papatayin ako ng dalawang iyan!" takot na sabi niya habang nakahawak sa balikat ko at tinuturo ang dalawang lalaki na tumatakbo papalapit. Lumingon ako sa papalapit na dalawang lalaki. Pareho silang naka-uniporme na pang-pulis. Nakangisi sila. May hawak sa makapal na kahoy ang isa. Habang ang isa naman ay may hawak na baril. Naningkit ang mga mata ko para tingnan ng maigi ang mga mukha nila. Nang biglang mangibabaw ang putok ng baril. Pareho kaming nagulat ng lalaki. Gulat na napatingin ako sa dalawang lalaki na tila demonyo kung tumawa. Napatiim-bagang ako ng makita ko ang kakaibang aura sa dalawang pulis. "Ayoko pang mamatay... t-tulungan mo ako." tila hindi na malaman ng lalaki ang gagawin niya sa dalawang pulis na papalapit sa amin. "Takbo na." kalmadong sabi ko sa lalaki. "Go!" tila hindi pa narinig ng lalaki. Muling nagpaputok ang isang pulis. Iyon naman ang pagtakbo ng lalaki. Ilang beses itong nagpaputok. Bahagyang nagulat ako nang makita ang bala ng baril na deriktang tatama sa lalaking tumatakbo na. Tumakbo ako palapit sa lalaki at sadyang pinabagal ang oras. Tila hangin nakarating ako sa likod ng lalaki at sinalo ang bala na tatagos sana sa likuran niya. Tiningnan ko ang umuusok na bala ng baril sa kamay ko at seryosong tumingin sa dalawang pulis na ilang agwat lang layo mula sa akin. Kumurap ako kasabay ng pagnormal ng takbo ng oras. Tumakbo ang lalaki nang mabilis. Muli akong napatingin sa dalawang pulis na noon ay gulat na nagkatinginan. Pero maya-maya din ay bumalik ang bagsik sa mukha nila. Inayos ko ang hood ko para hindi nila ako makilala. Yeah! That two creatures were not human. They're vampire! They're just like me. Mabilis na pumula ang mga mata nila. Kasunod ng paglabasan ng matulis na mga pangil nila. Hindi sila nagsayang ng oras. Inatake nila ako. Pero hindi ko hinintay na maunahan nila ako. Mabilis akong nawala sa harapan nila at binigyan sila ng tig-isang sipa sa likuran. Napasubsob sila sa lupa. Kaagad na tumayo ang isang bampira at kinalmot ako ng matutulis niyang kuko. Pero mabilis din akong nakaiwas. I moved to side at agad na hinuli ang kamay niya. Binuhat ko siya at agad na binagsak sa lupa. Nagkaroon ng crates ang lupa sa lakas ng pagkakabagsak niya. Sumunod naman ang isa pang bampira na bigla akong dinaluhong sa likuran. Napasubsob naman ako sa lupa. Pero mabilis kong inunat ang paa ko at tinisod siya. Tumumba siya sa ginawa ko. Tila hangin na lumapit ako sa dalawang bampira at sinakal sila pataas. "Sino ka?" galit na sabi ng isang bampira habang pinipigilan ng kamay niya ang kamay ko na nasa leeg niya. "Wala na kayong pakialam kung sino ako. Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit kailangan niyong gawin ito!" galit na sabi niya. "Ang mambiktima at pumatay ng tao!" Natawa ang dalawang bampira. Kaya naman hinigpitan ko ang pagkakasakal sa kanila. Napaubo naman sila sa ginawa ko. "Nakalimutan mo na ba? Ito ang ginagawa natin ngayon!" Napatigil ako. "Teka, huwag mong sabihin isa ka sa mga rebeldeng bampira na sumusuway sa utos ni Elder?" Hindi ako nakapagsalita. Kaya natawa ang dalawang bampira. "Tinulungan mo ang taong iyon. Hindi mo ba alam na kamatayan ang magiging parusa mo kapag nalaman ito ni Elder?" Gigil na binalibag ko ang dalawa sa pader. Pero mabilis silang tumayo. At tumakbo paalis. Pero nag-iwan sila ng banta sa akin. "Pagsisisihan mo ang pagtulong sa taong 'yon." Tumiim ang bagang ko. Susundan ko sana sila perp pinigilan ko ang sarili ko. Nagbuga na lamang ako ng hangin nang mawala ang dalawang bampira sa paningin ko. Tumalikod ako para umalis. Pero nakakasakay lang hakbang pa lamang ako ay napatingin ako sa eskinita sa unahan ko. Hindi siguro ngayon ang tamang oras para makita ka Alexa. ******** It's morning, maaga akong pumasok sa kumpanya. Dumaan ako sa bintana ng office ko na nasa 20th floor. Oo na, mahilig talaga akong dumaan sa bintana. Ayoko kasing makita ng mga tao. Well, hindi maiiwasan 'yon. Kapag nagmi-meeting kami ng mga kasosyo namin sa negosyo pero pagkatapos 'non hangga't maaari hindi ako nakikipag-interact sa mga tao. 'Yon din siguro ang dahilan kung bakit sinasabi nilang napaka-pribado ko. Dumadaan din pala ako sa bintana kapag bored or nagmamadali ako. Katulad ngayon, nagmamadali ako. Pagkarating ko sa office ay inayos ko ang sarili ko. Ilang beses kong inamoy ang hininga ko, nagpabango ako at maingat na sinuklay ko ang buhok ko. Pinili kong suotin ang pinaka-formal na business attire na mayroon ako. Inayos ko ang pagkakahigpit ng kurbata ko hanggang sa ilang sandali ay napatigil ako. Bakit ko ba kailangan magmadali ng ganito? Bakit kailangan kong mag-ayos ng ganito. Lumapit ako sa office table ko at kinuha ang kaisa-isang resume na nandoon. Sinipat ko ang imahe sa resume. Lumipat ang paningin ko sa pangalan sa kaliwang bahagi ng imahe. 'Alexa Montalban' A smile drew to my lips. Akalain mo nga naman, destiny was the one made a move to crossed our paths. Nakita ko na ito kahapon pa. Kaya nga gusto kong puntahan siya sa lugar niya kagabi kasi alam ko na address niya. Pero dahil sa dalawang bampira na nakalaban ko kagabi ay naudlot ang pagkikita naming dalawa ni Alexa. Pina-contact ko na lang siya sa HR to schedule her interview with me today. Pero... bakit kailangan kong paghandaan ang pagkikita namin? Bakit parang masyado naman ata akong excited. Napailing ako at umupo sa swivel chair. I rubbed my chin with my fingers then made a glance at the wall clock. Ilang sandali ay kumunot ang noo ko. I checked my wrist watch then looked at the close door. "Tsk! Ba't ang tagal niya!" inip na sabi ko makalipas ang isang minuto. Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa kinontak ko na ang HR to checked if dumating na si Alexa. "She's not yet here Sir," wika ng HR assistant. "Okay, I think she's going to be late. Tell her na umalis na ako at hindi ako tumatanggap ng re-schedule!" inis na sabi ko. Ayoko kasi sa lahat 'yong pinapahintay ako. "Ah, wait Sir. ahm, I thought you scheduled her interview at 9:00." "Yes! and she's almost 15 minutes lat-" "Wait Sir, It's just 8:00." sabi ng babae. Napatigil naman ako. "I-I think you are almost one hour early for the interview." Napatingin ako sa oras. Napakurap-kurap ako. Napakamot ako sa sintido ko. Nakaramdam ako ng kaunting hiya. "Sir?" tawag sa akin ng babae sa kabilang linya nang hindi ako nagsalita. "Ah yeah... ahm... maybe..." s**t! nakakahiya ito! "Maybe I got a wrong number to dial. Bye." Kaagad kong ibinaba ang telepono at pabagsak na inihilig ang likod sa swivel chair. I groaned. Nakakahiya ka Troy! Hindi naman halata na atat kang makita si Alexa 'no?! Ilang sandali ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumatawa dahil sa ginawa ko. Napasubsob ako sa table ko nang natatawa parin. Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pagtunog ng telepono. "Yes?" "Good morning Sir, the applicant is here..." Applicant? Wait... May applicant ba... Lumipad ang tingin ko sa resume ni Alexa. Napasinghap ako. Agad kong nakapa ang buhok ko na noon ay gulong-gulo na. Ang kurbata ko na medyo maluwag na kasi pinaluwag ko pala siya para makatulog ako nang maayos. Oh s**t! Nandito na pala siya. "Ahm, ok... j-just let her in." sabi ko sa kabilang linya bago pa ako makapagsalita ng iba. Nagmadali akong pumunta sa CR at nagmumog. Inayos ko ang kurbata ko at mabilis na sinuklay ang buhok ko. Kinuha ko ang pabango sa drawer ng lamesa ko at in-spray sa buong katawan ko. Nang masiguro ko na maayos na ako ay kaagad akong umupo sa upuan at sadyang pinatalikod iyon. Narinig ko ang mahinang katok sa labas ng pintuan. "Come in..." sagot ko sa seryosong boses na deep inside hindi ko mapigilan ma-excite at the same time kabahan sa muli naming pagkikita ni Alexa Naramdaman ko ang mahihinang hakbang niya. Gustong-gusto ko na siyang lingunin. Gustong-gusto ko ng makita ang babaeng sasagot sa mga panaginip ko. The girl who has this scent that almost make me insane. Isang napakabangong amoy na tila mula sa mabangong bulaklak sa hardin. Naikuyom ko ang kamao ko nang maramdaman ko ang pagbabago sa katawan ko. I heaved a deep sign para pakalmahin iyon. Amoy pa nga lang niya ay nag-re-react na ang katawan ko. Paano na lang kung muli ko siyang mahawakan. Baka... hindi ko na siya pakawalan pa. "G-Good Morning Sir." Tumaas ang sulok ng labi ko. Rinig na rinig ko kasi ang t***k puso niya: Halatang kinakabahan siya. I was about to turn my swivel chair with a big smile and a thought in my mind na sana makilala niya ako. Pero ako din ang unang napatigil. Tama nga ba ba? Kailangan ko bang magpakilala sa kanya? Syempre mali! Bakit kailangan kong magpakilala sa kanya na naging parte ako ng nakaraan niya eh wala naman akong ibang ginawa kundi bigyan siya ng dahilan upang kamuhian niya ako. I almost raped her for pete's sake! At iyon na ang sapat na dahilan para pansamantalang manatiling lihim ang nakaraan. At saka... 'yong huling sinabi niya na kami ang pumatay magulang niya? Doon palang dapat hindi niya na ako makilala. Tumiim ang bagang ko. I have to know more about her first bago ko sabihin sa kanya na isa akong bampira. Na ako ang bampirang sinaksak niya ng punyal. Na ako ang basta na lang pumasok sa kwarto niya para angkinin siya. At higit sa lahat na ako ang bampira naghahanap sa kanya para bigyan ng kasagutan ang panginip ko. I decided to turned around and faced her. I just hope hindi niya ako makilala. I looked directly into her eyes. Rinig na rinig ko ang t***k ng puso niya na mas lumakas pa. Nahuli ko rin ang bahagyang pagbilog ng mga mata ni Alexa. As if she sees a ghost. Awtomatikong napamura ako sa isip ko. Shit! Mukhang nakilala niya ako! **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD