Chapter 2
Troy
Napatingala ako sa bintana na nasa second floor ng isang lumang bahay.
The house was just made of old woods pero kahit ganoon ay parang laging bagong bahay dahil sa pintura nito.
Sa tantiya ko ay kapapalit palang ng kulay ng pintura niyon dahil hindi iyon ang pintura na tumambad sa akin kahapon este eight years ago.
Napapikit ako sa naiisip ko. Eight years... Napailing ako. It was already eight years pero parang kahapon lang talaga nangyari ang lahat.
Tiningnan ko ang oras sa relos ko. It was already past 10 in the evening. Paniguradong sa oras na ito ay nasa kwarto na si Alexa.
I took my step forward but suddenly I stopped. Bigla akong napaisip.
Tama bang magpakita ulit ako sa kanya?
Paano kung maulit 'yong dati? Paano kung... matuloy ang naudlot? O kaya naman... paano kung ito na ang katapusan ko once na magpakita ulit ako sa kanya. Kasi hindi ko alam kung ano pa ang matalas na bagay na pwede itarak niya ulit sa akin. Paano kung hindi lang holy water ang nandoon sa punyal na pwedeng itarak niya sa akin?
Ganoon ba ang galit niya para gawin niya ulit sa akin 'yon?
Well, bakit hindi? Isa lang naman akong stranger na biglang humalik at halos ma-raped siya ng gabing iyon. Natural kapag nakita niya ako baka susumpain niya ako ng kamatayan.
Napailing ako at saka tumalikod para umalis. Pero hindi pa man din ako nakakahakbang ay lumingon ulit ako sa mataas na bintana. Napapikit ako at tila hangin sa bilis na pumasok ako sa bintana. Hindi ko talaga kayang umalis na walang napapala sa gabing ito.
Tulad ng sinabi Clark kailangan kong hanapin si Alexa hindi lang dahil sa scent niya but to warn her about the vampires.
Dinala ng hangin ang kurtina ng bintana. Napalinga-linga ako sa maliit na kwarto. Pero hindi ko siya makita. Wala si Alexa sa kwartong iyon. Mukhang matagal nang hindi nagagamit ang kwartong iyon.
Napapikit ako and took a deep breath saka iminulat mo ang mga mata ko. Kaya pala halos hindi ko na siyang maamoy dito.
I was about to get out nang muli akong napatigil. Unti-unti akong lumingon sa kama. Maayos ang pagkakatupi kumot ng doon. Halatang hindi na iyon nagagamit.
Unti-unti akong humakbang paharap doon. And somehow parang biglang bumagal ang oras. Pinagkatitigan ko iyon hanggang sa mapatiim-bagang ako.
Walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang katawan ni Alexa na nakahiga sa gitna niyon.
Kung paano ko hinawakan ang hita niya. How she have this soft rounded legs. She had this heat that almost melt my coldness. How she have this perfect face, eyes, nose and soft well carved lips.
Muli akong napatiim-bagang nang kung paano ko naramdaman ang mga labi ko sa labi niya. Her heat was mixing on me.
How she have this rounded big breast... kung saan lalong nagpawala sa akin sa katinuan. Paano ako titigil kung ganoon ang babaeng 'yon? The desire was too strong for me stopped.
Pero si Alexa mismo ang umantala ng lahat. Dahil sa kanya, dahil sa punyal niya.
Hindi niya ba alam kung gaano ko gusto maangkin siya ng mga oras na iyon?
At balak ko iyon ituloy ngayon pero... nasaan siya where is that girl?
Naikuyom ko ang kamao ko. Nagtatago kaya siya? Hindi niya ba alam na makikita at makikita ko siya kahit saan lupalop pa siya pumunta, dahil sa amoy niya?
Hmf! She's not that so clever.
Gigil na muli akong humugot ng malalim na hininga.
"Alexa... you've already experience me the kind of heat that my body wants. Kaya naman ipagpapatuloy natin iyon. Itutuloy natin ang anumang nangyari sa atin sa kama ito." nakangising sabi ng isip ko.
Ilang sandali ay napatigil ako. What?!
"Did I just said those words? Nababaliw na ba ako?! Ba't ko 'yon sinabi?" gulat at natatarantang sabi ko.
Napailing ako at mabilis na inalis ang tingin sa kama saka nilisan ang kwarto.
Lumabas ako ng bahay at isinuot ang hood ng itim na cloak ko. Naglakad ako sa madilim at mahamog na daan.
Sumira ng tahimik na daan ay ang tatlong tao na nagtatawanan at pasuray-suray na naglalakad sa daan.
Dalawang babae at isang alanganin na maging babae. Halatang lasing sila. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Alam mo ba friend kung ano ang ginawa ko sa kanya?" tanong ng bakla sa dalawang babae.
"Ano friend?" excited na tanong ng dalawang babae sa magkabilang gilid nito.
"Nilasing ko lang naman siya at nagpakasaya kami sa kama..." humahagikhik na sabi ng bakla.
"OMG! malaki ba friend?"
"Oo naman, hindi ako kukuha ng hintuturo lang 'no!"
Lalong napuno ng ingay ang buong paligid dahil sa lakas ng tawa nila.
Nilampasan ko sila.
"Oh, hi!" pigil ng bakla sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat. Pumunta naman sa magkabilang bahagi ko ang dalawang babae.
"Ba't naka-hood ka?" natatawang sabi ng isang babae. Naaamoy ko sa hininga niya alcohol.
"Pwede bang alisin namin ang hood mo?" malanding tanong ng isa pang babae. Pero hindi niya na hinintay ang sagot ko at inalis na nga hood na tumatakip sa ulo ko.
"Ohhh... gwapo," malanding sabi ng bakla at saka sinimulan haplusin ang dibdib ko, pababa sa- pinigilan ko ang kamay niya na nasa puson ko na.
Nabigla ang bakla at napatitig sa akin.
Naningkit ang mga mata ko at tinitigan ang mga mata niya. Naaamoy ko sa baklang ito ang pabango ni Alexa.
"Nasaan si Alexa?" tanong ko sa bakla.
"H-Ha?"
"Ang pinsan mo, nasaan siya?" I asked as I hypnotizing him.
"Kilala mo si Alexa?" gulat na tanong isang babae sa akin.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko." Mariing sabi ko sa bakla.
"N-Nasa malayo siya. Nagtatrabaho..."
"Where is that place?"
"Bakit mo tinatanong? Ano ka ba niya?" tanong ng isa pang babae.
"Just answer my question!" puno ng tensyon na sabi ko.
"S-Sa bayan, sa W-Willerston City..."
*****
Alexa
"Yes, Ally nandito na ako," tugon ko sa kaibigan ko na si Allysa na nasa kabilang linya.
Bumaba ako ng taxi at tumingala sa mataas na building na siyang nasa harapan ko.
"Good! Good luck girl, I hope makuha sa interview para workmate na tayo," she said giggling.
"Gaga! Secretary ang available sa kanila hindi back office."
"Pareho na din 'yon atleast same company lang ang pagtatrabahuhan natin."
"Oo na, bye-bye na. Papasok na ako. Ikaw, bumalik ka na sa trabaho mo. Baka pagalitan ka ng supervisor mo dahil sa akin."
"Eh, excited lang kasi ako para sa'yo best friend."
"Aww... thank you best friend." Nakangiting sabi ko.
"At syempre para malibre mo na rin ako mamaya." she laughed.
"Sige, ipanalangin mo na lang na pumasa ako sa interview na ito."
"Of course papasa ka. Ikaw pa, maganda na matalino pa!"
Tumawa na lang ako sa sinabi niya. Ilang sandali ay nagpaalam na rin si Ally para bumalik sa trabaho niya.
Napapailing na lang ako sa ginawa ni Ally. Pero talagang na-appreciate ko ang ginawa niya na kahit may trabaho siya nagawa niyang tawagan ako to checked me if nasaan na ako. She's really excited to get me hire in this company. Kaya kahit hindi ako makapasa sa interview na ito ililibre ko parin siya.
Itinabi ko ang cellphone ko sa bag at humugot nang malalim na hininga.
Muli kong tiningnan ang pangalan ng building na nasa harapan ko at binasa iyon.
"Alfonso Food Inc..."
Hmm... sana lang isa ako sa mga maging employee ng building na ito. Nasi-sense ko kasi na maganda ang pamamalakad ng company since ganoon din ang observation ni Ally. Mababait ang HR, hindi ka makakaramdam ng bad vibes sa paligid.
PERO! Isang malaking PERO. Nasabi kasi iyon ni Ally kasi nasa back office siya. Eh ako tinawagan ako para ma-interview for the President's Assistant position.
Kaya naman bes! Pressure is real, kasi hindi ko 'yon in-expect! Hindi ko na nga in-expect na tatawagan pa nila ako for interview since dalawang buwan na ang nakalipas noong pinasa ko ang resume ko sa HR. Sabay kaming nagpasa ng resume ni Ally pero makalipas ang isang linggo si Ally lang ang tinawagan at ako hindi. So kaya hindi ko na in-expect na tatawagan nila ako after two months!
At isa pa... hindi ko kilala ang President ng company. Even Ally doesn't even know who's the President. She only know he's a man pero walang nakakaalam ng pangalan. Kasi sabi daw napaka-pribado daw na tao 'yon. Shocks ok lang kung pribado siya pero sana hindi siya katulad ng manyak na supervisor ko sa nakaraan na company na pinagtrabahuhan ko.
Kasi kung mamanyakin niya din ako hindi ko na pasasayadin ang ballpen ko sa kontrata na ibibigay niya. Swear!
Pero nandito na ako eh. At saka kailangan ko na rin magtrabaho kasi nauubos na ang pera ko na naipon ko sa dating company na pinagtrabahuhan ko. Sana lang talaga maging ok ang lahat!
Humugot ako nang malalim na hininga.
I took my step to enter the building and asked if where's the HR. The guard in ground floor said it was on 5th floor so I took the elevator to reached the 5th floor.
"Excuse me Ma'am... I am the one that you've called last night to take an interview," sabi ko nang lumapit ako sa HR desk.
"Full name, please,"
"Alexa Montalban."
Tinype niya ng babae ang pangalan ko sa computer nila at ilang sandali ay saka siya nagsalita.
Tiningnan ulit ako ng babae. 'Yong ngiti sa labi niya ay biglang nawala.
"Bakit po?" hindi ko napigilan na itanong sa kanya.
Mabilis siyang umiling saka muling ngumiti. Pero alam kong pilit lang ang ngiti na iyon.
"Ah yes! You will have an interview today with the President."
Bahagya akong nagulat. "P-President?"
"Yeah, actually you're conducting final interview today. So you will going to meet the company's president right now."
What?!
Kinabahan ako. Agad-agad? Wala man lang initial? final agad?
Hindi na ako nakapagsalita pa nang samahan ako sa isa sa mga HR papunta sa 20th floor.
Habang nasa elevator kami ay hindi ko mapigilan makaramdam ng matinding awkward sa babaeng katabi ko. Lalo na nang lingunin niya ako at tiningnan mula ulo hanggang paa. As if tracing something wrong in my body. 'Yong totoo dinaig niya 'yong manyak sa kanto papunta sa boarding namin kapag tumitingin sa akin.
Hindi ko na napigilan na lingunin ang babae. "Ahm... may mali po ba sa suot ko?" derektang tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita agad. Ipinagpatuloy niya ang pagmasid sa katawan ko. Naku! Kaunti na lang baka masapak ko na 'to ah.
"Wala naman..." finally nagsalita ka rin. "I'm just wondering why he choose you despite of any other applicant."
Naitaas ko ang kaliwang kilay ko. "A-ano po ang ibig niyong sabihin?"
She just smirked. "Never mind," Muli niya akong pinasadahan ng tingin bago tumingin nang deretso. "Now I know what is the taste of President when it comes on choosing his assistant."
Napatingin ako sa sarili ko. Nakasuot lang naman ako ng pencil cut na skirt. At puting polo na naka-3/4. Itinali ko ng descent bun ang abot balikat kong buhok. Naglagay din ako ng kaunting eyeshadow at kaunti lang din na lipstick.
Nahuli ko ng tingin ang babae na siyang sinulyapan ang boobs ko, bago lumabas ng elevator as we already reached the 20th floor.
Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong naitakip ang envelop na hawak ko sa dibdib ko. 'Yong malaking ano ko ba ang mini-mean niya?
Habang nakasunod ako sa babae ay kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Muling pumasok sa isip ko ang ginawang pagmamanyak ng boss ko sa akin sa company pinasukan ko dati.
Huwag niyang sabihin manyak ang Presidente ng kumpanyang ito?
Tumigil kami sa nakasaradong pintuan, few meters away from the elevator. Sa tantiya ko ay iyon lang ang nagiisang pinto sa floor na iyon. Medyo madilim ang hallway na dinaanan namin bago kami makarating sa pintuan na ito.
Ano ba 'yan! ang gara ng pangalan ng company pero hindi man lang kayang lagyan ng mga bumbilya ang hallway na ito.
"By the way i-interview-hin ka pa naman niya. Doon natin masusubukan ang totoong galing mo."
Muli kong naitaas ang kaliwang kilay ko.
'Yong totoo miss, insecure ka ba sa ganda ko?
Pero syempre hindi na lang ako nagsalita. Mahirap na, at tsaka kailangan ko ng trabaho. Kaya kaysa patulan ko ang babaeng ito ay mag-fu-fucos na lang ako sa interview.
Kinuha niya ang cellphone niya saka may kinontak na numero.
"Good morning Sir, the applicant is here..." seryosong sabi niya. "Ok sir."
In-endcall niya ang tawag at saka tumingin sa akin ng nakangiti. Fake smile?
"Goodluck..." sabi niya as she tapped her hand to my shoulder. Tila inggit na sinulyapan niya ang katawan ko at umalis.
"Ang wierd niya ah?" nakangiwing sabi ko.
Hinarap ko ang saradong pinto saka humugot nang malalim na hininga.
Kumatok ako ng tatlong beses. Saka dinikit ang tenga sa pinto.
"Come in..." boses ng lalaki sa kabilang pinto.
Napalunok ako. Nagsimulang tumibok ng malakas ang puso ko.
Shocks! Ilang interview na ang dumating sa akin. At tatlong beses na akong naka-encounter ng interviewer na may mataas na posisyon sa kumpanya. Pero... dito lang ako kinabahan ng husto.
Napailing ako at muling humugot ng hininga. "Kaya ko 'to. Fighting Alexa!" sabi ko sa sarili ko
Bumuga ako ng hangin saka hinarap ang pinto.
Pinihit ko ang doorknob saka marahang itinulak ang pinto.
*****