Nightfall Stranger
Chapter 1
TROY
8 years later
Madilim at masukal na kagubatan. Malamig at halos hindi masilayan ang liwanag ng buwan dahil sa mayabong na dahon ng bawat puno na naroon.
"Gibson..." Tinig ng babae ang narinig ko. Mula sa pagkakasubsob sa lupa ay nakita ko siya ilang agwat lang ang layo mula sa akin.
Pilit niyang inaabot ang kamay ko habang duguan siyang nakahiga sa malamig na lupa.
Pinilit kong gumapang habang sapo ang dibdib. Sobrang sakit ng dibdib ko. Parang unti-unting sinusunog iyon.
Kitang-kita ko kung paano lumaki ang butas sa puso ko. Patunay na ilang segundo na lang ay magiging abo na ako.
"Vivian..." Tawag ko sa pangalan niya. Nanginginig na pinunasan ko ang luha sa mga mata niya. Hinawakan ko ang duguan niyang sikmura.
Parang bigla ay nauhaw ako sa dugo na lumalabas doon. Pero wala akong balak na sipsipin iyon. Dahil nanaig sa akin ang pangamba sa nanganganib na buhay niya.
"I-Ililigtas kita," mahinang garalgal ng aking labi.
Lumabas ang mga pangil ko. Handa na akong gawin siyang bampira ngunit pinigilan niya ako. Tumingin siya sa dibdib ko. Muling bumuhos ang luha sa mga mata niya. Alam kong alam niya na ilang minuto na lang ay mawawala na ako.
"H-Hindi na rin naman magiging masaya ang mundo ko kapag wala ka na," anas niya. Kitang-kita ko kung paano manginig ang hugis puso niyang mga labi.
"Pero hindi dapat ito nangyayari sa'yo. K-kasalanan ko 'to," nasusuklam na sambit ko.
Umiling siya. Hinawakan niya ang kamay ko. "Gibson hindi, huwag mong isipin 'yan..." Sabi niya kasabay ng pag-iling. "Pinili kita, at kung nasaan ka... nandoon din ako."
"Vivian..." Humihina na ang paghinga ko.
Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Pinagkatitigan niya ako. Hinaplos ko naman ang magandang mukha niya. "N-Naalala mo ba ang kwento sa akin ng lola ko? Na ang lahat ay nabubuhay ulit?"
Hindi ako nakapagsalita kaya naman nagpatuloy siya.
"Huwag kang mag-alala. Kung totoo man na mabubuhay tayo sa hinaharap. Sisiguraduhin kong tayo parin. I-Ikaw parin ang mamahalin ko Gibson..."
Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at hinagkan iyon nang matagal. Kasunod ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko. Mabilis na pumasok sa isipan ko ang mga alaala ng pag-ibig namin. Ang mga yakap, halik, tawa at ngiti niya ay hanggang alaala na lang yata.
"K-Kung totoo man 'yon Vivian... gagawin ko ang lahat para hanapin ka. Sisiguraduhin ko sa pangalawang pagkakataon na magkita tayo hindi na tayo maghihiwalay pa. Hindi na..." mahinang sambit ko sa kanya.
Isang tipid na ngiti ang binigay ni Vivian. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Itinaas niya ang kamay niya at hinaplos ang mukha ko.
"Aasahan ko 'yan mahal ko..."
Unti-unting lumamlam ang mga mata niya. Bago pa ako tuluyang maging abo ay hinagkan ko siya ng matagal.
Napatigil lang ako nang biglang may tumusok sa likuran ko. Masyadong mabilis ang pangyayari. Tumagos iyon sa dibdib ni Vivian. Napaliyad siya. Kasunod niyon ang paglabas ng dugo sa kanyang bibig.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat!
"V-Vivian!" Napatingin ako sa bagay na tumusok sa amin.
Isang mahabang palaso!
Lumingon ako sa likuran ko. Tumigil ang mga mata ko sa hindi kalayuan. Naningkit ang mga mata ko upang aninagin kung sino iyon.
Napasinghap pa ako. "Lucio? L-Lucio, k-kaibigan... tulungan mo k-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang pana sa kamay ni Lucio. Saglit akong nalito pero sinagot iyon ng ngisi ni Lucio.
Nakita ko ang mapanganib na gumuhit sa labi nito.
Nalito ako bigla.
"L-Lucio b-bakit?"
Napabangon ako mula sa hinihigaan ko. Habol ang hininga ay bahagya akong napahawak sa dibdib ko dahil sa sakit.
Muli akong napatingin sa kalawakan. Doon ko nakita ang bilog na buwan.
Napaungol ako sa sakit. Umalis ako sa kama at halos pagapang na lumapit sa pintuan.
The pain that I felt in my heart was killing me! It's like the pain was tearing me apart. The pain was burning my dead heart.
Nanghihina na pumunta ako sa kusina. Nagkandabasag na ang mga na baso na natabig ko dahil halos nanginginig na ang mga kamay ko sa labis paghihina. Pakiwari ko ay masu-subsob na ako sa sahig sa sobrang sakit.
"Arghhh!" I let out a painful moaned.
Kinuha ko sa kabinet ang isang bote na puno ng dugo at mabilis na nilagok iyon.
Habang iniinom ang dugo ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng kabinet. The veins in my face were getting visible. My eyes became red and my fangs became strong. Natapon sa bibig ko ang dugo hanggang sa unti-unting dumaloy iyon sa leeg ko papunta sa maskuladong dibdib ko.
Ibinaba ko sa lamesa ang walang lamang bote. Pinunasan ko ang sobrang dugo na ininom ko sa bibig ko gamit ang likod ng palad ko at dalawang beses na huminga ng malalim.
Nawala ng kaunti ang sakit ng dibdib ko. Pero nang malasahan ko ang dugo ng tao na siyang laman ng bote ay parang dumoble ang uhaw na naramdaman ko.
I want more... I want to drink more blood!
Akma kong bubuksan ang kabinet para kumuha ng panibagong bote ng dugo ngunit may kamay na pumigil sa akin.
Napatingin ako sa kaliwang bahagi ko. Isang matandang lalaki ang nagmamay-ari ng kamay na iyon.
Siya si Clark Alfonso, ang attorney ko. Umiiling siya at agad ko naman nakuha ang gusto niyang ipabatid.
"N-Nauuhaw ako, I-I can't help to fight this thirst. Maybe this is the reason why I always feel this fire burning pain in my heart during full moon," anas ko paos na boses.
Muli siyang umiling. "Troy... hindi ka katulad ng mga bampirang umiinom ng dugo ng mga tao. Kaya mong pigilan ang sarili mo at mas piliin inumin ang dugo ng hayop kaysa tao."
Itinaas niya ang kopita na may laman na dugo ng hayop.
Napatingin ako sa kanya. Si Clark ang nagsilbing attorney ko sa mahabang panahon. Ang naging kaibigan ko simula noong naging sundalo ako mahigit 60 years na ang nakakaraan. Isa lamang siyang musmos na sampung taong gulang na bata noon na pinangarap din maging sundalo tulad ko.
Sa edad na 75 years old. Ay hindi parin halata sa kanya ang katandaan niya. Though his laugh lines and white hair were already visible. Matalino at maaasahan ko parin pagdating sa pagpalit ng pangalan ko.
Oo... isa siyang tao. Siya lang ang bukod tanging tao na alam ang pagiging bampira ko.
Kung tinatanong ninyo kung kailan ako pinanganak sa mundo ay noong panahon ng mga Hapones pa.
Namatay sa giyera ang mga magulang ko. Gustuhin ko man silang iligtas at gawing bampira pero tumanggi sila. Ayaw nila dahil kinamumuhian nila ako.
Minsan na nila akong tinangkang iligaw sa gubat dahil isa daw akong halimaw. Hindi ko din alam kung bakit ako naging ganito.
Basta bigla na lang ako nakakaramdam ng matinding uhaw. Uhaw na tanging sariwang dugo lamang ang papawi.
Sa pagtuntong ko ng desi-otso ay may grupo ng mga tao ang kumuha sa akin at ginawa akong sundalo. At kami ang sasabak sa Hapones na siyang naghahari-harian sa Pilipinas noon.
Sa loob ng training ground nakilala ko si Clark. Anak siya ng leader ng grupo-Si Mr. Christian Alfonso. Mabait si Mr. Christian Alfonso. Siya ang tumulong sa akin sa pag-aaral dahil nakita niya ang determinasyon kong maging isa sa kanila.
Nang matapos ang digmaan laban sa mga Hapones ay pinag-aral ako ni Mr Alfonso sa ibang bansa. Kumuha ako ng kursong may kinalaman sa pagnenegosyo.
Ako ang naging katuwang niya sa pagnenegosyo sa kanilang lumalaking Alfonso Food Inc. Kahit papaano ay nawala ang galit niya kay Clark dahil mas pinili nitong maging abogado kaysa tulungan siya sa kanilang negosyo
Nang mamatay si Mr. Alfonso ay hati kami ni Clark sa company. Although mas gusto ni Clark na sa akin na lang daw ang company since wala din naman daw siyang maitutulong para palaguin iyon. Pero dahil siya parin ang orihinal na tagapagmana ay hindi ko tinanggap ang alok niya at mawalan siya ng share sa company.
At kung tinatanong ninyo kung paano nalaman ni Clark ang tungkol sa pagiging bampira ko. Nang tumuntong siya ng 40 years old ay saka niya nahalata na hindi ako tumatanda. Nanatiling bata ang balat ko. Walang wrinkles na makikita sa mukha.
Sa palagay ko ay nag-stop na rin sa pag-mature ng katawan ko sa edad na 30 years old palang. And by that age nakakaramdam na rin ako ng kakaibang sakit sa dibdib ko.
Sakit na parang sinusunog ang puso ko. Sakit na talagang nagdulot sa akin ng matinding panghihina. At minsan na iyon nasaksihan ni Clark. Kung paano magsilabasan ang mga pangil ko. Habang ang mga mata ko ay naging pula. And it always happened during the first night of full moon.
Pero napaka-swerte ko talaga kay Clark dahil ni minsan hindi niya ako pinagtabuyan. Natakot siya sa una pero nakahanda siyang pakinggan ang paliwanag ko. Human says about Angels. And if Angels really exist Clark were surely one of them.
Humugot ako nang malalim na hininga. Kinuha ko ang kopita sa kamay ni Clark at mabilis na dinala iyon sa bibig ko at nilagok ang laman niyon.
"Thank you..." mahina kong saad nang maubos ko ang laman ng kopita.
Napatingin ako sa bintana ng kusina. Nagtago sa makapal na ulap ang buwan kaya naman bahagyang nawala ang kirot sa dibdib ko.
"Good thing gising ka na," wika ni Clark saka bumaba ang tingin niya sa tagiliran ko. I was half naked.
Sinundan ko ang tingin niya.
Doon ko nakita ang itim na linya sa tagiliran ko. Halos one inch lang ang haba niyon. Hindi sana iyon magiging visible kung hindi lang dahil sa mga maliliit na ugat sa paligid nito na nangitim na.
Naalala ko ang dahilan kung bakit mayroon akong ganoon.
And it was because of that girl. That girl named... Alexa.
The one who owned the scent that I always search for a long time.
Bahagya pang pumasok sa isip ko ang eksena. How I touched her... how I kissed her lips.
Napatiim-bagang ako at umiling. Tiningnan ko si Clark nang deritso.
"Gaano ba ako katagal natulog?" kunot-noong tanong ko.
"8 years... almost 8 years kang nakaratay, Troy."
Napasinghap ako. 8 years? Bakit parang pakiramdaman ko ay kahapon lang ang nangyari sa amin ng babaeng iyon?
"Blessed daw ng holly water ang punyal na sumugat sa 'yo. Medyo malalim ang sugat na natamo mo. Kaya ilang taon ka din natulog," paliwanag ni Clark saka bumuntong hininga. Isang tingin na puno ng kursyunidad ang pinukol niya sa akin. "Paano nangyari iyon? Sino ang may gawa niyan sa 'yo?
Bahagya kong nasapo ang dibdib ko at napaaringking sa sakit. Nakita ko ang buwan na noon ay lumitaw na naman sa makapal na ulap.
I don't know why I always felt this pain. Minsan ko ng inisip na isa itong sumpa. But... who did this to me? Bakit lagi ko 'tong nararamdaman tuwing kabilugan ng buwan?
Naglakad ako papunta sa sala at naupo sa sofa.
"I know its not the right time to ask if what happened. But dude, I almost wait, 8 years for you to wake up. Dahil wala akong alam sa nangyari sa'yo. Even Nanay Carmen doesn't even know what happened."
"Nanay Carmen?" kunot-noong tanong ko saka tiningnan si Clark.
"Yes, siya ang gumamot sa 'yo," he answered.
Si Nanay Carmen ay isang mambabarang. Magaling siya sa paggamot ng mga sakit na hindi kayang gamutin ng sarili naming katawan. Holy water was really dangerous in our health. Kapag hindi naagapan posibleng ikamatay namin iyon. Kapag naman naagapan, ilang taon kaming makakatulog at walang kasiguraduhan kung kailan magigising.
"Thanks dude..."
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."
Napapikit ako para pakalmahin ang tila inaapoy kong puso.
Ilang sandali ang lumipas bago ako sumagot.
"I think... I found her..." I said after a minute.
"Her?" Itinabi niya ang tungkod na hawak niya. Umupo siya sa sofa na nasa tapat ng inuupuan ko. Kita ko ang panginginig ng tuhod niya habang papaupo sa upuan. Matanda na talaga si Clark...
Tumingin ako sa kanya. "Yes. The one who owned that scent."
Nanlaki ang mga mata ni Clark. "Really? Ang magiging sagot sa lahat ng mga napanaginipan mo?"
Yes... Aside of pain that I felt in my heart. I always had a nightmare. Just like kanina. I dreamed about that Gibson and Vivian. Where I played the role of Gibson. Kung ano ang sakit at kirot na nararamdaman niya, nararamdaman ko rin.
I don't know... It was really weird kasi sa nakikita ko sa damit nila it was way back Spanish Era. Yeah, nabuhay pa sila noong panahon ng mga Espanyol.
And that Vivian... she's very familiar.
Kinunsulta ko na ang panaginip kong iyon kay Nanay Carmen. Pero isa lang ang sinasabi niya. Ang amoy na lagi kong naaamoy sa panaginip ko ang kailangan kong hanapin. At dalhin ko daw iyon sa kanya. Saka niya masasagot ang lahat ng panaginip ko.
"I-I think so..."
"Pero... bakit ka may sugat? Siya ba ang may gawa niyan sayo?" kunot-noong tanong ni Clark.
Tumango ako. Alam kong kahit halos patayin na ako ng babaeng iyon ay hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya.
I understand her... because I forced her.
Hindi ko din naman sinasadya ang mga ginawa ko. But damned! When I smell the scent that she had, my mind got lost. It was like I wanted her to be mine that night. Those scent was tempting my sanity. Bringing me to the edge of pleasure. And I couldn't control that feeling... I can't.
"Nakakalito. Paano ka niya sinaksak ng punyal na may holy water?" kunot-noong tanong ni Clark. Bahagya pa siyang nag-isip. Bago muling nagsalita. "Isa ba siyang tao?"
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago muling tumango.
Napasinghap siya. "Kung ganoon bakit siya may punyal na blessed ng Holy water? Does it mean... alam niya ang tungkol sa inyo?"
Muling bumalik sa isip ko ang huling sinabi ng babae.
"Dahil isa kang bampira. At kayo ang pumatay sa mga magulang ko!"
"Bampira..."
"What?"
"Bampira ang pumatay sa mga magulang niya."
Namilog ang mga mata ni Clark.
"Edi anytime pwedeng manganib ang buhay niya? Dahil once na may nakarinig sa kanya na nagsalita tungkol sa mga bampira pwedeng... mapatay din siya."
Yeah, that's the rule of vampire world. Walang taong pwedeng makaalam ng katauhan namin. Kapag nalaman ng isang tao ang pagkatao namin instantly pinapatay agad siya. We are very private creatures. Isa sa nagpatupad niyon ang tinatawag ng lahat na 'Elder'. Though, hindi ko pa siya nakikita pero sa pagkakaalam ko ay dito lang sa Willerston City ang pugad niya.
Pero sa rule na 'yon isa ako sa lumabag dahil kay Clark.
At mabuti na lang, all this years ay walang nakaka-tiyempo sa kanya. Maingat din kasi si Clark at alam niya ang batas namin.
But that girl... alam kaya niya na anytime ay pwedeng manganib ang buhay niya?
Humugot nang malalim na hininga si Clark.
"You have to find her again Troy. Not only for her scent to answer your nightmare..." Pinagkatitigan muna ako ni Clark bago muling nagsalita. "But to save her."
****