bc

Me with my Crush Boss

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
blue collar
lighthearted
office/work place
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Marry me, Stella. " i gasped until now. i was shocked when my my long-time crush asked me to marry him, but why? Should i be happy? pero bahala na kase may gusto din naman ako sa kanya nang almost 2 years ackkkk

My name is Stella Ajero an assistant of the CEO of SuperiorSon brand Company, Is it really ok to fall in love with a man that is higher than your position, but wait, he asks me to marry him?? Is it ok to marry a man like him? Oo naman it's ok staka sya ang unang nag sabi at nag ask kaya wag mo nang pakawalan at grab tha opportunity kaya wag na mag patumpik-tumpik pa Go Go Go.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Stella Ajero
“Mom, I’m home,” sabi ko habang papasok sa sala. Nakita ko si Mama na nakaupo sa couch at nanonood ng TV. “Oh anak, andiyan ka na pala. Kumusta ang araw mo? Kumusta ang trabaho? Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin na halatang nag-aalala. “Ma, okay lang po. Medyo pagod lang po,” sagot ko habang nakangiti. “Kumain ka na ba, anak?” “Hindi pa po, Ma. Gutom na rin po ako.” Tumayo si Mama mula sa kinauupuan niya at pumunta sa mesa para maghanda ng pagkain. “Halika na dito, anak. Kumain ka na para makapagpahinga ka na.” Lumapit ako sa mesa at agad kong nakita ang paborito kong pagkain “Yes! Sinigang na isda! You know I love sinigang na isda,” sabi ko kay Mama na may malaking ngiti sa labi. “Oo naman, anak. Para sa’yo ‘yan kaya ubusin mo ‘yan ah. Sandali lang, may kukunin lang ako sa ref.” Tumalikod si Mama at nagpunta sa direksyon ng refrigerator. May inilabas siyang kahon na may ribbon. Binuksan niya ito at inilabas ang isang cake na may nakasulat na: Happy 30th Birthday Stella “Happy birthday to you~ happy birthday to you~ Stella Ajero, my lovely daughter,” kinakantahan niya ako habang sinisindihan ang kandila napangiti lang ako habang nakatingin sa kanya. “Oh anak, blow the candle na. Happy birthday,” sabi niya. Pumikit ako at nag-wish bago ko hinipan ang kandila “Ma, thank you po. I love you. Thank you for always being there for me,” sabi ko habang napaiyak at niyakap siya. Ngumiti si Mama at hinaplos ang likod ko. “Anak, ngayong 30 ka na, baka naman gusto mo nang magka-boyfriend? Matagal ko nang hinihintay na may ipakilala ka sa akin.” “Ma! Ano ka ba naman. Saka na kapag inalok na ako ng kasal ng crush boss ko,” sagot ko habang kinikilig. “Naku anak, baka hindi pa ‘yan magkatotoo. Gumising ka na sa panaginip mo at sa pagka-delusional mo.” “Eh birthday ko naman ngayon, Ma. Huwag mo muna akong gisingin sa pagiging delusional ko,” sabi ko sabay tawa. “Bahala ka na nga. Ang gusto ko lang naman ay makatagpo ka ng taong magmamahal at mag-aalaga sa’yo.” “Opo, Ma. Huwag na po kayong mag-alala.” Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Nagbihis ako ng pantulog, nag-skincare, at humiga sa kama hanggang sa makatulog. Hello readers. My name is Stella Ajero, and I just turned 30 today. Kanina lang ay nag-celebrate kami ng birthday ko ni Mama. By the way, ang pangalan ng mama ko ay Paula Jane Nase. I’m currently working as an assistant at SuperiorSon Brand Clothing. Assistant ako ng CEO ng kumpanya. His name is Felip John Suson. Hot, Tall, Dark, Handsome. Kung tatanungin niyo ako tungkol sa personality niya—minsan palabiro, minsan seryoso. Iba-iba ang mood niya. And by the way…’’He’s mine.’’ Wahaha! I’ve had a crush on him for almost two years. Two years na rin akong nagtatrabaho sa company. Love at first sight ako sa kagwapuhan ng boss ko. Hay nako Stella… hanggang ngayon delulu ka pa rin. “Kring! Ring!” Tunog ng alarm clock ko. “Hmm… five minutes pa,” bulong ko. Tiningnan ko ang oras 7:30 AM. Bigla akong napadilat “s**t!” Kapag na-late ako, baka mawalan ako ng trabaho. Wala akong choice kundi bumangon agad. Nagmadali akong maligo at mag-ayos. Dahil sa sobrang pagmamadali, hindi na ako nakapag-almusal, Isinuot ko ang helmet ko, sumakay sa motor, at nagmaneho papuntang opisina. Pagdating ko sa company ay nagtatakbo ako papunta sa time-in, at tiningnan ko ang orasan. 8:10 AM “Yari ako…” Nagmadali akong sumakay ng elevator papunta sa floor kung nasaan ang opisina ng boss ko. Pagdating ko doon ay nakita kong nagbabasa siya ng documents. “Good morning po, Sir. Sorry po, na-late ako ng 10 minutes.” “It’s okay, Miss Stella. As long as you’re safe. By the way, get ready. We’re going to a meeting.” “Yes, Sir.” Habang naglalakad kami papunta sa meeting room ay napapatingin ako sa likod niya. Broad shoulders. Malapad na likod. Halatang nag-eexercise. Achkk… yummy. Hindi ko napansin na huminto pala siya kaya napasubsob ako sa likod niya. “Tapos ka na bang pagmasdan ang likod ko, Stella?” tanong niya na may ngiti. “Y-yes… pasensya na po,” sagot ko habang nabubulol. Bigla siyang yumuko sa harap ko at ngumisi. “Next time sabihin mo lang kung gusto mong hawakan ang katawan ko. Pagbibigyan naman kita… huwag lang ngayon.” Namula ang pisngi ko sa hiya at kilig. “Stella, let’s go in.” “Yes, Sir.” Natapos ang meeting nang walang problema. Hindi katulad dati na madalas nagkakagulo kapag hindi nagugustuhan ni Sir Felip ang mga usapan. Bandang hapon na nang matapos ang meeting, at sobrang gutom na ako dahil hindi ako kumain kanina. “Where should we eat, Stella?” tanong niya. Nagulat ako “Sir… sabay po tayong kakain?” “Bakit? Ayaw mo ba akong kasama?” “Uhm… Sir actually may kasabay po akong mag-lunch. Best friend ko po.” “Ganun ba? Sige…. Eat well, Stella.” “Yes Sir, ikaw din po.” Sayang my gosh.. “Best!” Boses ng best friend kong si Jhana, na ka-trabaho ko rin. “Hello beshie! Tara lunch tayo,” sabi niya. “Tara.” “Best, ilahad mo ang kamay mo,” excited niyang sabi. “Ano naman ‘yun?” “Basta. Pikit ka muna.” “Sige.” Habang nakapikit ako ay may naramdaman akong inilagay niya sa kamay ko. “Okay, open your eyes!” Pagdilat ko…“Wow! A gift! Thank you Jhana!” “Happy birthday, my beshie.” “Can I open it?” “Sure.” Ngumingiti pa ako habang binubuksan ang regalo, pero nang makita ko ang laman— Bigla akong napamura “Tang-— Jhana! Ano ‘to?!” Isang d***o. “Don’t you like it, Stella?” sabi niya na parang proud pa. “Of course hindi!” “Stella, 30 ka na. Para maranasan mo naman may pumasok dyan. Hindi ka na bata.” “Bwisit ka talaga,” sabi ko habang itinatago sa bag ko. “Sige na, lunch na tayo!” Pagkatapos ng trabaho, bandang 8 PM, nag-aayos na ako para umuwi. “Miss Stella,” tawag ni Sir Felip. “Ay kabayo— ay ikaw pala sir!” “Mukha ba akong kabayo sa gwapo kong ‘to?” Napangiti ako. “Gusto sana kitang yayain mag-dinner. Pwede ba?” “Uhm… yes Sir.” Sumakay kami ng elevator papunta sa parking lot at sabay nagpunta sa isang five-star restaurant. Napakalaki ng lugar at napakaganda “Wow Sir… ang ganda dito.” “Of course.’’ Pinaupo niya ako at siya ang nag-order ng pagkain. Maya-maya ay may dumating na waiter na may dalang isang bouquet ng rosas at maliit na kahon. Binuksan ko ang kahon, Isang bracelet mula sa Tiffany & Co. “Do you like it? It’s my birthday present for you.” “Sir… thank you po. Pero hindi niyo naman kailangan—” “Bakit naman hindi?” sabi niya habang nakatingin sa akin, “Hindi ba dapat bigyan ng magandang regalo ang babaeng mahal mo?” Natulala ako, nanlamig ang buong katawan ko pero dahil lang sa kilig acckkkk Tumayo siya at lumapit sa akin. Lumuhod siya sa harap ko. “Miss Stella Ajero…” “Will you marry me?” “W-what?” Ngumiti siya, “Should I repeat myself?” “Stella Ajero… will you marry me?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.5K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.6K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook