Chapter 20 - Mission: Reconcile with Josh
Josh's Point-of-View
Ilang araw na rin ang nakalipas nung sinabi ni Ryan na babawi siya sa nagawa niya sa akin, pero hindi ko alam kung kelan ako magsisimula. Papunta ako sa dance studion ngayon para maghanap ng mayaya para sa lunch, busy kasi si Luke kaya hindi lang ako masamahan. Habang papunta doon ay hinarang ako ng isang lalaki, si Ryan.
"Uy Josh, kumain ka na ba?" tanong nito sa akin.
Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko na lang ang paglalakad, sumunod lang siya sa likod at parang walang balak na tantanan ako kahit I turn him down already.
"Josh, pansinin mo naman ako oh." pagmamakaawa nito.
Wala talaga ako ngayon sa mood para pansinin siya, gusto ko maranasan niya rin ang pinagtutulakan palayo. Binilisan niya maglakad at humarang sa akin.
"Sabay na tayo kumain please!! Pinagluto kita oh." sabi niya sabay taas ng isang tupperware.
Napangisi lang ako at hindi siya pinansin, grabe talaga to, ano ba talaga ang plano niya? Sana tigilan niya na ito dahil wala siyang mapapala sa akin. Muli akong naglakad at nilampasan siya pero bigla niya akong hinawakan sa braso ko.
"Josh" pagtawag nito sa akin.
"Bitawan mo nga ako!!" sabi ko sabay alis ng kamay niya sa braso ko, dahil sa ginawa ko ay nabitawan niya yun dala niyang tupperware at tumapon ang laman nito. Nakita ko yung kanin tapos may mga nakaayos na ulam sa ibabaw, halatang pinaghandaan talaga. Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng kaunting panghihinayang. Napaupo si Ryan at sinubukang ligpitin yung kalat, napansin ko na pinunasan niya yung mata niya. Naiyak ko ba siya? Tsk! Kulang pa yan sa ginawa niya sa akin, gago na kung gago pero wala na akong pakialam sa kanya. Iniwanan ko na lang siya doon at hindi na nilingon pa, wala akong pakialam sa mga taong naglilingunan at nakatingin sa amin.
Habang nasa dance studio ako ay hindi ko mapigilang isipin yung nangyari kanina, part ng utak ko ang nagsasabi na mali yung ginawa ko. Pero part din ng utak ko ang nagsasabi na bagay sa kanya yun. Natigilan ako sa pag-iisip nang lumapit sa akin yung kambal na si Andrew at Adrian.
"Hey Dude, we saw what you've done kanina." sabi ni Adrian.
"May problema ba kayo ni Ryan?" tanong naman ni Andrew.
"It's none of your business ok? Dun na nga kayo, please, give me some space for a while." pakiusap ko sa dalawa, na may pagkainis, sa ganitong mga oras, wala akong gusto kausapin, nalilito pa rin kasi ako.
"Ok dude, sabi mo eh." pagpayag na lang ni Adrian.
"Pero dude, nandito lang kami kapag kailangan mo kami huh?" sabi naman ni Andrew.
Binigyan ko nalang sila ng pilit na ngiti at iniwan na nga nila ako. Pumasok naman ako sa mga klase ko today, wala na ako pinalagpas na klase ko dahil kailangan ko nang maghabol sa klase which is wala naman akong problema, matalino ata ito.
Lumipas pa rin ang mga araw na hindi ako tinitigilan ni Ryan sa kakasuyo sa akin, lagi niya pa rin ako pinagdadala ng pagkain, minsan ay pinupuntahan niya pa ako sa rooftop o kaya sa dance studio. Determinado siya sa ginagawa niya at mukha namang tumatalab na ito sa akin, nararamdaman ko kasing sincere siya sa mga ginagawa niya. Kahit sinusungitan ko siya or pinapahiya ay hindi pa rin siya sumuko sa mga ginagawa niya. Unti-unti ko na rin siyang tinatanggap muli pero hindi pa rin maalis sa akin yung galit kapag nakikita ko siyang kasama si Xayvion,mukhang nagseselos pa rin ako at sapal sa mukha ko kapag nakikita ko silang magkasama.
Minsan na namamasyal ako mag isa sa mall ay nakita ko silang magkasama, bakas sa mukha ni Ryan ang pagiging masaya dahil sa mga ngiti na meron siya, nagpasira yun sa mood ko kaya umuwi na lang ako agad, nakakainis!!. Habang nagdidrive ako ay biglang bumuhos ang malakas na ulan, at habang nagdidrive ay nakita ko ang pinsan kong si Rose Marie na naghihintay sa isang waiting shed, mukhang walang dalang payong ang loko. Agad akong huminto sa harap niya at binuksan ang bintana sa passenger seat ko.
"Baka gusto mo sumabay?" nakangiti kong sabi sa kanya.
"OMG!! Hulog ka ng langit!! buti napadaan ka!!" galak na sabi ni Rose Marie, mukhang saktong sakto nga talaga ang dating ko.
Sumakay naman siya agad sa kotse ko at pinaandar ko ito.
"Buti na lang talaga napadaan ka!!" sabi nito sa akin.
"Buti nga lang, do you want to stay sa condo ko? tagal na kitang hindi nakakbonding ah." pagyaya ko dito, wala namang malisya ko yung yayayain ko siya, pinsan ko naman eh.
"Sure!! gusto din kita makabonding eh!!" sagot nito sa akin.
Ayun na nga at dumiretso na kami sa condo ko, gusto ko na talaga siya makabonding, ano na naman kayang kalokohan ang gagawin namin. Naalala ko pa dati nung pinagselosan siya ni Matt, akala kasi ni Matt na kabit ko siya. Bigla ko na namang naisip si Matt, nakaramdam na naman ako ng lungkot.
"Oh, bakit parang lumungkot ka bigla diyan?" tanong ni Rose Marie sa akin.
"Wala, naalala ko lang si Matt." sagot ko dito.
"Ahh, hindi ka pa rin makaget over sa nangyari sa kanya nu?" tanong nito sa akin.
Napangiti na lang ako, oo hindi pa talaga ako makaget over, actually sa tingin ko hindi na talaga, mas lalo na't pinangako ko na wala na akong ibang papapasukin sa puso ko kundi siya lang. Nakarating na kami sa condo ko kailangan kong maghubad ng damit dahil nabasa ito ng ulan noong papasok na kami sa building kung nasaan ang unit ko, nauna namang magshower si Rose Marie. Nakaboxer lang ako at sando, umupo ako sa sofa ko at naglaro ng Fantashooting sa cellphone ko. Maya maya ay may nagring ng door bell.
"Sino kaya ito? Gabing gabi na ah." tanong ko sa sarili ko.
Binuksan ko ang punto at nagulat sa akin nakita.
"Ryan?" pagtawag ko sa pangalan niya.
_____________________________________________________________________________________
Ryan's Point-of-View
Patuloy lang ako sa pagsuyo kay Josh, at in fairness, mukhang tumatalab naman dahil nararamdam kong lumalambot na siya sa akin. Sana maayos na ito, excited na rin kasi ako sabihin sa kanya ang magandang balita, ang balitang buhay pa si Matt, at ako iyon. Pero medyo nagdadalawang isip ako, gusto ko kasi bumalik muna lahat ng alaala ko para kumpleto akong babalik sa kanya.
Kasama ko ngayon si Xayvion sa mall, niyaya niya kasi ako dito para mamasyal, bored na daw kasi siya sa hotel na tinutuluyan niya, ewan ko ba kasi dito, bakit ayaw pang umuwi. Ako naman, umuwi na ako sa bahay pero awkward moment pa rin kay Tita Amanda, lagi siya nagsosorry at lagi ko na lang sinsabi na ok na ang lahat sa amin.
Kakagaling lang namin sa Quantum ni Xayvion nang bigla niya ako kausapin. At ito ang matindi!! Nagtagalog siya!! (Palusot lang to, hirap kasi mag-english hehehe)
"So, kelan mo naman saabihin kay Josh ang totoo?" tanong sa akin ni Xayvion.
"Siguro kapag bumalik na ang alaala ko, para naman buo ako na magpapakilala sa kanya at walang nakalimutan." sagot ko sabay ngiti.
"Hindi ka pa ba napapagod sa ginagawa mong pagsuyo sa kanya?" tanong sa akin ni Xayvion.
"Hindi, mukha naman kasing nagbubunga na yung mga pinaghirapan ako." sagot ko sa kanya.
"Nagbubunga? what do you mean?" tanong nito sa akin.
"It seems kasi na umuubra na yung panunuyo ko sa kanya." sabi ko sabay ngiti.
"Ahh ok... Pero ito ang payo ko sayo ha, if I were you, I'll tell him the truth, malay mo, he's the key for you to regain all of your memories." payo nito sa akin.
Napaisip ako dun sa sinabi niya ah, parang may punto siya doon, mukha ngang matutulungan niya ako kung sasabihin ko na sa kanya ang totoo, pero parang may kulang.
"Paano kung hindi siya maniwala? Paano kung sabihin niya na ginagawa ko lang yun para mapatawad nya ako?" tanong ko kay Xayvion.
"Hindi malalaman kung hindi mo susubukan?" tanong naman sa akin ni Xayvion.
Napaisip akong muli, mukha ngang tama ang tinuran nya, kung sasabihin ko ito kay Josh, walang mawawala, dahil alam ko sa sarili ko na ako nga talaga si Matt. Naexcite ako kaya naman nagpasalamat ako kay Xayvion.
"Thank you Xayvion!!" pagpapasalamat ko dito sabay yakap.
"You're always welcome!!" sagot naman niya sa akin.
"Samahan mo ako!!" pagyaya ko sa kanya.
"Where?" tanong ni Xayvion.
"Sa Condo ni Josh." pagsagot ko sabay ngiti.
"Excited?" tanong nito sabay kunot ng nuo.
"Please!!" sabi ko sabay paawa effect.
"Tsk! Tara na nga!" pagsuko nito.
"Thanks!!" pagpapasalamat ko ulit.
Buo na ang loob ko, siguro nga tama na sabihin ko na sa kanya ang totoo, na ako nga si Matt, mas magandan nga siguro dahil baka mas makatulong pa siya para maibalik ko ang mga nawala kong alaala. Sana lang, sana maniwala siya sa sasabihin ko.
Dumating na kami sa building kung nasaan ang condo ni Josh, ibinababa ako ni Xayvion sa tapat ng entrance at itext ko na lang daw siya kapag aalis na kami. Nagpaiwan na lang sya para daw hindi masira ang moment namin ni Josh. Umakyat na ako sa unit niya at pinindot ang door bell. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang taong iniibig ko, ang taong itinitibok ng puso ko.
"Ryan?" nagtataka nitong pagtawag sa pangalan ko.