Chapter 19 - Mga Dapat Ayusin
Ryan's Point-of-View
Papunta ako ngayon kay Josh, hindi dahil sasabihin ko na ako si Matt, kailangan ko munang ayusin ang gusto na ginawa ko bilang si Ryan, at hindi ko rin pwedeng basta basta sabihin na ako si Matt, gusto ko dahan dahan ko itong iparamdam sa kanya, ewan ko kung anong mangyayari sa pagkikita namin pero isa lang ang gusto ko mangyari, ang magkaayos kami at mapatawad niya si Ryan.
Sumakay ako ng taxi papunta sa condo ni Josh, napaka-urgent nito, gusto ko syang kausapin, sinubukan ko siyang tawagan para sabihin na pupuntahan ko siya ngunit hindi niya ito sinasagot, nakailang tawag na ako pero wala pa rin. Pagdating ko sa building kung nasaan yung condo ni Josh ay agad ko nang tinungo yung unit niya, medyo excited ako na kinakabahan, hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nakapag-usap kami, hindi na ako makapaghintay, gusto ko na siya makausap.
Pagdating ko sa harap ng unit niya ay huminga ako ng malalim, kinakabahan talaga ako, bakit ko to nararamdaman? Pinindot ko na ang door bell, pero ang tagal magbukas, nakailang pindot na ako ay wala pa rin. 'Nandito kaya siya?' tanong ko sa sarili ko. Hinintay ko siyang magbukas ng pinto ngunit bigo ako, mukhang wala siya dito. Napagdesisyunan ko nang umalis ngunit ayoko pang umuwi, kaya tinawagan ko si Xayvion, kailangan ko kasi ng makakausap.
Conversation:
Ako: Hello, Xayvion, pwede mo ba ako samahan?
Xayvion: Oh, sure, no problem, saan naman?
Ako: Kita na lang tayo sa tinutuluyan mo.
Xayvion: Ok, I'll wait you here.
Ayun nga at tinungo ko na ang tinutuluyan ni Xayvion, nag-i-stay siya sa isang hotel dito sa Manila, doon kami nagmeet sa may cafeteria sa hotel na tinutuluyan niya, gusto ko kasi ng kausap at mapagsasabihan ng mga nalaman ko ngayong gabi. Ngayon nga ay nakaupo kami sa isang sulot malapit sa bintana ng cafeteria. Sinabi ko sa kanya na kailangan ko nang kausap, buti na lang talaga ay nandyan sya.
"Thank you Xayvion at pinaunlakan mo ako ah, even it's late at night na." pagpapasalamat ko sa kanya.
"No problem, we're friends, and I told you, when you need, I will come." tugon naman nito sabay ngiti. "So what do you want to tell me? Is there something bothering you?" tanong niya.
"Ah, My mother fooled me, hindi pala totoo na ako si Ryan." sabi ko sa kanya, ngunit mukhang nagulat siya sa sinabi ko, para bang may alam siya.
"What do you mean na hindi ka si Ryan?" tanong nito sa akin.
"I found something sa room ni Mommy or should I say Tita Amanda, isang larawan at death certificate, ang pinagtataka ko pangalan ko ang nakalagay." sabi ko rito.
"Then?" pagsunod niya.
"Ayun, nalito ako, bakit may ganoon, tapos may mga visions kasi ako na matagal nang nagsimula, para bang mga alaalang bumabalik, tapos nung huli, noong nasa mall tayo, tinawag akong Matt nung lalaking kausap ko dun sa vision ko." sabi ko sa kanya, inalis niya yung tingin niya sa akin, mukhang malalim ang iniisip.
"Do you already regain your memories?" tanong nito sa akin.
"Ahm, parang, may mga naalala ako pero hindi ganun kalinaw." sagot ko naman.
"So what's your plan now? Did you already talk to Josh about this?" tanong niya sa akin.
"Yun nga eh, ayaw ko munang sabihin agad, gusto ko munang ayusin yung gusot na ginawa ko nung ako pa si Ryan, ayaw kong madaliin ang lahat, gusto kong mapatawad niya muna ako. Kakausapin ko sana siya before tayo magkita kaso wala siya sa condo niya." sabi ko sa kanya.
"So you're planning to hide it for a while? Are you serious about it? You should tell it to him also that he can forgive you immediately, so you can settle down everything once and for all." payo naman nito sa akin.
"Katulad nga ng sinabi ko, ayoko siyang biglain." sabi ko na lang.
Nagtuloy tuloy lang kami sa pag-uusap, napag-isip isip ko munang wag umuwi dahil sa nararamdaman ko, ayoko muna makita si Tita Amanda, hindi ko pa kasi tanggap ang ginawa niya sa akin.
MONDAY
Excited akong pumasok, ito kasi ang pagkakataon na maaari kong makita si Josh, gusto ko na talagang humingi ng tawad at ayusin ang lahat lahat, gusto kong bumawi sa mga nagawa kong mali. Mamayang uwian ko siya balak kausapin, alam kong tumatambay siya sa rooftop ng building ng IT kaya gusto kong abangan ito. Papasok na ako nang makasalubong ko si Jacob.
"Hey!! Ryan!! Ang tagal mong hindi nagparamdam ah!!" sabi nito sa akin.
"Naging busy lang kasi ako." sabi ko dito, wala pa akong balak na sabihin sa kanila na ako si Matt, para hindi maspoil ang plano ko para kay Josh.
"Sa sobrang busy kahit text man lang hindi mo nagawa?" tanong nito sa akin.
"Jacob, huwag ka nang magtampo, alam mo naman ang mga napagdaanan ko di ba?" sabi ko sa kanya.
"Whatever!!" sabi naman ni Jacob.
Sinabi ko kay Jacob na gusto kong magkaayos kami ni Josh, sinabi ko rin na may nararamdam na ako para kay Josh, nalilito lang ako sa umpisa kaya ko ito pinagtulakan. Nakisabat naman si Rena na nakakainis ang style.
"Ayan kasi, pakipot much ka pa!!" sabi ni Rena.
"Inggit ka lang!!" sabi ko kay Rena sabay dila, nagtawanan kami after nun.
Dahil sa pag-uusap namin nila Rena at Jacob ay nawala ang kaba ko, buti na lang at kwela tong mga to, sana tanggapin nila ako kapag nalaman nila na hindi talaga ako si Ryan kundi si Matt.
Hapon na at dumating na rin sa wakas ang uwian, huminga ako ng malalim bago ko tunguhin ang roof top kung saan nagpupunta si Josh, sana nandoon siya, gusto ko talaga siya makausap. Umakyat ako sa hagdan, tila ba pinagpapawisan ako sa kaba, parang ang hirap para sa akin na harapin siya ngayon, lalo na't alam kong ako si Matt, ang kanyang iniibig ngunit nagawa ko siyang saktan. Hindi naman ako nabigo, nakita ko siyang nakaupo, nakatalikod sa akin.
"Josh?" pagtawag ko sa kanya.
HIndi siya sumagot, tumayo siya at humarap sa akin, ang kinagulat ko ay may benda siya sa ulo, may mga bandage din sa mukha.
"Josh?! Anong nangyari sayo?" tanong ko dito na puno ng pag-aalala.
Nilapitan ko na sana siya para hawakan ngunit tinabig niya ang kamay ko.
"Huwag mo akong hahawakan." sabi ito ng walang kaemosyon emosyon.
"Josh?" pagtawag ko na lang sa kanya na may pagkalito, mukhang galit ito sa akin.
_____________________________________________________________________________________
Josh's Point-of-View
Sabi na nga ba't uulanin ako ng mga tanong ng mga kasama ko sa dance group dahil sa mga benda ko sa ulo at bandages ko sa mukha, hindi kasi natural na mapaaway ako. Medyo ok naman ako ngayon, trying to move on, yes sinabi ko magbabago ako pero not in the way na pati mga kaibigan ko ay idadamay ko.
"Oh tol? ano yang porma mo? bago yan ah?" pang-aasar na tanong sa akin ni Andrew.
"Hay naku!! papasikat ka na naman eh, nakita na ba yan ng mga fans mo?" tanong naman ni Adrian sa akin.
"Magsitahimik nga kayo, wala ako dito para makipagkulitan ok?" sabi ko na lang sa kanila, medyo wala kasi talaga ako sa mood mas lalo ngayon na hindi ako makakasali sa practice nila dahil sa kalagayan ko.
Mabilis namang lumipas ang oras, hindi ako pumasok sa mga klase ko nagstay lang sa dance studio, nanunuod ng mga nagpapractice, minsan ay nilalaro ko rin yung psp ko, naadik sa Monster Hunter Portable 3rd, Japanese ang original language nito at wala pang English na release kaya pinagtyatyagaan ko yung hack version kung saan ang mga mahahalagang parte ay nakaconvert na sa english. Dirediretso lang ako na naglaro hanggang malowbat ako, inadik ko talaga, mas lalo na at naabot ko na ang last monster na papatayin ko para matapos ko na ang lahat ng village quest. At boom!! natapos ko nga, natapos ko na rin patayin yung dambuhalan monster na kalaban ko, hirap niyang patayin, ang kunat!! buti na lang ay magaling ako maglaro.
Noong natapos ko na yung dapat kong maabot ay tinignan ko ang oras, sakto alas singko na ng hapon, tambay muna ako sa rooftop. Habang nasa rooftop ako ay iniwasan kong mag-isip ng mga bagay na makakapagpa-stress sa akin, buo na kasi ang loob ko na tuluyan nang kalimutan ang taong nagpasakit sa akin. Maganda na sana ang pananatili ko sa rooftop nang..
"Josh?" pagtawag nito sa pangalan ko, kilala ko ito, ito yung boses na halos kapareho sa taong pinakamamahal ko at taong nagpasakit sa akin, ngayon ko din lang narealize na medyo pareho ng boses si Matt at si Ryan, pero sure ako kung sino ang nasa likod ako, ito ay walang iba kundi si Ryan. Nakaramdam ako ng galit, bakit siya nandito? Tumayo ako at hinarap siya ngunit mukhang nagulat siya sa akin, dahil siguro sa bendang nakapulupot sa ulo ko at mga bandages na nakatapal sa mukha ko.
"Josh?! Anong nangyari sayo?" tanong nito sa akin, pero bakit ganito? bakas sa itsura niya ang pag-aalala at wala akong nakitang kaplastikan.
Hahawakan niya na sana ako ngunit tinabig ko ang kamay niya, galit pa rin ang nararamdaman ko dahil sa ginawa niyang pag-papaasa sa akin.
"Huwag mo akong hawakan." walang kaemo-emosyon kong sabi sa kanya, pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka kung ano ang magawa ko sa kanya.
"Josh?!" pagtawag niya sa pangalan ko na halata ang pagkagulat sa ginawa ko.
"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito." tanong ko sa kanya niya, hindi ko siya tinignan ng diretso.
"Pwede ba tayo mag-usap?" tanong nito sa akin, halata sa boses niya na nag-aalala pa rin sya at kinakabahan.
"Ano pa ba ang dapat pag-usapan natin? Pwede ba! Tanggap ko na sa sarili ko na wala akong pag-asa sayo!! Na pinaasa mo lang ako!!" sabi ko rito, nabigla siya sa huling salita na binanggit ko.
"Teka Josh, hindi kita pinaasa!!" sagot naman nito, nagdeny pa talaga.
"Ano yung tawag mo sa pagtataboy sa atin after ng nangyari sa atin? Ano yun? gusto mo lang ako tikman?" sabi ko sa kanya. Mukhang nasaktan ko siya sa nasabi ko, naggigilid na ang luha niya.
"Hindi ganun yun Josh, mali yang iniisip mo, meron akong ibang dahilan" sagot nito sa akin, napayuko ito.
"Ano namang dahilan? Ay oo nga pala, may boyfriend ka nga pala." sambit ko na lang.
"Please Josh!! Let me explain, hayaan mo rin ako makabawi." sabi nito sa akin.
Mas nakaramdam ako ng galit sa gusto niyang gawin, bumawi? para saan pa? para saktan akong muli? Ayoko na.
"Wala na akong dapat pang marinig Ryan, pinutol mo na lahat ng kung ano mang meron tayo diba?" sabi ko sa kanya, medyo naiinis na ako, sana matapos na ito.
"Binabawi ko na Josh, kailangan kong bumawi, alam ko nagkamali ako, at gusto ko itama iyon." sabi naman nito, hinarap niya na ako, puno ng determinasyon ang mukha niya.
"Handa ka bang makipaglaro sa akin?" tanong ko sa kanya, hindi ko basta basta ibibigay muli ang tiwala ko sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito sa akin, mukhang naguluhan sa sinabi ko.
"Diba sabi mo babawi ka? Sige gawin mo ang gusto mo, pero ito ang sasabihin ko, wala ka nang aasahan sa akin." sabi ko rito at naglakad na ako paalis, ngunit hinawakan niya ang braso ko.
"Hindi ako susuko Josh, kahit ano pang laro ang gawin natin, gawin saktan mo man ako o pahirapan, lahat tatanggapin ko." sabi nito, nakayuko itong muli. Napabuntong hininga na lang ako at inalis sa pagkakahawak niya ang braso ko at tuluyan na akong umalis.
Ano ba ang nasa isip niya ngayon? Nakakainis! Hindi na ako muling magpapauto pa, ayoko nang masaktan, babawi siya? Sige tignan lang natin kung makakatagal siya.