Chapter 18 - The Truth about the Past
Josh's Point-of-View
Simula ng araw na nireject ako ni Ryan ay parang napagsakluban ng langit at lupa aking buhay, labis na akong nasaktan sa pagkamatay ni Matt kaya sinara ko ang puso sa iba, ngunit dumating si Ryan, akala ko siya ang binigay sa akin Matt para ibigin ngunit nagkamali ako, mas lalo akong nasaktan, higit pa nung nalaman ko na may iba na pala siyang mahal at yung mga pinakita niya sa akin ay dahil lang sa awa.
Minsan iniisip ko ay parusa ito sa pang-iiwan ko kay Matt dati at hindi pakikinig sa mga paliwanag niya sa akin. Hindi ko napagtanto na ganito kalalim ang karma na tatamuhin ko dahil sa pagkakamaling ginawa ko nung nakaraan.
Simula noong araw na iyon ay lagi na akong naging laman ng mga bars, inom dito inom doon, ito lang kasi ang alam kong mabilis na paraan para mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko, hindi ko na rin masyadong sinasama si Luke dahil alam kong pipigilan lang ako nito sa mga ginagawa ko. Minsan na ako'y nakainom ay hindi ko sinasadyang mapaaway. Meron kasing isang lalaki na lumapit sa akin na niyaya akong makipag one night sa kanya ngunit masyado akong lulong sa alak at galit sa mga katulad niya dahil na rin sa naaalala ko rin Ryan na pagkatapos na lang makipagtalik sa akin ay iiwanan na lang ako. Hindi ko naman alam na marami siyang kaibigan na nandun at pinagtulung-tulongan akong bugbugin. Wala na akong naging laman dahil lasing din ako ng mga oras na iyon. Iniwanan nila ako na halos hindi na makatayo, habang nakakatanggap ng mga tadyak ay dumilim na ang aking paningin.
Nagising na lang ako isang kwarto na may mga puting pader, nakita ko si Papa ang Mama sa gilid nakaupo.
"Anak? anak? Susmiyong bata ka! anong bang nangyayari sayo?" tanong ni Mama sa akin na may bahid ng pag-aalala.
"May problema ba anak? Sabihin mo sa amin, handa naman kami makinig ng mama mo eh." sabi naman ni Papa.
Hindi ako sumagot at tinignan lang sila, mukhang naintindihan naman nila na ayaw ko munang pag-usapan ang mga nangyari sa akin, galit ako, galit ako sa sarili ko dahil muli akong nasaktan, galit ako kay Ryan dahil pakiramdam ko ay ginamit niya lang ako. Inilabas din ako agad sa ospital ngunit kailangan ko muna daw magpahinga kaya sa bahay na daw muna ako nila mama mag-iistay, ayaw ko man ay hindi ako pwedeng mag inarte, ayaw ko rin namang pasamain ang loob ng mga magulang ko.
Ilang linggo rin ang nakalipas, nawawala na ang ibang mga galos at pasa sa katawan ko. Nagpaalam muna ako sa mga magulang ko na lalabas muna ako dahil may gusto akong puntahan, hindi ko sinabi kung saan ngunit sinigurado kong hindi ako pupunta sa bar. Pumunta ako sa sementeryo kung saan nakalagak ang mga labi ni Matt, ito lang kasi ang alam kong lugar kung saan ako makakaramdam ng katahimikan.
Naupos ako sa harap ng punto niya at nagsimulang alalahanin ang nakaraan, yung kasama ko pa si Matt, yung mga pinagdaanan naming pagsubok na amin ding nalagpasan, yung mga araw na masaya kami, yung first monthsary, yung kasal namin sa wedding booth at madami pang iba. Tuluyang ng tumulo ang mga luha ko, masyado na akong nasasaktan, ang pagkawala lang niya ay labis na sakit na ang naramdaman ko.
"Bakit kasi napakatanga ko noon Matty Baby ko?! siguro kung hindi kita iniwan noon ay baka magkasama pa tayo ngayon." sabi ko habang nakatitig sa lapida niya."Alam mo ang daya mo nga rin eh, iniwan mo ako agad, hindi pa nga tayo umaabot ng kahit isang anniversary eh iniwan mo na ako." pagdugtong ko. "Pero akala ko sasaya na ako ulit nung dumating yung kakambal mo, akala ko ikaw ang nagbigay sa kanya sa akin pero nagkamali ako, siya pala yung mananakit sa akin, ginamit nya lang ako, akala ko totoong tao siya pero kagaya din siya ng iba kapag nakuha na ang gusto nila ay agad agad na lalayo. Sorry Matt ah dahil ganito ang iniisip ko sa kambal mo." sabi ko rito, puno na ng galit ang puso ko para kay Ryan, sa tingin ko ay hindi ko siya mapapatawad, pinaasa niya ako, akala ko totoo siya, yun pala may iba na pala siyang mahal.
"Pangako Matty Baby ko, hindi hindi na ako magpapasok ng iba sa puso ko, mamamatay ako na hindi na iibig sa iba, at si Ryan? Sa tingin ko hindi hindi ko siya mapapatawad dahil sa dobleng sakit na pinadama niya sa akin." sabi ko sa puntod ni Matt. Oo totoo itong galit na ito, nasaktan ako ng sobra, alam niya na meron akong matinding pinagdadaanan ngunit anong ginawa niya, niloko niya ako, awa? naaawa siya sa akin, pero bakit niya ginawa yun sa akin? bakit niya ako pinaasa at sinaktan kung naaawa siya sa akin?
Pinangako ko sa sarili ko na babaguhin ko ang sarili ko, hindi ko na muling bubuksan ang puso ko para sa iba, at higit sa lahat, hindi ko na hahayaan pa na maloko ako nang kung sino pa man, mas lalo na si Ryan.
_____________________________________________________________________________________
Ryan's Point-of-View
Nalilito pa rin ako sa mga nakita ko, hindi ko alam kung ano na ba talaga ang tama o mali, ang totoo sa hindi. Kung ako si Ryan, sino tong lalaking to na nasa litrato, at kanino itong death certificate na ito na pangalan ko ang nakalagay? Bakit sa huling mga pangitain ko ay Matt ang tawag sa akin ng lalaking kausap ko. SIno ba talaga ako? Gulong gulo na ako, isa lang talaga ang makakasagot sa mga katanungan kong ito, wala nang iba pa kung di si Mommy.
Lumipas ang isang gabi ngunit hindi ako nakatulog kakaisip, nasa isang sulok lang ako ng kwarto ko at pinagmamasdan ang larawan na nakita ko sa kwarto ni Mommy, naguguluhan ako, mas lalo na at naglalaro ang mga nakikita ko sa akin alaala, sana dumating na si Mommy.
"Anak!! Anak!! nandito ka ba?" pagtawag sa labas ng kwarto ko.
"Mommy?" sabi ko sa sarili ko. Tumayo ako agad at tinungo agad ang pinto, wala nang paligoy ligoy pa, kailangang kumprontahin ko na si Mommy.
"Mom" walang kaemoemosyon kong sabi sa kanya.
"Ryan!! Anak! ayos ka lang ba? sabi ni Xayvion may mga nangyayari daw na kakaiba sayo kaya umuwi ako agad." pag-aalalang sabi nito sa akin sabay yakap sa akin, hindi ako yumakap pabalik.
"Mom, sino ba talaga ako?" tanong ko sa kanya, kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako.
"Ano bang ibig sabihin mo?" tanong nito sa akin, halata sa kanya na nagulat sa tanong ko.
"Mom please!! kung may tinatago ka sabihin mo na! sino ba talaga ako?" tanong ko sa kanya, medyo mataas na ang tono ng boses ko.
"Ano ka ba anak! Ikaw si Ryan, ikaw ang anak ko!! bakit mo ba tinatanong yan?" sagot nito sa akin ngunit parang may bumabagabag sa kanya.
"Eh kung ako si Ryan, sino tong Ryan na ito? kaninong death certificate ito?" tanong ko sa kanya sabay pakita sa kanya ng larawan at death certificate na nakita ko sa kwarto nya.
"Saan mo nakuha yan?" tanong nito sa akin na parang natulala sa nakita.
"SAGUTIN MO AKO MA!! SINO BA TALAGA AKO?!! AT SINO TONG TAONG ITO?!!" tanong ko sa kanya, medyo napasigaw na ako, sa tingin ko kasi may tinatago si Mommy sa akin.
"Anak, mag-usap tayo, magpapaliwanag ako, hindi tayo nagkakaunawaan." nag-aalalang sabi ni Mommy, bakas ang takot sa kanya.
"SAGUTIN MO NA ANG TANONG KO MA!! AKO BA TALAGA SI RYAN?" tanong ko sa kanya, may namumuo ng tensyon sa akin, gusto ko nang malaman ang totoo, ayaw kong magligoy ligoy pa.
"Anak!! please wag mo akong pahirapan!!" pagmamakaawa ni Mommy.
"Pahirapan? kayo ba talaga ang nahihirapan? Please Mom!! sabihin niyo na ang totoo!! nagmamakaawa ako!! sino ba talaga ako!! alam kong may tinatago ka!!" sabi ko sa kanya. "Ako ba talaga si Ryan, o ako si Matt?" tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa huling sinabi ko.
"Ryan patawarin mo ako, hindi ko gustong gawin to pero, nangungulila lang ako sa anak ko, sa tunay kong anak, oo Ryan, hindi ikaw ang tunay kong anak, hindi talaga ikaw si Ryan." sabi ni Mommy sa akin, nakayuko ito, alam kong lumuluha na ito.
"Sino ba talaga ako? Ako ba si Matt?" tanong ko sa kanya, hinawakan ko ang mga balikat niya.
"Oo, ikaw nga si Matt!!" sagot nito sa akin.
Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa nalaman ko, all this years, naniwala akong ako si Ryan. Naalala ko pa dati noong magising ako na walang maalala, pinaniwala nila ako na ako si Ryan na anak nila, lahat ng mga akala kong nakaraan ko ay hindi pala totoo. Ang sakit!! maraming nawala at nasaktan sa pagkawala ko, sa pag-aakala kong ako si Ryan ay nagawa kong saktan si Josh sa nararamdaman kong selos para kay Matt, para kay Matt na ako naman pala. Bakit ginanito nila ako? Ano ba ang ginawa kong mali sa kanila at itinago nila ito sa akin. Tinabihan ako ni Mommy, at nagsimula siyang nagsalita.
"Siguro nga ay karapatan mong malaman kung anong nangyari sayo 3 years ago. Ang pagtatago sayo ay plano talaga ng tatay mo, pinagsisisihan niya yung mga nagawa niya sayo, gusto niyang makabawi ngunit huli na ang lahat, may taning na ang buhay ng tatay mo noon kaya gusto ka niya makasama, gusto niya na tumira kayo sa amin sa US, ngunit hindi niya inaasahan ang mga nalaman niya, na nagkaroon ka ng relasyon sa isang lalaki, para sa kanya ay sapal yun sa kanya dahil nagkulang siya sayo kaya gusto ka niya itama kaya gusto ka niya ilayo, ngunit hindi niya inaasahan na maaaksidente ka noong uuwi na kayo dito." sabi nito, hindi ko alam ang mararamdaman ko para ama ko, kung maaawa o magagalit, mukhang sa kanya nanggaling lahat ng mga ito, naaalala ko rin ang mga kinuwento sa akin dati na sinasaktan ako nito. "Noong naaksidente ka, kasabay naman nun ang pagkamatay ng anak kong si Ryan, nagpakamatay siya dahil inilayo namin siya sa taong mahal niya, agad ko iyong itinawag sa ama mo at dun ko nalaman na naaksidente ka. Nakaligtas ka pero nacomatose ko noon kaya ang ginawa ng ama mo ay pinalabas niyang namatay ka at dinala ka dito, kunwari siyang nagpalamay at pinalibing ang pekeng ikaw." pagtutuloy nito. "Isang taon ka ring nacomatose, at sa panahon na hindi ka pa nagigising, naging malala ang ama mo at hindi ka na nahintay pang magising, namatay siya nang hindi ka man lang nasisilayan na gising. Noong namang nagising ka ay wala kang maalala, hindi ko alam kung sasabihin ko sayo ang totoo, pero dahil na rin sa bilin ng ama mo na ilayo ka lalaking karelasyon mo, napag-isipan kong palabasin na ikaw ang anak ko, na ikaw si Ryan. Pinagsisisihan ko rin na dinala ko pa ang nalalabing alaala ng tunay kong anak dito, ngunit huli na ang lahat, natuklasan mo na. Yung pagpapalabas naman na kakambal mo ang namatay na si Matt ay para mailayo ka sa mga ideya na ikaw talaga si Matt, dahil alam ko na sa paguwi natin dito ay hindi malabong may makita ka na kakilala mo dito. Minabuti ko na gawin yung dahil sa tingin ko na mas safe na sabihin kong kakambal mo si Matt kaysa sabihin kong ibang tao ka." pagpapaliwanag nito sa akin.
Ngayon alam ko na, alam ko na na ako si Matt, ang tangi ko na lang hinihintay ay tuluyan nang bumalik lahat ng alaala ko, sa tingin ko ay nangyayari na ito, marahil ang mga nakikita ko tuwing sumasakit ang ulo ko ay mga alaala ko noon, mga alaala ko bilang si Matt. Hindi ko man gusto ang ginawa sa akin ni Mommy ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya, dahil kahit papaano ay totoong pagmamahal ang pinakita nito sa akin. Tumayo ako, gusto kong makausap si Josh, gusto kong ayusing lahat ng meron sa amin, alam ko labis ko siyang nasaktan sa mga ginawa ko dahil sa mga inaakala kong tama, dahil akala ko pa noon ay ako si Ryan, gusto kong itama iyon, sapat na nasaktan ko siya noon sa pag-aakalang patay na talaga ako, kailangan kong makabawi sa ginawa ko sa kanya bilang si Ryan.
"San ka pupunta?" tanong sa akin ni Mommy.
"May kakausapin lang po ako Ma.. Tita Amanda." sabi ko sa kanya, sasabihin ko na sanang Mommy, ngunit hindi talaga siya ang aking ina, siya ang tita ko, si Tita Amanda.
Hindi naman na nagsalita si Tita Amanda, hinayaan niya na akong umalis, gusto kong puntahan si Josh, gusto kong maayos na ang lahat, gusto ko nang tapusin ang pangungulila niya sa akin, alam kong babalik din ang alaala ko, alam kong siya din lang ang makakatulong sa akin.