Chapter 17 - Ryan Sevilla Williams
Ryan's Point-of-View
Mga bandang tanghali na kami gumising ni Xayvion since hapon pa naman ang kasal ng kuya niya. Pagkagising ay syempre naghilamos muna kaming dalawa upang kumain ng agahan. Pumunta kami sa isang malaking hut na pinuntahan namin kahapon before kami dumiretso sa kwarto namin, maganda yung lugar, halos puro gawa sa kawayan lang ng disenyo. Agad kaming kumuha ni Xayvion ng pagkain, kasi serve yourself ang dating, at dahil guess kami sa resort ay kasama na sa binayaran ang eat all you can nag pagkain.
Kaunti lang ang kinuha ko, para kasing wala akong ganang kumain since kagigising ko lang at late pa, kaya wala talaga yung appetite ko sa pagkain. Ito namang si Xayvion, parang wala nang bukas, ang daming kinuha.
"Grabe!! kaya mo yang ubusin?" tanong ko sa kanya.
"Of course, you know me!! when it comes to food, I am a monster!!" sagot ito sa akin ng nakangisi.
Tama nga, napakatakaw nga talaga ni Xayvion, pero kahit ganoon ay namemaintain niya pa rin ang magandang hubog ng katawan niya, actually boyfriend material siya, ewan ko lang kung may girlfriend sya ngayon. Tinitignan ko siya habang kumakain, parang bata na mauubusan ng pagkain kung lumamon, napatawa na lang ako ng mahina.
"Is there a problem?" tanong niya sa akin, mukhang nagtatakhan bakit bigla akong natawa.
"Nothing, just ignore me!" sagot ko na lang.
Nagkibit balikat na lang siya at tinuloy ang pagkain. Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa room para paghandaan ang kasal ng kuya niya, bali siya yung unang naligo ako naman ay inihanda na yung susuotin namin. Agad namang natapos ni Xayvion at sumunod naman ako sa banyo, hindi kami masyadong nagmamadali dahil isasabay sa sunset ang kasal ng kuya niya. Parang ako pa tuloy ang naeexcite dahil nga parang napakaromantic ng setting ng kasal, sana ako din ay ikasal sa ganiting setup. Maya maya pa ay tinawag na kami sa room para pumunta sa paggaganapan ng kasal, bestman syempre si Xayvion at ako naman ay isa sa mga groomsmen. Noong nandun na ang lahat, at dumating na ang bride, sinimulan na agad ang kasal.
Pagkasimula ng tugtog ay nagsimula na rin ang processional march, pangalawa kami sa maglalakad dahil mauuna ang nakababatang kapatid ng mapapangasawa ni kuya Xander. Sumunod naman kami, nakangiti akong naglalakad habang pinagmamasdan ang kapaligiran, dirediretso lang hanggang pagkadating namin sa upuan namin. Habang nakatayo at pinagmamasdan ang mga sumunod sa amin ay may bigla na namang nagflashback sa aking isipan.
Nakita ko ang dalawang lalaki na bigla akong dinukot at binalutan ng tela ang ulo ko, kahit anong pagpupumiglas ko ay parang wala lang dahil sa sobrang lakas ng dalawang humahawak sa akin, wala na akong nagawa kaya sumama na ako. Paghinto namin ay inalis nila agad ang tela sa ulo ko at tinulak ako ng lalaki papalapit sa isang daanan. Madaming tao, parang may kasal na magaganap, ngunit bakit ako nandito. May sinabi sa akin yung isang lalaki ngunit hindi ko naintindihan, maya maya ay naglakad na ako na parang ako ang ikakasal, sa dulo ay isang lalaki na nakaputing tuxedo. Hindi ko pa rin maaninaw ang mukha niya, pero sigurado ako, siya yung lalaking lagi kong nakikita tuwing nagkakaganito ako. Maya maya pa ay nagpalitan na kami singsing, yung singsing na isinuot niya ay pamilyar sa akin pero hindi ko na maalala kung saan ko to nakita, maya maya pa ay hinalikan na ako nung lalaki.
Bumalik na ang ulirat ko, medyo sumakit ulit ang ulo ko pero kaya ko pa namang tiisin ang sakit. Nagsimula na rin ang seremonya at pinaupo na kami. Ewan ko ba, pilit kong inaalala kung sino yung lalaking yun dahil malamang ay malaki ang papel sa mga nakikita ko. Ibinaling ko na lang ulit ang isip ko sa kasal. Nagchange vows na sila at natapos na rin ang kasal sa isang halikan na puno ng pagmamahalan.
Sa reception ay magkasama kami ulit ni Xayvion, hindi naman niya kasi ako pwedeng iwan kasi wala talaga akong kakilala sa kanila kundi yung family niya lang at siya. Lumapit sa amin si Kuya Xander at yung asawa niya. Syempre binati ko naman sila at nagpapicture kasama sila. Masaya yung gabing yun, ang daming nagtatawanan, nakilala ko rin yung mga nakasama ko sa table, yun pala yung mga groomsmen at bridesmaid kanina, nakipagkwentuhan ako sa kanila nang bigla na lang nagliwanag ang kalangitan.
"May fireworks!!" sabi nung katabi ko.
Nanuod kami ng fireworks display na inihanda talaga ni Kuya Xander para sa asawa niya, ang sweet niya talaga. Maya maya pa ay bigla na namang sumakit yung ulo ko.
Kasama ko ang isang lalaki na naglalaro ng mga paputok, kung saan saan niya to inihahagis at puputok, alam kong masaya kaming dalawa noong oras na iyon, kinagabihan naman ay may fireworks display kaming pinapanuod. Tinitigan ko ang katabi ko ngunit bigo ako muli, malabo pa rin ang itsura nito at hindi ko maaninaw.
Lalong sumakit ang ulo kaya nagpaalam na ako kay Xayvion na babalik na ako sa room namin.
"Xayvion, mauna na ako sa room ah." paalam ko sa kanya.
"Ah? Why so early?" tanong nito sa akin.
"Bigla kasi sumakit ulo ko eh." pagsasabi ko ng dahilan ko.
"Do you want me to go with you?" tanong nito sa akin.
Tumango na lang ako, hindi ko rin kasi alam kung kaya ko pang maglakad, nagpaalam na kami sa mga tao sa reception at bumalik na kami agad sa room. Habang naglalakad ay dirediretso pa rin ang mga nakikita ko, yung kasal at yung fireworks, lalong sumasakit ang ulo ko, at bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
Paggising ko ay medyo nawala na ang sakit ng ulo ko, nakita ko si Xayvion na nakaupo sa kama niya.
"Xayvion?" pagtawag ko dito.
"Ryan!! Are you all right? Is there something wrong with you? You became unconscious while we're going back to our room." sabi nito sa akin.
"Don't worry, I am ok now." sabi ko na lang dito.
"Are you sure?" tanong nito sa akin, bakas sa mukha ang pagaalala.
Tumango na lang ako at bumangon, nakaramdam ako ng gutom at niyaya ko siyang kumain, medyo late na rin pala pero sabi niya may mga pagkain naman sa ref doon sa room namin. Kumuha naman siya at agad na namin itong nilantakan.
Kinabukasan rin ay umuwi na kami ni Xayvion sa Manila, pagdating ko sa bahay ay mag-isa ko lang, wala pa kasi si Mommy dahil nasa isang business trip siya. Habang nasa sala ay may nagtext sa akin.
Xayvion: Would you mind to go to the mall with me today? It really sucks here in the house.
Ako: Sure, sunduin mo na lang ako dito.
Xayvion: Ok!
Buti na lang at nagtext itong si Xayvion na magmall kami, sure kasi ako na bored yung sa tinutuluyan niya ngayon. Agad akong pumunta sa kwarto ko para magbihis dahil maya maya lang ay nandyan na si Xayvion. Hindi ko naman kailangang magpagwapo kaya simple puting v-neck shirt lang ang sinuot ko at black shorts, nagsandals din lang ako. Maya maya pa ay may bumusina na sa labas, kaya chineck ko na yung mga gamit at nilock ang pinto at lumabas.
Pagdating sa mall ay agad kaming tumungo sa Quantum, dun naman kasi kami lagi nagtutungo ni Xayvion kapag nasa mall kami, nag-iipon din kasi kami ng ticket. So tulad ng dati, sa shooting game kami nagpunta at muling nagpataasan ng score. Natalo niya ako, pero ayos lang, friendly game lang naman kasi yun at hindi kami nagpustahan, hiningi niya yung ticket ko at sabi ay hintayin ko siya sa may labas ng quantum. Pagbalik niya ay may dala itong malaking black na teddy bear.
"Wow!! para kanino yan?" tanong ko sa kanya.
"It's for you!! I know you love teddy bears!!" sagot naman nito sa akin.
"Wow!! Thanks" sabi ko sabay kuha sa bear at niyakap ito.
Nasa loob ako ng isang kwarto kasama ang isang lalaki, may malaking box sa may gitna ng room at agad naman akong lumapit.
"Oh, bakit may malaking box dito?" tanong ko sa lalaking kasama ko.
"Eh bakit hindi mo na lang icheck kung ano yan." sagot niya sa akin.
"Ikaw ha! baka mamaya pinagtritripan mo na naman ako." sabi ko sa kanya.
"Hindi!! basta buksan mo na lang!" pangungutlit naman nito.
Lumapit ako sa box at binuksan ko na ito, Nagulat ako sa nakita ko, isang pamilyar na malaking puting teddy bear.Humarap ako sa kanya at alam kong napangiti ako.
"Para sa akin to?" tanong ko sa kanya.
"Oo, sayong sayo yan, Matt..
Matt? Bakit Matt ang tinawag niya sa akin. Hindi na natapos ang mga sinasabi niya dahil bigla akong bumalik sa aking ulirat, meron kasing yumuyugyog sa akin. Medyo sumakit ulit yung ulo ko.
"Ryan? Ryan? Are you ok? Answer me!" sabi sa akin ni Xayvion.
"Huh? Sorry!! Bigla lang kasi akong naalala." sabi ko kay Xayvion.
"What did you remember?" tanong nito sa akin.
"Ah eh, I just remember the same scenario, na may nagbigay sa akin ng teddy bear." sagot ko na lang, ayaw ko rin kasi magsinungaling sa kanya.
Napabuntong hininga na lang siya at niyaya na akong umuwi. Habang nasa byahe ay walang umiimik. Pagdating sa bahay ay doon muna ako dumiretso sa kwarto ni Mommy, namimiss ko na rin kasi siya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong nagkakalikot sa kwarto niya. May nakita akong isang medyo malaking kahot, hindi ko alam na nagtatago pala ng ganito si Mommy. Kinuha ko ito at binuksan.
"Ano ito?" tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang isang larawan ng isang binata na nakaframe, mukhang graduation picture, tinignan ko ang pangalan at nagulat ako sa nabasa ko. Ryan Sevilla Williams ang nakasulat, hindi ko alam bakit pangalan ko ang nasa picture dahil hindi naman ako yung taong iyon, tinignan ko muli yung isang box at nakita ang isang envolope, binuksan ko ito at tinignan din ang laman, isang death certificate, muli ay nagulat ako sa nakasulat:
Name: Williams, Ryan Sevilla
Cause of Death: Drug Overdose
Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko, bakit meron akong death certificate, at bakit may picture dito na may pangalan ko pero hindi ako nasa lawaran. Napaisip ako, bakit ganito, naguguluhan ako, sino ba talaga ako!! sino rin tong taong ito. Biglang pumasok sa isip ko yung mga pumapasok sa alaala ko,yung huling nakita ko at narinig ang pagtawag sa akin ng lalaki na Matt. Pero bakit? Bakit ganito? Wala talaga akong maalala, ang alam ko lang ay ako si Ryan Williams at wala nang iba. Naguguluhan ako, pero mamaya pa ay dumating ako sa isang konklusyon.
"Hindi kaya ako talaga si Matt?" tanong ko sa sarili ko at hindi ko na napansin, tumulo na ang luha ko. Kinuha ko yung larawan at death certificate, iniayos ko ang box at pumunta na ako sa kwarto ko.
_____________________________________________________________________________________
Xayvion's Point-of-View
Hindi ako mapalagay sa mga nangyayari kay Ryan, alam kong may mali sa kanya, mukhang hindi magandang pangitain ang mga pinapakita niyang sintomas. Agad kong tinawag si Tita Amanda, ang mommy ni Ryan.
Conversation:
"Hello, Xayvion? Napatawag ka?" tanong nito sa akin.
"Tita, I think we have a problem" sabi ko dito.
"Huh? bakit may nangyari bang masama kay Ryan?" pagtatanong nito, bakas sa boses nito ang pag-aalala.
"Nothing wrong happened, I think, Ryan is already regaining his memory" sabi ko dito.
"WHAT? Sige sige, uuwi na ako agad." sabi nito , bakas na ang pagpapanic sa kanya at binaba na ang linya.
Nag-aalala ako, parang hindi ko gusto ang mga susunod na mangyayari.