Chapter 16 - Pushing him Away
Ryan's Point-of-View
Simula nung gabing tinapos ko na ang lahat ng meron sa amin ni Josh ay pinilit kong maging masaya, kahit mahirap ay kailangan kong gawin ito upang makalimutan ko si Josh. Ngayon ay lagi akong sumasama sa best friend kong si Xayvion, malapit na rin kasi ang kasal ng kuya niya at malapit na rin ang pagbalik niya sa US kaya kailangan naming sulitin ang sandaling oras na meron kami.
Minsan naman ay kala Jacob at Rena ako sumasama, sinabihan ko na lang na wag na lang nila babanggitin ang pangalan ni Josh dahil ayoko na siyang isipin pa, at ayun naman ang ginawa nila, hindi na rin kami masyado tumatambay sa cafeteria para maiwasan si Josh.
Naglalakad ako sa isang mall ngayon para makipag-kita kay Xayvion, sa isang araw na ang kasal at napag-isipan muna naming magkita para bumili ng mga gamit para pupuntahan namin. Sa isang probinsya kasi gaganapin ang kasal ng ate niya, kaya naman kailangan ko bumili ng mga kakailanganin ko sa byahe namin bukas ni Xayvion.
"Ryan" pagtawag ng isang boses sa aking likuran. Kilala ko ang boses na ito, yung boses ng isang taong kailangan kong iwasan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, hindi ko siya nilingon, ayaw ko siyang makita.
"Ryan, sandali lang, mag-usap naman tayo!" sabi nito sabay hablot sa braso ko at iniharap ako sa kanya.
"Ano ba ang problema mo?" tanong ko dito na may halong pagkainis, ayaw ko na talaga makipag-usap sa kanya, ano ba kasi talaga ang problema niya.
"Ryan, alam ko naguguluhan ka sa mga nangyayari pero please naman, maniwala kang mahal na mahal kita, hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan, please naman!! wag mo naman akong ganyanin!!" sabi nito sa akin, bakas ang lungkot sa boses nito.
"Please!! Lubayan mo na ako!! Ayoko makipagkumpetensya sa kapatid ko dahil alam kong kaya ka nagkakaganyan dahil sa kanya!! dahil nakikita mo siya sa akin!! KAYA PLEASE!! WAG MO NANG LINLANGIN ANG SARILI MO!!" sabi ko dito, nagulat siya sa mga salitang binitawan ko, tila ba natauhan siya, binitawan niya na ang braso.
"May problema ba dito?" tanong ng taong nasa likod ko. "Ryan, may ginagawa ba siya sayo?" tanong ni Xayvion sa akin.
"At sino ka naman?" pagalit na tanong ni Josh kay Xayvion.
"Josh, siya Xayvion, long time boyfriend ko." sabi ko sa kanya, halatang nagbigla siya sa sinabi ko, noong sinabi ko yun ay naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Xayvion.
"Is there any problem hon? Is this guy bothering you?" tanong sa akin ni Xayvion,buti na lang ay sumakay siya sa sinabi ko.
"Boyfriend? May boyfriend ka?" tanong ni Josh sa akin, bakas sa boses nito ang pagkalito at sakit.
"Isn't it obvious Josh? Kaya please tantanan mo na ako!" sabi ko sa kanya. "Lets go Xayvion, marami pa tayo gagawin" pagyaya ko kay Xayvion. Gusto ko nang lumayo dahil ayoko nang magtagal pa ang pag-uusap namin. Nandun pa rin si Josh, tulala, hindi ko na rin siya nilingon pa.
"Thank you Xayvion ah? Sorry na rin dahil pinakilala kitang boyfriend ko." sabi ko kay Xayvion, parang mali din kasi yung ginawa ko na ginamit ko siya.
"It's ok, we're friends right? What are friends are for?" sabi sa akin ni Xayvion sabay ngiti.
"Thanks talaga, buti na lang nandito ka" pagpapasalamat ko dito.
"No problem bro!" sabi nito sa akin.
Pinagpatuloy na namin ang pamamasyal sa mall at pamimili ng mga gamit namin para sa byahe bukas. Buti na lang masayang kasama si Xayvion at tuluyan ko nang nalilimutan ang mga sakit na nararamdaman ko. Inuna namin ang paglalaro sa Quantum, bumunta kami agad sa counter para bumili ng tokens namin, ang plano namin ay mag-ipon muna ng mga tickets. Inuna namin yung shooting game, hahaha, paramihan kami ng maiishoot na bola ni Xayvion, pero since hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay, natalo niya ako.
"Ano ba yan!! talo na naman ako!!" pagmamaktol ko.
"Better luck next time bro!" sabi nito sa akin sabay ngisi.
"Tara na nga!! bili na tayo ng mga gagamitin natin." pagyaya ko na lang dito.
Pumunta kami agad sa Super Market para bumili ng mga snacks at iba pang mga bagay, hindi naman sobrang layo ang pupuntahan namin pero ilang araw din kami mag-istay doon para masulit namin ang lugar.
"Uy sunduin mo ako bukas ah?!" paalala ko kay Xayvion, siya kasi yung nakakaalam nung lugar.
"Ok!! no worries" sabi naman nito sabay ngiti.
Hinatid niya ako pauwi sa amin, niyaya ko siyang pumasok para makita naman siya ni Mommy, hindi naman siya tumanggi. Tama nga ang hinala ko, kapag nakita siya ni Mommy ay matutuwa ito. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya na nandito si Xayvion sa Pilipinas.
"Hello Tita!" pagbati ni Xayvion kay Mommy.
"Oh Xayvion!! you're here!!" sagot ni Mommy.
Lumipat si Mommy at yumakap sya kay Xayvion.
"Nice meeting you tita." sabi ni Xayvion.
"Oh, what brought you here Xayvion? It's been a long time since the last time I saw you." pagtatanong ni Mommy kay Xayvion.
"Oh, didn't Ryan told you about my visit here in the Philippines, but anyways, I am happy to see you Tita" sabi ni Xayvion kay Mommy sabay ngiti.
"Hoy Ryan, bakit hindi mo naman agad sinabi na nandito si Xayvion?" pareklamong tanong ni Mommy sa akin.
"Ah eh, lagi ko po nakakalimutan kasi Mom" palusot ko na lang.
At ayun na nga, doon na kumain si Xayvion sa amin bago siya umuwi sa kanila, ipinaalam na rin nya ang nalalapit na wedding ng kuya niya at inimbitahan din si Mommy pero my important meeting daw si Mommy kaya hindi siya pwede, ipinararating na lang nito ang mensahe at pagbati para sa kuya ni Xayvion. Pagkauwi ni Xayvion ay dumiretso na ako agad sa kwarto ko para makapagpahinga pero bago matulog ay iniayos ko na ang mga dadalhin ko bukas, maaga pa kasi kaming aalis ni Xayvion bukas.
KINABUKASAN..
As usual, maaga akong gumising dahil alam kong maaga din akong susunduin ni Xayvion, tumayo na ako agad para magready, naligo, nagtoothbrush at kung anu-ano pa, pagbaba ko naman ay nakahanda na ang agahan, alam din kasi ni Mommy na aalis ako kaya maaga siyang gumising.
"Good morning mom!!" pagbati ko sa kanya.
"Good morning son! oh kain ka na!" pagyaya nito sa akin.
Magkasama na kaming kumain ni Mommy ng agahan, mukhang masaya naman siya base sa itsura niya. Pagkatapos namin kumain ay ibinababa ko na yung mga dadalhin ko para pagdating ni Xayvion ay makalabas na ako agad.
"Ingat kayo doon ah." paalala sa akin ni Mommy.
"Opo mommy" s**o ko sabay ngiti, yung ngiting good boy.
"Pasalubong ko ah, wag mong kalilimutan." muling paalala ni Mommy.
"Opo, hindi ko kakalimutan." sagot ko ulit sa kanya.
Maya maya pa ay narinig ko na ang pagbusina ni Xayvion, nagkiss ako kay mommy at muling nagpaalam, alam kong pag-uwi ko ay wala din siya sa bahay dahil sa business trip niya na mas matagal kaysa sa pupuntahan ko. Lumabas na ako agad, nasa labas si Xayvion at kinuha yung mga gamit ko at nilagay sa likod ng sasakyan. Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa loob at sinimulan niya nang magdrive. Kinausap ko lang nang kinausap si Xayvion nang hindi siya mabore sa pagdadrive, malayo din talaga ang byahe pero kahit inaantok ay pinilit kong wag makatulog para nga hindi siya mabagot. Minsan ay nag-sstop over kami para kumain at mag-cr.
Ilang oras pa ay narating na namin ang venue ng kasal ng ate ni Xayvion, isa itong resort malawak at tabing dagat. Inihatid na ako ni Xayvion dun sa room na tutuluyan namin, magkasama kasi kami sa isang kwarto. Pagkalapag namin ng gamit ay agad niya akong niyaya sa lugar kung nasaan ang family niya. Nakarating kami sa isang malaking hut, nandun yung family ni Xayvion, at nandun din si Kuya Xander yung ate ni Xayvion. Ang gwapo niya pa rin hanggang ngayon at mukhang napakaswerte talaga ng mapapangasawa nito. Binati ako ng mga parents niya at ni Kuya Xander, niyaya na rin nila kaming kumain at siya namang aming ginawa.
Pagkatapos kumain ay naglakad lakad muna kami ni Xayvion sa tabing dagat.
"Thank you Xayvion for bringing me here." sabi ko sa kanya sabay ngiti, sa totoo lang ay masaya talaga ako na nilayo niya ako sa Manila, masyado na kasi ako naiistree dun.
"You're always welcome, basta ikaw." sabi nito sa akin at siya ngumiti din.
Maya maya din ay bumalik na kami sa kwarto, nauna akong pumasok dahil may kukunin pa daw siya kaya nauna nga ako. Maganda naman yung room, sakto lang talaga para sa dalawang tao, magkahiwalay ang paliguan. Meron dalawang kama na napapagitnaan ng isang table kung saan nakapatong ang isang lampshade.
Pagkadating ni Xayvion ay may iniabot ito sa akin box, kaya agad ko itong kinuha.
"Ano ito?" tanong ko sa kanya.
"That's what you are going to wear tomorrow at the wedding." tugon ni Xayvion sa tanong.
"Ok, thanks!!" pagpapasalamat ko sa kanya at agad kong ipinatong sa kama ko yung kahon at binuksan, isa itong barong na kulay apple green. Natuwa naman ako kasi first time ko makakita ng ganito. Agad kong ibinalik ito sa kahot at inilagay sa aparador ng kwarto namin. Pumunta na rin ako sa banyo para magshower bago matulog.
Maaga kaming natulog ni Xayvion, mas maganda daw kasing kumpleto ang tulog namin para mas gwapo kaming tignan bukas. Nakakaexcite, ngayon lang kasi talaga ako aattend ng kasal sa tana ng buhay ko.