Chapter 15 - Xayvion Fernandez
Ryan's Point-of-View
Pinili ko munang magpag-isa kaya pumunta muna ako sa isang mall malapit sa school namin. Masyado pang masakit sa akin ang naging desisyon ko, ang desisyon ko na layuan na si Josh para hindi na ito malito pa sa nararamdaman nito. Patuloy lang akong nag-iisip nang hindi ko namalayan na may tumabi na sa akin.
"Penny for your thought?" sabi nung lalaki. Teka parang pamilyar ang boses nito ah. Nilingon ko siya at laging gulat ko sa taong aking nakita.
"Xayvion?!" pagtawag ko sa pangalan niya.
"Yeah it's me, miss me?" tanong nito sa akin.
Hindi na ako sumagot at niyakap ko na siya agad, akala ko kasi hindi na kami magkikita. Si Xayvion Fernandez ay ang aking bestfriend sa Los Angeles,matangkad, maputi, mapupungay ang mga mata, at higit sa lahat ay gwapo, maraming nagkakagusto sa kanya sa school namin pero wala siyang pinapatulan sa mga ito dahil masyado siyang seryoso sa pag-aaral. Half Filipino half american siya, Filipina ang nanay niya at Americano ang tatay niya. Marunong din siya magtagalog katulad ko dahil sa nanay niya pero minsan mas preferred niya ang english.
"Of course I miss you!! What are you doing here? When did you came here in the Philippines?" tanong ko kay Xayvion.
"Ah we just got here yesterday and we're here for my brother's wedding, coz he's going to marry a Filipina" sabi niya sa akin sabay smile.
"Ah ok, so how are you now?" tanong ko sa kanya.
"I am fine, how about you?" balik niyang tanong sa akin.
"Ah eh, some kind of, you know! I am facing something right now." sabi ko sa kanya, wala akong nililihim sa kanya, alam na alam niya kasi kung may itinatago ako.
"I think we need to talk, lets talk about your problem." sabi nito sa akin sabay aya.
Pumunta kami sa isang malapit na cafe para makapagkwentuhan, I miss him a lot, ang dami dami na rin kasi naming napagsamahan and most of that ay puro kalokohan lang talaga. Pero kahit ganun, hindi kami nag iwanan na dalawa. I guess naubos namin ang tatlong oras sa pagkukwentuhan, bigla na nga rin siyang nagtatagalog eh, kaso yung ibang kasama namin sa cafe ay tingin na ng tingin, parang ngayon lang nakarinig ng mga taong fluent sa english.
"Oh, by the way, you're invited to my brother's wedding, I don't have here the invitation pero text na lang siguro kita para maibigay ko sayo." sabi sa akin Xayvion.
"Ok ok, don't you want to visit our house? I am sure my will be happy to see you." pagyaya ko sa kanya.
"Maybe next time, I really have a lot of things to do right now." sabi nito sa akin.
"Ok, see you then next time" pagpapaalam ko sa kanya sabay ngiti.
"Ok!" sagot naman nito.
"Thanks for the time!!" pahabol ko.
"No problem!" sagot naman nito, at naglakad na kami sa magkaibang direksyon.
Nawala yung lungkot ko nung nakausap ko si Xayvion, buti na lang talaga at dumating siya kung hindi ay kikimkimin ko itong nasa loob ng sobra sobra. Hindi rin kasi ako nagsasabi sa Mommy ko ng mga problems ko dahil ayoko nang dagdagan pa ang mga iniisip nito, oo nga magulang ko siya pero bilang isang anak na nagmamahal, alam ko na hanggang ngayon ay may pinagdadaanan pa rin siya kahit hindi niya ito sinasabi sa akin.
Josh's Point-of-View
Hindi ko inaasahan na sasabihin sa akin ni Ryan yun after ng nangyari sa amin noong isang gabi, ganun ganun na lang ba iyon? Muli kong binuksan ang puso ko ngunit bakit bigla na lang siyang lalayo? May nagawa ba akong masama?
"Sana palayain mo na ang sarili mo, alam kong hanggang ngayon ay si Matt pa rin ang nasa puso mo, at hangga't hindi mo hinahayaan ang sarili mong makawala sa alaala niya, patuloy ka lang na masasaktan."
Paulit ulit kong iniisip kung bakit niya sinabi ang mga iyon, oo mahal ko si Matt pero sa tingin ko'y nakamove on na ako nung nakilala ko rin Ryan, tila ba binigyan ako ng muli ng pagasa at bagong buhay pero bakit ganito, bigla na lang siyang lalayo sa akin.
Dahil sa mga nararamdaman ko ay naisipang lunuring muli ang aking sarili sa alak, syempre, kailangan ko ng karamay kaya niya ko Luke. Pumayag naman ito, buti na lang lagi siyang nandyan kapag kailangan ko ng kausap.
"Pare!! bakit ganun? kung kelan ko muling binuksan ang puso ko tyaka naman ganito ang mangyayari sa akin!!?" tanong ko kay Luke sabay lagop ng alak.
"Pare, baka naman kailangan lang mag-isip ng panahon ng taong yun, malay mo nagugulahan pa siya sa nararamdaman niya." sabi naman ni Luke.
"Naguguluhan? Pero bakit tuwing hahalikan ko siya gustong gusto niya?" tanong ko ulit.
"Baka napag-isip isip niya na may mali sa inyong dalawa." tugon naman ni Luke sa akin.
Hindi ko pa rin maintindihan, akala ko ay ayos na kami ni Ryan, akala ko maganda na ang takbo ng aming samahan, akala ko siya na talaga ang magpaparaya sa akin sa nakaraan ngunit bakit bigla na lang siyang naging bangungot na mas lalong nagpalala ng sitwasyon.
"Ewan ko ba! hindi ko alam kung ano talaga ang nasa isip niya!" sabi ko kay Luke.
"Subukan mo kaya siyang kausapin, para malaman mo kung ano ba talagang problema." payo sa akin ni Luke.
Tama nga siya, kailangan kong kausapin si Ryan ng masinsinan para malaman kung ano ba talaga kami at bakit bigla na lang siyang lumalayo sa akin.
Hinatid ako ni Luke sa condo ko dahil hindi na ako makalakad ng maayos, masyado atang naparami ang inom ko.
KINABUKASAN..
Nagising ako at naramdaman ang sakit ng aking ulo dulot ng hangover, dumiretso muna ako sa kusina para magtimpla ng kape. Grabe sobrang dami ata ng naimom ko kagabi, buti na lang hinatid muna ako ni Luke dito bago siya umuwi, ang bait talaga ng lokong yun. Akong nagplanuhan na kausapin si Ryan ng masinsinan para maging malinaw sa amin ang lahat, na bakit kailangan niyang lumayo pagkatapos ng mga nangyari sa amin.
Pinili kong subaybayan lang muna si Ryan, gusto ko kasi tama ang timing ng pakikipagusap ko sa kanya, ayoko kasing guluhin siya bigla bigla dahil baka mas lalo siya maguluhan at hindi pa makapagfocus sa mga klase niya. Parang stalker ang dating ko pero kailangan kong gawin to.
Mga bandang hapon nung mag-isa na siya ay bigla ko siyang hinila, balak ko siyang dalhin sa rooftop para doon kami magkausap.
"Uy san mo ako dadalhin?!! Bitawan mo nga ako!!" pagpupumiglas sa akin ni Ryan.
Hindi ko siya binitawan hanggang madala ko siya sa rooftop.
"Mag-usap nga tayo." sabi ko sa kanya.
"Ano bang pag-uusapan natin? Di ba sabi ko sayo last na nating pag uusap yung sa cafeteria." sabi nito sa akin.
"Bakit ka ba nagkakaganyan huh? noong pagkauwi natin galing Pangasinan nagkaganyan ka na! Dahil ba to sa nangyari sa atin?" tanong ko sa kanya. Yumuko siya at muling nagsalita.
"Wala itong kinalaman doon, napag-isip isip ko lang na mali itong ginawa natin." sabi niya sa akin.
"Mali? anong mali? pareho tayong may nararamdaman sa isa't-isa!!" sabi ko sa kanya, dahil ramdam ko naman na totoo ang sinasabi ko, na may nararamdaman talaga siya sa akin.
"Wala akong nararamdaman para sayo!! oo noong una akala ko meron pero hindi pala!! awa!! awa lang ang nararamdaman ko para sayo!!" sambit nito na siyang nagpatulala sa akin, para akong tinusok sa akin puso sa mga sinambit niya, hindi ito katanggap tanggap, lahat lang pala ng mga yun ay dahil lang sa awa. Napaluhod ako at nagsimula ng tumulo ang luha niya.
"Sorry kung nagpadala ako sayo, hindi ko naman aakalain na aabot tayo sa ganoong sitwasyon" paghingi niya ng tawad. Hindi ako sumagot, hindi ko alam kung bakit walang lumalabas sa bibig.
"Pasensya na talaga ngunit, wala talaga akong nararamdaman para sayo." sabi nito sa akin sabay lakad palayo.
Ang sakit, ang sakit ng nararamdaman ko, pakiramdam ko ay unti unting gumuguho ang mundo ko sa muling pagbubukas ko ng aking puso para sa iba.