Chapter 14 - He Only Loves Me Because of Matt
Ryan's Point-of-View
Nakatulog ako sa byahe namin ni Josh, wala pa rin akong alam kung saan niya ako dadalhin, basta ang alam ko na, ang tagal na naming nasa kalsada. Nagising ako sa pagtapik sa aking balikat.
"Ryan! Ryan! Ryan!" pagtawag sa akin ng katabi ko.
Dumilat naman ako agad para tanungin kung nasaan kami.
"Nasaan tayo?" tanong ko kay Josh.
"Sa Pangasinan." maikling tugon ni Josh sa akin sabay ngisi.
"WHAT?!! PANGASINAN?!! WHY DID YOU BROUGHT ME HERE!!??" panic kong sigaw dito. Nakakainis kasi, ang layo layo nitong Pangasinan then hindi rin ako nagpaalam sa Mommy na ganito kalayo ang pupuntahan namin.
"Oh, sorry, akala ko kasi gusto mo pa makilala si Matt, so I brought you here since he celebrated his last Christmas and New Year here." tugon naman ni Josh sa akin.
"Haist!! pero sana sinabi mo nang maaga para nakapagready naman ako!!" reklamo ka sa kanya.
"Wag ka na ngang magreklamo! tara na at hinihintay na tayo sa loob!" sabi na lang ni Josh sa akin.
Sumama na lang ako, wala naman na kaming magagawa kasi nandito na kami. Pumasok na kami sa bahay nila dito, naikwento sa akin ni Josh na sinama niya dati sa Matt dito dahil wala itong kasama na magsecelebrate ng Christmas at New Year. Pinakilala niya ako sa mga kasambahay nila, nagulat silang lahat dahil katulad ng iba ay akala nila ako si Matt.
4 pm ay tinungo namin yung beach kung saan laging naglalakad lakad si Josh at Matt, siguro ang ganda ng naging bakasyon nila dito. Halata kasi sa mukha ni Josh ang saya habang kinukwento niya lahat ng mga nangyari dati, hindi ko naman maiwasang mainggit dahil nakasama niya yung kapatid ko. After maglakad lakad ay nagpasyahan naming umuwi na para kumain ng hapunan.
Nung natapos ang hapunan ay niyaya ako agad ni Josh sa terrace nila. Laking gulat ko ng makakita ako ng isang case ng red horse.
"Wag mong sabihing iinom tayo ngayon?" tanong ko kay Josh, medyo may pangamba ako, hindi naman kasi ako heavy drinker kahit na mahilig ako sa party.
"Hindi ba obvious? hehehe, tara na, minsan lang naman eh" pagyaya nito sa akin.
Pinagbigyan ko na lang siya, pero hindi ako uminom ng madami, halos si Josh lang ang umubos lahat ng Red horse na nasa case. Grabe pala uminom itong damuhong ito, sobra!! Noong natapos kami ay halata sa kanya ang sobrang pagkalasing. Nakakatuwa siyang tignan mas lalo na yung kanyang mga mata na pipikit pikit na.
Inaya ko na siya sa kwarto niya para makapagpahinga, ang bigat niya!! oo talaga nagpapabigat siya habang inaalalayan ko siya. Pagpasok namin ng kwarto niya ay agad niya itong isinara at inilock. Wow, may lakas pa pala siyang gawin yun. Tumaya siya nang maayos at tinitigan ako sa aking mga mata. Napakaganda talaga ng mata niya, nakakaakit talaga. Maya maya pa ay bigla niya akong sinunggaban ng halik, isang mapusok pero puno ng pagmamahal na halik. Tumugon naman ako sa halik at tila ba wala na itong katapusan. Maya maya ay napalapit na kami sa kama at inihiga niya ako doon. Hindi ko na rin maalala kung paano naalis ang mga saplot namin, ang alam ko lang ay ibinigay ko sa kanya ng buo ang sarili ko nung gabing iyon.
Nung natapos kami ay umunan ako sa braso niya, siya naman ay tulog na tulog, nakatingin lang ako sa maamo nitong mukha, nakatingin ako sa taong umangkin sa akin ngayon gabi.
"I love you Josh!" bulong ko dito.
"I love you Matty Baby ko." sabi niya na tila ba patalim na tumusok sa akin puso, bigla akong naramdaman ng hiya sa ginawa ko sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari ito, dahil sa aking pag-aakala na mahal niya ako, ngunit mali ako, iba pala, ang tingin niya pala sa akin ng mga oras na iyon ay ako si Matt. Umalis ako ng pagkakaunan sa kanya at tumalikod ako sa kanya, ayoko, ayokong makita ang mukha niya. Sobrang inis at sakit ang naramdaman ko dahil sa nangyari, parang gigibain ako dahil sa ginawa ko, nagparaya ako, nagparaya ako sa inaakala kong taong nagmamahal sa akin, ayun pala, dahil lang sa ibang tao ang nakikita sa akin.
KINABUKASAN..
Tiniis kong huwag ipahalata ang kanya Josh yung nararamdaman kong hiya sa sarili ko, ayaw ko rin ipahalata nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya. Masakit para sa akin yung ginawa niya,nagawa niyang makipagtalik sa akin dahil akala niya ako si Matt, kasalan ko rin ito dahil pinayagan kong gawin namin to kahit na hindi pa ako sigurado sa mga nararamdaman niya para sa akin.
Umaga nung umalis kami sa Pangasinan para bumalik sa Manila, hindi ko siya iniimik, ayoko kasing mapag-usapan namin ang nangyari sa amin kagabi, isang pangyayari na siyang nagwasak sa puso ko, sa puso kong umaasa na may nararamdaman sa akin Josh bilang si Ryan, ngunit hindi bilang ang kapatid ko. Naging tanga ako na nagpahulog ako sa mga yakap at halik niya.
Hinatid niya ako sa bahay namin, pero halata niya ang tahimik.
"Ang tahimik mo ata, may problema ba?" tanong nito sa akin na may bakas ng pag-aalala.
"Ah wala, napagod lang ako sa byahe, sige na umuwi ka, alam ko napagod ka rin." sabi ko sa kanya sabay bitiw ng fake smile.
Tumango naman ito at umalis na, pumasok na ako agad sa bahay at dumiretso sa akin kwarto, doon ko na inilabas lahat ng aking sama ng loob, umiyak lang ako ng umiyak hanggang ako ay nakatulog.
MONDAY..
Maaga akong pumasok dahil alam kong mabubugnot lang ako sa bahay, hanggang ngayon pa rin kasi ay sariwa pa rin sa aking isipan ang nangyari noong gabing binigay ko sa maling tao ang sarili ko. Inis na inis ako bakit ganoon na lang kadali kong ibinigay sa kanya iyon, hindi ko man lang inisip na ganun siya sa akin dahil nakikita niya sa akin si Matt.
"Ang lalim ng iniisip natin ah?" sabi ni Jacob habang kami'y naglalakad papuntang klase namin.
"Oo nga, ibang iba ka ngayon, may LQ ba kayo ni Josh?" sabi naman ni Rena.
"Manahimik nga kayo, may iba akong iniisip." sagot ko na lang sa kanila na may halong pagkainis.
"Sabihin mo na kasi nang hindi ka namin kinukulit." sabi naman ni Rena.
Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
"SIge mamaya, kapag break time!! Ok? just give me time ok?" sabi ko na lang sa kanila.
"Ok!" sagot naman nila.
Lumipas ang oras na wala ako sa sarili ko, nagpag-isip isip ko na rin kasing layuan si Josh, alam ko na maaaring masakit para sa aming dalawa ito ngunit mas nasasaktan ko as dahil alam ko na ang nararamdaman niya sa akin ay hindi totoo, ang damdaming meron siya ay para lang kay Matt. Hindi kalaunan ay break time na, wala na akong magagawa kundi sabihin kay Jacob at Rena ang pinaplano kong paglayo kay Josh.
"What? Lalayuan mo na si Josh?" pabungad na reaksyon ni Rena sa sinabi ko.
"Narinig mo naman di ba? bingi ko ba or nagtatanga tangahan ka lang!" sabat naman ni Jacob sabay hawak sa balikat ko.
"Bakit mo naman naisipang gawin to? May nagawa ba siya sayo?" tanong ni Jacob sa akin.
"Feeling ko kasi kaya niya ginagawa ito dahil nakikita niya sa akin si Matt" sagot ko sa tanong niya.
"Sigurado ka ba dyan huh? baka naman mali ka ng inaakala." sabi naman ni Rena.
"Oo sigurado ako." sagot ko kay Rena, ayaw ko ikwento na may nangyari na kami dahil paniguradong magiging big deal sa kanilang dalawa yun, mas mabuti na lang na itago ko ito.
Maya maya pa ay dumating na si Josh sa cafeteria at tinungo ang aming kinalalagyan. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, mahirap man pero kailangan ko nang tapusin ang lahat sa amin.
"Hi!" bati nito sa amin wearing his killer smile.
"Hi!!" sagot naman nung dalawa kong kaibigan.
"Oh Ryan! ang lalim naman at ng iniisip mo?" tanong ni Josh sa akin.
"Uy iwanan muna naming kayong dalawa huh?" sabi ni naman ni Jacob, alam niya siguro na may gusto ako sabihin kay Josh kaya umalis na sila at hinila na niya si Rena.
"Josh." pagtawag ko sa pangalan niya.
"Oh bakit?" tanong naman niya.
"Salamat pala huh, sa pagpapakilala mo kay Matt sa akin, sa oras na inilaan mo." pagpapasalamat ko sa kanya.
"Wala yun, basta ikaw! malakas ka sa akin eh!" sagot niya sa akin.
"May sasabihin pala ako sayo." sabi ko, ito na ang tamang oras, hindi ko na dapat patagalin pa, ayoko nang umasa, ayoko ring pahirapan ang sarili ko.
"Ano yun?" tanong nito.
"Sana ito na ang huli nating pagkikita, salamat sa mga magandang alala na binigay mo sa maikling panahon na magkasama tayo." sabi ko sa kanya, kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat sa aking tinuran.
"Pero bakit? Anong dahilan?" tanong nito sa akin, bakas ang lungkot at pag-aalala sa mukha nito.
Umiling na lang ako sa kanya at tumayo na ako paalis pero bago yun ay nag iwan muna ako ng huling salita.
"Sana palayain mo na ang sarili mo, alam kong hanggang ngayon ay si Matt pa rin ang nasa puso mo, at hangga't hindi mo hinahayaan ang sarili mong makawala sa alaala niya, patuloy ka lang na masasaktan."
Hindi na nakapagsalita si Josh, nandun lang siyang nakaupo at tulala, bakas sa mga mata niya ang malapit na nitong pagluha, tumalikod na ako sa kanya at umalis na sa cafeteria, masakit man sa akin pero kailangan kong kayanin dahil kapag pinatagal ko pa ito ay hindi ko na kayanin.