Chapter 13 - First Date with Mr. Ace Dancer
Ryan's Point-of-View
Nabibigla talaga ako sa mga kinikilos ni Josh, una, niyaya niya akong maging date niya para sa college night, pangalawa, yung pagpunas niya sa pisngi ko sabay subo dun sa pinangpunas niya, pangatlo, yung paghalik niya sa noo ko. ANO BA YAN!! ANONG GINAGAWA MO JOSH!!
Ayun na siya sa may stage, naghihiyawan yung mga estudyante sa paglabas nila, sikat na sikat nga talaga sila, nagsimula na ang musika at sinimulan na rin nila ang paggalaw, grabe ang galing nila, ang bawat moves ay smooth, halatang pinaghandaan nila, natutuwa ako sa ginawa nila kay hindi ko iwasan ang mapangiti. Habang nanunuod, bigla na namang may nagflashback sa akin.
Isang lalaki ang sumasayaw sa stage, ang mga galaw niya parehong pareho sa pagalaw ni Josh pero yung taong nagsasayaw hindi ko maaninaw ang mukha niya, dirediretso lang ito hanggang nagfront dive ito at nagback dive na tambling at natapos siya sa pagsayaw.
Pagkatapos nun ay biglang sumakit ang ulo ko, ewan ko ba, bakit bigla na lang na lumalabas na ganito, sabay ng pagsakit ng ulo ko ay pagkahilo, nakatingin lang ako kay Josh sa entablo habang nakangiti, nung napatingin ito sa akin ay ngumiti ulit ito ngunit hindi ako makangiti pabalik dahil sa nararamdaman ko, biglang nawala yung ngiti sa labi niya at agad agad na bumaba sa stage.
Kinumusta niya ako, tinanong niya kung ano nararamdaman ko, sinabi ko na lang na ayos lang ako para hindi siya mag-aalala. Maya maya ay niyaya niya ako na pumunta sa rooftop, ang boring na kasi ng palabas, hindi naman namin trip yung mga ginagawa nila. Madali na nga kaming nakaalis, buti na lang at kakilala ni Josh yung mga officers at nakaalis kami agad. Masaya na may halong kaba sa puso ko noong umakyat kami sa rooftop, hindi ko kasi alam kung ano maaaring mangyari sa taas. Umupo kami sa isang tabi at pinagmasdan ang mga bituin.
"Ryan" pagtawag niya sa akin.
"Oh?" tugon ko naman.
"Salamat ah?" pagpapasalamat nito sa akin. Honestly? Bakit siya nagpapasalamat?
"Huh? bakit ka nagpapasalamat?" tanong ko sa kanya, medyo nalilito at nawiwirduhan kasi ako sa kanya.
"Basta salamat!! Hindi ko rin alam ang dahilan eh." sabi nito sa akin, mukhang ang weird nga talaga
"Alam mo, ang weird mo!! nagpapasalamat ka ng walang dahilan!" sabi ko sa kanya sabay tawa, natawa na rin ito.
"Masaya ka ba na kasama ako?" tanong niya sa akin.
"Oo naman, sa tingin ko nga ako ang dapat magpasalamat dahil tinulungan mo ako na mas makilala pa yung kapatid ko." sagot ko sabay ngiti.
Hindi ko inaasahan yung sumunod na mga nangyari, bigla niya kasi akong hinalikan, aba matindi!! pero hindi ko alam kung bakit tumugon ako sa halik niya, ang lambot ng labi niya, ang sarap talagang halikan, parang ayaw ko na ngang bumitiw eh.
Maya maya ay kumalas na kami sa aming halikan, idinikit niya yung noo niya sa noo ko, bigla ko siyang niyakap, ewan ko ba kung anong nararamdaman ko, ang saya ko pero may kaunting takot sa puso ko, takot na baka dahil lang ito sa nakikita nito sa akin si Matt. Naramdaman ko na umiiyak siya kaya tinanong ko ito kung umiiyak niya, itinanggi niya ito pero huli ko pa rin siya. Hinalikan ko siya para tumigil sabay biro na rin, at mukhang effective naman.
Hinatid niya ako sa bahay pero bago pa ako bumaba ay may sinabi pa ito.
"Ah Ryan, busy ka bukas?" tanong sa akin Josh.
"Hindi naman, bakit?" sagot ko sa kanya.
"Good, sunduin kita dito ng 9 am!!" sabi nito, hala? anong nasa isip nito.
"Anong gagawin natin bukas? bakit mo ako susunduin?" tanong ko sa kanya.
"Basta!!" sagot na lang nito.
"Hindi ako sasama hangga't hindi mo sinasabi." pananakot ko dito. Huminga siya ng malalim.
"Ok! I am asking you for a date! Is that ok?" sabi nito, medyo taas kilay.
"Okay!" sagot ko na lang, wala naman mawawala kung sasama ako eh, gusto rin naman yun.
"Good!" sabi niya sabay smack ulit sa labi ko.
"Sumusobra ka na ah!!" sabi ko sa kanya. Pero kinilig ako sa ginawa niya.
Napangisi na lang ito, lumabas na ako sa kotse niya at hinintay ko siyang makaalis bago ako pumasok sa bahay. Hayys!! kakaexcite!! may date kami bukas!! Pagdating ko sa kwarto ko ay hindi ko maiwasang isipin yung halikan namin ni Josh kanina, kakakilig!!. Masaya na sana ako, pero bigla na namang may nagflashback.
Naglalakad ako palabas ng isang kwarto at bigla na lang may pumatid sa akin, tinawan ako nito habang tinuturo ako.
"Iiyak na siya oh!" sigaw nito
Maya maya pa ay nabago ang paligid, mas madilim dito kaysa sa kilalagyan ko kanina. Lumapit ang isang lalaki, nakita ko na hinahataw ako nito ng sinturon, hindi ko makita ang mukha nito ngunit sigurado akong iba itong taong ito kaysa sa mga una kong nakita. Nagmamakaawa ako dito na itigil nito ang ginagawa ngunit parang wala nitong naririnig.
Maya maya pa ay nabago na naman ang lugar na kinaroroonan ko, nasa isang kwarto naman ako ngayon kasama ang isang lalaki, katulad ng dati, hindi ko maaninaw ang mukha nito.
"Saan mo nakuha yan?" tanong nung lalaki habang hilahila yung tshirt ko.
"Wala, wala na ito, wag mo lang pansinin." naalis ko ang tingin ko sa kanya, ewan ko kung saan nanggagaling tong mga nakikita ko.
"Anong wala!! PURO LATAY YANG LIKOD MO..."
Hindi na natapos yung sasabihin nung lalaki dahil bigla akong nagising, panaginip lang pala iyon. Nananatiling hindi ko alam kung sino yung lalaking yun pero bakit palagi ko siyang nakikita. Pinunasan ko ang mata ko, naluha pala ako habang natutulog. Tinignan ko ang orasan, 5 am na, kaya pinili ko na lang bumangon para maghanda ng agahan.
"Oh! ang aga mo atang nagising?" tanong ni Mommy sa akin.
"Ah eh, ewan ko nga po eh." sagot ko na lang.
"Baka masyado ka nang naiistress sa school huh?" sabi ni Mommy, halatang nag-aalala para sa akin.
"Don't worry about me mom, I can handle it" pagsisigurado ko sa kanya.
I don't know, but those flashbacks keeps bothering me, lagi na lang ako nagkakaganoon simula kagabi sa college night. Nagpaalam na rin ako kay mom na may pupuntahan ako, sabi ko project para payagan ako,baka kasi kapag sinabi kong makikipagdate ako eh baka hindi ako payagan, lalo na at sa isa pang lalaki, at hindi lang basta basta lalaki, kay Josh ako makikipagdate na naging boyfriend ng kapatid ko bago ito mamatay.
Maya maya nagtext na si Josh na nasa labas na siya, teka, 8:45 am pa lang ah, ang bilis naman niya, buti nalang nakapag ayos na ako sa sarili ko nang hindi niya na ako hintayin pa. Lumabas na ako ng bahay at pinuntahan siya sa kotse niya.
"Bakit ang aga mo?" tanong ko sa kanya.
"Ayoko kasi malate!" sabi nito sa akin habang nakangiti. "Bakit ikaw, ambilis mo rin." tanong naman nito.
"Eh maaga ako nagising eh!" sabi ko na lang.
"Woooh!! Excited ka lang eh!" pag-aasar nito sa akin.
"Haist! bahala ka na nga diyan!" inis kong sabi sa kanya. Parang wala kasi talaga ako sa mood dahil sa mga flashbacks na nakikita ko.
Maya maya pa ay hinila ako ni Josh at siniil ako ng halik, at sa hindi ko naman malamang dahilan ay nagreact ako agad at gumanti sa mga halik nito.
"Oh ayan, mukhang hindi ka na bad mood." sabi nito habang nakangisi.
Dinilatan ko na lang siya at sinimulan nya nang paandarin yung sasakyan.
Saan na naman kaya ako dadalhin nitong si Josh?