Chapter 12 - My Feelings for him

1392 Words
Chapter 12 - My Feelings for him Josh's Point-of-View                   "Oo ayos na ako Joshy Baby ko!"                 Ayan ang mga salitang nagpagulat sa akin, bakit bigla na lang akong tinawag ni Ryan sa ganyang paraan, ang tanging alam ko lang na tumatawag sa akin ng ganyan ay si Matt.                 "Oh parang tulala ka ata?" sabi sa akin ni Ryan na siyang nagpabalik sa aking ulirat.                 "Ah eh..kasi.." yan lang nasabi ko.                 "May problema ba?" tanong nito sa akin.                 "Yung pagtawag mo kasi sa akin" sabi ko kay Ryan at medyo napakamot ako ng ulo.                 "Oh bakit? Ano bang naitawag ko sayo?" tanong ni Ryan sa akin.                 "Natawag mo akong Joshy Baby Ko, eh si Matt lang tumatawag sa akin nun diba?" sabi ko sa kanya, nasabi ko na rin kasi sa kanya yung about doon.                 "Ah!! UY sorry!! nagiging feelingero na naman ako!!" sagot niya sa akin, halata sa kanya ang pagkahiya dahil namula ang mukha nito.                 Haist! mukhang hilo nga talaga tong si Ryan, kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig.                 Maya maya pa ay nagsimula na ang programa, syempre, unang gagawin ay kumain, so nagserve na yung mga inupahang magkecater sa amin. Madaming pagkain, mukhang mabubusog kami si Ryan dito. Kami lang ang magkasama sa table since ang pinili namin ay good for 2 lang talaga, halata sa iba na nagseselos sila kay Ryan kasi siya yung pinakaunang tao na nakadate ko dito, dati kasi lagi kaming by group na pumupunta nila Luke, Andrew at Adrian. Habang kumakain ay nagsimula na rin magpatutog yung mga musician sa stage.                 Kailangan kong bilisan kumain para matunawan ako agad, mamaya kasi ay sasayaw ako. Yung sayaw na yun ay supresa ko kay Ryan dahil ang sasayawin ko ay yung pinakaunang sayaw na sineryoso ko ang performance, yung sinayaw ko noong pageant. Medyo excited na ako, kasi hindi ko alam yung magiging reaksyon nito pero for sure matutuwa ito.                 "Ang bilis mo naman at kumain?" tanong ni Ryan sa akin habang nilalantakan yung carbonara.                 "Kailangan ko kasing matunawan agad, alam mo na, sasayaw pa kami mamaya." sagot ko sa kanya.                 Napatango na lang ito at pinagpatuloy ang pagkain. Ang cute niya rin pala kumain, parang si Matt, medyo parang bata kasi nalalagyan ng sauce ang pisngi. Dahan dahan kong inabot yung kamay ko sa pisngi malapit sa labi niya para alisin yung sauce, parang nagulat siya pero hindi siya gumalaw hangga't hindi ako natatapos. Noong nakuha ko na yung sauce, sinubo  ko yung daliri ko para linisan yun. Lagi ko naman ginagawa yun kay Matt dati, ewan ko lang bakit ginawa ko kay Ryan ngayon. Mukhang natulala siya sa ginawa ko, mukhang hindi ito makapaniwala.                 "Oh tulala ka na naman?" sabi ko sa kanya nang nakangisi.                 "Ikaw kasi eh!! ano bang ginagawa mo?" tanong nito sa akin, parang naiinis.                 "Oops! mukhang tinatawag na nila yung mga dancers, gotta go!! babalik din ako!" palusot ko sa kanya kasi hindi ko talaga alam yung gagawin pero ang totoo tinatawag na talaga kami, tumayo ako at hinalikan ko siya as noo. BOOM!! Namula siya sa ginawa ko heheh.                 Tumungo na ako sa backstage, nandun naman na sila Andrew at Adrian, mukhang napanuod yung ginawa ko.                 "Iba ka rin tsong noh? Mukhang inlababoo ka na naman!" sabi sa akin ni Andrew.                 "Ewan ko ba, he's driving me crazy just like Matt!" sabi ko sa kanya.                 "Hinay hinay lang Josh!! baka nakikita mo lang si Matt sa kanya kaya mo nasasabi yan." sabi naman ni Adrian.                 Bigla akong napaisip sa tinuran niya,  hindi kaya ganun talaga ang nararamdaman ko. Haist!! nalilito na ako!!                 Hindi kalaunan ay tinawag na kami sa stage ni Dean para magperform sa stage, dinig na agad ang hiyawan ng mga tao. Sikat na sikat kasi kami sa school, madami kami supporters mas lalo sa mga kacollege namin. Nagsimula na ang tugtog at sinimulan na namin ang pagsaway. Tuloy pa rin ang hiyawaan sa bawat paggalaw namin ng mga kasama ko, hindi lubos maisip na sasayawin ko ulit ito, buti na lang hindi ko nalimutan yung mga steps at muli namin ito napractice. Tinapos ko yung sayaw gamit ang aking signature move na double tik tak at lahat ay nagsipalakpakan. Tumingin ako kay Ryan, pero iba ang itsura nito, blangko lang ito, tila ba may iniisip. Nawala yung ngiti sa labi ko, tila ba may problema sa kanya kaya agad agad din akong bumalik sa upuan namin para icheck kung ok lang siya.                 "Ryan, ok ka lang ba?" tanong ko dito pero parang hindi ako nito naririnig.                 "Uy!" sabi ko sabay tapik sa kanya. Bumalik naman na siya sa sarili niya.                 "Huh?" tanong naman nito.                 "Tinatanong ko kung ok ka lang ba?" pag ulit ko sa tanong ko.                 "Ah eh ok lang ako, bigla lang sumakit ang ulot ko." sabi naman nito.                 "Gusto mo na ba umuwi?" tanong ko dito, medyo nag-aalala na ako sa kanya.                 "Ayoko pa, gusto ko pa kasi mag-enjoy dito kasama ka." sabi nito sabay ngiti.                 Waaah!! ano ito, bakit bigla bumilis t***k ng puso ko!! mukhang iba na talaga ang nararamdaman ko para kay Ryan!!                 "Sige ikaw bahala, basta kapag may problema sabihin mo agad sa akin ah." paalala ko sa kanya.                 Tumango naman siya at ngumiti, kaya ibig sabihin ok na. Naupo akong ulit at nakipagkwentuhan, medyo boring na yung palabas kaya pageant na, kaya niyaya ko si Ryan na umalis kami at pumunta sa rooftop, hehehe.                 Madali lang naman kami nakatakas sa event dahil kakilala ko yung mga officers, pagdating namin dun ay umupo kami agad. Tinitignan namin ang mga bitwin sa langit, masaya ako ngayon, masaya ako kasi kasama ko si Ryan, siguro binigay siya sa akin Matt.                 "Ryan" pagtawag ko sa kanya.                 "Oh?" tugon naman niya.                 "Salamat ah?" pagpapasalamat ko dito.                 "Huh? bakit ka nagpapasalamat?" tanong nito sa akin, tumingin ito nang medyo nakakunot ang noo.                 "Basta salamat!! Hindi ko rin alam ang dahilan eh." sabi ko dito, sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin pero gusto ko magpasalamat kasi dumating siya sa buhay ko.                 "Alam mo, ang weird mo!! nagpapasalamat ka ng walang dahilan!" sabi nito sa akin. Natawa kaming pareho, totoo naman, medyo weird yung ikinilos ko.                 "Masaya ka ba na kasama ako?"  tanong ko sa kanya.                 "Oo naman, sa tingin ko nga ako ang dapat magpasalamat dahil tinulungan mo ako na mas makilala pa yung kapatid ko." sabi nito sa akin sabay ngiti. Tumingin ako sa kanya, mas naging maaliwalas ang itsura niya dahil sa sinag ng buwan, biglang bumilis ang t***k na puso ko. Hindi ko na talaga magkontrol ang sarili ko.                 Hinawakan ko ang baba niya upang maiharap siya sa akin, napatingin ito sa akin, napalunok ito habang papalapit nang papalapit ang mukha ko sa kanya, wala namang pagpupumiglas kaya itinuloy ko na lang, napapikit ako at naglapat na ang mga labi namin. Una simpleng halik lang hanggang lumalim ng lumalim, dinilaan ko ang labi niya para maipasok ko ang dila ko sa bibig niya na kanya namang hinyaan.                 Tumigil kami at idinikit ko ang aking noo sa noo niya, walang nagsalita sa amin, pareho kaming hingal na hingal sa nangyari. Maya maya pa ay yumakap nito sa akin, isinubsob nito ang mukha nito sa balikat ko, yumakap dito ako sa kanya pabalik. Ganun lang ang posisyon namin, ayaw ko siyang bitiwan, parang natatakot ako, natatakot ako na mawala siya, pareho ng takot ko nung magtagkang magpakamatay si Matt noon. Hindi ko napigilan at napaluha na ako, hindi ko alam kung para saan, sa saya o sa lungkot, basta hinayaan ko na lang itong umagos.                 "Umiiyak ka ba?" tanong sa akin ni Ryan.                 "Huh? Hindi" pagpapalusot ko. Kumalas siya sa pagkakayakap at humarap sa akin. Tssk!                 "Umiiyak ka eh!" sabi nito sabay haplos sa mukha ko. Maya maya pa ay hinalikan niya ako pero smack lang.                 "Tumahan ka na, baka mamaya sabihin nila ako nagpaiyak sayo." pabiro nitong sabi sa akin.                 "Sira!" sagot ko sa kanya, napangiti ako sa sinabi niya.                 Hindi ko alam kung anong meron sa amin ngayon, wala pa kasing confirmation pero hindi ko pa maamin sa sarili ko kung ano ba talaga ito, ang alam ko lang, masaya ako kapag kasama ko siya, at ibang klaseng lungkot ang nadama ko kapag naiisip ko na mapapalayo siya sa akin.                 Mukhang mahal ko na siya, mukhang mahal ko na si Ryan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD