Chapter 11 - "Joshy Baby Ko"

1329 Words
Chapter 11 - "Joshy Baby Ko" Ryan's Point-of-View                   Sa ilang linggong pag-aaral ko sa school ay hindi ko alam na meron pala kaming college night, kung hindi pa ako niyaya ni Josh ay hindi ko pa malalaman. Speaking of Josh, ako daw ang gusto niyang maging date para sa college night. Seryoso kaya siya talaga? Ano kaya nakain nun? Hindi ko maiwasang malungkot kapag naiisip kong baka ginagawa niya yun dahil nakikita niya sa akin si Matt, masakit para sa akin ang ganun ang kanyang iniisip dahil mayroon din akong damdamin.                 Sa Friday na yung college night at sabi ni Josh ay susunduin niya ako. Wow huh? Kinacareer talaga niya ah. Nagpaalam ako kay Mommy about college night pero hindi ko pinaalam na susunduin ako ni Josh dito, ayaw ko kasi malaman niya yung about sa amin(Teka? Meron nga ba?) basta yun na yun.                 Pumasok na ako sa school, sabi ni Josh magkita daw kami mamaya sa school plaza dahil may ibibigay ito sa akin, kaya ayun, nagpasama ako kila Rena at Jacob sa school plaza, simula kasi nung niyaya ako ni Josh sa college night bilang date niya ay parang nahihiya ako dito.                 "Bakit ba bigla ka na lang nahiya sa kanya huh?" tanong sa akin Rena, ang kulit niya, basta lahat ng tungkol sa amin ni Josh gusto  malaman.                 "Basta! wag ka na magtanong!!" sabi ko na lang.                 "Ang sungit mo naman!! ikaw na nga nagpapasama eh!!" reklamo nito.                 "Hayyzz!!" reklamo ko rin dito.                 "Look who's coming!!" sabi sa amin bigla ni Jacob.                   Paparating na si Josh, ngiting ngiti, meron itong dala dala pero hindi ko alam kung ano yun. Buti na lang at wala si Luke, kasi panigurado magwowalkout na naman itong si Jacob.                 "Uy friend!! iwanan ka na namin dyan ah!" paalam sa akin ni Rena.                 "Uy wait!! hintayin nyu ako!" sabi ko sa kanila.                 "Wag na! para hindi kami makaabala sa inyo!" sabi naman ni Jacob at dali dali na lang sila umalis.                 "Ryan!!" pagtawag ni Josh sa akin.                 "Hi!!" sagot ko sa kanya.                 Hindi nagsalita si Josh pagkalapit sa akin, bigla na lang ako hinila nito.                 "Saan tayo pupunta?" tanong ko dito.                 "Kakain tayo!" sabi nito sa akin.                 "Huh?kakain? saan naman?" tanong ko sa kanya. Ewan ko ba, kakatapos ko lang kasi kumain tapos ito na naman.                 "Basta, hindi ko pa kasi nasabi sayo yung favorite food ni Matt." sabi nito sa akin. Ahh, so kasama ito sa usapan namin.                 "ok" ayun na lang ang naisagot ko.                 Dinala ako nito sa rooftop ng Main building, dun daw kami kakain para tahimik, ok naman dun kasi meron kami pwedeng silungan kaya iyon, dun kami kakain. Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Josh na paboritong pagkain ng Matt pero excited na rin ako malaman, bigla kasi ako nakaramdam ng gutom.                 Pagdating namin ni Josh sa rooftop ay agad niya nang nilabas yung pagkain sa paper bag.                 "Ano yan?" tanong ko dito.                 "Bake Mac! Actually pareho naming favorite ito ni Matt, lagi niya rin ako pinagluluto nito." sabi sa akin Matt. Wow, ang sweet naman ng kambal ko, pinagluluto niya si Josh. Ayun nga't ewan ko parang bigla akong nagcrave para sa Bake Mac na dala niya. Binigyan niya na ako ng kutsara at sinabing pagsaluhan na namin yung pagkain.                 "Sino gumawa nitong bake mac?" tanong ko kay Josh.                 "Ako." sagot nito sa akin.                 "Weh? Hindi nga? Ikaw talaga?" tanong ko dito, medyo hindi talaga ako naniniwala hehehe.                 "Oo nga!! kasi kapag sa bahay kami nag-sstay ni Matt, ako naman ang nagluluto" sabi nito sa akin. Wow naman, sige sila na ang sweet.                 Nagulat ako ng bigla akong sinubuan ni Josh. Ano ba nasa isip nito at ginagawa niya ito, pero kinikilig ako sa mga actions niya!! Pagkatapos namin kumain ay nagpalaam na kami sa isa't isa, hintayin ko daw siya mamayang uwian kasi may sasabihin siya sa akin, hay naku!! bakit hindi pa kaya ngayon?! Pero no choice pa rin, hihintayin ko siya.                 After ng klase ay hinintay ko ay hinintay ko si Josh sa may bench sa tapat ng main building, dito ko nakita si Josh dati na malungkot. Maya maya pa ay dumating na si Josh at may kasama itong dalawang lalaki.                 "Woow!!!" biglang sabi nung isang lalaki.                 "JOSH!! ANONG IBIG SABIHIN NITO!!" sabi naman ng isang lalaki.                 "Ano sa tingin nyu?" tanong naman ni Josh sa kanila.                 Bigla akong nilapitan nung isa, at hinawakan ang mukha ako, parehong pareho ang reaksyon nila sa iba, siguro'y kilala din nila si Matt.                 "Pero paano nangyari to!?" tanong nung lalaki na nakahawak sa mukha ko.                 "Ehem!!ah Ryan, yang humahawak sa mukha mo, yan nga pala si Andrew at ito naman ang kakambal niya si Adrian" pagpapakilala ni Josh sa kanila.                 "Ryan?" nalilitong sabi ni Adrian.                 "Haist! hindi lang naman kayo ang kambal sa buong mundo ah?" sabi ni Josh sa kanila.                 "What? kakambal mo si Matt?" nabiglang tanong ni Andrew sa akin.                 Napatango na lang ako tapos ngumiti, dun ko na rin nalaman na naging close din ni Matt ang dalawang iyon, isa daw sila sa mga sumuporta sa love team ni Josh at ni Matt. Natuwa naman ako dahil may nakilala na naman akong kakilala ni Matt.                 Umuwi na kami at muli, hinatid ako ni Josh, hehehe, hindi na ako tumanggi, sayang kasi yung pamasahe heheh. FRIDAY NIGHT..                   Ayan na ang inaabangan kong gabi, ayos na ayos ang damit ko ngayon, nakasuot ako ng red long sleeves at nakatupi in half yung manggas, nakasuot din ako ng fitted na black maong pants tapos snicker shoes. Syempre kailangan ko magpagwapo, college night din kasi ito kaya kailangan presentable ako.                 Nagtext na si Josh sa akin, nasa labas na daw siya ng bahay kaya dali dali bumaba at nagpaalam kay Mommy at tumakbo palabas ng bahay. Ayun ang gwapo ni Josh!!! Nakayellow itong V-neck shirt at nakaamerikana na coat. Naka fitted na black maong pants din ito at nakaconverse hight cut na sapatos.                 "Tara  na?" tanong nito pagkasakay ko ng kotse nya. Tumango na lang ako sa kanya.                 7 pm kami na karating sa school, ipinark na ni Josh ang sasakyan at kami na ay bumaba. Sa may School plaza gaganapin ang college night, hindi pa kami nakakalapit ay nakita ko na ang pagkakaayos nito, gumawa sila ng kunwaring entrance sa may garden malapit dito, may mga scented candle na nagkalat sa paligid ng garden na siyang nagpaganda ng mood ng college fest.                 "Tara" sabi ni Josh sa akin sabay hawak sa kamay ko. So kailangan talaga hawakan ang kamay ko?                 Habang naglalakad kami sa garden na halos mapuno ng scented candle ay bigla akong nahilo. May biglang nagflashback sa aking alaala na siyang nagpahinto sa aming paglalakad.                 May kasama akong isang lalaki pero hindi ko makilala dahil malabo ang mukha nito, hawak nito ang aking kamay at naglalakad kami papunta sa isang lamesa, maraming kandila sa paligid katulad ng setup sa college night. Nakita ko ang lahat mula sa aming pagkain, pag-aabot nito sa akin ng isang box at aming pagsayaw, isa lang talaga ang hindi ko alam, hindi ko makilala kung sino yung taong kasama ko dahil malabo ang mukha nito.                   "Ryan? Ryan? Ayus ka lang?" tanong sa akin ni Josh na medyo inaalog ako.                 Mukhang bumalik na ako sa aking ulirat, hindi ko alam kung ano yung mga nakita ko or naalala, napansin ko na lang na malalim ang aking paghinga.                 "Oo ayos lang ako, medyo nahilo lang pero ayos na." sabi ko kay Josh.                 "Sigurado ka?" tanong sa akin ni Josh.                 "Oo, tara na" paninigurado ko dito, at niyaya na ito. Ngumiti din ako para sure na maniwala ito.                   Ngayon ay umakbay si Josh sa bewang ko para alalayan ako, medyo natuwa naman ako sa kanya dahil sa pag-aalala niya para sa akin. Inalalayan niya ako hanggang kami ay makaupo.                 "Sure ka ayos ka na talaga?" tanong ulit nito.                 "Oo ayos na ako Joshy Baby ko!" sagot ko kay Josh na tila ba nagulat sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD