Chapter 10 - College Night Date?

1511 Words
Chapter 10 - College Night Date? Josh's Point-of-View                   Pagkagaling namin kila lola Chiming ay naisipan kong dalhin si Ryan sa condo ko, nandun kasi yung ibang mga gamit ni Matt, gusto ko ipakita yun sa kanya pati na rin yung mga larawan na meron kami. Hindi naman tumanggi si Ryan nung sinabi ko na ipapakita ko sa kanya kung anong meron kami ni Matt dati, siguro gusto niya rin yung ideya na yun.                 Alas tres na ng hapon nang makarating kami sa condo ko, nakatulog din si Ryan sa byahe kaya ginising ko pa ito, ang cute niya matulog, parehong pareho sila ng kakambal niya. Madali lang namang nagising si Ryan. Tinungo naman namin agad yung condo ko na nasa 12th floor.                 "Wow buti ka pa may sariling condo!" sabi ni Ryan habang manghang mangha sa mga nakikita niya sa loob ng condo ko.                 "Gift as akin to ng mama't papa ko, para daw masubukan ko naman daw mabuhay mag-isa." sabi ko na lang sa kanya.                 Pagala-gala lang ang mata niya na parang bata, oo para talagang bata na first time pumunta sa isang amusement park. Pinaupo ko muna sya sa sofa dahil kukunin ko yung photo album namin ni Matt, dun ko nilagay yung mga bawat espesyal na araw na magkasama kami.                 Tumabi ako sa kanya, nagkadikit ang aming mga binti pero parang wala lang naman sa kanya kaya ipinatong ko na yung photo album sa gitna ng mga binti namin. Sinimulan ko nang uklatin ang bawat pahina. Yung una kong pinakita ay yung surprise ko kay Matt noon dito sa bahay para sa aming 1st monthsary.                 "Ito yung 1st monthsary namin ni Matt, ang cute niya noh?" sabi ko kay Ryan na nakitingin lang sa picture. Yung picture eh yung nakaupo kami dun sa inihanda kong table noon, nagselfie kaming dalawa nun pagkatapos naming sumayaw.                 "Kung cute si Matt, edi ibig sabihin cute din ako!!" pabirong sabi ni Ryan sa akin. Napatawa naman ako dun kasi tama nga naman, magkamukha kasi sila kay kung purihin ko ang appearance ni Matt ay parang pinuri ko na rin siya.                 Tinuloy tuloy lang namin ang paglipat ng pages, halata sa kanya ang pagkamangha sa mga ginagawa namin ni Matt dati. Sa tingin ko ay nasisiyahan siya dahil kahit papaano ay nakaranas ng kasiyahan ang kanyang kapatid.                 Pagkatapos namin tignan yung mga pictures ay niyaya ko siya sa aking kwarto, gusto kong ipakita sa kanya yung mga anak namin ni Matt.                 "Ryan, this is Matteo Robert" sabay turo sa malaking teddy bear                 "this si Joshy Jr and Matty Jr" sabay turo naman dun sa dalawang unggoy na magkayakap.                 Nilapitan ni Ryan yung malaking teddy bear at niyakap ito. Natatawa ako sa itsura niya, para talaga siyang bata na naglalaro ng mga laruan.                 Nagkwentuhan pa kami sa condo ko, pinaghanda ko siya ng ice cream, at ngayon ko lang nalaman na adik ito dito, siya na kasi ang nakaubos nung dalawang tub ng ice cream sa ref ko. Pero ayos lang naman sa akin since hindi naman ako ganun katakaw sa ice cream at pwede pa naman ako bumili ulit.                 Alas sais na ng natapos ang kwentuhan namin ni Ryan, mukhang totoo nga, kapag naeenjoy mo ang usapan ay hindi mo mapapansin ang napakabilis na paglipas ng oras. Hinatid ko si Ryan sa bahay nila para hindi na siya mahirapan pang maghintay ng masasakyan, gusto ko rin kasi makasigurado na safe siyang makakauwi dahil ayokong maulit sa kanya ang nangyari kay Matt, nawala ito sa akin dahil wala ako sa tabi nito.                 Hindi na ako pumasok sa bahay nila, nahihiya din kasi ako sa Mommy niya tapos gusto ko na rin magpahinga. Pumayag naman si Ryan at umalis na ako. Pagkabalik ko sa condo ay hindi na maalis sa isip ko yung mga pinagkwentuhan namin, tawanan at inisan, ganitong ganito kami ni Matt, noong buhay pa siya. _____________________________________________________________________________________ Ryan's Point-of-View                   Nakakatuwa ang mga pangyayari ngayong araw, akalain mo ba naman na mas nakilala ko ang kapatid ko at mga taong malapit sa kanya, ang higit sa lahat, mas nakilala ko yung taong minahal ng kapatid ko. Iba ang feeling ko, parang ang saya ko, yung saya na nararamdaman ko ay ngayon ko lang nafeel sa tana ng buhay ko. Ewan ko ba, feeling ko kahit na isang araw pa lang kami nagkakakilala ni Josh ay para na kaming matagal na magkakilala, at sa tingin ko ay may nararamdaman na ako para sa kanya. ...                 Ilang linggo na rin ang nakalipas noong nagbonding kami ni Josh, or sabihin natin na naging tour namin, mas nakilala ko si Josh sa mga lumipas na araw, minsan nga at nagtatampo na itong sina Rena at Jacob dahil tuwing nagkikita kami ni Josh ay sumasama ako dito. Hello? Sila kaya ang nagtutulak sa akin na sumama sa kanila. Nung sinabi ko yun ay nagtawanan na  lang kami.                 "Oh, musta naman ang love story niyo ni Josh?" tanong sa akin ni Rena, labis ang kanyang pagngiti na tila ba tuwang tuwa sa mga maaari kong isagot.                 "Lovestory? anong lovestory eh magkaibigan lang kami ni Josh!" sabi ko dito.                 "Pakunwari ka pa eh ang lagkit ng tingin mo kay Josh tuwing nagkikita kayo!!" pag aasar nito sa akin.                 "Sira!! ayaw ko naman agawan yung kakambal ko nu!! si Matt ang mahal nun! " sabi ko kay Rena.                 "Hay naku! yung si Matt, matagal nang patay, iba na ang ngayon, malay mo may feelings na rin sayo si Josh!" sabat naman ni Jacob.                 "Isa ka pa Jacob!!! wala na bang makakausap na matino dito?!" reklamo ko sa kanilang dalawa.                 "Pasensya ka!! kami kaibigan mo!!" sabat ulit ni Jacob at nagtawanan sila ni Rena, wala na rin akong nagawa kung makitawa na rin, nahawa talaga ako kasi naman, napakakulit at kwela nilang dalawa.                 Maya maya pa ay dumating na si Josh at may kasama ito, kasama nito si Luke. Yung pagtatawan namin ay biglang nawala kasi biglang tumahimik si Jacob, hindi ito lumilingon kila Josh at Luke.                 "Natigilan ata kayo?" tanong ni Josh sabay tabi sa akin.                 "Bigla ka kasing dumating!!" sabi  ko kay Ryan sabay pisil sa ilong nito.                 "Aray!!" reklamo nito.                 "Oh bakit nga?" tanong ulit nito sa akin.                 "Bakit hindi mo itanong dyan sa kasama mo?" sabat ni Jacob sabay walkout.  Hindi ko alam kung ano ang problema nito pero alam ko may something sa kanila ni Luke kaya tuwing nagkikita sila ay lagi na lang awkward  moment.                 "Anong problema nun?" tanong ko kila Rena.                 "Haist!! Huwag niyu nang intindihin yun!! Josh, mauuna na ako, may gagawin pa pala ako!" inis na sabi ni Luke, confirmed, may something nga sa dalawang ito.                 Ibabalik ko na sana ang tingin ko kay Josh nang nakita ko si Rena na iba ang titig sa aming dalawa.                 "Problema mo!!?" tanong ko dito, medyo mataas ang tono.                 "Ah wala! hehehe, sige ah, maiwan ko muna kayong dalawa ah, sundan ko lang si Jacob." paalam naman nito sa akin sabay alis at sumunod kay Jacob.                 "Ano kayang problema?" tanong ko kay Josh.                 "Time will say Ryan, hindi natin sila pwedeng pilitin kung anong meron sa kanila." sagot naman ni Josh. Tama nga naman siya, oras na lang siguro ang magsasabi kapag maayos na ang lahat, maaaring mag open up din yung dalawang yun.                 "Kumain ka na ba?" tanong ko kay Josh.                 "Hindi pa eh, libre mo nga ako please!!!!" pakiusap nito sa akin sabay puppy eyes. SH**T bakit tuwing gagawin nya yun nadadali ako at hindi makahindi.                 "Oo na! oo na! basta itigil mo lang yang ginagawa mo bago pa kita mabatukan" sabi ko na lang sa kanya.                 "YEHEY!!" sabi naman nito na halatang tuwang tuwa. Niyaya ko na siya sa labas para doon kumain, umakbay pa ito sa akin habang naglalakad kami.                 "Ready ka na ba para sa College Night?" tanong sa akin ni Josh, what? college night? meron pala nun?                 "Huh? Anong college nun? Hindi ko ata alam yan ah?" sabi ko dito, sa totoo lang ay hindi ko talaga alam.                 "HAYNAKU!! ang tagal mo na dito hindi mo pa rin alam yan!! may party para sa mga under ng college natin!!" sabi nito sa akin.                 "Pupunta ka?" tanong ko kay Josh.                 "Oo syempre, magpeperform din kasi kami eh." sagot naman nito.                 "Ah ok." nasabi ko na lang.                 "Punta ka ah!! panuorin mo ako sumayaw!" pagyaya nito. Medyo matagal pa akong nag-isip, pupunta ba ako?                 "Ah hindi ko  pa alam Josh eh." sagot ko  sa alok nito. Napasimangot si Josh sa sagot ko at nagpout ng lips at muling nag puppy eyes.                 "Sige na!! punta ka na!! tapos ikaw ang date ko!!" sabi sa akin Josh. WHAT?!! Ako daw ang date nya? Nahihibang na ba siya?!! Namula ako sa sinabi niya.                 "Huh? Ano na naman yang nasa isip mo! Siraulo ka talaga!" sabi ko dito.                 "Basta pupunta ka! susunduin kita sa inyo sa ayaw at sa gusto mo!" pagbabanta nito.                 "Whatever!! ano pa bang magagawa ko? hindi ko naman pwedeng tanggihan ang isang JOSH ANTHONY SARMIENTO!!" sabi ko na lang.                 "YES!!!" sigaw nito sabay ngiti sa akin at nginitian ko na rin siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD