Chapter 9 - Matteo's Life
Ryan's Point-of-View
Nung nagkausap kami ni Josh kahapon ay naliwagan na siya na hindi ako yung boyfriend niyang namatay, buti na lang at tanggap niya iyon at higit sa lahat ay tinanggap niya ako bilang kaibigan niya. At hindi lang iyon, tutulungan niya pa daw ako na makilala ko si Matt at sisimulan namin ito bukas. Nagkaroon kami ng plano na hindi pumasok dahil dadalhin daw niya ako sa lugar kung saan sila unang nagkita ni Matt.
Hindi ko sinabi kay Mommy na hindi ako papasok, alam nyu na, baka pagalitan ako kapag nalaman niya na aabsent ako dahil lang sa gusto ko makilala si Matt. Alam ko na masakit pa para sa kanya yung nangyari kay Matt mas lalo na at wala ito sa tabi nito nung nangyari yun.
Maaga akong nagising para ako naman ang magluto ng agahan namin ni Mommy, gusto ko kasi siya surprisahin kaya ipagluluto ko siya. Hindi ko naman lagi ginagawa ito, ngayon lang talaga kasi gagawa ako ng kasalanan. Maya maya pa ay bumaba na si Mommy.
"Oh!! bakit ang aga mong nagising?" tanong nito sa akin.
"Ah eh, pinagluto ko po kasi kayo ng agahan! good morning mommy!!" pagbati ko sa kanya sabay kiss sa pisngi nito.
"Good Morning din, wow ang sweet naman ng anak ko!!" sabi nito as akin sabay pisil sa pisngi ko.
Hindi ako sumabay kay Mommy na kumain, sabi kasi ni Josh na sa cafeteria kami kakain ng agahan kaya nung pagbaba ni Mom ay nagpaalam na akong aalis. Ok lang naman daw sa kanya kasi ang paalam ko ay may gagawin kami sa school kaya kailangan kong pumasok ng maaga.
Nauna akong dumating sa cafeteria, kasi naman, super excited ako, matagal curious lang talaga kasi ako sa kapatid ko at paano niya napaibig si Josh, kasi sabi sa akin Rena ay kung ano daw ang ikinagwapo niya ay ayun naman daw ikinasuplado nito.
"Uy Ryan!!" pagtawag ni Josh sa akin.
"Uy!! Good Morning sayo!" pagbati ko sa kanya.
"Good Morning!!" pagsagot naman niya.
"Ano ready ka na?" tanong niya sa akin.
"Ready na ako!" sabi ko naman.
Ayun na nga at umalis na kami, pumunta kami sa parking lot kung nasaan yung kotse niya, hindi ko pa alam kung saan ako dadalhin nito pero may tiwala naman ako sa kanya. Nag-uusap kami sa kotse, pinag-uusapan namin yung tungkol sa akin kasi nakucurious din daw siya akin kaya yun, nasabi niya rin sa akin na natakot daw siya kasi akala niya minumulto siya ng kapatid ko tapos ako lang pala yung nakikita niya.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isang eskwelahan, pumasok kami sa loob, noong una hinarang kami ng guard pero nung nakita nila si Josh ay pinapasok kami agad.
"Nandito na tayo." sabi nito sa akin.
"Anong meron dito?" tanong ko sa kanya.
"Dito kami unang nagkita ni Matt." sabi nito.
Kinuwento nito sa akin yung mga nangyari sa kanila noong unang nagkita sila, binubully niya pala ito, sinabi niya rin na nung minsan na inaapoy ng lagnat si Matt ay siya ang nagdala sa clinic, nakokonsensya daw kasi sya kasi akala niya sya yung mga kasalanan. Dun na daw nagsimulang madevelop yung feelings niya para kambal ko. Dumaan din kami sa room kung saan sila nagkaklase dati, lagi niya daw sinasalubong si Matt dati kapag darating na ito.
Pumunta din kami dun sa building kung saan ginanap yung kasalan nila, doon lang sa mismong spot pero nung foundation day daw nila ay bonggang bongga yung decoration noon. Bago kami umuwi ay dumaan kami sa faculty office ng mga Seniors, teka? tama ba ito? baka magulat sila kasi baka akalain nila ako si Matt.
Ayun nga at pumunta kami doon, sabi kasi ni Josh gusto niya kamustahin yung mga teachers nila, habang naglalakad ay nasabi niya sa akin na siya ang Valedictorian at yung kapatid ko yung Salutatorian. NICE!! ang talino pala ng kapatid ko!! ang layo sa akin!!
Pagpasok namin sa faculty office ay halatang nabigla ang lahat.
"SUS MIYO!!! TOTOO BA ITONG NAKIKITA KO!?" sabi ng isang matandang teacher na malapit sa pinto.
"Ah eh.." hindi ko na napatapos pa ang sasabihin ko dahil may biglang lumapit at pinisil-pisil ang pisngi ko.
"Teka!! pero di ba patay na si Matteo? Sino tong taong to? buhay na buhay oh." sabi nito sa akin habang kinukurot kurot pisngi ko. Tumingin na lang ako kay Josh at ngumisi lang ito. -_- mukhang sinadya niya ito ah.
"Ah eh, hindi po ako si Matteo, ako po si Ryan, twin brother nya po." sabi ko na lang.
Mukhang naliwagan naman sila sa sinabi ko, pagkatapos nun ay nagkwentuhan pa kami, sinabi kasi ni Josh na gusto kong makilala ang kapatid ko kaya nagshare naman sila ng story. Ayun nga't marami na akong nalaman tungkol sa kanya, napakalayo ng agwat ng pag-uugali namin, kung siya ay masipag, ayun naman ang ikinatamad ko.
"Tara kain na tayo!" pagyayaya ni Josh sa akin.
"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya.
"Diyan sa karinderya, dun kami lagi kumakain ni Matt, for sure magugustuhan mo doon." paninigurado nito sa akin.
"Sige sige." sagot ko na lang.
Lumabas na kami ng school pero hindi pa kami sumakay sa kotse niya, babalikan na lang daw namin dahil walking distance lang naman daw yun. Habang tinatahak namin ang daan ay pinayuhan niya akong magtago muna sa likod niya at ginawa ko naman. Pagpasok namin sa karinderya ay agad niyang tinawag yung matandang nasa counter.
"Lola Chiming!!" pagtawag ni Josh sa atensyon nito.
"AHHH!! Nandito ka na naman pala Josh!!! Buti at napadaan ka ulit, kumain ka na ba?" pagbati nito. Halatang kilalang kilala nito si Josh, the way pa lang ng pagpapakita nito ng concern.
"Lola may surpresa po pala ako sa inyo." sabi nito kay Lola.
"Eh ano ba yon ah? Ikaw ah! ano na namang pakulo yan?" sabi nito kay Josh.
"Ito po oh!" sabi nito sabay hila sa akin nang makita ako ni Lola Chiming.
Nanlaki ang mata ni Lola Chiming nung nakita ako, kita sa mga mata ni ang nagbabadyang luha na tutulo dito.
"Diyos ko!! Matt?!! Ikaw ba yan anak?!" tanong nito akin, sa reaksyon pa lang nito ay alam ko nang malapit na malapit dito ang kapatid ko.
"Ah eh, Lola, pasensya na po pero hindi ako si Matt? Ako nga po pala si Ryan, twin brother po niya." sabi ko. Napabuntong hininga si Lola Chiming at lumapit sa akin, bigla ako nitong niyakap.
"Patawad apo ah, miss na miss ko lang talaga yung batang yun, napamahal na rin kasi sa akin yun eh." sabay ni Lola Chiming.
"Oh sya sige, kung kakain kayo ay kumain na kayo, kahit wag na kayong magbayad." sabi nito sa amin.
Napangiti naman si Josh at inaya na akong umupo. Dito ko napag-alaman na si Lola Chiming ang umampon sa kapatid ko nung tinakwil ito ng Daddy namin, dun ko rin nalaman na naging malupit si Daddy sa kanya at lagi itong binubugbog,hindi ko maiwasang magalit sa daddy ko dahil sa ginawa niya kay Matt, kung ganun din lang pala ang gagawin niya ay sana ay hinayaan niya na lang si Mommy ang mag-alaga dito. Hindi ko na napansin na tumulo na pala ang luha ko dahil sa mga nalaman ko, laking pasasalamat ko na lang na nandyan si Lola Chiming noon para sa kapatid ko.
After ng kwentuhan ay nag-paalam na kami kay Lola Chiming, sabi niya sa amin ay dumalaw dalaw lang daw kami sa kanya minsan para maipakita niya rin yung mga naiwang gamit ni Matt.
"Ano? Marami ka na bang nalaman?" tanong ni Josh sa akin habang nakangiti.
"Oo, maraming salamat sa tulong mo." pagpapasalamat ko dito.
"Walang anuman, hindi pa tayo tapos, meron pa." sabi nito sa akin.
"Huh? Paanong meron pa." tanong ko dito.
"Hindi ko pa nasasabi sayo yung alala niya tungkol sa akin, tungkol sa pagmamahalan namin." sabi nito akin.
Nawala na yung ngiti sa mga labi niya, pero hindi ko alam na balak niya rin pala sabihin sa akin yung about sa relationship nila, siguro ay talagang gusto niya yung ishare para tulungan ako na mas makilala pa kung sino talaga ang kapatid ko, ang kapatid ko na minahal ni Josh.