Chapter 8 - Kaliwanagan

1283 Words
Chapter 8 - Kaliwanagan Ryan's Point-of-View                   Napakaboring ng araw na ito para sa akin, hindi kasi ako makapagfocus sa mga klase namin kakaisip sa ginawa ni Josh kahapon. It seems that  I enjoyed the kiss we shared, hahaha!! ang landi!! pero bakit ko to nararamdaman!!.                 After ng class ay napagplanuhan ko na kausapin si Josh, syempre with the support of my friends na sina Jacob at Rena. They told me na ang tambayan talaga ni Josh sa school ay sa roof top ng main building. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung pag-uusap namin ni Josh pero kailangan ko nang linawin ang lahat para makalaya na siya sa thought na gumugulo sa isip niya.                 5 ng hapon ng tinungo ko yung roof top, papunta ako pero super kabado na ako, nakakainis din kasi sina Jacob at Rena, sabi ay sasamahan daw ako pero iniwan din lang ako kasi kailangan daw namin ng solo moment ni Josh. So ayun na nga, nasa 5th floor na ako at isang floor na lang ay roof top na. DUG DUG DUG DUG DUG, grabe ang t***k ng puso ko, para sasabog. Dinerediretso ko na lang ang aking paglalakad nang biglang..                 BUUUUGG!                 May nabunggo akong isang tao.                 "Awww " sabi ko na lang, masakit talaga yung pagkakabunggo ko.                 Hindi pa ako lumilingon sa nabangga ko, sinubukan kong bumangon pero para atang mali ang pagkakabagsak ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking paa kaya naman muli akong napaupo.                 "Ok ka lang? Sorry huh?" sabi nung lalaki. Paglingon ko ay nanlaki ang mata ko.                 "Ikaw?!" sabi ni Josh sa akin.                 "Ah eh, sorry din pala." paghingi ko rin ng tawad dito. Ano ito!!? Hindi ko alam ang sasabihin ko. Then iniabot nito ang kamay niya sa akin. Inabot ko naman ito, ayoko namang magmukhang bastos. Tinulungan niya akong tumaya at inayos ko ang sarili ko.                 "Ah eh, Josh right? Pwede ba tayong mag-usap." yaya ko dito.                 "Sure?!" sagot nito na parang naguguluhan sa kung anong nangyayari.                 Inaya ako nito sa rooftop, sakto lang pala, pauwi na sana siya nung nabunggo ko siya, buti na lang naabutan ko pa.                 "Ah eh, you called me Matt yesterday right?" tanong ko sa kanya.                 "About dun, sorry nga pala sa ginawa ko, hindi ko kasi maexplain eh, pero  kamukhang kamukha mo talaga ang boyfriend ko." sabi nito sa akin.                 "Yeah I know, may nakapagsabi na rin sa akin na kamukha ko yung ex mo." sabi ko rin sa kanya sabay tingin sa kanya.                 "Huh? Ibig sabihin may nakakita na sayo na iba na akala din ay ikaw si Matt?" tanong nito sa akin.                 "Actually wala pa, it was you actually na unang nakakita sa akin, yung una kung hindi ako nagkakamali ay nung welcome party, sumunod sa waiting shed, sumunod ay yung nasa bench ka, noong una hindi  ko alam kung bakit tuwing nagkikita tayo para kang nakakita ka ng multo, then an idea hit me." sabi ko sa kanya, tumingin ako sa mga sapatos  ko.                 "So ikaw pala yung  nakikita ko noon, akala ko talaga minumulto ako ni Matt, eh ano pala yung idea na sinasabi mo." sabi nito sa akin, medyo napangiti sya, wow ang ganda ng ngiti niya!!                 "I know na mahirap itong paniwalaan pero, I am actually the twin brother of your boyfriend, kakambal ko si Matt." sabi ko kay Josh, na mukhang nabigla sa sinabi ko.                 "What?! but how did that happen? All I know is only child si Matt" sabi nito sa akin, mukhang gulat na gulat pa rin sa nalaman.                 "Mahabang kwento eh, pero I'll make it short" sabi ko sabay hinga ng malalim. "Nung baby pa lang kasi kami ay pinaghiwalay na kami ni mga parents namin after they got divorced, pinalaki siya ng Tatay ko then pinalaki ako ng Mommy ko, actually recently ko rin lang  nalaman yung tungkol sa kanya nung umuwi kami dito sa Pilipinas, kaya naman nung nagkita tayo, I thought na ganun nga, noong una akala ko close friends lang kayo pero nalaman ko na boyfriend ka ng kapatid ko." sabi ko sa kanya.                 "So ganun pala, akala ko talaga ikaw si Matt, pasenya na sa ginawa ko, hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko, tatlong taon na ang nakakaraan pero siya pa rin ang tinitibok ng puso ko." sabi nito sa akin.                 "Sorry din ha, kung bigla na lang akong dumating at parang napalala ko pa ata ang sitwasyon mo." paghingi ko ng tawad sa kanya.                 "Wala yun!! wala ka naman dapat ipagsorry dito eh, dapat nga ako kasi bigla na lang kitang hinalikan." sabi nito sa akin at napakamot ng ulot.                 "So can we be friends kung ganun?" tanong ko dito sabay abot ng kamay ko, ewan ko ba bakit ito ang biglang pumasok sa isip at lumabas sa bibig ko pero wala na eh, nasabi ko na.                 "Sure!" sabi niya sabay abot sa kamay ko then nagshakehands kami, ngumiti siya ulit, pero iba yung ngiti niya ngayon, para puno ng kasiyahan.                 "Ryan nga pala, Ryan Williams" pagpapakilala ko dito, nalimutan ko palang magpakilala.                 "Nice to meet you Ryan!" sabi ni Josh sa akin.                 Ayun nga't naging magkaibigan kami ni Josh, wow!! achievement na ito, gusto ko rin kasi makilala ng husto talaga si Matt, at sa tingin ko siya lang talaga ang makakatulong sa akin. Buti na lang talaga!! _____________________________________________________________________________________ Josh's Point-of-View                   Yung mga oras na iyon parang hindi ko mapigilan ang aking saya, oo, nalaman ko na hindi siya si Matt, pero parang may kung anong meron kay Ryan na hindi ko maintindihan, siguro'y dahil siya ay kakambal ng aking iniibig.                 Napagkasunduan namin na maging kaibigan, oo kaibigan lang, kamukha lang naman niya si Matt eh pero hindi siya yun!! Kay Matt pa rin tong puso ko. Tinanong niya ako kung pwede ko siyang tulungan na mas makilala niya pa ang kakambal niya na hindi niya pa nakita sa tana ng buhay nya, pumayag na rin ako kasi gagawin ko yun para din kay Matt, para makilala siya ni Ryan na twin brother niya.                 Umuwi ako sa condo ko na may ngiti sa akin labi, siguro sa pagdating ni Ryan ay matulungan ako nito na makamove on na rin sa pagkawala ng kapatid niya. Thank you GOD YES!!! Humiga na ako sa kama ko at muling tinignan yung mga singsing, hayysss, "Matty Baby ko!! miss na miss na kita!! I love you!!" sabi ko habang nakatingin sa mga singsing, feeling ko kasi ay nasa tabi tabi lang si Matt at binabantayan ako. KINABUKASAN                 Excited akong pumasok sa school, kasi ito yung first day sa napag-usapan namin Ryan na tutulungan ko siya na mas makilala pa yung kakambal niya, oo excited ako! wala namang masama di ba? Tutulungan ko lang naman yung kapatid niya.                 So ayun na nga at naligo na ako at nagbihis, tinext ko siya na sa sabay na lang kami kumain ng breakfast sa cafeteria at pumayag naman siya. After some preparations ay lumarga na ako, dinala ko yung kotse ko dahil dadalhin ko siya sa condo ko mamaya, ipapakita ko yung mga pictures namin ni Matt.                 Pagdating ko ng cafeteria ay nandun na siya agad, mukhang mas excited ata ito sa akin ah.                 "Uy Ryan!!" pagtawag ko dito.                 "Uy!! Good Morning sayo!" pagbati nito sa akin.                 "Good Morning!!" pagsagot ko naman.                 "Ano ready ka na?" tanong ko sa kanya.                 "Ready na ako!" sabi naman nito.                 Napagdesisyunan naming wag munang pumasok, may pagdadalhan kasi ako sa kanya, dadalhin ko siya sa school kung saan kami grumaduate ni Matt. Mukhang excited naman siya na pumunta dito. Kaya naman pinaharurot ko na agad yung sasakyan.                 Naisip ko rin si Lola Chiming, ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya si Ryan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD