Chapter 7 - How to make things clear
Josh's Point-of-View
ANO BA ANG NANGYAYARI SA AKIN?!!
Noong una akala ko minumulto ako ni Matt tapos kailan lang ay nakita ko siya, pero teka, siya nga ba talaga yun? Bakit hindi niya ako kilala? Baka naman may amnesia siya? Oo nga, pero patay na siya eh!!
Ginugulo pa rin ng nakita yung isip ko, sino ba siya talaga? Kung sya si Matt ay hindi naman niya siguro ako tatakbuhan, at kung si Matt yun, bakit ngayon lang siya nagpakita? Wala naman akong kilala na kapatid ni Matt kasi alam ko nag-iisa siyang anak.
Nilulong ko ang sarili ko sa alak, nagpunta ako sa isang bar kasama si Luke. Siya lang naman lagi kong pinagsasabihan ko ng nararamdaman ko. Buti na lang nandyan siya lagi kapag kailangan ko siya.
"Bakit ba kasi naglalasing ka na naman?" tanong nito.
"Gusto ko lang makalimot, gusto munang makalimutan ang lahat." sagot ko sa kanya. Medyo lasing na ako nito.
"Haist!! pwede ka naman makalimot nang hindi umiinom, kailangan mo lang tanggapin ang lahat." payo nito sa akin.
"Pero ang hirap pare eh, ang hirap, ewan ko ba kung bakit ako umaasa na buhay ba siya." sabi ko sa kanya.
"Patay na siya Josh, kailangan mong tanggapin yun kasi hindi ka makakamove on hanggang hindi mo siya pinapalaya." sabi nito sa akin.
"Paano ako makakamove on, ngayon pa!! ngayon pa na nakita ko siyang muli!!" sabi ko dito.
"Nakita? Sinong nakita mo?" tanong sa akin Luke na para nabigla sa sinabi ko.
"Si Matt!! nakita ko si Matt! buhay siya!! pero bakit parang hindi niya ako kilala!!" sabi ko sa kanya.
"Haist!! Lasing ka na nga talaga! tara na nga!! itulog mo na yan." sabi ko sa kanya.
"Hindi ako lasing." sagot ko, pero ang pakiramdam ko ay nakabigat na talaga, nakakaramdam na rin ako ng hilo. Maya maya pa ay bagsak na ako.
KINABUKASAN
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, hala!! nasaan ako?!! Chineck ko ang sarili ko. HAAAAAAAAYYY, nakahinga ako ng maluwag, may saplot pa rin ako. Tatayo na sana ako nung biglang bumukas yung pinto.
"Oh gising ka na pala!" sabi ni Luke sa akin. Blangko lang mukha nito.
"Ay oo, nasaan ako?" tanong ko kay Luke.
"Nandito ka sa bahay namin, lasing na lasing ka kasi kagabi!" sabi nito sa akin.
"Pasensya na pre huh?" pagpapaumanhin ko sa kanya.
"Wala yun!! ano ka ba? parang hindi tayo magkaibigan eh." sabi naman nito, nakangisi na.
"Sabi ko nga din" sagot ko tapos ngumiti.
Umuwi muna ako sa condo ko bago ako pumasok, dun na rin ako naligo. Hindi na ako nakapasok sa pang-umaga kong klase dahil late na rin ako nagising, hindi naman kasi ako ginising ni Luke, palibhasa pang hapon ang klase niya. Hindi ko alam kung makikita ko ulit yung taong kamukha ni Matt. Pero sana makita ko siya kasi gusto kong mapalapit ako sa kanya, nararamdaman ko kasi na may something sa kanya, na parang merong kung ano sa tao yun na related kay Matt.
Dahil late ako, isang klase lang ang napasukan ko, after pa noon ay nagkaroon kami ng dance practice dahil magkakaroon kami ng college fest at inimbitahan ang dance troupe na magperform sa isang programa nila.
Hapon na at bumalik ako sa roof top, gusto ko mapag-isa, wala din si Luke dito, sakto na lang kasi gusto ko muna mapag-isa, pero partly din umaasa ako na makita ko yung kamukha ni Matt dito, sana bumalik siya. Iniisip ko pa rin si Matt, muli kong tinignan yung mga singsing na simbolo ng aming pagmamahalan.
"Sana nandito ka pa at kasama ko." sabi ko na lang habang nakatingin sa kalangitan.
_____________________________________________________________________________________
Ryan's Point-of-View
Hindi ako makagetover sa nangyari sa amin ni Josh, grrrrrrr!!! bakit ganoon!!! Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap sa kanya, alam ko naguguluhan pa rin siya kung sino talaga ako dahil hindi ko nagawang linawin sa kanya ang lahat lahat. Gusto ko siya kausapin para mapalay siya sa thought na buhay pa si Matt at ako iyon.
"Ang lalim at ng iniisip natin diyan ah?" tanong sa akin ni Rena sabay tapik sa balikat ko.
"Ah eh.. kasi may mga bumabagabag sa akin" sabi ko na lang dito.
"Ano ba yun? baka matulungan kita!" sabi nito, sabay ngiti, ang cute ni Rena kapag ngumingiti, para siyang bata.
"But promise first na hindi ka gagawa ng mga nakakahiyang bagay bago ko sabihin sayo!" sabi ko sa kanya.
"Promise!!" sabi niya sabay taas ng kanang kamay.
"Kasi, nagkita kami ni Josh, at akala niya talaga ako si Matt! hindi ko alam ang gagawin ko, bigla ko siya tinakbuhan, gusto ko linawin ang lahat." sabi ko kay Rena, mukhang nagulat siya sa binanggit ko.
"WHHA.." sisigaw na sana siya pero bigla ko na lang tinakpan yung bibig niya dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.
"Kakapromise mo lang na hindi ka gagawa ng kahihiyan ah" sabi ko dito sabay alis ng kamay ko sa bibig niya.
"Ay sorry!!" paghingi ng tawad nito.
"So ano ba ang gusto niyang mangyari?" tanong nito sa akin.
"Gusto ko sana siya makausap ng masinsinan." sabi ko kay Rena.
"Edi kausapin mo!!" sabi nito sa akin.
"Parang madali naman iyon!!" sabi ko sa kanya.
"Sabi ko nga!!" sagot na lang nito.
"Puntahan mo kaya kung saan mo siya huling nakita!" biglang singit ni Jacob. Oo nga pala, nandito siya, hindi ko alam na nakikinig sya sa usapan namin, kanina pa kasi nakikinig sa music.
"Oo nga!! san nga ba kayo huling nagkita?" tanong naman ni Rena.
"Sa rooftop" sagot ko.
"AHhhh!! tama!! dun sila lagi tumatambay ni Luke!!" sabi ni Rena.
"Sinong Luke?" tanong ko kay Rena.
"Siya yung bestfriend ni Josh dito." sagot niya sa akin. Tapos tumingin ako kay Jacob, pero bigla nagbago yung mukha niya parang nawala siya sa mood.
"Tara na nga!! baka malate pa tayo sa susunod na klase!!" pagyaya nalang nito na mukhang nabadtrip ata.
Ano kayang meron?