Chapter 6 - Halik
Josh's Point-of-View
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kung sino ang nasa aking harapan. Yakap yakap ko ito at alam kong buhay na buhay, buhay na buhay si Matt. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya ngunit pansin ko na blangko pa rin ito. Sa sobrang sabik ko ay sinunggaban ko ang labi nito ngunit hindi ko naramdaman na binabalik nito ang aking halik sa kanya.
Medyo matagal din ang paghahalikan namin ngunit bigla na lang itong nagpumiglas at bigla akong itulak.
"Ano bang problema mo?" pasigaw nitong tanong sa akin na parang hindi ako nito kilala.
"Matt? Bakit hindi mo ba ako nakikilala?" tanong ko dito.
"Matt? Sinong Matt? Hindi ako si Matt!!" sigaw nito sa akin sabay takbo papalayo sa akin.
Hindi ko na napigilan pa ang paglayo niya sa akin dahil kahit ako sa sarili ko ay nabigla sa mga pangyayari. Ano bang nangyayari? Kung hindi siya si Matt bakit kamukha kamukha niya ito? Wala naman akong kilala na kapatid niya.
Labis talaga akong naguguluhan sa akin nakita, napaluhod na lang ako napatulala, bakit parang ang sakit, ang sakit ng nararamdam ko, bakit parang lalong gumuguho ang mundo ko nung nakita ko siya. Sino ba talaga siya?
_____________________________________________________________________________________
Ryan's Point-of-View
Nagstay muna ako sa rooftop ng school para makapag-isip isip, naguguluhan pa rin kasi ako, tuwing nakikita ko si Josh ay may kakaiba akong nararmdaman.
"Luke? Ikaw ba yan?" pagtawag ng isang tao na sa tingin ko ay nasa likod. Nagulat ako, kaya naman tumayo ako agad para humarap sa kanya.
Laking gulat ko kung sino ang nasa akin harapan ngayon, hindi pa ako handa na makaharap ang taong iniibig ng kapatid ko dahil alam ko na aakalain nitong ako sa Matt.
"Matt?" sambit nito, tama nga ang hinala ko, aakalain nitong ako si Matt.
"Ah?" hindi ko alam kung bakit ayan lang lumabas sa akin bibig, hindi ko rin kasi alam talaga kung ano ang aking sasabihin.
Maya maya pa ay lumapit na lang ito sa akin bigla akong niyakap, para akong estatwa noon, hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko, kinakabahan ako ng mga oras na iyon, sa isip ko ay gusto ko siya yakapin pabalik ngunit hindi ko magawa, nangunguna pa rin ang takot sa aking puso na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Ang hindi ko inaasahan na gagawin niya ay hinalikan ako nito. s**t!! ANO TO!!?? Nabigla talaga ko sa ginawa niya, ang lambot ng labi niya, sa mga oras na iyon ay parang mas gusto kong lunurin ang sarili ko sa kanya ang halik. Pero tama ba ito? Teka, hindi pwede ito.
Nung bumalik na ako sa aking ulirat ay nagpumiglas ako at tinulak ko si Josh.
"Ano bang problema mo?" pasigaw kong tanong sa kanya, alam ko naman na nabigla lang talaga siya pero sa sarili ko, hindi ko alam kung anong meron, naglalabo labo na ang emosyon sa akin.
"Matt? Bakit hindi mo ba ako nakikilala?" tanong niya sa akin.
"Matt? Sinong Matt? Hindi ako si Matt!!" sigaw ko sa kanya, totoo naman talaga na hindi ako si Matt, hindi ko kaya, hindi ko kayang harapin siya ngayon, hindi ko kayang harapin siya ngayon na sa tingin niya ay ako si Matt, hindi ko kayang makipag-usap sa kanya sa ganitong sitwasyon, ewan ko ba, para bang nakakaramdam ako ng selos, selos pero hindi ko alam kung anong dahilan.
Sa tingin ko ay nabigla din siya sa ginawa kong pagpupumiglas, tumakbo na ako palayo sa kanya, hindi ko pa kayang makita ang mukha niya ngayon, bakit ako nasasaktan? bakit parang ang sakit? Wala namang namamagitan sa amin para maramdaman ko ito. Siguro nga'y dahil nahulog na ang loob ko dito kahit na nakikita ko lang siya, siguro nga dahil sa nagawa niya yung bagay na iyon sa pag-aakalang ako ang namatay nitong kasintahan, siguro nga'y nasasaktan ako dahil nagseselos ako sa sarili kong kapatid.
Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko, habang tumatakbo palayo, alam ko pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakialam sa kanila. Ang importante ay makalayo ako. Pagdating ko sa bahay ay agad kong tinungo ang kwarto ko at hindi na nagpakita sa Mommy ko dahil panigurado ay kukulitin ako nito, wala akong oras na makipagusap kahit kanino, gusto ko lang ngayon ay ang mapag-isa.
KINABUKASAN..
Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kahapon, pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako para kumain ng agahan dahil maaga pa ang pasok ko. Nakita ko si Mommy na naghahain na ng pagkain.
"Mom" sabi ko dito.
"Oh good morning anak, hindi ka nagdinner kagabi ha" bati nito sa akin.
"Ah yes mom, natulog na kasi agad, pagod na pagod kasi ako kahapon." pagpapalusot ko dito.
"Sige na nga at kumain ka na, mukhang nasusubsob ka sa school ah, pero mas ayos yan, nang hindi ka gimik ng gimik" sabi naman nito. Totoo naman, simula nung pumunta kami dito sa Pilipinas ay nabawas bawasan na rin ang paggimik ko.
"Mom, paano kung may makita akong mga kaibigan ni Matt, sa tingin nyu, ano ang dapat kong gawin?" tanong ko sa kanya.
Mukhang natigilan ito sa kanyang ginawa, mukhang malalim at iniisip.
"Mom?" pagtawag ko dito.
"Ah eh sorry anak, ah ano na nga ulit yun?" tanong nito, parang hindi talaga alam ang sinasagot.
"Hayyz, nevermind!" sabi ko na lang.
Maaga ulit ako nakarating ng school pero sa pagkakataong ito ay nauna sa akin si Jacob. Nandito kami ngayon sa School Plaza, nakaupo sa isang tabi.
"Ah Jacob, nagkita na kami ni Josh kahapon." sabi ko dito.
"What? As in? anong nangyari?" tanong nito, halatang medyo naexcite.
"Ah eh, as expected, akala niya talaga ako si Matt" sagot ko dito.
"Eh edi sinabi mo sana hindi ikaw si Matt at ikaw yung kakambal niya." sabi nito.
"Eh paano ko sasabihin, hayzz!! kasi naman eh!!" sabi ko kay Jacob habang iniisip yung nangyari sa amin ni Josh kahapon sa rooftop.
"Bakit? Teka, parang may iba pang nangyari kahapon ah." sabi nito sa akin, halata sa kanya nya na may gusto pang malaman.
"Nagulat na nga lang ako sa ginawa niya eh." sabi ko habang nakayuko, medyo nahihiya ako sa nangyari.
"Bakit ano bang nangyari?" tanong niya.
"Hinalikan niya kasi ako, and take note, hindi basta halik, hinalikan niya ako sa labi." sabi ko.
"What!!? Alam mo ba yang sinasabi mo? Hinalikan ka niya talaga?" sabi ni Jacob na halatang nabigla sa sinabi ko.
"What do you expect? akala niya ako si Matt." sagot ko na lang dito.
"Hindi mo man lang siya pinigilan?" tanong ulit nito at medyo parang pinoproblema pa yun.
"Eh kahit nga ako nabigla eh, hindi ko naman alam na gagawin niya yun." sabi ko na lang.
Ilang saglit din lang ay dumating na si Rena, hindi na rin namin tinuloy yung pag uusap dahil alam namin na baka bigla na namang mag ingay itong si Rena na parang nakalunok ng mic kapag nagugulat mas lalo na kapag si Josh ang pinag uusapan.