Chapter 5 - Multo ng Kahapon
Ryan's Point-of-View
"WHAT!!?? KAKAMBAL MO SI MATT!" sigaw ni Rena sa akin habang kami ay nasa cafeteria. Tinakpan ko ang bibig nito dahil sobra talaga ang ingay, pinagtitinginan na kami ng mga estudyante kasi kanina pa siya.
"ANO KA BA! HINDI MO NAMAN KAILANGAN IPAGSIGAWAN!!" inis kong sabi kay Rena.
"Sorry naman daw!! nakakabigla naman kasi yung revelation!! wala kasing nakakaalam na may kakambal pala siya, pero in fairness, kung titignan, mukhang mas maporma ka kaysa sa kakambal mo." sabi ni Rena sa akin.
"Sira!! wag ka ngang ganyan!! patay na yung tao kaya wag mo ikukupara sa kapatid niya." sabi ni Jacob sabay batok dito.
"ARAY HA!! kanina pa kayo!!" reklamo ni Rena sa amin.
"Hayz!! tara na nga baka iba pang eskandalo ang magawa ni Rena dito." pagyaya ko naman sa kanila.
Medyo hindi naging normal ang araw ko na ito, lagi ko kasing iniisip si Josh, mas lalo na nung nalaman kong boyfriend siya ng kapatid ko. HaisstT!! hindi ko maintindihan, parang meron sa akin na hindi ko mailpaliwanag!! bakit lagi siyang nasa isip ko, baka iba na lang ang naramdaman kong awa nung nakita ko siyang malungkot at malalim ang iniisip.
Gusto kong magpahangin, gusto ko mapag-isa, sa tingin ko naman ay may isang lugar dito na pwede kong pagtambayan malayo sa ibang tao. Dali dali akong umalis pagkatapos ng last class namin, 4 pa lang ng hapon pero napagdesisyunan kong wag muna umuwi.
"Try ko kaya tumambay sa rooftop, siguro naman walang tao dun." sabi ko sa sarili ko. Kaya naman napag-isipan kong pumunta sa rooftop.
_____________________________________________________________________________________
Josh's Point-of-View
Tuliling pa rin ata ako hanggang ngayon, simula nung nakita ko si Matt nung nagperform kami ay hindi niya siya maalis sa isip ko. Medyo natatakot na rin kasi siyempre, malay ko ba kung minumulto niya ako. Naaalala ko pa noong huli kaming magkita bago kami pumunta sa Australia. Yung gabi na sinabi niya na mahal na mahal niya ako bigla siyang nawala, yung time na hindi ko alam na patay na pala siya noong oras na iyon. Binigyan ako noon ng goosebumps. Haisst!!
Hindi ko pa rin maunawaan at bakit bigla bigla na lang niya ako minumulto ngayon. Kaya naman kinausap ko si Luke na bestfriend ko habang nasa bus kami pauwi. Actually nakita ko na naman si Matt dun sa bus stop, ano ba talaga problema niya?
"Tol! sa tingin mo, bakit kaya laging nagpapakita si Matt sa akin this past few days?" tanong ko dito.
"Baka gusto ka lang nya magmove-on, ikaw naman kasi, hindi ka makaget over" sabi nito sa akin.
"Kasalan ko bang mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon?" pagdadahilan ko naman dito.
"Haist.. or gusto niya sumunod ka na sa kanya?!" sabi naman ni Luke na parang nananakot.
"OGAG!! siraulo ka talaga!" sabi ko kay Luke sabay batok dito.
Tumawa na lang siya nung ginawa ko yun, hindi ko alam kung ano ang meron dito at bigla na lang sinabi yun, mas lalo niya akong tinatakot.
Pagdating ko sa condo ko ay agad na akong nahiga sa kama ko, pagod na pagod na kasi ako at wala nang oras para magshower pa. Tulala lang ako at nakatingala sa kisame. Matt!! Matt!! Matt!! Ano ba talaga ang gusto mong ipahiwatig!!
MONDAY
Panghapon pa ang klase ko pero napag-isipan kong pumunta na sa school, wala din naman kasi ako gagawin sa condo ko dahil mag-isa ko lang doon. mga 9 na ng umaga nang makarating ako sa school. Umupo muna ako sa isang bench sa tapat ng Main Building kung saan nagkaklase ang mga IT students. Tulala lang, dahil sa pagpapakita sa akin ni Matt ay lalo ko siyang namimiss, lalo kong gusto siyang hagkan.
Maya maya pa ay napansin ko na parang may nakatingin sa akin kaya lumingon ako sa taas.
O_O
Nagulat na naman ako sa aking nakita, muli, mukhang minumulto ako ni Matt, tinignan ko siya alam ko na malapit ng tumulo ang luha ko dahil talagang miss na miss ko na siya. Diretso na lang din ang tingin niya sa akin, hinihiling ko na ngumiti siya dahil miss na miss ko na ang kanyang mga ngiti. Nawala lang ang focus ko sa kanya nang bigla akong lapitan nila Andrew at Adrian, yung kambal kong kaklase dati nung high school, hanggang ngayon kaklase ko sila, at actually, fan namin sila Matt sa aming relasyon dati.
"Sinong tinitignan mo dyan?" tanong sa akin ni Adrian.
"Ah Eh" sabi ko bago tuluyang sumagot, pagtingin ko ulit dun sa kinalalagyan ni Matt kanina ay wala na ito. Mukhang totoo, nagpaparamdam siya, ano ba yan Matt!! tinatakot mo ba ako?
"Wala!! wala!!" pagpapalusot ko kila Adrian.
"Tara dun na lang tayo sa dance studio tumambay, mas malamig dun." pagyaya sa amin ni Andrew.
"Tara!" sagot naman ng kakambal niya.
Sumama na lang ako sa kanila para naman medyo maging busy ako at hindi ko muna maisip si Matt.
HAPON..
Pumunta muna ako sa Faculty office ng IT para magsubmit ng assignment, hindi ko kasi ito naipasa nung last dahil sa preparation para sa welcome party, ang tino naman kasi nitong instructor, ang aga aga nagbibigay ng assignment. Kaya yun, nasa office ako ngayon at hinihintay ang pagdating niya. Nakatingin lang ako sa one way na bintana, yung tipong sa labas akala mo salamin pero sa loob ay kita ang mga nasa labas. Gusto ko kasi pagtripan yung mga nagsasalamin.
Diretso lang ang pagtitig ko nang mahagip ng mata ko ang isang tao na paparaan. Teka, totoo ba to? Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, ewan ko rin kung bakit hindi ako makagalaw kahit na gustong gusto kong lumabas at salubungin siya. Diretso lang ang tingin ko hanggang umabot siya sa may pinto. Dun lang ako nagkalakas ng loob na gumalaw at tumakbo papunta sa pintuan. Sumakto naman na nakasalubong ko si Mr. Perez na pagpapasahan ko ng assignment.
"Oh Mr. Sarmiento, di ba magpapasa ka ng assignment?" tanong nito sa akin.
"Opo sir, pero wait lang, may kailangan lang po ako habulin" paalam ko dito.
"Ok, come back immediately." paalala naman nito.
Kaya naman tinungo ko agad yung direksyon na pupuntahan ni Matt, ewan ko ba, feeling ko buhay na buhay siya nung nakita ko siya nung hapon na iyon. Hindi ako magkakamali na siya nga talaga ang nakita ko. Pumunta ako sa hagdan, nagbabakasaling makikita ko ngunit wala, dumungaw ako sa corridor para kung tignan kung dadaan siya sa field pero wala. Tinignan ko rin yung mga rooms kaso wala namang mga tao. Wala, hindi ko siya nakita, siguro nga ay namamalik mata lang ako.
Bumalik ako sa office para ipasa na yung assignment ko. After noon ay napag-isipan ko munang magmuni-muni at pumunta sa rooftop, tambayan kasi namin ni Luke yun, alam ko rin naman na wala dun si Luke dahil nagpaalam itong uuwi ito ng maaga.
Umakyat na ako sa rooftop, dating pwesto pero nabigla ako, hindi ko inaasahan na may ibang tao dito. Nakatalikod ito sa akin, hindi naman pwedeng si Luke yun dahil hindi ganun ang ayos ng buhok ni Luke. Nakatayo ang buhok niya hindi tulad ng kay Luke na medyo bagsak. Lumapit ako sa kanya.
"Luke? Ikaw ba yan?" tanong ko dito. Gumalaw ito, nagulat at sa pagtawag ko. Tumayo muna ito bago tulungan humarap sa akin.
Pagharap nito sa akin ay para akong binuhusan ng malamig na tubig, bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung ano ang tamang reaksyon ang aking gagawin, matutuwa ba ako o malulungkot sa nakita ko. Ramdam ko na tuluyan nang tumulo ang luha ko mula sa aking mga mata.
"Matt?" tanging nasabi ko na lang, ngunit mukhang nagulat din ito nung nakita ako nito.
"Ah?" sabi na lang nito, mukhang hindi alam yung sasabihin niya.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at nilapitan ko siya at biglang niyakap ng mahigpit.