Chapter 4 - My Twin Brother's Boyfriend
Ryan's Point-of-View
Medyo tuliro pa ako nung last night, kasi naman si Josh, hindi maalis sa isip ko. Tuwing iniisip ko siya parang bumibilis ang t***k ng puso ko, ngayon ko lang naramdaman to. Ano kaya meron sa kanila ng kambal ko? siguro super close sila or magbest friends sila kaya ganun na lang kung makatitig sa akin noong huling time na nakita ko siya. Siguro ngayon ay akala niya pa rin ay minumulto siya ng kakambal ko.
Nung gabing yun ay nakitulog ako kila Jacob pero umuwi din ako ng maaga, nag-aalala din kasi ako kay Mommy kaya naman umuwi ako ng maaga. Pagkauwi ko ay nagluluto na siya ng agahan.
"Good morning mom!!" pagbati ko dito.
"Good morning anak!!" sagot naman nito. "Upo ka muna dyan, maluluto na tong agahan tapos kain na tayo." sabi nito sa akin.
"Sige po." umupo na lang ako habang pinagmamasdan si mommy habang nagluluto.
Sabay na nga kaming kumain ni Mommy, after kumain ay umakyat na ako tapos itinuloy ko yung pagtulog, hindi kasi ako nakatulog agad kakaisip kay Josh. Sana maging kaibigan ko siya, kasi kung kilala niya si Matt, malamang ay marami itong maikukwento tungkol sa kakambal ko, gusto pa kasi makilala ang kapatid ko kahit pumanaw na ito.
MONDAY..
Dating routine naman pero mas maaga akong pumasok ngayon, trip ko lang gawin para pagbabago, gusto ko kasi gulatin sila Rena at Jacob. Mukha namang hindi ako nabigo dahil nauna ako sa kanila. Laking gulat lang nila nung nakita ako na mas nauna.
"Wow huh? Ang aga natin ngayon ah!!" sigaw sa akin ni Rena na parang walang pakialam sa mga kasama namin sa room.
"Bakit? Anong gusto mo? Malate na naman ako!?" tanong ko dito na may halong biro.
"Ito naman!! syempre nakakapanibago!" sabi nito sa akin sabay tapik sa braso.
Aww!! medyo masakit yun ah!! may pagkapasakit din kasi tong si Rena, buti na lang talaga ay nakakatagal sa kanya si Jacob. Maya maya pa ay nagsimula na yung klase namin, wala akong problema dito kasi speech improvement, since sanay na sanay ako mag-english eh hindi talaga ko nahihirapan, naging close ko pa nga yung Prof namin dahil ang fluent ko daw sa english.
Nung natapos ang klase eh nagrush na kami agad sa next class namin, actually my 30 minutes pa kaming vacant nun pero mas maganda nang pumunta dun kasi unahan sa upuan. So pagdating namin dun ay wala pa ngang klase, wala na rin nagkaklase kaya pumasok na kami. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at ginusto kong lumabas saglit. Iniwan ko yung bag ko sa upuan at pinabantayan to kay Jacob na busy na nakikipagkwentuhan kay Rena. Paglabas ko ay tumambay ako sa may bandang grills ng corridor sa 3rd floor ng building kung nasaan kami ngayon. Pagdungaw ko sa baba ay nakita ko si Josh, malalim ang iniisip, nakaupo ito sa isang bench malapit sa building na kinaroroonan ko. Kaya yun, pinagmasdan ko rin siya, parang may kakaiba ako ng nararamdaman sa kanya, parang gusto ko siyang lapitan at kausapin.
Maya maya pa't bigla itong tumingin kung nasaan ako naroroon, para akong bihusan ng tubig nung nagkatitigan kami, pero tulad ng dati ay para na naman itong nakakita ng multo. Perks of having a dead twin brother. Hindi ko alam yung gagawin, para akong nahihiya na ewan, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Naalis lang yung tingin niya nung bigla siyang lapitan ng dalawang lalaki, mukhang mga kabarkada niya rin, pagkaalis na pagkaalis niya ng tingin sa akin ay dali dali akong bumalik sa loob ng classroom. Para kasing nahihiya talaga ako kapag nagkikita kami.
"Oh, bakit para atang nagmamadali kang bumalik?" tanong sa akin ni Jacob.
"Ah eh, basta!! hehehe" sabi ko na lang.
"Woooh!! May tinatago ka eh!!" sabi naman ni Rena, halatang nag-aasar.
"Wala nga!!" reklamo ko. Pero sa totoo lang, mayroon talaga.
Ayun nga at tinigilan na nia yung pangungulit sa akin. Hindi nakapasok yung instructor namin para sa second subject kaya naman ay napagdesisyunan naming tumambay na lang sa cafeteria. Hindi ko lang alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong nagtanong tungkol kay Josh, at syempre, sino pa ang tatanungin ko, syempre si Rena.
"Uy Rena, may tanong ako." sabi ko sa kanya.
"Oh ano naman yun?" sagot naman nito.
"Gaano mo kakilala si Josh?" tanong ko sa kanya pero seryoso yung mukha ko kaya seryoso naman siyang sumagot.
"Eh, hindi ko alam eh,bukod sa school mate ko siya nung high school eh alam ko super broken hearted yan hanggang ngayon." sabi nito sa akin.
"Broken hearted? bakit naman?" tanong ko dito.
"Wag mo ipagsasabi ah pero walang bumabanggit nito dito, nagkaroon kasi sya ng boyfriend nung 4th year high school siya." sabi sa akin ni Rena.
"WHAT? AS IN BOYFRIEND TALAGA?!!!" tanong ko dito, nagulat ako sa sinabi nito, hindi ko ineexpect na ganun pala si Josh.
"Oo kaso namatay yung boyfriend nya hapon nung graduation nila. Ang masakit pa dun, one na ang nakalipas nung nalaman niya yun." sabi nito sa akin. Parang naawa ako kay Josh noong oras na iyon, siguro sobrang sakit talaga nung naranasan niya nung oras na iyon.
"Sino naman yung boyfriend niya?" tanong ko kay Rena.
"Bakit ba parang interesadong interesado ka? siguro crush mo si Josh no?" pang-aasar sa akin ni Rena.
"Hindi no!! curious lang talaga ako tungkol sa kanya, sagutin mo na kung sino yung naging boyfriend niya." tanong ko dito.
"Hmmh, ang pagkakaalala ko eh tinatawag nila itong Matt, hmmh ayun!! Matteo Sevilla!" sabi sa akin ni Rena. Paran akong sinaksak at nakaramdam ng lamig sa batok ko nung binanggit niya yung Matteo Sevilla. Kung yun talaga ang sinabi niya ay ibig sabihin ay nakarelasyon nito ang kakambal ko.
"Alam mo bang sikat na sikat sila noon? Paano ba naman kasi, after manalo ni Josh sa isang pageant eh pinakasalan niya si Matt sa wedding booth." kwento naman nito.
"Pero yung Matteo ba may pagkakataon na nakita mo yung mukha nito?" tanong ko dito.
"Hmmmh teka alalahanin ko, nakita ko siya nung kasal nila eh, kasi nasa bandang harapan ako." sabi nito sabay titig sa akin. Parang bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang itsura.
"OMG!! Teka? bakit ngayon ko lang napansin to?" sabi nito. Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at sinuri ito, pinisil pisil niya pa ito.
"AAAAAAHHHHH!!! " napatili ito kaya napatingin sa amin yung ibang mga estudyante.
"Uy!! ang ingay mo!! nakakahiya oh!!" pagsaway sa kanya ni Jacob. "Bakit ba nagbigla ka na lang nagtititili diyan?" dugtong pa nito.
"Paano kasi!! Paano kasi!! Paano kasi!!" parang hirap itong sabihin yung gusto niyang sabihin. Binatukan ko siya nang matauhan.
"Aray ha!! kung makabatok eh." reklamo nito.
"Ano na kasi!?" tanong ko dito inis na inis kong tanong.
"Kamukhang kamukha mo kasi si MATT!!" sabi nito sa akin sabay hinga ng malalim.
Wow!! totoo nga, confirmed!! yung naging boyfriend nga ni Josh ay yung kakambal kong si Matt. Pero paano pa ako lalapit sa kanya, baka mas masaktan pa siya kung makikita niya ako. Baka mas maalala niya yung sakit ng pagkawala ng kapatid ko.
Haayyss!! Ano kayang gagawin ko!! Feeling ko kasi may kakaiba na akong nararamdaman para sa kanya!!!