Chapter 3 - Twin Brother

1516 Words
Chapter 3 - Twin Brother Ryan's Point-of-View                   Hindiko lubos maisip ang totoong dahilan ni Jacob kung bakit bigla niya kaming hinila paalis, tila ba takot na takot ito sa maaaring mangyari. Wala naman na kami nagawa ni Rena kaya sumama na lang kami sa kanya, una naming hinatid si Rena, then sumunod naman ako.                 I got home early, medyo inis lang ako kasi gusto ko pa sana magtagal dun pero pinabayaan ko na lang, napansin ko talaga kasi na may something kay Jacon pero hindi pa sinasabi, siguro ay tatanungin ko na lang siya about dun tomorrow, may lakad din kasi kami. KINABUKASAN..                 My Mom woke me up early kasi may pupuntahan daw kami, hindi naman nito sinabi kung saan. So I just foller her orders na maligo na ako at bumaba para kumain ng agahan. Usually hindi naman niya ako ginigising kapag weekends kasi alam nyang sinusulit ko lagi ang tulog ko.                 So I went to bathroom at naligo, pumunta sa kusina para samahan si Mommy na kumain.                 "San po ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya sabay subo sa sandwhich na inihain niya.                 "Pupunta tayo sa sementeryo anak." sagot naman nito.                 "Sino naman dadalawin natin dun?" tanong ko sa kanya.                 "I told you that you have a twin brother right? And I already told you that he already passed away." sabi sa akin ni Mommy. Oo nga, naalala ko nung sinabi niya sa akin na may kakambal ako sa Pilipinas pero namatay na ito 3 years ago dahil sa isang aksidente. Actually, yung asawa ni Mommy na si amerikano ay hindi ko talaga ama, my mother and my real father decided na maghiwalay na at napagdesisyonan nilang paghiwalayin kami ng kambal ko, I don't actually remember anything about him since we're still a baby nung pinaghiwalay daw kami. At ayun nga, we grew up in far away to each other, kailan ko din lang nalaman yung tungkol sa kanya nung nagbalak na si Mommy na pumunta dito sa Pilipinas para manirahan. I also asked her about my real dad and she told me na patay na rin daw ito matagal na.                 After eating breakfast, umakyat na ako sa kwarto ko to dress up. Ilang sandali lang ay tinawag na rin ako ni Mommy, siya din kasi yung magmamaneho papuntang sementeryo. Syempre, dumaan muna kami sa isang flower shop, gusto sana ni mommy ng white rose pero my nakabili na daw nung last bouquet kaya tulips na lang ang binili namin.                 Nagdrive na ulit siya papuntang sementeryo. Medyo traffic kasi late na rin kasi in the morning, madami na ang sasakyan sa kalsada. Medyo annoying lang kasi I really hate traffics. Oras din ata ang tinagal namin sa byahe bago pa kami nakarating ng sementeryo kung saan nakalibing yung kakambal ko. Pagdating namin sa puntod niya ay napansin namin na may nag-iwan ng isang bouquet ng white roses sa kanya.                                  "Oh, mukhang may bumisita na sa kanya dito ah." sabi ko kay mommy.                 Hindi naman na ito nagsalita at inilagay yung bulaklak sa puntod ng kapatid ko. Matteo Robert Sevilla, ayun yung nakalagay sa puntod niya. Iniisip ko paano kaya kung nagkaroon kami ng pagkakataon na makasama ang kakambal ko, magiging magkasundo kaya kami? Ano kaya itsura niya? Kamukhang kamukha ko kaya siya. Daming tanong sa isip ko at nanghihinayang din ako sa kapatid ko dahil maaga itong namatay.                 Tinignan ko si Mommy, para bang may gumugulo sa isip niya at tumutulo ang mga luha nito.                 "Mom? Are you ok?" tanong ko dito.                 "Ah yes anak wag mo akong alalahanin." sabi naman nito.                 "Then why are you crying?" tanong ko sa kanya na may pag-aalala.                 "Ah kasi naiisip ko lang kung buhay sana yung kapatid mo baka magkasama kayo ngayon at iniisip ko rin na kung sana ay hindi na ako pumayag na paghiwalayin kayo eh baka buhay pa siya hanggang ngayon." sabi nito sa akin, bakas sa kanya ang lungkot kaya naman niyakap ko lang si Mommy at hinayaan ibuhos nito ang lungkot na nadarama.                 Late afternoon na rin nung nakauwi kami ni Mommy, alam ko pagod siya ngayon at medyo malungkot kaya inalalayan ko siya hanggang sa room niya. Nagpaalam ako sa kanya na magkikita kami ni Jacob tonight so baka hindi ako makauwi, pinayagan naman niya ako at hinayaan ko na siyang matulog. Before I leave, inihanda ko na yung kakainin niya for dinner nang hindi na siya magluto, nag-iwan na rin ako ng note sa kanya.                 Actually ay gigimik kami ni Jacob ngayong gabi, masaya naman ako kasi pinaunlakan niya yung invitation ko, medyo bored na kasi talaga ako at namiss ko nang makipagparty party!!. We decided na magkita na lang sa isang mall kasi sabi niya may bibilhin pa daw siyang ilang mga bagay. So dun nga, sa starbucks kami nagkita, well, niyaya niya muna akong magkape bago dumiretso sa inuman, pumayag naman ako kasi I think it's the perfect timing para matanong ko sa kanya kung ano yung nangyari kagabi at bakit nagmamadali siyang umuwi.                 Noong una ay ayaw ayaw niya pang sabihin kung bakit, pero dahil sobra akong mapilit ay nalaman ko na may kinilaman ito sa lalaking nagngangalang Luke, bestfriend ito ni Josh, noong una daw ay hindi niya alam na si Luke ang nasa harapan namin nung gabing yun, pero nung kinawayan na ito ni Josh, doon nya napagtanto na siya nga talaga iyon kaya hinila na niya kami ni Rena. May something pala sa kanila pero hindi ko na inusisa pa, hindi pa kasi kami super close ni Jacob para uklatin pa ang nakaraan niya.                 After drinking coffee eh dumiretso na kami sa bar na pupuntahan namin, maganda doon kasi active lahat ng tao, nakawild nila, we started to drink pero mild lang, ayaw ko din kasing magpakalasing masyado kasi nakakahiya sa parents ni Jacob kasi mag-sstay ako sa kanila ngayon gabi. Nagpunta kami ni Jacob sa dance floor para sumayaw, syempre naman kailangan naming sulitin yung oras na iyon. May mga lumalapit na nakikipagflirt sa akin pero I turn them down, ewan ko ba, wala pang tao ang nakakapukaw sa aking paningin dati pa.                 "Are you enjoying?" tanong sa akin ni Jacob sa malakas na boses, halos hindi na kasi kami magkarinigan.                 "Yeah!! I really miss doing this!!" sagot ko sa kanya.                 Todo sayaw lang kami, then nung napagod na ay naisipan na naming umupo at muling ituloy ang pag-iinuman. Lights lang yung iniinom namin para hindi kami tamaan agad. Noong medyo nakarami na ay napagdesisyunan namin na umalis. We're walking now papunta sa sakayan, then noong malapit na kami sa waiting shed ay bigla na lang nagsalita si Jacob.                 "s**t! I really need to pee!" sabi nito.                 "Dyan ka na lang umihi sa tabi." sabi ko sa kanya.                 "Hell no!! Hindi ako sanay umihi kung saan saan!!" sabi nito sa akin.                 "Whatever!!" sagot ko na lang.                 "Just wait for me here, ok?" sabi naman nito at tumango na lang ako.                 Tumayo na lang ako malapit sa waiting shet while waiting for Jacob, siguro naman hindi siya matatagalan kasi malapit lang yung bar na pinanggalingan namin. Para hindi mabore ay tumingin ako sa mga bus na dumadaan at humihinto sa bus stop. Then one bus really caught my attention, not the bus itself but one of its passenger.                   Kung hindi ako nagkakamali ay si Josh ang nakita ko, pero ang pinagtataka ko lang ay nung tinignan niya ako ay parang nakakita siya ng multo. It's the second time na tinignan niya ako ng ganun, then it hit me, I realized that I might meet some of my twin brother's friend here in Manila, kaya naman siguro nung nakita ako ni Josh ay para siyang nakakita ng multo at baka akala ni nito ay ako si Matt.                 Hindi nito inalis ang tingin sa akin,ako din naman ay tinitigan ko lang ito pero blangko lang ang mukha ko, hindi ko siya nginitian o kung ano pa man, pansin ko na parang naggigilid ang luha niya. Bakit kaya? Siguro malapit na malapit siya sa kakambal ko. Naalis lang ang titig ko sa kanya noong umalis na yung bus, at sakto namang pagdating ni Jacob.                 "Hoy Ryan tara na." pagyaya nito sa akin.                 "Ok" sagot ko na lang at sumama na ako sa kanya.                 Sumakay kami ng jeep dahil malapit lang naman yung village kung saan sila nakita, magtatricyle na lang daw kami pagdating doon kasi meron naman daw na nagbabyahe.                 We reached Jacob's house at dumiretso na kami agad sa kwarto niya, malaki naman yung kwarto niya, pati na rin yung kama, so pwede kaming magtabi. I removed my jacket at tanging shorts at white tshirt na lang ang natira, pareho din naman si Jacob and we decided to call it a night at natulog na kami.                 Before man ako nakatulog ay iniisip ko pa rin si Josh, siguro nga'y kilala talaga nito ang kapatid ko kaya ganun na lang ang pagtitig nito sa akin, yung titig ba na para syang nakakita ng multo. Paano pa kaya kapag nagmeet na talaga kami yung as in magkaroon kami ng conversation, awkward moment kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD