BLURB :
"Hoy! Ano'ng ginagawa mo?"
Malakas niyang sita sa akin.
"Nagdadasal. Bakit, masama ba?" nakakunot ang noo kong tugon.
" Ano'ng pinagdadasal mo?" tanong niya muli at halos mag-isang linya na ang kanyang kilay.
"Pinagdadasal ko na sana, pakawalan mo na ako at pauwiin mo na ako sa 'min," mahina kong tugon.
"Huwag 'yan! Iba na lang."
Tagpo ang kilay ko nang bumaling ako sa kanya.
"E, ano ba?"
"Ibang dasal na lang. 'Yung hubo't hubad tayong pupunta ng langit." nakangisi niyang sagot.
"Gago! Magsolo ka!" malakas kong singhal at parang natututong na ang mukha ko sa sobrang init.
Pero ang bastos na 'to, mukhang tuwang-tuwa pa dahil halos mamamatay na siya sa kakatawa.