Belyn “Daddy…sino po ang Mommy, ko? Please sabihin mo naman sa akin, Dad,” puno ng pakiusap na saad ko sa kaniya. May kinuha si Daddy sa drawer ng working table niya at inilapag niya sa aking harapan. Nanginig ang palad ko ng abutin ko iyon. “Siya si Bherlyn ang Mama mo anak,” Unti-unti ko iyon inilapit sa akin upang matitigan ko ng maayos. Napangiti ako ng pagmasdan ko ang larawan dahil nakangiti ang kuha ng Mama ko. Kumalma na ako kanina ngunit ngayon sa larawan ni Mama. Muling nanumbalik ang emosyon sa ‘king dibdib ng pinagmamasdan ko ang picture niya. “M-Mama,” bulong ko. Lumabo ang aking mata habang hinahaplos ko ang mukha ng picture ni Mama. Nagkaroon ng tunog ang iyak ko na mayroon pang kasama tawa. Kung hindi ako nagkakamali bata pa rito si Mama. Ang ganda niya pala. Hula k

