flashback.... Belyn "Da-Daddy gusto ko po makita ang puntod ni Mommy," "Oo anak. Dadalawin natin pagkatapos kong masabi ang lahat sa iyo." Tumango ako kay Daddy, senyales na makikinig ako sa kaniya. Naging maayos ang pagsasama namin ni Vilma. Tinupad niya ang usapan naming bigyan ng chance ang aming kasal. Nakita ko rin naman na nagbago siya. Pinilit niyang bigyan kami ng oras ni Anely. Ngunit dumating ang oras na hindi ko nalabanan ang tukso. May mga pinsan si Vilma. Niyaya siyang mag-out of town sa Mindoro ng three days. Kasama pa niya si Anely. Kahit naman may asawa na, maari pa rin naman mag-enjoy. Minsan lang naman din siya lalabas kasama ang mga pinsan kaya pumayag ako. Pangalawa araw nila Vilma sa Mindoro at kinabukasan uuwi na sila ni Anely. Sakto rin nagkayayaan kami ng mga

