Belyn Bumalik si Aaron saktong tapos na kami mag-usap ni Daddy. May bitbit siyang isang tray na may nakapatong na dalawang baso at isang tumbler ng tubig. Una nito sinalinan si Daddy ng tubig sa baso at pagkatapos ako. Inantay rin nito makatapos akong uminom at nang makita niyang naubos ko na ang laman. Kinuha niya sa kamay ko ang hawak kong baso at siya na rin ang nagbalik sa dala niyang tray, inayos niya sa table ni Daddy. Upang hindi iyon masagi bago magtungo sa tabi ko upang umupo. “Kumusta?” tanong ng asawa ko at pinagmasdan niya ako sa mukha, tipid ko siyang nginitian kahit masakit ang mata ko dahil sa katatapos na pag-iyak. Bahagya akong napanguso nang pinagsalikop nito ang pareho naming kamay at kahit nasa harapan namin si Daddy. He brought my hand to his lips and kissed the ba

