Belyn “Sa labas lang ako,” bulong ko kay Aaron ng mayroon na silang pinag-uusapan ni Daddy. Though tinitingnan naman ako ni Aaron. Tinatanong kung ayos lang ba ako. Minsan yayakapin at dadalhin sa dibdib niya pagkatapos ay hahalikan ang buhok ko kahit kasama namin si Daddy. “Saan ka pupunta?” yumuko siya nakakunot pa ang noo kaya inabot ko iyon pagkatapos ay hinilot ko. “Hindi naman ako kasali sa pag-uusap niyo ni Daddy,” sagot ko sa kaniya at sinamahan ko rin magpa cute. Napakamot ito sa kilay niya kaya naman napangiti ako. “Huwag kang lalabas,” bilin pa nito. “Yes boss!” saad ko sumaludo pa sa kaniya. Napangiti ako ng mapansin kong nag-blush ang asawa ko ng sabihin ko iyon sa kaniya. “You're my only boss, not me,” sagot nito sa akin. “Kay Nanang Luisita, lang ako ok,” kindat ko pa

