Belyn Nagkasundo nga kami ni Aaron na pumunta sa mga kaibigan niya sa kabilang table. Si Benesha ayun ulit kasama ng anak ni Matthias at Hendrix walang kapaguran maglaro. Paniguradong maaga 'to mamaya makatutulog dahil sa pagod. Idagdag pa hindi nakatulog ng hapon sanay si Benesha matulog kapag hapon dahil kapag hindi ito makatulog plakda ito ala-sais pa ng hapon. Napansin ko lang sa aking sarili hindi na ako masungit kay Aaron. Ilang araw ko pa lang siyang nakasama isa lang ang natuklasan ko. Hindi naman pala mahirap kasama si Aaron. Akala ko nga palagi ko itong aawayin ngunit kabaliktaran ang nangyari. Dahil unti-unti akong nagiging komportable na kasama ito. Nasasanay na rin ako sa pagiging malambing nito. Sanay na rin ako kapag mabiro ito. “Kung dito na lang kaya tayo baby? What do

