Belyn Pagdating ng alas otso y medya ng gabi. Nagsitigil ng uminom ang mga kaibigan ni Daddy Maynard, kasi uuwi na rin nagpahulas ng alak na ininom nila. Ganoon din sila Hendrix at iba pang mga kaibigan ni Aaron. Nahusto na lamang sila sa kwentuhan. Si Hendrix ang unang nagpaalam kay Aaron at sa Mommy, Daddy dahil inaantok na raw si Emyrose. Nagkwentuhan pa kasi ang mga oldies gano'n din sila Connor ay nagpaalam din. Ngunit halata sa mga pisngi nila Connor at Fritz na may tama na, kasi namumula ang kanilang mukha at ang mga mata nila mapungay na rin. Ewan kung inaantok or dahil sa alak kaya ganun parang malapit ng pumikit. “Connor at Fritz. Huwag na kayong umuwi. Dito na kayo matulog risky magmaneho ng gan'yan naparami ang inom n'yo,” sabi ni Daddy Maynard sa dalawa at saktong tuwang-tu

