Belyn “Daddy, Good morning po,” bati ko sa kaniya ng pagbaba ko naabutan ko siya nagkakape sa sala habang nanood ng morning news sa sala. Patungo sana ako ng kitchen kasi gusto ko ng gatas. Paiba-iba ang gusto ko. Mukha nga may baby ulit kami ni Aaron. Soon, ate na si Benesha, matupad na ang lagi nitong inaasam na kapatid. Napangiti ako. Pambihira ang lakas talaga ng asawa ko kay dali kong mabuntis nito. “Anak good morning too, halika upo ka anak,” sabi nito umusod pa senyales doon niya ako pinauupo sa tabi niya. Sa mahabang sofa kasi si Daddy nakaupo paharap sa TV. “Ang apo ko tulog pa ba?” ani nito habang humihigop ng kape mataman akong tinitigan para bang ako'y kaniyang pinag-aaralan. “Opo Dad,” wika ko umupo na sa tabi nito. Dahan-dahan nitong inilapag ang tasa ng kape sa center

