Belyn Kinabukasan maaga ulit akong gumising. Naghahanap naman ako ngayon ng taho. Iyan ang gusto kong kainin. Alam ko mayroong dumadaan tuwing umaga sa gate namin iyon ang aabangan ko. Sayang hindi makapapasok ngayon si Benesha sa school niya. Ang layo naman kasi rito sa bahay namin ng condo unit ni Aaron. Kaya ko rin naman magmaneho ang anak ko lang ako nag-aalala. Sobrang mapapagod si Benesha sa byahe pa lang namin. Sabi rin ni Daddy. Bata pa naman si Benesha, hayaan na muna raw. Kapag sunduin na lang daw kami ng asawa ko, at kung pwede pa pumasok ang apo niya. Tsaka ko na raw papasukin. Eh, kailan pa kami susunduin ni Aaron? Hanggang ngayon wala pa ni tawag hindi nagparamdam. Tulog pa nga ang anak ko kinumutan ko muna. Ganito talaga si Benesha. Itataas ko ang kumot hanggang dibdib n

