Belyn “Benesha, ‘wag mong guluhin ang trabaho ni Daddy, ha?” bilin ko sa anak ko bago kami umalis nila Ely. Sinilip ko sila ni Aaron, nasa loob ng office nito dito lang din sa loob condo unit namin. May mini office kasi ang asawa ko, na ngayon ko lang din talaga ito nasilip kung ano ang hitsura. Sii Benesha, binitbit pa ang isang timbang laruan na galing sa Mommy Eulyn, mga kitchen utensils. Bago raw ito sabi ni Ely, kasama sa binili nilang gamit sa school. Hayun nga ikinalat na sa sahig nag-umpisa na maglaro si Benesha. Usapan na pala nila ng Tita Ely, hindi raw siya sasama dahil pang oldies daw ang lakad namin. Hindi rin daw talaga sasama kasi wala ang Daddy Aaron niya, kapag napagod daw siya. Walang kakarga. Lumapit ako kay Aaron, agad din naman ako nito hinila sa baywang gamit an

