bc

Late Night Escapades

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
sex
second chance
first love
friendship
secrets
self discover
school
addiction
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Kylie Medina loved how the darkness engulfed her and swallowed all her worries away the same way it does with the stars.

When she was left broken, all she could do was stare helpelessly at the sky. Somehow it made her feel better and little by little, she mended her shattered heart. The night sky and the moon gave her motivation.

Then someone came and she shared a bit of her sky. She loved how she felt as though her heart was brand new.

But the past came back.

In her sky, there can only be one moon.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue KYLIE "Anong floor mo ba?" tanong ko sa kausap ko sa cellphone habang nasa elevator ng magara niyang condo. "21st floor. I told you already," sagot naman niya na parang siya pa ang naiinis. Pinilit kong habaan ang pasensiya ko dahil ngayon lang naman siya humingi ng pabor sa akin. "Kung di ka ba naman tatanga tanga, edi sana hindi ka nadisgrasya. Libre ang pagiging tanga pero wag mo araw arawin, ha?" pang iinis ko dito. Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. Pinindot ko yung buton para sa 21st floor. Medyo gabi na kaya siguro wala akong kasabay kaya medyo nakakatakot. Mataas pa naman 'yung floor niya. Kapag namatay ang ilaw dito, malamang sisigaw ako ng sisigaw. "They said you can't have it all. It's either you're smart or handsome. I'm the latter, sorry to disappoint," patuloy niyang pagsasalita habang nakatingin ako sa maliit na screen kung saan pinapakita ang floor na nilalagpasan habang paakyat. "As if," I scoffed at his airy statement. Pero alam ko sa sarili ko na totoo naman ang sabi niya. Ayoko lang na lumaki ang ulo nito dahil kabisado ko siya kapag may pumupuri sa kanya. "What's your unit n-?" Bigla nalang naputol yung call. Akala ko ay dahil walang signal kaya pinindot ko ulit pero hindi na ito nagbukas. Lowbat, malas! Ngayon huhulaan ko nalang kung anong unit niya? Sana naman kaunting units lang ang meron sa floor niya. Kahapon nurse ako noong madulas siya sa hagdan, ngayon naman manghuhula ako. Naramdaman ko nanaman ang takot dahil parang ang bagal ng elevator! Nilagay ko nalang 'yung phone ko sa bag at nagkunwaring matapang ako. Nang huminto ang elevator, mabilis akong lumabas. Nakita ko na 2 pinto lang ang nasa palapag na iyon kaya natuwa ako. Alin lang sa dalawa kaya kung magkamali man ako ng katok ay hindi ganoong nakakahiya. Pinuntahan ko 'yung pinto sa kaliwa para pakiramdaman kung ito nga ang unit niya. Pagkapindot ko ng doorbell, walang sumagot kay naghintay pa ako ng tatlumpung segundo bago pindutin ulit pindutin iyon pero biglang bumukas ito. Halos tumalon ang puso ko sa gulat kaya hindi ako agad nakagalaw. Napako ang mga mata ko sa taong nagbukas. Nakita ko din ang gulat sa mukha niya ng makita niya ako pero agad nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "Sir Enzo?" mahinang tawag ko sa pangalan niya. Wala akong ka-ide-ideya na dito rin pala siya nakatira. Napakaliit naman ng mundo. Kung sino pa ang iniiwasan ko ay siya pa ang makikita ko. "What are you doing here?" seryosong tanong nito. Medyo nahirapan akong magsalita kaya bumilang pa ng ilang segundo bago ako nakasagot. "M-may friend po ako dito sa building." Hindi ko naiwasan na bumaba ang tingin sa katawan niya. Wala siyang suot pangtaas at naka track pants siyang gray. Medyo mababa ang pagkakasuot niya nito at kitang kita ko ang V sa parteng iyon ng tyan niya at ang abs niya. Napakagat ako ng labi dahil sa nararamdaman ko na alam kong mali. Nagkakasala ba ako sa oras na ito? "Don't do that," seryosong saad niya. Mababa ang boses nito at parang nakainom. Kaagad bumalik ang tingin ko sa mata niya. Hindi naman siya galit o inis, pero mukhang napakaseryoso niya. Ibang iba sa Enzo na kilala ko. Hindi ko pa rin maialis kung gaano kaganda ang katawan nito sa isip ko. Disoras na ng gabi pero ang gwapo niya pa rin. Posible palang maging attractive ano mang oras. Parang siya lang ang may kaya noon. "Do what sir?" pagtatanong ko sakanya. Did he see me checking him out?! s**t! Nakakahiya man pero huli na ang pagsisisi ko. "That lip thing. I hate it." "Ah. Okay po." Agad 'kong itinigil 'yon at kabang ngumiti sakanya. Ano bang ginagawa ko dito? Ang awkward dahil nakatitig pa rin siya. "It arouses me," he continued. Nabulunan ako sa sarili kong laway at umubo. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Hindi na ako bata para sa mga ganoong bagay pero masyado yata siyang honest sa akin. Hindi naman siya mukhang nagbibiro. "Po?!" gulat kong tanong sa kanya. Hindi nagbago ang tingin niya sakin. Nakatitig lang siya at sobrang seryoso. Ganito na ba talaga siya magbiro? R-18. Hindi ko namalayan na napakagat nanaman ako sa labi ko dahil sa kaba. One of my habits that I can never remove. His eyes went down to my lips and he licked his lower lip. Then, he sighed heavily. "f**k. Don't say I didn't warn you," he said with his raspy voice and pulled me inside. He closed the door and pushed me softly against it. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Para akong pinainom ng isang kilong red bull. Bakit hindi ako makapagsalita?! Gusto ko ba ito? Deep inside alam kong may parte sa puso ko na gusto ko ito at meron din na tutol. Napansin ko kaagad na naka-dim light lang ang condo niya pero kitang kita ko ang gwapo niyang mukha. Hinawakan niya ang leeg ko at ang isa naman ay nakadiin sa pinto. Para akong kinuryente sa haplos niya. He brushed his thumb against my cheek. "Dodge when you don't want it," mariing sabi niya. Napakagat ako sa labi ko sa excitement at kaba na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil alam kong hinintay ko din ito. "f**k, you're driving me crazy, Kylie." Hindi na ko nakasagot nang halikan niya ako at napapikit. He bit my lower lip na ako ang nakakagat kanina. He started moving his lips as I just stood there still. Nag-iinit ang pisngi ko habang ramdam ko ang labi niya sa akin. Should I respond? Or should I break away and leave? Hindi ko alam kung tama ito. Hindi naman lahat ng bagay na gusto natin ay tama katulad ng nangyayari ngayon. Bago pa ko makapag-isip ng tamang gagawin, humiwalay siya sa'kin. When I opened my eyes, he was staring down at me with those wonderfully light brown eyes. "I'm-" "I-I have to go, sir!" pagputol ko sa sasabihin niya. Salamat sa kanya dahil nagising ako at nalinawan ang isip ko. My mind was clouded a while ago because of that kiss, a kiss I have longed to feel again. Agad 'kong binuksan ang pinto niya at lumabas. Pagkapindot ko sa elevator, saktong nagbukas agad 'yon. Narinig ko pa siyang tinatawag ako pero wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Mas mabuti pang multo na lang ang makita ko sa elevator kaysa siya. Pero siyempre joke lang. Narinig ko siyang lumabas ng unit niya at naglakad papunta sa elevator ngunit agad kong pinindot yung L para sa lobby, sunod para magsara agad. At pagsara ng pinto, nakahinga ako ng maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam pa rin ko ang bilis ng t***k ng puso ko. I touched my lips with my fingers replaying the memories of what happened minutes ago. We have shared kisses before, but that was different. Our situation now is different. Tulala akong lumabas sa elevator sa may lobby nila at umupo ako sa couch na nandoon dahil pakiramdam ko mawawalan ng lakas ang mga binti ko sa kaba. Bakit niya ko hinalikan this time? May girlfriend na siya kaya nga ako dumidistansya dahil ayokong makasira ng relasyon. "s**t! Bakit ba ako umalis agad? Sabagay. Alangan naman sabihin ko na Thank you, Sir Enzo sa kiss! Next time ulit," sarkastikong sagot ko sa sarili. Pinalo ko ang ulo ko na para bang baliw. Masyado akong nawala sa sarilo ko dahil sa halik na 'yon. Mas nagpanic ako nang marinig 'yong tunog ng pagbukas ng elevator. Napatayo agad ako kahit medyo hindi pa ako okay at naglakad ng mabilis palabas ng pinto ng condo nila. "Kylie!" sigaw niya pero mas binilisan ko parin ang paglakad. Bakit ba sinundan niya pa ako at bakit napakahaba ng bwisit na lobby na ito. May gusto ba siya sa'kin? Huli na. Ngayon pa bang may nagmamay-ari na sa kanya. "Ay k**i!" napasigaw ako nang mahawakan niya ako sa palapulsuhan at hinila pabalik sakanya. Wala akong choice na tumingin sa kanya. Nakasuot na siya ng white v-neck shirt. Iniwas ko agad ang tingin ko. "I'm so sorry. Ihahatid na kita," sabi niya sakin. Hindi pa rin niya inaalis ang hawak sa akin kaya mas kinakabog ako. "H-hindi na po, sir. May susundo po sa'kin," pagsisinungaling ko. Hindi ko kayang makasama siya sa iisang sasakyan pagkatapos ng nangyari. Ayokong mapagusapan dahil baka maiyak lang ako. "Okay. Can we atleast talk?" rinig ko sa boses niya ang lungkot at mas hinigpitan pa niya ang hawak sa akin nang maramdaman niyang kumakawala ako. "Sir, g-gabi na po kasi. Pwede po bang bukas na lang? Strict po parents ko eh," pag-iwas ko. Tumuro pa ako sa labas para convincing. Hindi ko alam kung tanga ba ako o sadyang hindi sanay magsinungaling. Alam naman niyang nakatira ako sa condo dahil ilamg beses na niya akomg hinatid at nag-stay pa siya doon. Mas lalong alam niya na hindi ako sa magulang ko nakatira. "Kylie?" napatingin ako sa likod ni Enzo para makita kung sino ang tumawag. Ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin niya sa akin. Inalis ko ang pagkakahawak ni Enzo sa akin at pumunta kay Ard. Inalalayan ko siyang maglakad. Isang paa lang ang gamit niya dahil 'yung isa niyang paa niya ay nakabondage. "Where were you? I was so worried," tanong niya. Kinuha ko ang braso niya at ipinalupot ko sa akin at hinawakan ko naman siya sa bewang para hindi siya mahulog. "Sorry," bulong ko sa kanya. Tumango lang siya at napatingin sa kausap ko kanina. Humarap naman si Sir Enzo samin at kumunot ang noo. "Sir, boyfriend ko po," pakilala ko sakanya. Nakatingin pa din sa akin si Ard na akala mo kinakabisa ang kukha ko. "Hello, I'm-," humarap siya kay Enzo. "Kuya?" Tumingin siya ulit sa akin at kumunot ang noo. "Kilala mo pala ang kapatid ko?" Then it hit me. Siya pala ang kuya na matagal nang kinukwento ni Ard. Could this situation be more complicated?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.0K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook