The Night-Chapter Two

5000 Words
Pagkatapos nga naligo at nagbihis si Chad sa umagang iyon ay pumunta na sa kotse nito at sa pagpasok niya biglang may dumating lalaking nakamotor. Chad: Sino po sila sir? Ano po ang kailangan nila? Habang tinatanggal ng lalaki ang helmet nito ay unti unting nagdahandahan ang pag ikot ng mundo ni Chad. Simpleng pants at naka tshirt ng hapit sa katawan niya ang lalaki na kitang kita ang mga malaki niyang katawan samahan mo pang nakaleather jacket ito na siyang nagpaastig at gwapo niyang tignan. Huminto nalang ang pag iillusion ni Chad nang pumalakpak ang lalaki sa harapan niya. Ric: Hey! Baka matunaw na ako niyan ah. Andiyan ba si Luke? Ikaw yung Tito niya na taga baguio di ba? Chad: Ah-Ah Eh Ano yun? Ric: Hay naku mas lalo akong maiinlove yata sayo niyan eh. Sabi ko ikaw si Chad na Tito ni Luke? At nandiyan ba si Luke? Chad: Ah oo ako nga. Pero si Luke wala na siya dito umuwi na daw sabi ng mga borders. Nagiing nalang kasi ako na wala na siya sa tabi ko eh. Luke: Eh panu na yan. May binapabili kasi si Tita Princess sa kanya na gagamitin daw sa burol mamayang gabi. Di bale nalang ako nalang bibili. Sige sir mauna na ako. Chad: Hanep ah Sir tawag mo sa akin akala ko di mo na ako igagalang eh. Kung makipag usap ka kasi kanina parang kasing edad mo lang ako. Ric: Sensya na po kayo Sir. Sige po mauna na ako. Chad: Ric Right? Wag muna aalis total wala si Luke na kasama ko sana pumunta sa Vigan pwedeng ikaw nalang isasama ko? Kung gusto mo lang. Ric: Ako sir? Isasama niyo? Pero may pinapabili pa si Tita Princess baka pagalitan ako nito. Chad: Dont be worried ako na bahala kay insan Princess. Bibili din sana ako ng mga kailangan sa burol mamayang gabi pero mas mura sa Vigan kaya doon nalang tayo bibili. Ric: Eh paano na tong pera na binigay sa akin kung ikaw na bibili? Eto pala oh yung binigay ni Tita princess na pera 2k po yan. Chad: No need Ric. Kung gusto mo sayo nalang yan. Pera mo nalang yan kung papayag kang ikaw kasama ko na pumunta sa Vigan. (ngumiti) Ric: Pero nakakahiya eh. Isasauli ko nalang kay Tita Princess mamaya pero sasamahan pa rin kita sa pagpunta mo sa Vigan. Chad: So what are you waiting for? Sakay na ah. Tumungo nga ang dalawa sa Vigan at nagkwentuhan ang dalawa habang nasa biyahe. Alona: Princess sino yung tao sa kwarto ni Luke? Meron na ba siya? Kanina pa kasing may kumakalabog sa loob eh. Princess: Hindi ko alam Ma di ko napansin kung sino pumasok doon. Sandali lang at titignan ko. Luke: Gago mo Luke bakit sa kanya mo pa naramdaman yan? Ang gago mo bakit mo yun nagawa? Pinairal mo nanaman ang kalibugan mo. Gago ka. (Pinaghahagis mga gamit sa loob ng kwaryo at pinagsusuntok ang pader) Di mo yun dapat maramdaman dahil pinsan siya ng mama mo gago ka. Itigil mo na yan. (Umiiyak at gulong gulo ang utak) Princess: Luke? Ikaw ba yan anak? Luke? Luke: Ma! Ako nga bakit po? Princess: Bakit meron ka na? Si Ric nasaan siya? Binuksan ni Luke ang pintuan . Luke: Ric? Di kami nagkita MA bakit po ba? Princess: Pinuntahan ka niya kasi kanina dito pero wala ka kaya pinuntahan ka niya sa bayan at binigay ko ang listahan sa kanya na kailangang bilhin para dito sa burol mamayang gabi. Luke: Ma Sorry. Umuwi na kasi ako kaagad kaninang nagising ako. Di ko na ginising pa si Tito Chad kasi masarap pa tulog niya eh. Di ko nakita si Ric. Princess: Tinatawagan ka namin kasi kanina pero naka off yang cellphone mo. Luke: Lowbat kasi ako Ma, di ko nadala yung charger ko. Princess: Sandali lang may problema ba anak? Bakit parang umiiyak ka at ang gulo gulo dito sa kwarto mo? Luke: Wala ma. Akin nalang muna ito. Tiyaka ko na sasabihin sa inyo kung di ko na po kaya. Sige po magpapahinga muna ako. Princess: Sige. Magsabi ka lang anak ah kung ano man yang problema mo. Tawagan ko nalang si Ric at ibilin nalang sa kanya na siya nalang bibili sa mga pinapabili ko sa kanya. Tatawagan na sana ni Princess si Ric nang biglang tumawag si Chad sa kanya. Ric: Sino tinatawagan mo Sir? Chad: Ano ka ba pwedeng Chad nalang tawag mo sa akin, hindi naman ako guro para magiging sir mo eh. Ric: Pero nakakahiya naman po kung tawagin ko nalang kayo sa pangalan niyo eh mas matanda naman kayo ng limang taon sa akin eh. Chad: Okey fine ako na mas matanda. Kung ayaw mo akong tawagin sa pangalan ko,pwedeng Kuya nalang para mas bata kunte. Hahaha Ric: Sige po Sir..Este kuya. Chad: Tinatawagan ko si Insan Princess para ipaalam ko sa kanya na kasama mo ako at ako na bahala sa mga pinapabili niya sayo. Princess: Oh insan napatawag ka? Ay oo nga pala nakita mo ba diyan si Ric? Pumunta siya kasi diyan sa bayan. Chad: Yhup insan nakita ko siya. Actually kasama ko siya ngayon. Dahil iniwan ako ng anak mo sa bording house si Ric nalang isinama ko papuntang Vigan. Doon nalang kami bibili ng mga kakailangan mamaya sa burol. Princess: Mabuti naman insan at nagkita kayo. Salamat insan ah. Masyado ka na atang naaabala. Sa pag uusap ng magpinsang Princess at Chad ay sumingit si Ric sa kanila. Ric: Hay naku tita princess sigurado akong okey lang yan lahat kay Kuya Chad. Barya niya lang mga pinapabili mo. Chad: Hoy ano ka ba? Tumigil ka nga diyan. Princess: Oy Ric wag mo pahihirapan sa pamimili si Chad ah. Baka masira pa kutis niya. Kung di ko lang alam na babaero ka dati insan sasabihin kong bakla ka sa mas makinis pa ang kutis mo sa akin na babae eh. Ric: Ganyan talaga tita pag mayaman. Hehehe wag po kayong mag-alala tita di ko pababayaan si Kuya diyan. Ni isang langaw di ko padadapuin sa balat niya. Hahaha Princess: Oh siya sige mag-ingat nalang kayo sa biyahe. Chad: Ate si Luke nandiyan na po ba siya? Nagising kasi ako kanina wala na siya eh. Princess: Ay oo andito na, may problema ata siya. Chad: Problema? Bakit ate? Princess: Naghumirintado kanina sa kwarto niya nagkalat mga gamit sa loob at sugatan ang kamao sa pagsusuntok sa pader at umiiyak pa. Ayaw niya naman sabihin sa amin kung ano problema niya. Sandali lang. Hindi ba kayo nag away? Baka naman may hindi kayo nagkakaunawaan kay luke? Pagkadating niya kanina dito ganun naman na siya. Chad: Ah wala naman akong alam insan. Hayaan mo at kakausapin ko mamaya pag makabalik na kami diyan ni Ric. Ric: Wag kang mag alala tita kilalang kilala ko na ang kaibigan ko na yan. Pag-ibig ang dahilan niyan kaya siya nagkakaganyan. Tulad ng sabi ni Kuya Chad kakausapin namin siya mamaya tita. Princess: Oh siya. Sige na baka maabala ko pa kayo sa biyahe niyo. Binaba na ni Princess ang linya at kanina pa nagtataka si Chad sa sinabi niya tungkol kay Luke. Ric: Parang ang lalim ng iniisip natin diysn kuya ah. Ano ba yan? Chad: Naisip ko kasi yung sinabi mo tungkol kay Luke. Ric: Tungkol saan kuya? Chad: Yung sa sinasaktan niya sarili niya dahil sa pag-ibig. Kung dahil yun sa pag-ibig, kanino? Eh sabi niya wala naman daw siysng girlfriend. Ric: Ganito yan kuya chad. Si Luke tulad ko din yan na Bi s****l. Di ko alam kung paano pero lately ko lang din nalaman na Bi siya. Wala nga siyang girlfriend pero pag nagmahal yun sa isang tao gagawin niya lahat para lang makuha niya eto o kahit makatalik niya man lang. Pero pagdating sa susunod na araw pag maalala niya mga ginawa niya sa taong mahal niya na napilitang makipagtalik sa kanya at isama mo pa na ni kahit kailan ay hinding hindi niya maaangkin dahil sa bawal. Chad: I can't understand Ric. Ibig mo sabihin kaya siya nagkakaganun ngayon si Luke dahil sa mahal niya ako? Ric: Ang tanong may nangyari na ba sa inyo? Halla ka! Ikaw pala may kasalanan eh kaya siys nagkakaganun ngayon. Kaya naman pala iniwan ka niya sa bording house kanina na di nagpaalam. Chad: Di ko maintindihan eh. Hindi niya naman ako pinilit na makipagtalik sa kanya, sa una oo dahil alam kong bawal dahil nga pamangkin ko siya pero di niya ako tinigilan at nadala nalang ako sa init. Kaya ayun... Nasa Pure Golds sa Vigan na ang dalawa na namimili at patuloy pa rin sa kwentuhan ang mg eto. Ric: Boom ayun nga. Nasasaktan kasi siya pag naiisip niya na ang taong mahak niya ay di niya pwedeng mahalin at di rin siya pwedeng mahalin. Tulad sa inyo di pwede dahil pamangkin mo siya at tito ka niya. Chad: Kung ganun mahal niya ako? Pero bakit? At tiyaka alam niya naman na bawal niya akong mahalin dahil pinsan ako ng mama niya. Eh paano yan? Ibig sabihin hindi muna ako magpapakita sa kanya? Para makalimutan niya yung sakit? Ric: Pwede rin pero mas mainam kuya na kausapin mo siya. Mag usap kayong dalawa para sa ganun maliwanagan siya. Ipaintindi mo sa kanya ang lahat. Sigurado akong maintindihan niya yun at magiging okey din ang lahat. Chad: Sige kakausapin ko siya pero samahan mo ako ah na kausapin siya. Ric: Sure. Wag kang mag-alala. Chad: Ano? May hindi pa ba tayo nabibili dito? Gutom na ako eh di pa kasi ako nag almusal. Ric: Hmmm! Wala naman na nabili na natin lahag nang nasa listahan ni Tita Princess at mga sinabi mong bibilhin natin. Yung mga gulay nalang pero sa palengke na tayo bibili para mas mura at mas sariwa doon ang mga gulay. Chad: Halika na at ilagay muna natin ang mga pinamili natin doon sa sasakyan tapos kumain muna tayo bago tayo pupunta sa palengke nagugutom na kasi ako eh. Ric: Ako nga din eh. Buti at nagutom ka na rin ako kasi kanina pa tumutunog ang tiyan ko sa gutom. Chad: Ano? Bakit di mo sinabi? Para kumain muna sana tayo. Ikaw talaga. Ric: Nakakahiya naman sayo muya kung sasabihin kong gutom na ako. Chad: Hahaha Halika na kumain na tayo. Kumain nga sila sa isang restaurant sa Vigan. Masayang masaya ang mga eto sa bondingan nila. Na di mo akalaing bago palang sila magkakilala. Na parang matagal na silang magkakilala. Pagkatapos ng mga etong kumain ay namili na sila ng gulay sa palengke at nagpatuloy nang bumalik sa Sinait. Ric: Kuya diretso na ba tayo sa bahay nina Luke? Paano na yung motor ko? Daanan muna natin ah. Chad: Babalikan nalang natin mamayang gabi di maaano yun doon. Ric: So ibig sabihin ba na pagbalik mo sa bayan sasama ulit ako sayo? Chad: Exactly! Nadali mo. Hindi naman tayo magtatagal doon eh. Pagabi naman na ihahatid lang natin itong pinamili natin sa Family House pagkatapos babalik rin tayo. Ric: Okey sinabi mo yan kuya eh. (nakatitig kay Chad) Chad: Okey sabi mo pero mukhang di ka naman okey. Kahit nagdradrive ako at nakafocus sa dinadaanan natin eh nakikita pa rin kita? Ric: Ah eh.. Wala kuya okey lang talaga ako. (umiwas ang tingin at inayos ang pagkakaupo) Chad: Type mo ako no? Nagwagwapuhan ka sa akin no? Ric: Ano? Ikaw type ko? Hindi ah. Chad: Hindi daw. Kung makatitig ka nga sa akin parang hinuhubaran mo na ako eh. Ric: Ang hambog mo rin no. GGSS. Mas gwapo ako sayo no. Makinis at maputi ka lang kaysa sa akin. Chad: Sinabi mo eh. Dito na pala tayo. Wait lang at ipapark ko lang ng maayos bago tayo bababa. Pagkaparking ni Chad ang sasakyan nito. Nagkasabay silang bumaba at ibinaba nila ang kanilang pinamili. Princess: Ma,Pa nandito na sina Ric at Insan Chad. Danny: Oh siya tara na Princess tulungan natin silang magpasok ng mga pinamili nila. Princess: Tara ma,pa tulungan natin sila. Alona: Sige kayo na tutulong sa kanila at ipaghahanda ko lang sila ng merienda siguradong pagod ang mga yan sa biyahe. Princess: Insan ang dami nito ah. Nagkasya ba yung binigay naming pera sayo Ric? Sobrang dami itong pinamili niyo eh. Danny: Oo nga Chad parang hanggang sa libing na ata sa dami nito eh. Ric: Tita,Lolo katunayan nga di namin ginastos yung perang binigau niyo. Sabi kasi ni Kuya Chad itago ko nalang daw,akin nalang daw at siya na lahat gumastos. Danny: Eh di mabuti para may allowance ka naman o pangbili ng gusto mong gamit para sayo. Ric: Hindi po Lolo nakakahiya po eh. Tita eto na po pala yung pera na binigay niyo kanina. Isasauli ko pa rin po sa inyo. Chad: No insan. Wag mo kunin sa kanya na yan. Ric: Pero kuya! Chad: Di ba sabi ko sayo kanina sayo na yan? Princess: Tama si Insan Chad. Sayo na yan Ric itago mo nalang yan at ipasok na natin ang mga ito. Ric: Halla! Nakakahiya naman po. Pero ano gagawin ko dito ayaw niyo naman kunin. Salamat po ah. Tumawa lang ang mag amang Danny at Princess tiyaka ipinasok na sa loob ang bitbit nilang groceries. Chad: No worries Ric. Alona: Ano naipasok niyo na po ba lahat? Oh siya hali muna kayo at magmerienda Ric, Chad alam ko pagod at gutom na kayo galing biyahe. Naghanda ako ng makakin niyo. Chad: Nag Abala pa kayo Tita. Pero salamat po. Busog pa ako eh. Ikaw nalang muna kumain diyan Ric. Ric: Di mo ako sasamahan kumain kuya? Chad: Busog pa ako di ba? Alam ko gutomin ka kanina ko pa naririnig na tumutunog yang tiyan mo. Kaya kumain ka lang diyan. Ric: Grabe ka naman diyan kuya. Hambog mo talaga. By the way Tita Princess si Luke po? Kumusta na siya? Princess: Ayon nandodoon pa rin sa kwarto niya. Di pa lumalabas. Tinatawag namin kaninang tanghali na kumain pero ayaw niya eh. Alona: Chad ikaw nga makikausap sa pamangkin mo baka sakaling makakausap mo siya. Chad: Sige Tita kakausapin ko siya. Pero may kukunin lang ako sandali sa sasakyan ah. Danny: Sige iho. Princess: Oh siya Pa ikaw na muna bahala dito kay Ric ah aasikasuhin lang namin ni Mama yung mga groceries at gulay doon sa kusina. Danny: Sige ako na bahala dito. Ric: Salamat dito sa pagkain Lolo ah. Nabusog ako. (Dumighay) Danny: Ayos lang iho. Ay oo nga pala pumunta dito kanina ang Lola mo at hinahanap ka. Ric: Eh bakit daw Lolo? Danny: Hinahanap ka daw ng Tatay mo dahil kailangan ka ata doon sa bukid niyo pero wag kang mag-alala sinabi namin na isinama ka ni Chad na pumunta sa Vigan. Ric: Ganun po ba? Danny: Maiwan muna kita dito ah. Titignan ko lang mga bisita sa labas. Medyo dumadami nanaman ang tao kasi gabi na. Ric: Sig po Lo. Okey lang ako dito. Oy kuya Chad ano yang kinuha mo sa kotse mo? Sapatos ba yan? Chad: Oo para ito kay Luke. Binili ko kanina. Ric: Kaya naman pala ang tagal mo kanina sa loob eh. Eh ako meron din ba para sa akin kuya? Chad: Asa ka! Bakit close ba tayo? Pamangkin ba kita? Ric: Hindi! Ay oo pala alis na ako kuya. Chad: Saan ka pupunta? Ric: Uwi na muna ako baka masyado nang nag aalala sina Lolo at Tatay at tiyaka maliligo at magbibihis na rin ako. Medyo malagkit na kasi katawan ko eh. Chad: Anong uuwi? Bakit? Di mo ba ako sasamahan na kausapin si Luke? Ric: Kaya mo na yan Kuya ikaw naman may kasalanan eh. Chad: Tumahimik ka diyan baka marinig ka ng mama niya at sina Tito at Tita. Ric: Eh bakit totoo naman kuya eh. Chad: Dami mong daldal. Halika ka na samahan mo na ako oh ikaw ipapalit ko kay Lola diyan sa loob ng kabaong niya. Ric: Oy wag naman ganun kuya. Chad: Matatakutin ka pala eh. Dami mo kasing dada. Hinila patayo ni Chad si Ric at nagtungo sila sa kwarto ni Luke at kumatok. Chad: Luke si Tito Chad mo to. Gusto kita makausap. Ric: Tito daw. Mahal mo kamo. Hahaha (pabulong) Chad: Tumahimik ka diyan gago mo. Ni isang sagot sa pagtawag ni Chad kay Luke ay wala kaya sumunod naman si Ric na nagsalita. Ric: Pre bestfriend mo to si Ric. Pwede ka ba namin makausap. Chad: Luke please kausapin mo naman kami ni Ric. Sige na. Biglang nagbukas ang pintuan ng nasabing kwarto at malumanay na nagsalita si Luke. Luke: Ano kailangan niyo dito? Gusto kong mapag isa. Isasara na sana ni Luke ang pintuan pero hinarangan ng dalawa ito at pumasok agad si Chad. Luke: Tito Chad naman eh. Ano ba sasabihin niyo? Gusto ko mapag isa. Ric: Gusto ka namin kausapin. Sabi kasi ng Lolo,Lola at Mama mo may problema ka daw. Chad: Ano ba ang problema Luke? Yung nangyari ba kagabi sa atin? Luke: Tito! (tinignan si Ric) Ric: Pre okey lang yan alam ko na. Naikwento na ni Kuya Chad sa akin ang lahat. Luke: Issshhh tito bat mo sinabi sa kanya??? Ric: Pare ano ka ba? Naintindihan ka namin pero ito masasabi ko sayo pare. Payong bestfriend. Alam ko na may gusto ka kay Kuya Chad pero naiinis ka naguguluhan ka nasasaktan ka dahil iniisip mo at alam mong hindi pwedeng magiging kayo dahil Tito mo siya, na pinsan siya ng Mama mo. Chad: Luke wag mo nang problemahin yan. Alam kong lilipas at mawawala din yang nararamdaman mo sa akin. Para mas mapadali ka sa paglimot di muna ako magapapakita sayo. At sana bago ako bumalik sa trabaho ko sa Baguio eh maayos na natin ang lahat. Luke: Ano ibig mong sabihin Tito? Di ka na pupunta dito sa burol ni Lola Maria? Hindi yun pwede Tito kaya ka nga umuwi dito eh para kay Lola Maria. Hindi mo naman kasalanan na magkakagusto ako sayo. Tito pasensiya ka na ah. Ric: Eh paano yan Pare? Bati na ba kayo? Tanggap mo na ba? Luke: Pipilitin kong makalimutan tong nararamdaman ko kay tito chad pare. Chad: Dahil okey ka na eto para sayo bibili ko yan kanina sa Vigan. Sana magustuhan mo. Luke: Wow ang astig naman tong sapatos na to Tito. Maraming salamat ah. Yayakapin sana ni Luke si Chad sa sobrang saya pero hindi niya ito tinuloy. Luke: Sorry Tito. Sorry. Chad: Bat di mo itinuloy? Ako nalang yayakap sayo. Luke: Tito naman eh. Di ko na nga itinuloy dahil baka mas lalalim pa to eh. Ric: Eh di samahan ko na kayong magyakapan para sa ganun eh walang ilangan o walang malisiya na masasabi. Nagyakapan ang tatlo at napangiti na nila si Luke. Ric: Paano yan pare,Kuya mauna na ako ah. Babalik din ako kaagad para di ka na matagalan pa sa paghihintay sa akin kUya Chad. Luke: Bakit may lakad ba kayo? Ric: Wala pare. Sasama lang ako sa kanya sa bayan para kunin ying motor ko. Iniwan kasi namin kanina doon sa Bording House. Luke: Pwede ba akong sumama? Para may makasama ka sa pagbalik mamaya dito pare. Ric: Kahit ayaw ni Kuya Chad sige sasama ka na. Chad: Bakit naman hindi? Ganito nalang Ric sandali lang. Luke magbihis ka na at sasamahan nalang natin si Ric sa bahay nila pagkatapos diretso na tayo sa bayan after doon. Ric: Seryoso ka kuya? Punta ka sa bahay? Wag na nakakahiya sayo eh. Maliit lang bahay namin at tiyaka hindi simentado. Luke: Hay naku pare umirak nanaman yang sakit mo. Si Tito Chad lang yan bakit mo ikakahiya ang bahay niyo? Sandali eto na nakabihis na ako lets goooo! Chad: Wag kang mahiya Ric. Kahit kahoy at maliit lang bahay niyo okeh lang sa akin yun. Oh tara na. Lumabas na ang mag tito at si Ric ay nakatayo pa sa loob ng kwarto at nakuha niya pang magkamot ng ulo. Luke: Hoy pare ano na? Tara na ah. Ric: Oh sige mauna na kayo susunod nalang ako. Nauna nang lumabas si Luke at dumiretso na sa sasakyan ng Tito Chad niya. Danny: Oh saan kayo pupunta? Alona: Oo nga at sandali lang parang ang saya ni Luke ah. Saan ba kayo pupunta? Princess: Buti naman at okey na ang anak ko. Salamat sayo Insan ah. Chad: Balik na ako sa bording house tito at si Luke at Ric sasama sila sa akin pero babalik din sila kaagad kukunin lang ni Ric yung motor niya doon. Ric: Kuya mauna na ako sa labas ah. Chad: Sige sige sunod na ako. Alona: Bakit di muna kayo kakain bago kayo aalis? Danny: Oo nga at anong oras palang oh. 7pm palang aalis ka na? Chax: Tito Tita,,bawi ako bukas agahan kong pupunta dito at mag oover night din ako dito bukas. Tumawag kasi yung isang Manager ko at may finorward siyang kailangan kong gawin para sa hawak kong restaurant. Mahina kasi internet dito kaya sa bayan ko nalang siya gagawin. Kailangan daw kasing matapos at maipasa ko ang files na yun hanggang bukas ng maaga. Princess: Ang hirap naman ng buhah mo Insan. Kahit wala ka na nga sa trabaho mo kailangan mo pa ring magtrabaho. Chad: Ganun talaga insan eh kung importante ang isang kahit nakaleave ka sa trabaho kailangan mo pa rin itong gawin para sa ikakabuti ng pinagtratrabahuan. Sige na Insan,Tito,Tita mauna na ako. Alona: Sige mag ingat kayo ah. Sabihan mo kay Ric ah na dahan dahan at mag ingat sila sa daanan pag babalik na sila dito. Chad: Sige Tita.. No worries. Umalis na nga ang tatlo at pagkarating nila sa bahay nina Ric ay bumaba na sila sa kotse. Ric: Kuya pagapsensyahan mo na itong bahsy namin ah. Maliig lang at tiyaka gawa lang siya sa kahoy. Chad: Ano ka ba? Mas maganda nga niyan eh. Kumatok si Ric sa pintuan ng bahay nila at ang tatay niya ang nagbukas nito. Ric: Lola,Tay si Ric po eto. Nandito na po ako. Luke: Natatakot ako pare para sayo eh. Chad: Bakit? Luke: Baka lasing nanaman si Tito Kajo at baka ano pa gagawin niya kay Pareng Ric. Ric: Kung lasing man siya pare sigurado akong tulog na yun ngayon sa ganitong oras. Kajo: (Binuksan ang pinto) Umuwi ka pa? Naglakwatya ka nalang sana maghapon at magdamag. (Galit) Luke: Magandang gabi po Tito. Chad: Magandang gabi po. Ako nga pala si Chad yung apo ni Lola Maria na namatay. Pasensya na po kung ngayon lang nakauwi si Ric. Isinamo ko kasi siya kanina sa Vigan eh. Ric: Tay papasukin mo naman kami may bisita o nakakahiya. Hindi nga nagkamali si Luke at lasing nga si Kajo na nagbukas sa kanila ng pintuan. Imbes na papasukin niya ang mga ito ay sinuntok niya si Ric at napalakas ito sa pagsuntok kaya napabaliktan at napahiga sa lupa si Ric. Hindi pa nakontento si Kajo sa isang suntok sa anak niya at pinatayo pa ito at sinuntok ulit. Inawat naman ni Luke si Kajo at inalalayan din ni Chad si Ric para makatayo ulit. Luke: Tama na po Tito Kajo. Kami po may kasalanan kung bakit ngayon lang nakauwi si Pareng Ric. Kajo: Kung kailan na kailangan kita kanina sa bukid siya namang pagakawala mo at kung saang sulok ka ng mundo naglakwatya. (Pasigaw) Chad: Pasensya na po kayo talaga Kuya. Kami pa ang dahilan ng di pagkatulong ni Ric sa inyo sa bukid. Humihingi po kami ng pasesya. Ric: Tay masama ba ang tumulong huh? Pero sorry po ah tay kung wala ako kaninang kailangan niyo ako. Tumulong lang naman ako sa mga namatayan eh. (naluluha) Kajo: At sumasagot ka pa ah. (galit at may balak pang suntukin ulit ang anak pero naiiwas ito ni Chad) Ric: Ano tay? Sige saktan niyo pa ako. Suntokin niyo pa ako. Diyan naman kayo magaling tay eh. Tiyaka lang ako mabait na anak sa inyo kung kailangan niyo pero pag hindi niyo na kailangan,Ano? Binubogbog niyo ako. Malaki na ako,Binata na ako. Ikinalaki ko na ang pang bubogbog niyo sa akin simula nawala si Nanay. Kung gugustuhin ko Tay kaya ko na kayong labanan pero iniisip ko na tatay pa rin kita kahit papaano. (umiiyak) Luke: Pare tama na lasing lang tatay mo. Ric: Hindi pare hayaan niyo lang ako.Ay oo nga pala tay no? ako nga pala may kasalanan kung bakit nawala si Nanay sa atin .Ako ang sinisisi niyo, di ba? Pero tay maliwanag naman sa atin eh na namatay noon si nanay dahil sa sakit. Hindi na nakaimik si Kajo at biglang lumabas si Sonya na Lola ni Ric. Sonya: Ano bang ingay to huh? Ric: Yang magaling kong tatay,Lola. Tiganan mo ang ginawa niya nanaman sa akin Lola. Sonya: Kajo pumasok ka nga sa loob at matulog ka na. Kajo: Pagsabihan mo yang Apo mo na yan ah. (pumasok sa loob) Sonya: Apo! Pasensyahan mo na ang Tatay mo ah. Alam mo naman na ganun tatay mo. Ric: Sanay na ako sa kanya Lola. Sonya: Ikaw naman kasing bata ka kung saan saan ka nagpupunta punta. Buong araw kang wala dito huh sakit talaga kayo ng ama mo sa ulo. (piningot sa tenga ni Ric) Luke: Lola tama na yan hindi na bata si Pareng Ric para iganyan niyo pa. Sinamahan niya lang naman si Tito Chad kanina eh. Chad: Tita pasensyahan niyo na po ah. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari eh di ko na sana pinilit si Ric kanina na sumama sa akin. Sonya: Ah eh Sir okey lang yun. Lambing ko lang naman yun sa apo ko eh. Magandan naman yung intensyon at pagkawala ni Ric dito sa bahay ng buong araw dahil tinulongan niya kayo. Chad: Tita wag niyo na akong tawaging Sir Chad nalang po. Hindi naman ako guro. Sonya: Eh Tama lang naman na tawagin ko kayo ng sir kasi balita ko eh maganda raw trabaho mo sa Baguio at mukha mo palang kailangang tawagin kayo ng sir. Chad: Tita Sonya Ano ba kayo. Hindi na kayo naiiba sa akin. Sonya: Ay oo nga pala pasok muna kayo. Papasukin mo sila dito Ric. Ric: Wag na Lola alis na din kami. Baka gising pa si Tatay. Tara na Kuya,Pare. Luke: Akala ko ba mgbibihis at maliligo ka muna? Chad: Oo nga. Hinatayin ka namin. Ric: Wag na mamaya nalang pagkauwi ko. Lola kukunin ko lang motor ko sa bayan ah. Sasama ako kina Luke at Kuya Chad. Sige alis na kami. Hindi na nga nagbihis at naligo si Rica at tumuloy na ang tatlo sa Bayan. Pagkarating nila doon sa bordung house ay nag inoman ang tatlo sa kwarto ni Chad. Nakaubos ila ng isang case ng red horse at si Ric napadami ang inom kaya natumba na eto. Luke: Tito lasing na si Ric. Nakatulog na ata eh. Ric: Oo nga. Tulungan mo ako ihiga natin sa kama. Binuhay nila si Ric ay ihiniga sa kama. Luke: Tito maaga pa naman may masasakyan pa ako pabalik sa bahay. Iwan ko nalang si Ric dito. Dito na siya matutulog at bukas nalang siya uuwi. Chad: Uuwi ka pa? Dito ka na rin matulog ah. Kayo nalang ni Ric sa kama at dito nalang ako sa sofa matutulog. Hindi na napigilan ni Chad ang pamangkin niya at lumabas na ito sa kwarto ni Chad. Chad: Sandali. Luke wait lang. Dahil mapilig kang uuwi. Ihahatid na kita. Luke: Wag na po Tito magtratricycle nalang ako pauwi. Chad: Kunin mo nalang etong susi ng motor ni Ric at yun nalang gamitin mo pauwi. Sabay nalang kami na babalik doon ni Ric bukas. Luke: Pero tito.... Chad: Wala nang pero pero Luke. Alam ko di ka lasing dahil konte lang ininom mo at alam kong kaya mo oa magdrive sa motor ni Ric. Kaysa naman sa maghihintay ka diyan sa kalsada ng masasakyan. Hindi mo naman alam kung meron o wala kang mahihintay. Luke: Sensiya na Tito eh. Ayaw ko na kasing maulit pa ang nangyari noon. Kilala ko na sarili ko iba ako pag nakainom ng marami. Kaya di na ako masyadonh uminom kanina. Salamat tito ah pakisabi nalang kay Ric na ginamit ko na motor niya. Chad: Sige. Mag ingat ka sa pagdradrive. Dahan dahan lang ang pagpapatakbo. Luke: Sige tito. Salamat po ulit. Kayo na bahala kay Ric dito. Pagkaalis ni Luke ay iniligpit ni Chad ang mga bote at mga plato na ginamit nila kanina sa pag iinom. Pagkatapos nitong magligpit ay sinimulan na niyang asikasuhin ang files na sinend sa kanya sa trabaho niya. Sa kalagitnaan ng pag aasikaso niya sa nasabing Files ay nagising at bumangon si Ric. Ric: Luke pare tara na uwi na tayo gusto ko nang maligo. Makiligo nalang ako doon da inyo. Chad: Wala na si Luke. Umuwi na siya at ginamit niya yung motor mo dahil wala siyang masakyan pauwi. Ric: Ano ba yan? Gusto ko nang maligo ang lagkit na ng katawan ko eh. Chad: May banyo ako dito sa loob ng kwarto diyan ka nakang maligo. Papahiramin nalang kita ng masusuot mo. Medyo makasize naman tayo ng katawan kay sigurado akong magkakasya sayo yung nga damit ko. Paglipas ng 30 minutes ay natapos na ni Chad ang ginagawa niya at naisend na rin niya na sa manager niya ang files. Si Ric ay di pa lumabas sa banyo. Chad: Ric okey ka lang ba diyan? Matagal ka pa ba? Wag ka masyadong magbabad sa tubig kagigising mo lang..Maliligo din sana ako bilisan mo bilisan mo. Ric: Oo palabas na ako. Sandali lang. Di naman ako natulog kanina nakapikit lang ako dahil umiikot na paningin ko. Chad: Nasa sofa ang mga ihinanda kong damit mo. May boxer na rin akong inilabas para sayo. Lumabas na nga si Ric at nakatapis lang ng towel ito. Sumunod naman si Chad na pumasok sa banyo para maliligo na rin. Ric: Salamat ah. Habang naliligo si Chad ay nagbibihis din si Ric pero yung boxer lang ang isinuot nito tiyaka humiga na sa kama at kinuha ang selpon nito at kinalikot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD