
"The Night"
***Prologue****
Masakit man isipin na sa muli kong pagbalik sa lugar kong saan ako ipinanganak ay ang pagkawala o pagpanaw ng aking Lola Maria na Ina ng aking Ina na matagal na ring nawala sa akin kasama ng aking Ama sa isang aksedente. Almost 10 years na mula nong huli akong umuwi sa dating lugar namin. Dahil simula nawala ang aking mga magulang ay di na ako umuwi pa sa kadahilanang mas masasaktan at maaalala ko lang ang mga magulang ko pag doon ako manatili.
Tumira ako sa Baguio City at doon na ako nagtrabaho bilang Manager ng isang Fastfood Restaurant at sa aking tiyaga at kasikapan nakamit ko ang promosyon at naging isang 2nd Asst. Manager at tuloy tuloy ang blessings na dumating sa akin napromote ako bilang 1st Asst. Manager at ngayon ay ako na ang Restaurant General Manager (RGM) ng pinagtratrabahuan ko.
Ako nga pala si Richard Ramos, 30 years old pero tawagin niyo nalang akong Chad dahil yan ang nickname ko. Heto ako ngayon nasa biyahe patungo sa Ilocos kung saan ako ipinanganak. Kahit sa huling sandali ay gusto kong makasama ang lola ko. Dalawang araw na ang nakalipas mula noong itinawag sa akin ni Tito Danny ang nangyari sa Lola namin at sariwa pa rin sa akin ang araw na iyon. Nagbibihis ako sa gabing iyon para sa isang meeting namin ng mga co-RGM ko ng biglang tumawag si Tito Danny.
Mona: Sir eto na po yung pinapaplantsa niyong damit niyo tapos na po. Pasensya po sir kung medyo natagalan ako.
Chad: It's okey Ate Mona. Thanks!
Mona: Sir talaga po bang hindi kayo magdidinner bago kayo umalis? Nakaluto naman na ako eh.
Chad: Ate Mona mga co-RGM ko mga kasama ko mamaya at sigurado akong di mawawala ang kainan after our meeting later. Kaya alam mo na kailangan may bakante ang bituka hehehe.
Mona: Ikaw talaga sir kahit kailan mapagbiro kayo. Oh siya mag ingat kayo sa paglabas ah. Sige balik na ako sa kusina ituloy ko na yung hinuhugasan ko doon.
Chad: Salamat ulit Ate Mona. Pero ate kumain ka nalang pag nagugutom ka na ah at wag mo na ako hintayin siguradong uumagahin nanaman ako sa pag uwi. Basta siguraduhin mo lang na nakalock lahat ng pintuan at bintana ah.
Mona: Sige po sir. Wag po kayong mag-alala.
Sa paglabas ni Mona sa kwarto ni Chad ay nagring ang cellphone ng lalake.
Chad: Hay naku sigurado akong si Joshua nanaman eto at nauna nanaman sa Meeting Place. Wait bagong numero? Sino kaya to? Yes! Good Evening this is Richard Ramos may i help you.
Danny: Chad anak si Tito Danny mo eto.
Chad: O Tito Danny napatawag po kayo. Kumusta po kayo? Si Lola? Kumusta na siya?
Danny: Chad Anak di ka sana mabibigla ah (crying slow)
Chad: Ano ibig mong sabihin Tito? At bakit umiiyak yata kayo? Ano po ang nangyari?
Danny: Anak wala na si Nanay. Patay na ang Lola niyo Chad. (Crying Louder)
Hindi nakaimik si Chad sa narinig niya kay Danny at unti unting bumuhos ang mga luha nito sa kanyang mukha. Parang binagsakan ng langit ang pakiramdam niya sa oras na iyon.
Danny: Chad anak nandiyan ka pa ba?
Chad: Sorry Tito. Ano po yun?
Danny:Anak kailangan mong umuwi dahil ikaw ang lagi niyang naalala tuwing gabi bago siya matutulog. Anak kahit ngayon lang umuwi ka dito para kay Nanay.
Chad: Sige po Tito magpapaalam muna ako sa may ari ng Restaurant na pinagtratrabahuan ko. Uuwi ako diyan para kay Lola Maria.
Mona: Sir Chad? Tumawag po si Sir Joshua sa telepono hindi ka raw kasi matawagan sa cellphone mo busy daw po. Pinapasabi niya na bilisan mo daw pumunta sa meeting niyo kasi ikaw nalang ang wala doon.
Chad: Ah sige Ate. Salamat! Tito Danny sige po tatawag nalang po ako pag bibiyahe na ako papunta diyan. Dadaluhan ko muna ang meeting namin tonight at subukan ko na ring magpaalam para makakuha ng leave.
Danny: Sige iho.
Pagkatapos ang usapan nila ni Danny huminga eto ng napakalalim at tiyaka pinunasan ang mga luha nito at nag ayos na.
Sa meeting nalate si Chad at nagsimula na ang nasabing pagpupulong pagdating niya sa nasabing lugar.
Naging maayos naman ang pagpupulong sa gabing iyon at medyo kinabahan lang si Chad dahil sa sinabi ni Mr. Del Rosario.
Joseph: Thank You for your cooperation guys at sana mas mataas pa ang magiging sales ng mga hinahawakan niyong Restaurant lalo ka na Chad ikaw ang pinakamababa ng sales sa lahat pero i'm happy because this time mas mataas ang naiakyat na pera ng restaurant na hinahawakan ko kumpara noong nakaraan na buwan. Good Job to all of you. The meeting is done.
RGM's: Thank You Sir!
Joseph: Chad pwedeng maiwan ka muna dito may pag uusapan lang tayo.
Chad: Sige po Sir.
Joshua: Sa labas ka nalang namin hintayin ah kakain tayo sa labas party party tayo.
Chad: Salamat Sir. Pero wag niyo na ako hintayin. Di na ako sasama sa inyo Sir. Uuwi na rin ako after namin mag usap ni Mr. Del Rosario.
Joshua: Seryoso ka Sir di ka sasama?
Chad: Yhup!
Joshua: Sige Sir. Ikaw bahala. Next time nalang.
Pagkaalis ni Joshua ay agad na nagtanong si Mr. Del Rosario kay Chad.
..........To Be Continued.............

