bc

Unbearable Desire BxB

book_age18+
255
FOLLOW
1K
READ
forbidden
possessive
independent
twisted
bxb
first love
friendship
virgin
passionate
shy
like
intro-logo
Blurb

"LOve has no gender"

The bible says, men are for women and women are for men only. And that's exactly what Perry believes, but that belief changed his mind when he studied high school and college at all boys school.

He knew he was born as a man, but the attraction that brought to him by Harrison, his bestfriend, was unique and special. Perry's afraid of expressing his true feelings about his gender because he doesn't want to hurt her mother and friend.

Later on, Perry discovered that Harrison likes someone. That there's a woman who caught his attention. And because of jealousy, he came up with a plan— to make that girl fall in love with him.

His plan succeeded, but he couldn't imagine that it's also the end of their friendship when he confessed to his best friend what he really felt towards him. Harrison hated and despised him so much. And in order for Perry to forget about his heartbreak, he decided to accept her mother's offer to have a vacation in Europe.

On that journey, he couldn't imagine that his wounded heart will be whole again because of Adalius, the man he met and saved him from trouble. Most of all, the man who took everything from him, including his INNOCENCE.

But when he's ready to confess to his mother about his gender and relationship with Adalius, he found out all her mother's secrets and her true connection with Adalius.

chap-preview
Free preview
UNBEARABLE ONE (Season 1)
SERIES ONE ------- "OH, DUDE! Ang aga-aga nakabusangot ka yata?" puna ni Harrison nang patabog na umupo sa tabi niya si Perry habang ginagawa ang parte niya sa group thesis nila. Kasalukuyan silang nakaupo sa silong ng mayabong na puno ng narra na napapalibutan ng berdeng-berdeng bermuda grass na nasa likod na bahagi ng kanilang college building na naging tambayan nila mula nang maging matalik silang magkaibigan. Apat kasi silang magkakaibigan pero sila ni Harrison ang malapit talaga sa isa't isa. Tahimik kasi at masarap ang malamig na simoy ng hangin doon, isama na rin ang huni ng iba't ibang mga ibon na naglilipana sa himpapawid. Ang naghahalong kulay asul ng kalangitan at puting mga ulap na nahahaluan din ng iba't ibang kulay ng bahaghari. Minsan pa nga ay doon pa sila nagpapahinga o umiidlip sa tuwing matatapos ang insayo nila sa paglangoy. Tinalikuran ni Perry ang kaibigan at saka idinikit ang likod sa likod nito matapos ibagsak sa gilid ni Harrison ang hawak niyang script. "Sino ba naman ang hindi maiinis kung ibinoto mo ako para sa role ni Snow White sa darating na Foundation Day, ha? Sa halip na naka-focus lang ako sa thesis, sa pagtatayo ng mga booths, sa swimming competition at kung ano-ano pang aktibidad natin sa susunod na linggo ay heto ako, nadagdagan pa mga iisipin ko!" He knew he wasn't a pure-blooded man at heart, but not in his wildest dream that he would wear female clothing. He's not the type of a gay who would wear female clothing, in other words, he's not a transvestite or a cross-dresser. "I appointed you because you're the first person who came up in my mind, that you're the only one that would really fit for the role of Snow White because your face is beautiful like a woman's face same with your skin, it's white like snow, that's why." Perry suddenly turns his head away upon hearing those compliments from him for the first time. Medyo moreno kasi si Harrison kaya mas angat ang kulay ng balat niya kaysa rito. At dahil sa papuring iyon ay hindi naiwasan ni Perry na mag-init. May kung anong init kasi na hatid ang mga salita ni Harrison na humaplos deretso patungo sa kaniyang puso. Kung nakikita lang siya nito ay siguradong mapupuna nito ang namumula niyang mukha, tainga at leeg. "At saka wala tayong magagawa kung iyon ang napagdesisyunan ng mga nakatataas. They wanted us to make a stage play with a twist, a comedy show perhaps," Harrison added while editing their organizational structure on his laptop. Graduating na kasi sila sa kurso nilang Bachelor of Science in Business Administration major in Management kaya naman tutok na tutok sila sa kanilang thesis. Magsisimula kasi kinabukasan ang kanilang defense sa oras na matapos ang Foundation Day nila. Kaya minsan pumupunta na lang si Perry sa bahay nina Harrison para doon ipagpatuloy ang group thesis nila. "I know! But, seriously? Nakalimutan na ba nila na exclusive lang para sa mga lalaki ang eskwelahan natin? Marami naman kwentong pambata na panlalaki, ah? May Jack and the Beanstalk, Peter Pan o kaya Pied Piper," ani Perry habang binibilang pa sa mga daliri niya ang mga kwentong pambata. "You mean, you wanted to be a rat instead of being Snow White?" Harrison teased, referring to the Pied Piper tale. "Why not!" nakangusong asik niya. Harrison chuckled. "It's just once in a lifetime role play, dude!" anito saka tinabig ang likod niya gamit ang braso nito. Ginulo ni Perry ang kaniyang buhok saka gumilid din ng upo. Halos magbungguan na ang kanilang mga braso habang nasa ibabaw ng mga tuhod nila ang kanilang mga braso. "But I don't want to wear a dress!" Tinawanan siya ni Harrison at saka pinaalalahanan. "Nakalimutan mo na ba na hindi naman para sa atin ito? Come on! It's just a stage play for a cause. Don't take it so seriously." He took a deep breath. Harrison has a point. If that stage play doesn't help those in need or less fortunate, he will definitely reject that offer. Actually, he wanted to protest a while ago in their class, but their professor made up his mind immediately that's why he can't do anything about it. Harrison pack up his laptop and put his right arm over his shoulders, which made him look into him, that gives him a perfect side view of him. Harrison keeps talking about something he couldn't understand because his attention was on his face. He couldn't help but stare at his perfect face again and again. The face he didn't get tired of. Wala nga yatang araw na hindi niya ito pinagmamasdan. Kahit kailan ay hindi siya naumay o nagsawa na titigan ito. Kulang na lang nga ay patayuan na niya ito ng rebolto sa kaniyang kwarto. That face makes him happy and complete every single day. Ang ilong nitong kay tangos, ang makakapal nitong mga kilay at singkit na mga mata. He unconsciously bit his lips when his gaze went down on Harrison's lips. Ang mapupula't maninipis na labi na matagal na niyang gustong matikman. Bumaba pa ang tingin niya patungo sa dibdib nitong lumilitaw dahil nakabukas ang dalawang butones nito. Tanaw na tanaw niya ang malapad nitong dibdib. Hindi naman iyon kalakihan pero sapat lang para sa paningin niya. Palihim niyang nakagat ang ibabang labi. Para kasing gusto na niyang dalhin ang kamay niya roon pero pinigilan niya ang sarili. Hindi siya gagawa ng mga bagay na alam niyang ikagagalit nito lalo na kung may iba pang makakakita. At ayaw niyang magkalayo sila. Marami't mahaba na rin ang pinagsamahan nila kaya hindi niya iyon sisirain o itatapon na lang para sa nararamdaman niya. Kuntento na siya sa ganitong set-up nila. Ang mahalaga, nakakausap at nakakalapit siya rito. He knew that the bible says, men are for women and women are for men only. But that belief changed when he studied high school and college at all-boys school with Harrison. He knew he was born as a man, but the attraction that Harrison brought to him was unique. In fact, he's the reason why Perry chose to transfer in his school and swimming as his sports despite having an aquaphobia. Harrison is one of their neighbors. He started to admire him when his mother invited them to Harrison's 12th birthday pool party in their house. He's the one who saved him when he was accidentally pushed into the pool by other guests. Because of him, his self-esteem increased. He was his first trainer and first love as well. Harrison snapped his fingers in front of him. "Hey, Perry! Are you listening to me?" He looked at him confused. "Huh?" "You're spacing out again," he answered without breaking their eye contact. "Oh, sorry! What were you saying?" tanong niya nang makarecover siya. "Ang sabi ko, huwag mo na masyadong isipin ang role mo dahil ako naman ang gaganap na Prince Charming mo," he said while waving his script too in front of his face while smilling from ear to ear. Nagningning ang mga mata ni Perry sa narinig. Parang gusto niyang kurutin ang pisngi nito dahil sa ipinapakita nito na siyang kahinaan niya. "Paano nangyari iyon? Hindi ba't ang sabi kanina ay manggagaling sa kabilang section ang gaganap na prinsipe?" Isa din kasi iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang pumayag sa role niya dahil hindi naman nila ka-close ang kabilang section. "Naisip kasi nila na ako iyong mas malapit sa 'yo. Baka raw kasi mas marami pang ilangan na maganap kaysa sa matapos ng maaga kaya pinatawag ako agad ni Professor sa office niya kaninang lunch time." "Kunsabagay," tanging sambit niya pero sa loob-loob niya ay nagdidiwang na lahat ng internal organs niya sa magandang balita na iyon. Kasabay naman niyon ay ang pagdating nina Faye at Anne Tonnie. Ang mga kapwa nila mga swimmers na napagkakamalang mga babae sa records ng mga guro. Iyong tipo na akala nila hindi sila enrolled sa course nila dahil wala sa listahan ng mga lalaki ang pangalan nila sa list ng mga estudyante na nakapskil sa mga pinto ng mga silid sa tuwing unang araw ng pasukan. "Kumusta naman ang prinsesa at prinsipe?" tudyo ni Faye nang mkaupo sa tabi ni Harrison. "Oo nga! Napraktis niyo na ba ang kissing scene?" gatong naman ni Anne Tonnie na kapag binigkas mo ng mabilis ang pangalan ay katunog ng panlalaking pangalan na 'Anthony'. Pinagsama kasi ang pangalan ng mga magulang nito kaya ganoon ang naging spelling ng pangalan nito. Kaya mas pinipili nito na Tonnie na lang ang itawag rito. Inambahan naman ni Harrison si Tonnie dahil sa nakakalokong ngiti nito. "Gago!" mura nito. "Aray! Parang binibiro lang, e!" reklamo naman ni Faye nang kutusan ito ni Perry. Pinaggitnaan kasi sila ng mga ito ni Harrison. "E, hindi nakakatuwa ang biro niyo!" aniya para hindi mapansin ng mga ito na apektado siya sa mga sinabi ng mga ito. "Mabuti na lang talaga at isa lang ako sa pitong dwende. Hindi magiging mahirap ang role ko," taas noong pagmamalaki ni Faye. "Oo kasi wala ka namang ibang gagawin kundi ang bumahing nang bumahing!" komento naman ni Tonnie. "At least, madali lang ang gagawin ko unlike sa inyong dalawa." Sabay turo kina Perry at Harrison. Inakbayan naman ni Tonnie si Faye. "Huwag kang mag-alala, dude, magdadala akong madaming paminta para kapag hindi mo na kayang bumahing, e, sisinghot ka na lang ng paminta." "Tama! Mas magiging effective kapag totoong bahing ang gagawin mo," gatong naman ni Perry. Nagtawanan naman ang lahat sa suhestiyon nitong iyon. Wala namang nagawa si Faye kundi ang sumimangot at humalukipkip. "E, ikaw Faye? Ano ang magiging role mo sa role playing natin?" "Ako? Syempre, ako ang magiting na utusan ng mahal na reyna. Ang siyang papatay kay Snow White sa kagubatan. At dahil gwapo ako at may galang sa mga babae, ay patatakasin ko si Snow White," anito habang tumayo pa sa harapan para i-flex ang mga muscles nito na animoy si Johnny Bravo. Tahimik naman na kinalabit ni Perry sina Harrison at Tonnie para lisanin ng tahimik ang lugar habang patuloy sa pagsasalita mag-isa si Faye. "Hoy!" hiyaw nito nang mapansin na wala na sila sa likod nito. Hanggang sa nagtakbuhan na sila habang nagtatawanan. Iyon na siguro ang pinakamasaya at hindi malilimutang event sa araw ng Foundation Day sa buong buhay nila. Hindi na tuloy maiwasan ng bawat isa na masimulan na ang kanilang role playing.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
685.3K
bc

OSCAR

read
227.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.6K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
198.0K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
581.3K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
404.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook